LOGINANDREA DELA VEGA POINT OF VIEW
Nagising ako nang sobrang sakit ng buo kong katawan. Pakiramdam ko'y akong binugbog. Ngayon ko na naramdaman yung matinding pagkapagod dahil sa pinag gagawa namin kagabi. "Hemson? kaagad kong hinanap si Afam sa kabuuan ng malaking kwarto na ito pero hindi ko siya nakita. My body is still soar and naked yet pinilit ko pa ring tumayo para hanapin siya. "Hemson?" hinanap ko siya hanggang sa banyo pero wala akong hemson na nakita. "Baka lumabas at may binili lang." sa isip-isip ko. Baka kako lumabas para bumili ng makakain namin at sakto rin at narinig kong tumunog na ang tiyan ko. Nag-intay ako kay Hemson sa pag-asang bumili lang siya ng pagkain sa labas pero inabot na ng tatlong oras ang aking pag-iintay pero wala nang hemson na bumalik. Isang staff ng hotel ang tumawag at tinatanong kung mag-eextend pa raw ba ako dahil ang binayaran lang daw ng guest na nag-occupy nito ay hanggang ngayong oras lang. "Mag-eextend pa po kayo mam?" "H-hindi ko alam, e. iintayin ko muna yung kasama ko. Siya kasi ang mag-dedecide kung mag-eextend pa ba kami o hindi na. Hindi pa kasi siya bumabalik." "Ahh, sa tingin ko po hindi na siya babalik. eto po, inabot niya sa akin itong calling card. Tawagan mo na lang daw siya para sa kabayaran daw po. Nagmamadali daw po siya kaya ibinilin na lang po sa amin na ibigay sa 'yo ito." inabot niya sa akin ang isang calling card at pagkatapos ay umalis na rin. Napangiti na lang ako ng mapait. Mukhang na-scam ako dahil iba ang pangalan na nakalagay sa calling card. Damien Cojuangco ang pangalan sa calling card at hindi Hemson. "Ugghhh! Ang tanga-tanga mo!" Halos sabunutan ko ang sarili ko nang mapagtanto ko na hindi si Hemson ang lalaking nakatalik ko matapos kong mag-backread ng aming convo ni Hemson. "Room 68 pala hindi 69." gusto kong maiyak dahil sa katangahan ko. Bakit hindi ko binasa kasing maigi? bakit hindi ko muna tinanong kung siya ba si hemson. "Haysss!!!!!" Sobrang dismayado ako dahil ako itong pumasok sa kwarto niya at naghubad. Ako itong nag-alok ng sarili ko sa kaniya. Pero kahit na. Bakit naman pumatol siya? Pakiramdam ko ay siningil agad ako ng Karma. Ayan kasi, sa kagustuhan umangat sa kahirapan mas lalo akong nalugmok. Ano pa ngayon ang ipagmamalaki ko kay Hemson ngayong sa iba ko naibigay ang virginity ko? Tuwang tuwa pa naman ako kagabi at ang sabi ko pa ay wala akong pagsisihan pero ngayon sising-sisi na ako. _____________ Dali-dali kong inayos ang aking sarili at lumabas ng kwarto. Hindi na ako sumubok na makipagkita kay Hemson na naroon lang pala sa kabilang kwarto namin at magdamag na nag-antay sa akin. Nawalan na rin ako ng gana nang mag-send siya sa akin ng picture ngayon at nakita kong sobrang tanda na pala niya. Ngayon iniisip ko kung saan ako kukuha ng pambabayad ko sa ospital. Saan ako maghahanap ng pera pang dialisys ng Inay? Kahit na masakit na masakit ang katawan ko ay dumiretso na ako sa Ospital para kumustahin ang Inay. 5 days na siyang naka-confine at naloloka na ako sa kakaisip kung saan ako magnanakaw ng ibabayad dito. "Inay, kumusta na po kayo? Laban lang po tayo, ha? lakasan niyo po ang loob niyo. May awa po ang Diyos." Nalulungkot akong makita ang Inay na nasa ganitong sitwasyon. Sobrang payat na niya at masasabi kong