Share

Kabanata 30

Author: Docky
last update publish date: 2026-02-20 23:52:19

Napalingon si Yvee sa pinto. Maingat niyang inilipat si Atlas pabalik sa sofa. “Teka lang ha. Titingnan muna ni mommy kung sino ‘yon. Dito ka lang.”

“O-Okay po,” sagot ni Atlas na ngayon ay mahigpit na nakahawak sa gilid ng sofa habang sinusundan ng tingin ang kaniyang ina.

Nang makarating si Yvee sa pinto ay binuksan niya iyon at kumunot ang noo niya nang makita niya si Drew Revamonte, ang pinsan ng mismong CEO ng hotel na kinaroroonan nila ngayon.

“Anong maipaglilingkod ko sa iyo?” Umarko ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ria Me
sarap patayin c Drew parang babae na maaagawan sa pinsan nya hahaha kaloka miss A anung klasing lalaki
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 29

    Unti-unting nawala ang mga ngiti. Tahimik na napatingin si Drew kay Iya. Hindi niya alam na ganoon pala kalungkot ang buhay ng dalaga noon.“Salamat ha,” biglang sabi ni Ismeralda.Nagulat si Drew. “Po?” “Salamat. Sa pag-aalaga sa anak ko.”“Hindi niyo po kailangang magpasalamat. Bilang boy—” “Hindi,” putol ng ginang. “Nanay ako. Nakikita ko ang pagbabago sa anak ko. Tahimik lang ‘yang si Iya. Masyado siyang workaholic pero iba ang mga mata niya ngayon.”Napatingin si Drew kay Iya. Namumula na ang mukha nito sa hiya. “Nay…”“Oh bakit? Totoo naman.” Ngumiti lamang si Ismeralda. “Mabuti na rin. At least may lalaking marunong mag-alaga sa anak ko.”Biglang sumingit si Izza. “Wait lang.” Lahat ay napatingin sa kaniya. “Interview muna.”Napailing si Iya. “Naku. Nagsimula na naman ‘yan siya.”Lumapit si Izza kay Drew. “Question number one. Anong REAL intentions mo sa Ate ko?” Diretso ang tanong. Hindi man lang siya nagdalawang-isip ngunit mas mabilis ang naging sagot ni Drew. “Paka

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 28

    Mahigpit pa ring magkahawak ang kamay nina Drew at Iya habang papalapit sila sa maliit na bahay ng pamilya Monteverde. Hindi nakaligtas sa paningin ni Ismeralda ang holding hands while walking ng anak niya at ng lalaking kasama nito. Mula pa lamang sa malayo ay napangiti na siya. “Siya na ba 'yon?” mahinang tanong niya sa bunso niyang anak. Agad namang lumingon si Izza. Pagkakita sa lalaking kasama ng kaniyang ate, halos mapasinghap siya. “Grabe... Bakit parang artista? Hindi... Mas guwapo pa yata siya sa artista.”Napatawa si Ismeralda. “Huwag kang tumitig nang husto at baka makita ka. Nakakahiya.” “Eh nakakagulat naman, Nay. Akala ko ordinaryong boyfriend lang ni Ate. Eh parang CEO siya ng buong Pilipinas eh.”Hindi napigilan ni Ismeralda ang matawa.Samantala, rinig na rinig iyon nina Drew at Iya ang usapan ng mag-ina. Bahagyang napangiwi si Iya sa hiya. “Drew...” mahina niyang bulong. “Huwag na huwag mong sasabihin sa kanila ang tungkol sa kontrata. Pakiusap. Huwag nilang mal

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 27

    Huminga muna ng malalim si Drew bago niya binasag ang namumuo na namang katahimikan sa loob ng sasakyan. “Hindi naman kasi isang business proposal ang paggawa ng baby. Once a baby is released into this world, those who made him will be obligated to do the responsibilities and duties of a parent.”"T-Tama ka. Hindi basta-basta ang magkaroon ng anak. Malaking responsibilidad iyon.” Napangiti si Iya. Pero unti-unti ring nawala ang ngiti niya. “Drew.” “Hm?” “Natatakot ako.”Hindi agad sumagot ang binata. “Bakit naman? Hindi naman kita pipiliting paligayahin ako sa kama at bigyan ako ng tagapagmana." “Sira ka talaga!” Napatigil si Iya sa pagsasalita nang maalala niyang boss pa rin niya ang kausap niya. "Ay sorry. Ikaw naman kasi eh!" “Ikaw naman. Masyado mo kasing sineseryoso ang mga bagay-bagay. Sige ka, madali kang tatanda niyan." Huminto saglit si Drew. “Pero seryoso na. Bakit ka ba natatakot? Dahil ba kay Ahma? Don't worry. Mukha lang siyang masungit pero mabait iyon.”“Hindi tun

