Mag-log inHi! P'wede niyo po ba itong i like at mag comment po kayo if may nagbabasa pa po nitong story nina Drew at Iya? May new books po ako ulit, Oops! Our Accidental Babies Made Us One at Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy. Daily update rin po iyon. Maraming salamat po sa suporta.
Ilang sandali lamang, nakarating na sina Iya at Drew sa Revamonte Jewel House. Isa rin iyong pag-aari ng pamilya Revamonte.Napanganga si Iya. Lahat ng nakadisplay ay kumikinang.May diamond necklace, emerald sets, ruby collections, pearls at maging mga limited edition pieces."Sir, talaga po bang need pa ng mga ganito? Ang mamahal po ng mga alahas dito," bulalas ni Iya."Mas mahal ka kaysa sa mga ‘yan, Iya," tugon ni Drew na ikinagulat niya at ng sekretarya niya. “I-Ibig kong sabihin—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hindi pa rin sila tuluyang nakakapasok sa jewel house.Tiningnan ni Drew ang screen. Isa sa mga board of directors ang tumatawag sa kaniya. Napabuntong-hininga siya."Iya.""Yes, Sir?""I have to take this call." Tumango si Iya."Habang wala ako..." Tumingin si Drew kay Iya. “Pumasok ka na sa loob at pumili ka ng mga alahas na gusto mo.”"P-Pero Sir Drew, masyado na po—”"No buts, Iya. You need to do as I say. It's writt
Mula nang mangyari ang komprontasyon nila ni Alessandra sa opisina, mas naging seryoso si Drew sa papel na ginagampanan nila ni Iyan bilang magkasintahan, hindi dahil gusto niyang lokohin ang lahat. Kailangan niya lamang maging kapani-paniwala.Alam ni Drew na hindi titigil si Alessandra at lalong hindi titigil ang kaniyang lola kaya sa mismong araw na iyon, matapos ang office hours ay nagdesisyon na siyang ipapakilala na niya si Iya bilang girlfriend niya kay Ahma.Naglakad si Drew palabas ng opisina habang sinusundan siya ni Iya."Sir... saan po tayo pupunta?"Hindi nilingon ni Drew si Iya. "As I’ve said, we will go shopping."Napakurap si Iya."Ha? Seryoso po ba talaga kayo roon?"Tumigil si Drew sa paglalakad at saka niya nilingon ang sekretarya niya. "Hindi magiging kapani-paniwala ang pagpapanggap natin kung wala kang maayos na wardrobe.""S-Sir, marami naman po akong damit.""I know." Malamig pa rin ang boses ni Drew. "But my girlfriend doesn't wear worn-out office blouses outsi
Hindi na pinigilan ng kahit sino si Alessandra nang dumiretso siya sa opisina ni Drew. Bumukas ang pinto at agad siyang sinalubong ng isang malamig at galit na tingin."What are you doing here?" diretsong tanong ni Drew.Ngumiti si Alessandra, isang kumpiyansang ngiti. "I'm here to claim what's mine." Tahimik siyang tinitigan ni Drew. Lumapit siya. "You are mine, Drew." Walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses niya. "We are about to get married." Huminto siya at tumingin sa paligid. "At walang makakapigil noon." Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya. "Kahit pa ang bago mong girlfriend."Natahimik ang buong opisina ni Drew Revamonte matapos ang huling sinabi ni Alessandra. Para sa ibang tao, maaaring nakakatakot ang kumpiyansang dala ng babae sa harap ni Drew pero para sa kaniya, nakakatawa lamang iyon. At hindi niya napigilan ang maikling pagtawa. Isang malamig ngunit malinaw na tawa na nagpahinto kay Alessandra.Napakunot ang noo ni Alessandra. "What’s funny?"Dahan-dahang umilin
Tatlong araw lamang ang itinagal ng business trip nina Drew at Iya sa Baguio pero para kay Iya, pakiramdam niya ay may nagbago sa kaniya matapos ang mga araw na iyon. Dahil sa loob ng tatlong araw, nakilala niya ang ibang mukha ng boss niyang si Drew Revamonte.“Ang CEO ng Revamonte Group, hindi naman pala gano'n katigas ang puso niya. Marunong din naman pala siyang ngumiti, makisama, mag-alala para sa ibang tao at matapang din pala siya. He's a gentleman and he protected me many times. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kaniya? Kahit yata sinong ilagay sa posisyon ko ay ganito ang mangyayari. Ang problema ko ngayon ay ang tungkol sa kontrata. We are not allowed to fall in love pero…mahal ko na si Sir Drew. At kailangan ko nang bumalik sa realidad…”“Huy, ate! Kanina ka pang ung0t nang ung0t diyan sa harap ng salamin. Papasok ka ba sa work mo today o mag-mo-monologue ka na lang d’yan maghapon?" tanong ng kapatid ni Iya na si Izza.“Kumakanta ako, ‘no. Anong umuung0t ka riyan!" “Su
Tahimik ang buong sasakyan habang tinatahak nila ang mahabang kalsada pauwi ng Maynila. Mula Baguio hanggang pababa ng bundok ay halos walang nagsasalita kina Drew at Iya. Hindi dahil wala silang gustong sabihin kung hindi dahil pareho nilang sinusubukang intindihin ang bagong sitwasyon na kinasasangkutan nila. Isang kontrata. Isang pagpapanggap. Isang relasyong hindi dapat magkaroon ng kahit anong emosyon.Habang tahimik na nagmamaneho si Drew, hindi niya maiwasang maalala ang lahat ng nangyari sa Baguio–ang halik at ang paraan ng pagtanggap nito sa kasunduan nila. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya. Pero isang bagay ang sigurado siya. Kailangan niya iyon. Kailangan niya ng taong kayang humarap kina Ahma at Alessandra. At sa lahat ng taong kilala niya, si Iya ang unang pumasok sa isip niya. Siguro dahil alam niyang hindi ito katulad ng ibang babae na lumalapit sa kaniya dahil sa pangalan niya. Siguro dahil kahit natatakot ito sa kaniya noong una. Hindi ito nagpangg
Matagal na nanatiling tahimik ang lugar matapos umalis si Alessandra.Hindi pa rin nagrerehistro sa utak ni Iya ang lahat ng nangyari, ang halik, ang pagdepensa ni Drew, ang paraan ng pagtayo nito sa harapan niya na para bang walang sinuman ang may karapatang saktan siya at higit sa lahat…ang sinabi nito. My girlfriend. Paulit-ulit iyong bumabalik sa isip niya.Hindi alam ni Iya kung dapat ba siyang magalit dahil ginamit siya ni Drew para itaboy ang dating fiancée nito. Hindi niya rin alam kung dapat ba siyang matuwa dahil sa unang pagkakataon, naramdaman niyang may isang taong pinili siyang ipagtanggol.Ngunit ang mas nakakainis sa lahat, hindi na maitatanggi ni Iya ang katotohanang nang halikan siya ni Drew...hindi niya ginustong umiwas."Iya."Napakurap si Iya nang marinig ang boses ng kaniyang boss. Doon lamang niya napansin na matagal na pala siyang nakatingin sa kawalan."Po?"Bahagyang napabuntong-hininga si Drew. "Are you okay?"Agad na tumango si Iya. "Opo." Ngunit pareho nil