mahina na talaga. Pinipigilan ko lang na maiyak pero ang totoo ay ang bigat bigat ng puso ko. Bukod kasi sa sakit na bato ay may tama rin ang kaniyang atay tapos may diabetes pa siya. Nagkumplikasyon na kaya ang daming sumusulpot na sakit niya. "Anak, okay lang ako. Matanda na rin naman ako. Ikaw lang ang iniintindi ko kapag namatay ako. Ayokong lumapit ka sa mga Dela Vega para lang maipagamot ako. Mas gugustuhin ko pang namatay kesa manlimos ka sa Ama mo. Ipangako mo sa akin na kahit mamatay ako hinding-hindi ka lalapit sa kanila." Mahigpit na bilin ng inay. Maging siya mismo kasi ay naranasan ang kalupitan ng mga Dela Vega. Binuntis siya ng itay at hindi pinanagutan. Pinagbibintangan pa siya na nabuntis ng iba. "Opo, Inay. Tatandaan ko po iyan. Sa ngayon po, magpalakas kayo. Hindi ko po kayo basta-basta isusuko." Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng Inay. Tahimik ko siyang ipinagdarasal habang nakapikit ako. Ayokong isipin na isang araw ay bigla na lang niya akong iiwan. Bilang anak, gagawin ko ang lahat para mapahaba pa ang buhay niya. Nakatulog na ang Inay at lumabas na ako ng kwarto niya. Kinuha ko sa bulsa ang calling card na ibinigay ng staff hotel kanina. No choice na ako kung hindi tawagan ang lalaking pinag-alayan ko ng virginity ko. Kailangan ko siyang singilin para sa isang gabing kaligayahan na binigay ko sa kaniya. Kinuha ko rin ang cellphone ko sa bulsa at dinial ang numero na nakalagay sa calling card. Phone ringing... Sa unang tangka ko ay walang sumagot pero sa pangalawang pagtawag ko ay boses ng isang lalaki na ang sumagot na sa tingin ko ay si Damien. * * "Hello?" pambungad niya. "H-hello? S-si Damien ba 'to?" "Yes. Bakit? sino ba 'to?" Sa mga oras na ito ay namumula na ang mukha ko. Alam kong kakapalan ng mukha itong ginagawa ko pero kasi desperada na ako. Wala na akong pakialam sa iisipin niya. "Ako 'yung kagabi. Remember? kukunin ko lang sana yung bayad sa kagabi? kailangan na kailangan ko kasi ng pera." "Ah, ikaw pala. Now mo na ba kailangan? busy pa kasi ako ngayon. Kung gusto mo mamayang gabi ko na lang ibigay. Tatawagan kita kung saan mo kukunin. Bye!" at bigla na lang niya akong pinatayan ng tawag. Medyo mayabang ang tono ng pananalita niya. Medyo na-turn off na kaagad ako sa kaniya. Buti na lang guwapo siya at masarap humalik kung hindi ay ituturing kong bangungot ang nangyari sa amin. Ang importante ngayon ay may pera na akong aasahan. Iniisip ko kung magkano ko siya sisingilin. "Hindi naman siguro siya magagalit kung singilin ko siya ng 500k para sa isang gabing nangyari sa amin?"Dahil sa masakit at trahedyang pangyayaring iyon, sa kabila ng lahat ng luha, hapdi, at pagdadalamhati na dinanas ni David, sa kakaibang paraan ay nagkaroon din ito ng magandang epekto sa kanyang pananaw at buhay. Hindi naman nabura ang bigat ng pagkawala—alam niyang hinding-hindi ito magiging madali, at dadalhin niya ang sakit nito sa kanyang puso habangbuhay—ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unting may naunawaang tumimo sa kanyang isipan na kahit papaano ay nagpagaan sa kanyang dibdib. Masakit man hanggang ngayon ang pagkawala ng ama niyang si Mijo Esteban, napagtanto niya na sa isang banda, sa kabila ng lahat ng nangyari, sa wakas ay nakalaya na rin ito. Alam ni David ang buong kasaysayan ng ama—alam niya ang mga bagay na ginawa nito, ang mga desisyong pinili, ang mga kasalanang dala nito sa likod, at ang bigat na pasan-pasan nito sa loob ng mahabang panahon. Mula pa noong bata pa siya, nakikita na niya kung paano tila nakagapos ang ama sa mga bagay na nangyari na at hin
