Share

Kabanata 229

Author: Docky
last update publish date: 2026-06-06 19:41:23

Sa ‘di kalayuan ay narinig na ang papalapit na mga sirena. Palakas iyon nang palakas. At habang hawak ni Gideon si Yvee sa mga bisig niya… Isa lang ang paulit-ulit niyang ipinagdarasal—na hindi ito ang huling pagkakataong maririnig niya ang boses nito.

Nakaupo si Gideon sa malamig na semento habang nasa mga bisig niya si Yvee. Parang kapag binitiwan niya ito kahit isang segundo ay mawawala ito sa kaniya.

“Sir!” Lumapit ang mga paramedic.

“Kailangan namin siyang dalhin sa stretcher.”

Umiling aga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 38

    “Alessandra.” Napaharap si Drew rito. “Hindi ko akalaing ikaw pala ang nagnakaw ng kontrata. Hindi mo lang sinubukang pigilan ang kasal. Sinubukan mo ring sirain ang buhay ng iba.” Napasinghap si Alessandra. “At ngayon?” mapanuyang tanong niya. “Gagamitin mo ba 'yan laban sa akin?” Hindi sumagot si Drew. Ang sagot ay nasa kaniyang mga mata. Lumuwag ang ngiti ni Alessandra nang kaunti. “Go ahead. Habang buhay ko nang dala ang pagkatalo, Drew. Pero siguraduhin mong dadalhin mo rin ang bigat ng katotohanang minsan ka ring naging dahilan kung bakit ako naging ganito.” Napatigil si Drew. “Hindi, Alex. Itigil mo na ang pag-akto na parang ikaw ang biktima dahil ang totoo, kung anuman ang kalagayan mo ngayon, kung anuman tayo ngayon, kasalanan mo iyon.” Umiling si Alessandra. Sa harap ng lahat, huminga nang malalim si Drew at saka humarap kay Ahma. “Narinig ninyo ang lahat.” Hindi kumibo ang matanda. “Kaya wala nang dahilan para itago ko pa.” Maging ang mga bisita ay natahimik. “N

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 37

    Sa isang iglap, mabilis na hinablot ni Alessandra ang baril ng isa sa kaniyang mga tauhan at itinutok iyon kay Iya.Napasigaw ang mga bisita. Napaluhod si Ismeralda sa takot. Maging si Ahma ay napahawak sa dibdib habang napapaatras ang ilan sa mga kasambahay at bodyguard na naroon.“Iya!” sigaw ni Drew. Agad siyang humakbang palapit, ngunit hindi pa siya nakakalapit nang tuluyan nang itutok ni Alessandra ang baril sa kaniya. “Huwag kang gagalaw, Drew.”Naningkit ang mga mata ni Drew. “Alessandra, itigil mo na ang kahibangang ito.”“Ngayon ka pa magpapanggap na nagmamalasakit ka?” mapait na tawa ni Alessandra. “Ako ang niloko mo. Ako ang iniwan mo. Ako ang pinahiya mo.”Hindi nagsalita si Drew. Hindi dahil wala siyang sasabihin, kundi dahil alam niyang anumang salitang ibubuga niya ay lalo lamang magpapalala sa sitwasyon. Walang kwenta ang mga sinasabi ni Alessandra dahil puro kasinungalingan lamang ang mga iyon at alam iyon nina Ahma at Gideon.Huminga nang malalim si Iya kahit nang

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 36

    “Magandang araw po, Ahma,” nakangiting bati ni Alessandra.Nagdilim ang mukha ng matriyarka. “Wala kang karapatang tawagin akong Ahma.”Nagkibit-balikat lamang si Alessandra. “Sayang naman. Akala ko matutuwa kayong malaman ang katotohanan.”Napakunot-noo ang lahat. Katotohanan?Mabagal na itinaas ni Alessandra ang envelope. “Sigurado ba kayong gusto ninyong ituloy ang kasal na ito?”Napatingin si Iya kay Drew. Bahagyang naningkit ang mga mata ni Drew nang makita niya ang envelope na hawak ng dating kasintahan. Pamilyar iyon. Sobrang pamilyar.Dahan-dahang inilabas ni Alessandra ang ilang dokumento mula roon. Nang makita ni Drew ang unang pahina... biglang nagdilim ang kaniyang mukha.Ang kontrata! Iyong ang kontratang pinirmahan nila ni Iya!“Impossible...” mahinang bulong ni Drew. “How did she get it?" Ngumisi si Alessandra. “Hinahanap mo ba ito?” Itinaas niya ang dokumento upang makita ng lahat. Malalaki ang nakasulat sa unang pahina:CONTRACT WIFE AGREEMENTNapasinghap ang mga

