LOGINAria's point of view
Napilitang umurong si Luigi. Kahit gaano pa katapang ang apog niya sa mansyon namin, wala siyang laban sa mga Villarreal. He looked at me with pure hatred, yung tingin na babayaran mo 'to mamaya, bago siya bumalik sa bar area, bagsak ang mga balikat na parang basang sisiw. deserve na deserve. One point for me, zero for the ássholes back home, tagumpay na bulong ko sa sarili ko. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Saint King. He was leaning closer, his hand resting on the back of my seat. "So, Aria... anong kailangan ng isang Zaldivar sa isang tulad ko? Hindi ba't balita na ang engagement mo sa lalaking 'yon?" I laughed, a soft, melodic sound na sinadya kong gawing mapang-akit. "Engagement? That's just a contract my Tita signed. It doesn't mean anything to me. I prefer... more interesting company." Pinaglaruan ko ang laylayan ng buhok ko habang nakatitig sa mga mata ni Saint. He was charming, and I could feel him responding to my flirtation. He reached out to tuck a strand of my hair behind my ear. "I like your honesty. You're different from—" "Saint." Isang salita lang 'yon mula kay Roigie, pero parang biglang lumamig ang hangin sa paligid. Napalingon ako sa kanya. Roigie was just sitting there, swirling the ice in his glass, pero ang talim ng tingin niya sa kapatid niya. Wait. Did I see that right? Biglang binawi ni Saint ang kamay niya. Parang isang salita lang yun, tameme na agad? Saint King—the untouchable playboy of the club, suddenly behaved. Uminom na lang siya ng whiskey niya at bahagyang lumayo sa akin. What the hell was that? "Is there a problem, Roigie?" tanong ko, looking at him with a raised eyebrow. "Bakit parang bad mood ka yata?" Roigie placed his glass on the table with a soft thud. "I just don't like it when my brother gets too ahead of himself. Especially with someone... fragile." "Fragile?" Muntik na akong matawa. "Hindi mo ba nakikita 'tong leather jacket at boots ko? I'm anything but fragile." "Maybe," he whispered, leaning in so close that I could smell the familiar scent of his cologne, the same scent that was all over me during that car crash and the wrestling match with his fiancée. "But I’ve seen how easily you get bruised, Aria." Napatigil ako. My heart skipped a beat. Is he referring to the scratches on my arm? Yung mga kalmot na nilinisan niya? Pero bago ko pa siya masagot, lumingon siya kay Saint. "Saint, I think I saw your friends at the bar. Why don't you join them for a while? I need to have a... private conversation with Miss Zaldivar about a business matter." Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Saint. Tumingin siya sa akin, tapos kay Roigie. But in the end, he just sighed and stood up. "Fine. Enjoy the business talk, Roigie. Nice meeting you, Aria." Nang makaalis si Saint, kaming dalawa na lang ang natira sa booth. The space felt smaller. Ang init na naman, kahit ang lakas ng aircon ng club. "What do you want, Roigie?" asik ko sa kanya, dropping the sweet act. "Bayad na ako sa'yo, 'di ba? The debt is clear. Bakit ka ba nangingialam sa pang-e-seduce ko sa kapatid mo?" Roigie leaned back, his arm spreading across the back of the sofa, effectively trapping me. "You're playing a dangerous game, Aria. My brother doesn't know who you are. He doesn't know about the car, the debt, or the fact that a week ago, you were moaning my name in a VIP room." "I was acting!" "Were you?" He smirked, his eyes dropping to my lips. "Tell me, Zaldivar... bakit mo kailangang gamitin ang kapatid ko? To spite your Tita? To annoy Luigi? O para lang patunayan sa sarili mo na wala ka nang nararamdaman mula sa halik ko last week?" "You're delusional," I spat, but my inner thoughts were screaming. Bakit ba ang galing niyang basahin ako? "I chose Saint because he's a Villarreal. Simple as that." "But I'm a