Halos buong gabi silang magkahawak ang kamay, nakahiga sa kama at tila oras ay tumigil para sa kanilang dalawa. After all the time they lost, all the days and nights they spent apart worrying if they’d ever be together again, ayaw na nilang sayangin kahit isang segundong lumipas. Every touch, every kiss, every whisper felt like making up for everything that was taken away from them. Sa sandaling ito, they felt safe, they felt loved, and for a moment, they actually believed nothing could ever hurt them or tear them apart again. "Baby, thank you for accepting me. Pangako, ngayong nandito ka na, ngayong okay na tayo, unti-unti kong ibabalik ang dating David. Ang David na minahal mo," "Baby, sabi ko sa 'yo, kahit ano ka pa ngayon, tanggap kita. Ang ayoko lang ay yung nambababae ka," "Baby, hindi na. Hindi na kailangan dahil nandito ka na." "Dapat lang! Nandito na talaga ako at wala nang makakapaghiwalay sa atin. Magsasama na tayo habang buhay!" "At sisiguraduhin kong magiging
DAVID POV Parang gumuho ang buong mundo ko sa dinami-dami ng narinig ko. Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Bianca ay parang matatalim na patalim na unti-unting tumatagos at dumudurog sa buong pagkatao ko. Ang akala kong katotohanan, ang akala kong dahilan ng lahat ng pagdurusa ko... isa lang palang maling akala. Lahat ng galit, poot, at sakit na binuo ko sa loob ay wala pa lang saysay... lahat 'yun ay nakatayo lang sa isang kasinungalingan at hindi pagkakaunawaan. Nanghina ang tuhod ko. Parang nawalan ako ng lakas, nawalan ako ng sandigan, at parang wala akong karapatang tumayo nang tuwid sa harap niya. Dahan-dahan, unti-unti akong napaluhod sa malamig at sementadong sahig. Napakapit ako sa sarili kong dibdib dahil sa tindi ng hapdi at bigat na nararamdaman ko. "Hindi ko alam... wala akong alam..." Paulit-ulit 'yang umuugong sa isipan ko. Ni minsan ay hindi ko inakalang ganun pala ang totoong kwento. Ni minsan ay hindi ko naisip na siya rin pala ay dumaan sa matinding paghihirap,
BIANCA POV Biglang tumawa nang malakas si David. Tinawanan niya lang ang mga sinabi ko like he doesn’t care at me at all.It was raw and bitter, full of all the anger and hurt he’d been sitting on forever. He locked eyes right on me, like he could see clear through to my soul, and shook his head slow – like he was judging every single thing about me. “And so? Ano naman ngayon kung nadismaya ka sa bagong David na nasa harap mo ngayon?” matigas at puno ng sarkastikong tanong niya sa akin. “Matagal na akong nagbago, Bianca! Matagal na! Huwag kang umastang gulat na gulat ka ngayon. Nagbago ako... I changed because of you! Lahat ng ito... lahat ng nakikita mo sa akin ngayon, ang mga tattoo, ang ugali ko, at kung sino ako ngayon... kasalanan mo ’yan. Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging ganito.” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at hindi kapani-paniwala sa sinabi niya. “What? Dahil sa akin? Anong kinalaman ko rito?” sigaw ko pabalik habang nanginginig pa rin ang buong katawan ko, pero
