Share

Chapter 188:

Penulis: Hiraya_23
last update Tanggal publikasi: 2026-04-23 23:23:22
Umalis talaga siya.

Nakatitig lang ako sa kawalan, pilit na pinapakalma ang nagwawalang tibok ng puso ko.

Parang huminto ang oras, ang paghinga ko, ang buong mundo ko.

Ang lalaking nagsabing handa niyang ibigay ang lahat, ang lalaking sumira ng buhay ko para lang makuha ako...

Sumuko na ba siya? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Tinupad niya ang hiling kong lumayo at umalis sa paraang hindi ko inasahan, he shut down Saviano at umalis para lang patunayan na kaya niyang gawin ang lahat ng sabi
Hiraya_23

KAMUSTA PO KAYO? sana po ay maayos ang lahat.

| 23
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Bernardo Bhe
hmmmm tumigil Muna Ako sa pagbabasa hahaha.medyo nawala. Ako Ng GANA sorry Ms author
goodnovel comment avatar
Lavigne Gallardo
bibigyan ko Sana Ng gems si miss A kaso nabwisit Ako sa kababawan Ng utak ni angel Kaya wag na lang
goodnovel comment avatar
Shiela Cataluña Orjalisa
sana second change po para sa baby
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 40:

    Pagkamulat pa lang ng aking mga mata, tila ba may isang daang kilong bato na nakadagan sa aking dibdib. Ang malamig at bakanteng espasyo sa kabilang bahagi ng kama ay isang mapait na paalala ng lahat ng nangyari kagabi.Si Tristan. Ang kaniyang mga panunumbat. Ang kaniyang pagtalikod. Parang unti-unting pinipiga ang puso ko sa tuwing maaalala ko ang lamig ng kaniyang boses at ang bigat ng kaniyang paghinga.Ngunit wala akong oras para magmukmok. Wala akong karapatang umiyak buong araw dahil may trabaho pa akong kailangang harapin.Bilang isang Head Stylist for VVIP, maaga akong tinawagan ni Clint ngayon. Hindi ako papasok sa Saviano dahil pinatawag ako ng demonyong iyon sa mismong opisina niya sa sarili niyang company building.Si Hunter Saviano.Paano ko siya haharapin? Pagkatapos ng ginawa niya kagabi sa restaurant? Pagkatapos niyang ipahiya ang boyfriend ko? At higit sa lahat... pakiramdam ko patuloy kong pinagtataksilan si Tristan dahil sa katotohanang mayroon kaming connection ni

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 39:

    “Imbes na naitabi natin sa check-up mo, napahiya lang ako.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong pagkatao ko.Napaatras ang dila ko. Hindi ako makapagsalita.Napahiya lang ako.Kusang umatras ang kamay ko pabalik sa aking kandungan. Pinisil ko ang sarili kong mga daliri, pilit na pinipigilan ang nagbabadyang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko.Ang sakit. Ang sakit-sakit pakinggan na parang isinusumbat niya ang perang ginastos namin ngayong gabi. Ang perang gusto ko sanang gamitin para iparamdam sa kaniya na espesyal siya, para makabawi ako sa lahat ng kasalanan ko. Pero sa huli, pera pa rin ang naging isyu.Ngunit mabilis kong pinagalitan ang sarili ko.Wag kang magalit sa kaniya, Rye. May karapatan siyang mainis! sigaw ng isip ko.Nasaktan siya. Nasugatan ang pride niya bilang lalaki.Bilang isang Engineer na nagpapakahirap sa araw-araw, napakasakit sigurong marinig ang mga pang-iinsulto ni Hunter na isa siyang 'cheap peasant' na hindi kayang buhayin ang girlfriend niya.

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 38:

    “As her boyfriend.” Saad nito na animo’y may ibang kahulugan.Sa mga salitang iyon, nakita ko kung paano nag-iba ang timpla ng mukha ni Tristan.Nakakuyom ang mga kamao niya sa ibabaw ng lamesa, namumuti ang mga buko ng kaniyang mga daliri.Bumigat ang paghinga ni Tristan. Marahas niyang inilapag ang hawak niyang tinidor at nag-angat ng tingin kay Hunter.Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at ang pag-akma niyang tumayo para harapin ang bilyonaryong nasa harapan namin.Nanlaki ang mga mata ko.Kung normal na mayaman lang si Hunter, baka hinayaan ko na si Tristan. Pero hindi.Isa siyang Saviano. Pwedeng mawala ang buhay naming, lalo na’t hindi naman lingid sa kaalalamn ko ang mga sabi-sabing hindi lang sila mga CEO or mayayama, they do something horrible… totoo man iyon o hindi ayaw kong ipagsalapran ang kaligtasan ni Tristan sa kan’ya.Bago pa man makapagsalita si Tristan, mabilis kong inabot ang nanginginig niyang kamay at mahigpit itong hinawakan.“Tristan…” nanginginig pero nagm