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 35

    Tahimik ang buong private chapel. Lahat ng naroon ay nakatuon ang pansin sa lalaking nakatayo sa altar at sa babaeng nakasuot ng puting wedding gown.Mahigpit na magkahawak ang mga kamay nina Drew at Iya.Sa labas ng simbahan, unti-unti nang nagsimulang gumalaw ang mga tauhang ipinadala ni Alessandra.“Team Alpha, pumasok na.” “Copy.”Tahimik na naglakad ang dalawang lalaki papasok sa chapel habang bitbit ang malalaking kahon na tila mga flower arrangements. Walang sinuman ang naghinala. Kasama kasi sila sa listahan ng mga supplier na ipinasa sa security at hindi nila alam na peke ang mga ID na suot ng mga ito.Sa loob ng chapel...“Do you, Drew Revamonte, take Iya Monteverde to become your lawful wife?”Hindi agad nakasagot si Drew. Sa halip ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Iya.Napangiti si Iya. Ramdam niyang kinakabahan din ang lalaking nasa harapan niya.Dahan-dahang huminga si Drew bago nagsalita. “I do.”Napuno ng palakpakan ang maliit na chapel. N

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 34

    Madaling-araw pa lamang ay gising na ang buong Revamonte Mansion. Abala ang mga kasambahay sa paghahanda ng isusuot ni Drew. Ang mga bodyguard naman ay isa-isang nagre-report kay Gibo habang mahigpit na sinusunod ang security protocol na ipinag-utos ng kanilang amo.“Sir Gibo, secured na po ang private chapel.” “Double-check ninyo ulit ang paligid,” seryosong utos ni Gibo. “Walang papasok na hindi kasama sa guest list.” “Yes, Sir.”Hindi pa rin mapakali si Gibo. Hindi niya maipaliwanag, ngunit pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda.Samantala, tahimik na nakatayo si Drew sa harap ng floor-to-ceiling mirror sa kaniyang silid. Suot na niya ang custom-made black tuxedo. Perpekto ang ayos ng kaniyang buhok. Ngunit kabaligtaran noon ang kaguluhan ng kaniyang isipan.“Drew.” Napalingon si Drew nang pumasok si Ahma. Napangiti ang matanda. “Ang guwapo naman ng apo ko.”Ngumiti rin si Drew. “Salamat po.”Lumapit si Ahma at inayos ang kuwelyo ng tuxedo ni Drew. “Ilang taon kon

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 33

    “Sir Drew, huwag na po ninyong uulitin ito. Kapag nalaman ni Ahma na nagmaneho kayo ng lasing baka masisante ako sa trabaho ko," sabi ni Gibo habang nagmamaneho. “Mabuti na lang at tinawagan ako ni Miss Iya." Tahimik lamang si Drew habang nakaupo sa may backseat. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang palihim na hinahawakan ang kaniyang labi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyaring halik kanina. Mas ikinagulat niya ang katotohanang hindi siya itinulak ni Iya.Napabuntong-hininga si Drew. “Tuluyan ka na nga yatang nahuhulog, Drew,” mahina niyang bulong sa sarili.Napailing si Gibo. “Naku! Malala na si boss. Kanina, kinakausap ko siya hindi naman siya tumutugon. Ngayon namang walang kumakausap sa kaniya, saka naman siya salita nang salita. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig." Pagdating nina Gibo at Drew sa mansyon, nadatnan nilang gising pa rin si Ahma. Tahimik itong umiinom ng tsaa sa sala. “Late ka na ng uwi,” ani Ahma nang hindi man lang nililingon ang kaniy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status