BIANCA POV Biglang bumukas nang malakas at padabog ang pinto. Sa pagtingin-tingin ko, may pumasok na isang lalaki—matangkad, malaki ang pangangatawan, at tila nagmumula sa dilim dahil sa suot niyang kulay itim na damit mula ulo hanggang paa. Nakatalikod siya sa akin habang seryosong nagbibigay ng utos sa mga kasama niyang nagbantay, kaya hindi ko agad masilip ang mukha niya. Pero sa bawat galaw niya, sa bawat pagtaas at pagbaba ng braso niya, kitang-kita ko ang buong katawan at likod niyang punong-puno ng mga tattoo. Halos wala nang matirang puwang sa balat niya dahil sa iba't ibang disenyo, mga guhit, at mga salitang nakaukit doon—mga bagay na sadyang nakakatakot tignan at nagpapakita ng kung anong uri ng tao siya. Dahil sa nakikita ko, napaatras ako at napaluhod pabalik sa sahig habang mahigpit na mahigpit na niyayakap ko ang sarili ko. I was trembling in pure fear. Nanginginig ang bawat kalamnan ko, maging ang mga kamay at tuhod ko ay hindi ko na makontrol sa tindi ng kaba at t
BIANCA POV Nakahiga na lang ako nang maluwag at payapa sa upuan ko nang tuluyan na kaming umangat at lumipad. For the first time in months, I felt truly free. Dito, sa taas ng mga ulap at malayo sa lupa, naramdaman kong ganap na nagtagumpay ako mula sa aking matagal na pinagplanuhang pagtakas. Alam kong malabo na—halos imposible na—na masundan ako ni Guilbert o ng sino pa man mula sa bahay. Masyado nang malayo ang narating ko, at wala na silang anumang ideya kung saan ako patungo. Nawala na ang bigat sa dibdib ko, nawala na ang takot na baka biglang may humabol o pumigil sa akin. I was finally away from the cage they built for me. Dito na rin ako nakapagpahinga nang lubusan, kapwa ang katawan at ang isipan ko. Ilang buwan kong kinimkim ang plano, ilang gabi akong walang tulog kakaisip kung paano ito gagawin, at ilang beses kong nilunok ang pandidiri sa sarili ko at pait ng damdamin para lang makarating sa puntong ito. Sa bawat paglipas ng minuto habang lumilipad kami, unti-unti
Habang pilit na iniiwasan at tinatakbuhan ni Damien si Andrea, kabaligtaran naman ang epekto nito sa babae. Sa halip na sumuko o mapagod, lalo lang itong nanggigigil at lalong nagiging desperada. Para sa kanya, mas lalong tumitindi ang apoy ng pagnanasa kapag tinatanggihan siya. At dahil kilala
Damien’s POV The moment it was over, I practically jumped off the bed. Nagmadali akong pulutin ang mga nagkalat kong damit sa sahig. Nanginginig ang mga kamay ko habang isinusuot ko ang damit ko. Every second I stayed in that room felt like another nail in my coffin. What the hell did I jus
Damien’s POV Sinama ko si Fia dahil gusto kong maramdaman niya na wala na siyang dapat ipag-alala. Gusto kong iparamdam sa kanya na siya lang ang mahal ko at ang pagpunta ko dito ay para sa iisang dahilan lang—para sa anak namin ni Andrea. Gusto ko ng assurance. Gusto ko ng maayos na transaks
Andrea’s POV Kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko, ayaw talaga akong kausapin ni Damien. Kahit yata mamatay pa ako sa harap niya kaya niya akong tiisin. grabe, sana all madaling maka-move on. Dalawang araw akong naghintay sa labas ng mansyon nila. Umulan man o sumikat ang araw, nandoon