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 26

    Tahimik sa loob ng sasakyan. Matapos ang nakakagulat na hapunan sa Revamonte Mansion, walang ni isa kina Iya at Drew ang nagsalita.Nakatutok lamang si Drew sa kalsada habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Nakatitig naman si Iya sa singsing na nasa kaniyang palasingsingan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari sa buong araw niya. Ilang oras pa lamang ang nakalipas, isa lamang siyang sekretarya ng Revamonte Group. Ngayon... fiancée na siya ng pinakabatang CEO ng bansa!Kahit alam ni Iya na bahagi lamang iyon ng kasunduan, hindi niya mapigilang haplusin ang singsing. Napakaganda. Napakamahal. At higit sa lahat... si Drew mismo ang nagsuot noon sa kaniya.Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ni Iya. Napailing siya. ‘Iya, tigilan mo na ang kakaisip. Kontrata lang 'to. Huwag kang mahulog nang sobra dahil sa bandang huli, masasaktan ka lang!’ paulit-ulit niyang pinapaalala sa sarili. Ngunit sa tuwing naaalala niya ang mga salitang binitiwan ni Drew sa harap ni Ahm

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 25

    “Alessandra,” malamig na tawag ni Ahma ngunit hindi ito nakinig sa kaniya.“Mas matagal tayong nagmahalan! Mas ako ang nararapat! Drew! Sabihin mong biro lang 'to!”“Alessandra.” Mas lumamig ang tinig ng matriyarka ngunit patuloy pa rin ito sa pagsigaw. Hanggang sa…“UMUPO KA!”Napatalon sa gulat ang lahat. Maging si Alessandra ay natigilan. Ngayon lang nila narinig si Ahma na sumigaw nang ganoong kalakas.“D-Doña...” ani Alessandra.“Umupo ka.” Mahinahon na ulit ang boses ni Ahma ngunit mas nakakatakot iyon.Dahan-dahang naupo si Alessandra. Hindi niya maintindihan ang nangyayari.Kasunod noon, pumalakpak si Ahma. Isa. Dalawa. Tatlo. Palakas nang palakas. Nagkatinginan sina Drew at Iya. Naguguluhan na rin ang lahat.Maya-maya ay mabilis na tumakbo ang matriyarka patungo sa kinaroroonan nina Drew at Iya.“Ahma?” nagtatakang tawag ni Drew. Ngunit sa halip na siya ang yakapin, dumiretso ang lola niya kay Iya at mahigpit itong niyakap.“A-Ahma?” gulat na sabi ni Iya.“Salamat!” masaya

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 24

    Tahimik ang buong hardin. Lahat ng mata ay nakatuon kina Drew at Iya.Patuloy na nakaluhod si Drew habang mahigpit na hawak ang maliit na velvet box. Sa loob nito ay kumikislap ang isang napakagandang diamond ring na tila sumasalamin sa bawat ilaw ng hardin.“Iya...” Mahina ngunit matatag ang boses niya. “Will you marry me?”Nanginginig ang mga kamay ni Iya. Hindi siya makasagot. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi... Hindi ito ang napag-usapan nila. Wala sa kontrata ang proposal. Lalo nang wala sa usapan ang kasal.Napalunok si Iya bago yumuko nang bahagya upang tanging si Drew lang ang makarinig. “Drew...” mahina niyang bulong. “Bakit mo ginagawa 'to? Hindi ito kasama sa kontrata.”Bahagyang ngumiti ang binata. “Hindi nga pero kailangan natin itong gawin.”Napakurap si Iya. “Ano?”Mahina ring bulong ni Drew. “Naniniwala si Ahma na hindi kita mahal. Kung tatanggi ka ngayon... wala nang maniniwala sa relasyon natin.”Napapikit si Iya. May punto si Drew. Pero... Pr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status