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 37:

    “Oh, oh, easy! I wasn't talking to you,” malamig na sagot ni Hunter, ang tono ay punong-puno ng kayabangan. “But if the cheap, hand-me-down shoes fit... then by all means, wear it.” Diniinan niya ang huling salita na may kasamang galit na hindi ko alam kung saan nanggagaling.Namula ang mukha ni Tristan sa galit. Ibabagsak sana niya ang tinidor niya para tumayo, ngunit mahigpit kong hinawakan ang magkabilang kamay niya.“Tristan, please! Wag na! Nagmamakaawa ako sa'yo, wag mo nang patulan! B-boss ko parin yan!” nanginginig na bulong ko. Ang mga luha ko ay nagbabadya nang tumulo.Kung alam lang ni Tristan... kung alam lang niya kung sino ang binabangga niya. Kung alam lang niya na ang lalakeng nasa harapan namin ngayon ay ang mismong ama ng batang idinadaan ko sa paglilihi, siguro ay gumuho na ang buong mundo niya.Tiningnan ako ni Tristan. Nakita niya ang matinding kaba at panginginig ko. Bumuntong-hininga siya nang malalim, pilit na kinakalma ang sarili. “Fine.”Nakahinga ako nang ma

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 36:

    Jusko, lupa! Kainin mo na ako nang buhay ngayon din! Parang awa mo na, ibuka mo ang sahig at lamunin mo ako!Mabilis kong ibinaba ang mukha ko. Nagkunwari akong abala sa pag-aayos ng table napkin sa kandungan ko, pilit na tinatakpan ang gilid ng mukha ko gamit ang buhok ko. Nanginginig ang mga kamay ko, ang dibdib ko ay parang sasabog sa sobrang lakas ng kabog.Wag kang titingin dito. Wag kang titingin dito, demonyo ka. Magpanggap kang hindi mo ako kilala!“Hindi ba, iyan ang boss mo na hinatiran ng folder kahapon, babe,” biglang saad ni Tristan, humihiwa muli ng steak nang walang kaalam-alam sa matinding kaba na nagpapatay sa akin ngayon. “He’s playboy, huh.”“S-Sshh! B-Babe, wag ka nang tumingin d'yan. K-Kumain na lang tayo,” utal at nanginginig na saway ko, hindi pa rin iniaangat ang paningin ko mula sa plato.Naramdaman ko ang pagdaan nila sa mismong gilid ng table namin. Naamoy ko. Naamoy ng sensitibong ilong ko ang pamilyar na pabango niya—ang pinaghalong amoy ng mint, musk, at

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 35:

    Ngumiti ako at masayang ibinuka ang bibig ko para tanggapin ang isinusubo niya.Lalasapin ko ang bawat sandaling ito. Magpapanggap akong walang Hunter Saviano na nag-aabang sa itaas ng VIP suite o sa kahit saang sulok ng malaking kumpanyang iyon.Ngunit tila ba sadyang pinaglalaruan ako ng tadhana. Tila ba may malaking galit sa akin ang uniberso at hindi ako pwedeng maging masaya kahit isang gabi lang.Dahil bago ko pa man tuluyang malunok ang masarap na karne na isinubo sa akin ni Tristan, biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng buong La Cuisiner.Ang mahina at romantikong tunog ng violin ay tila ba biglang nawalan ng tono nang magkandarapa ang dalawang waiter sa bukana ng restaurant. Ang ilang mga customer na tahimik na kumakain ay biglang nagbulungan. May kakaibang tensyon na mabilis na gumapang sa buong paligid.Kumunot ang noo ni Tristan at napalingon sa entrance. “Anong nangyayari doon? May artista ba?” inosenteng tanong niya.Dahan-dahan. Napakabagal na lumingon din ako s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status