MasukAyan, ginigil mo yan hahaha
JUNE 11, 2026 - 8:50 PMHola! Long time no see here. Namimiss ko po kayong lahat, I hope andito parin po kayo :)****************************************************************HUNTER AND RYE.Book 3 is currently under revision. Napagdisesyunan kong erevise ang book 3 dahil kailangan kong ibalik ang balance ng genre ng book. I hope you all understand po. I'm doing this for the better po. I still hope to see you po once I'm done revising na po. Thankyou so much, mga ma's
Ang nangyari sa library ay hindi ako pinatahimik.Paulit-ulit itong nag-play sa isip ko.Kinabukasan, naramdaman ko ang matinding bigat ng aking katawan. Ang trauma mula sa nasaksihang pagpatay at ang matinding pagod ay nauwi sa isang mataas na lagnat. Bawat paghinga ko ay mainit.Ang paningin ko ay umiikot.Ngunit natatakot ako. Natatakot akong magpahinga.Natatakot akong maparusahan kapag nalaman ni Hunter na hindi ko ginagawa ang trabaho ko.Pinilit kong tumayo. Pinilit kong ikalma ang nanginginig kong mga tuhod.Kailangan kong maglinis sa kwarto niya.Dala ang mga gamit sa paglilinis, tahimik akong pumasok sa malawak at malamig na master suite ni Hunter.Wala siya roon. Sinimulan kong punasan ang kaniyang malaking desk. Ngunit sa bawat paggalaw ko, parang tinutusok ng libu-libong karayom ang ulo ko.Umiikot ang kwarto. Naging malabo ang paningin ko. Ang huling naramdaman ko ay ang pagkawala ng lakas sa aking mga binti bago ako tuluyang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.Mainit
Lumipas ang mga araw na para akong hangin sa loob ng mansyon. Isang multong naglalakad sa mga pasilyo. Walang pumapansin sa akin.Ang ibang mga katulong ay nagbibigay sa akin ng silent treatment.Umiiwas sila dahil alam nilang mainit ang dugo sa akin ng Boss nila. Takot silang madamay sa galit ni Hunter.Ngayong hapon, inatasan akong maglinis sa pinakaliblib at pinakamadilim na bahagi ng mansion... ang old library.Amoy alikabok at lumang papel ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng mabibigat na pinto. Kakaunti lang ang ilaw rito, tanging ang sinag ng araw mula sa maliliit na bintana ang nagsisilbing liwanag.Nagsimula akong magpunas ng mga matataas na estante. Tahimik ang paligid. Masyadong tahimik.Biglang bumukas ang pinto.Lumingon ako at nakita ang isang lalaki. Isa siya sa mga tauhan o guard ng mansyon. Pamilyar ang mukha niya, ngunit hindi ko alam ang pangalan niya.Isinara niya ang pinto sa likuran niya at ni-lock ito.Bumilis ang tibok ng puso ko. Napaatras ako habang hawak ang
Ang lamig.Iyon ang unang sumalubong sa akin pagdilat ng aking mga mata. Ramdam ko ang matinding hapdi sa bawat kalamnan ng aking katawan habang nakahiga ako sa manipis at matigas na kutson sa lapag.Nagising ako sa maid's quarters. Walang bintana. Walang sapat na liwanag.Pilit kong iginagalaw ang aking mga daliri. Bumigat ang dibdib ko. Sa tuwing pumipikit ako, nakikita ko ang duguang katawan ni Hannah.“Hoy. Tumayo ka na diyan.”Napasinghap ako at napatingin sa pinto. Nakatayo doon ang head maid, matalim ang mga matang nakatingin sa akin. May hawak siyang isang simpleng uniporme. Inihagis niya iyon sa mukha ko.“Wala ka na sa ospital. Katulong ka na rito. Magbihis ka na dahil kailangan mong magsilbi sa dining hall. May mahalagang meeting si Boss Hunter at wala kaming oras para sa kabagalan mo,” malamig niyang utos bago tinalikuran ang pinto.Nanginginig ang mga kamay ko habang isinusuot ang uniporme.Pagpasok ko sa malawak na dining hall, halos tumigil ang pagtibok ng puso ko. Nakau
“At... p-paano kung... hindi siya magising?” pabulong na tanong ko, takot na takot sa sagot na ibibigay niya.Ang kaniyang mga mata ay lalong dumilim. Isang mapanganib na ngisi ang sumilay sa kaniyang mga labi.“Kung hindi siya magigising... mananatili kang alipin ko hanggang sa mamatay ka. Hanggang sa durugin ko ang buong pagkatao mo, araw-araw, hanggang sa ikaw na mismo ang magmakaawa na patayin kita.”Halos hindi ako makahinga.Ang kalupitan sa kaniyang boses ay totoo… malayong malayo sa Hunter na nakikipag-asaran lang sa akin no’n. Na iinisin ako at pagtatawanan.Tama nga ang kasabihang mas masama magalit ang taong katulad ni Hunter.“P-Paano kung... tumanggi ako?” nanginginig kong tanong, mahigpit ang hawak sa mga papel.Mabilis pa sa alas-kwatro, bumunot siya ng baril mula sa kaniyang likuran at itinutok ito nang direkta sa aking noo.CLICK.Kinasa niya ito.“Then I will put a bullet in your head right here, right now,” malamig na bulong niya, ang dulo ng malamig na bakal ay idin
Galit… galit na galit siya.“You look pathetic,” mababa at gasgas niyang boses ang bumasag sa nakakabinging katahimikan ng kwarto.Napalunok ako. Pinilit kong itayo ang aking sarili. Nanginginig ang aking mga tuhod, ang aking mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa gilid ng aking hospital gown.“H-Hunter...” nanginginig kong tawag sa pangalan niya.BLAG!Isang malakas na hampas sa mesa ang ginawa niya, dahilan upang mapatalon ako at mapaatras.“Don't call me by that fucking name!” dumadagundong na sigaw niya. Ang boses niya ay parang kidlat na yumanig sa buong kwarto.Dahan-dahan siyang tumayo. Ang bawat hakbang niya palapit sa akin ay parang pagbilang ng huling mga segundo ng buhay ko. Matangkad, malapad ang balikat, at may awrang pumapatay.Napaatras ako hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa aking likuran.Tumigil siya sa mismong harapan ko. Ang amoy ng alak, usok, at panganib ay pumulupot sa aking paghinga. Itinaas niya ang kaniyang kamay at marahas na hinawakan ang aking







