Masukediiii sana ollll ulittttttt
“Oh, oh, easy! I wasn't talking to you,” malamig na sagot ni Hunter, ang tono ay punong-puno ng kayabangan. “But if the cheap, hand-me-down shoes fit... then by all means, wear it.” Diniinan niya ang huling salita na may kasamang galit na hindi ko alam kung saan nanggagaling.Namula ang mukha ni Tristan sa galit. Ibabagsak sana niya ang tinidor niya para tumayo, ngunit mahigpit kong hinawakan ang magkabilang kamay niya.“Tristan, please! Wag na! Nagmamakaawa ako sa'yo, wag mo nang patulan! B-boss ko parin yan!” nanginginig na bulong ko. Ang mga luha ko ay nagbabadya nang tumulo.Kung alam lang ni Tristan... kung alam lang niya kung sino ang binabangga niya. Kung alam lang niya na ang lalakeng nasa harapan namin ngayon ay ang mismong ama ng batang idinadaan ko sa paglilihi, siguro ay gumuho na ang buong mundo niya.Tiningnan ako ni Tristan. Nakita niya ang matinding kaba at panginginig ko. Bumuntong-hininga siya nang malalim, pilit na kinakalma ang sarili. “Fine.”Nakahinga ako nang ma
Jusko, lupa! Kainin mo na ako nang buhay ngayon din! Parang awa mo na, ibuka mo ang sahig at lamunin mo ako!Mabilis kong ibinaba ang mukha ko. Nagkunwari akong abala sa pag-aayos ng table napkin sa kandungan ko, pilit na tinatakpan ang gilid ng mukha ko gamit ang buhok ko. Nanginginig ang mga kamay ko, ang dibdib ko ay parang sasabog sa sobrang lakas ng kabog.Wag kang titingin dito. Wag kang titingin dito, demonyo ka. Magpanggap kang hindi mo ako kilala!“Hindi ba, iyan ang boss mo na hinatiran ng folder kahapon, babe,” biglang saad ni Tristan, humihiwa muli ng steak nang walang kaalam-alam sa matinding kaba na nagpapatay sa akin ngayon. “He’s playboy, huh.”“S-Sshh! B-Babe, wag ka nang tumingin d'yan. K-Kumain na lang tayo,” utal at nanginginig na saway ko, hindi pa rin iniaangat ang paningin ko mula sa plato.Naramdaman ko ang pagdaan nila sa mismong gilid ng table namin. Naamoy ko. Naamoy ng sensitibong ilong ko ang pamilyar na pabango niya—ang pinaghalong amoy ng mint, musk, at
Ngumiti ako at masayang ibinuka ang bibig ko para tanggapin ang isinusubo niya.Lalasapin ko ang bawat sandaling ito. Magpapanggap akong walang Hunter Saviano na nag-aabang sa itaas ng VIP suite o sa kahit saang sulok ng malaking kumpanyang iyon.Ngunit tila ba sadyang pinaglalaruan ako ng tadhana. Tila ba may malaking galit sa akin ang uniberso at hindi ako pwedeng maging masaya kahit isang gabi lang.Dahil bago ko pa man tuluyang malunok ang masarap na karne na isinubo sa akin ni Tristan, biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng buong La Cuisiner.Ang mahina at romantikong tunog ng violin ay tila ba biglang nawalan ng tono nang magkandarapa ang dalawang waiter sa bukana ng restaurant. Ang ilang mga customer na tahimik na kumakain ay biglang nagbulungan. May kakaibang tensyon na mabilis na gumapang sa buong paligid.Kumunot ang noo ni Tristan at napalingon sa entrance. “Anong nangyayari doon? May artista ba?” inosenteng tanong niya.Dahan-dahan. Napakabagal na lumingon din ako s
Kinabukasan ng gabi.Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ko itinulak ang mabigat na glass door ng La Cuisiner, isa sa mga kilala at medyo may kamahalang restawran na malayo-layo sa Saviano.Sinadya kong piliin ang lugar na ito.Malayo sa Nocturne, malayo sa L'Éternité, at higit sa lahat, malayo sa kahit anong lugar na pwedeng puntahan ng isang Hunter Saviano.Kailangan ko ang kapayapaan ngayong gabi. Kailangan kong ipadama kay Tristan kung gaano siya kahalaga.Nang pumasok kami, agad na sumalubong sa amin ang malamlam at romantikong ilaw mula sa mga maliliit na chandelier. Ang mahinang tunog ng violin ay nagbibigay ng napaka-eleganteng atmospera.Napansin ko ang bahagyang pagka-ilang ni Tristan habang inaalalayan kami ng waiter patungo sa aming table na reserved for two.Nakasuot siya ng malinis na simpleng polo at maong, ngunit halata sa kaniyang mga galaw na hindi siya sanay sa ganitong klaseng lugar kung saan ang lahat ng tao ay pormal ang suot at tahimik kung kumain.
CRYSTAL RYETulala.Ganyan ang eksaktong estado ng buong pagkatao ko habang nakasandal ang likod ko sa malamig na leather seat ng lumang sasakyan ni Tristan.Umaandar na kami palayo sa matayog na gusali ng kumpanya, ngunit ang isip ko ay tila naiwan pa rin sa itaas kung saan ako hinalikan ulit ng demonyong iyon pagkatapos niyang sabihing wala siyang paki-alam.Hindi ko mapigilang manginig. Kinuyom ko ang mga nanginginig kong kamay na nakapatong sa aking hita, pilit na itinatago mula sa lalaking nagmamaneho sa tabi ko ang epekto ng nangyari.“If it was his, congratulations. And don’t get me wrong, if it’s mine, I don't care.”Paulit-ulit. Parang sirang plaka na nag-e-echo sa loob ng bungo ko ang boses ng dambuhalang demonyong iyon. Wala siyang pakialam.Napalunok ako ng mariin, pilit na tinutulak pababa ang bikig sa lalamunan ko na nagbabadyang maging luha anumang oras. Ang yabang niya! Ang kapal ng mukha niya! Matapos niya akong angkinin nang walang pakundangan sa loob ng Nocturne clu
Sa isang marahas na galaw, hinablot niya ito paitaas, hinubad, at itinapon kung saan sa sahig.Bumungad sa paningin ko ang nag-aapoy at matitipunong katawan niya. Ang perpektong hulma ng kaniyang abs na parang inukit sa bato, ang malapad na dibdib na kumukuyom sa bawat malalim na paghinga niya.Diyos ko. Sumigaw ka Rye! H’wag kang tutulala dy’an! Humingi ka ng tulong!Pero bago pa ako makagalaw o makasigaw muli, mabilis siyang sumampa sa ibabaw ko. Inipit niya ang magkabilang hita ko gamit ang kaniyang malalaking tuhod, kinukulong ako sa ilalim ng dambuhalang bigat niya.“H-Hunter... no...” nanginginig at nauutal na pakiusap ko, pilit na itinutulak ang matigas niyang dibdib.Ngunit parang wala siyang narinig. Ang kaniyang madidilim na mata ay naglalagablab sa isang matinding pagnanasa na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling. Ako lang ba? O sadyang ganito lang siya sa lahat ng babaeng gusto niyang angkinin?Muli niyang sinakop ang mga labi ko. Ngunit ngayon, mas mabangis.Mas ma