Villarreal too," he whispered, his hand suddenly finding its way to the back of my neck, his thumb stroking the sensitive skin there. "And I'm much, much better at burning things down than he is." Napalunok ako. The intensity in his eyes was terrifying. He was like a predator playing with his food. Mali yata ang pinasok ko. Akala ko gagamitin ko sila, pero bakit parang ako ang unti-unting nakukulong sa laro ni Roigie Kade? "Let go of me, Roigie," I whispered, but I didn't move. "I told you, Aria... this isn't the last time we'll see each other." He leaned in closer, his lips brushing against my ear. "And for the record, stop trying to seduce my brother. It’s making me... impatient." Sa gitna ng bangayan namin ni Roigie, biglang nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na bulto sa hindi kalayuan. Nanlaki ang mga mata ko. Nyssa? Anong ginagawa ng anak ni Victoria rito? Si Nyssa lang ang tanging rason kung bakit hindi ko pa tuluyang sinusunog ang mansyon nina Tita. She’s the golden child, prim and proper, at laging sumusunod sa gusto ng magulang niya. Pero ngayon, nakatayo siya sa gitna ng wild na crowd, mukhang takot at hindi mapakali. "Excuse me," mabilis kong sabi kay Roigie, hindi na naghintay ng sagot niya. Nakita ko ang isang lalaking medyo may katabaan at parang dito palang amoy ko na ang alak sa kanya, namimilit din kay Nyssa. Hawak nito ang braso ng pinsan ko at pinipilit na siyang hinahatak kung saan. "Nyssa!" sigaw ko habang sumisingit sa crowd. "Ano’ng ginagawa mo rito?" "A-Aria..." naiiyak na tawag niya sa akin. "I just wanted to see you, nalaman ko kay Luigi na isinama ka niya rito, I was worried—" "Bitawan mo siya," hinarap ko yung lalaki. My voice was cold as ice. "Ngayon din." "At sino ka namang pakialamera ka?" angal nung lalaki, lalong hinigpitan ang hawak kay Nyssa. "GF ko 'to tonight, kaya umalis ka rito kung ayaw mong masaktan." "GF mo mukha mo! Pinsan ko 'yan at wala siyang balak sumama sa isang mukhang palaka na katulad mo!" asik ko. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa ulo. Walang pwedeng humawak sa kapatid ko nang ganyan. "Aria, let's just go, please..." bulong ni Nyssa, nanginginig na siya. "No, Nyssa. Hindi tayo aalis hangga't hindi nagso-sorry ang gonggong na 'to," matigas kong sabi. Nagdilim ang paningin nung lalaki. "Aba, matapang ka ah!" Sa tindi ng galit niya, binitawan niya si Nyssa at mabilis na iwinasiwas ang kamay niya para sabunutan ako. I winced, waiting for the impact, pero bago pa man dumapo ang mga daliri niya sa buhok ko, isang malakas na tunog ng pagpihit ng buto ang narinig ko. Isang kamay ang mabilis na humuli sa braso nung lalaki. Isang kamay na may suot na mamahaling relo at punong-puno ng awtoridad. "I don't think that's a good idea," boses 'yun ni Roigie, na nagpapatayo ng balahibo ko. Hinigpitan niya ang hawak sa braso nung lalaki hanggang sa mapaluhod ito sa sakit. "You touched something that doesn't belong to you. And now, you're planning to lay a hand on her?" "A-aray! Bitaw! Sino ka ba?!" daing nung lalaki. "Someone you don't want to meet in a dark alley," sagot ni Roigie, bago niya marahas na itinulak ang lalaki palayo. "Get out of my sight. Before I decide to make sure you never walk again." Kumaripas ng takbo yung lalaki na parang nakakita ng demonyo. Hinarap ako ni Roigie, ang kanyang mga mata ay bumalik sa dati nitong lamig, pero may bahid na ng pag-aalala na sinubukan niyang itago pero nakita ko 'yun, ha. "Are you okay?" tanong niya, ang tingin ay nasa akin lang, na para bang nakalimutan niya ang presensya ni Nyssa. "I-I'm fine," hingal kong sagot, bago ko mabilis na niyakap si Nyssa. "Nyssa, bakit ka ba pumunta rito? Mapapahamak ka, alam mong bawal ka sa ganitong lugar." "I just... I couldn't let you be alone with Luigi," mahina niyang sagot, humihikbi na. Napatingin ako kay Roigie. He was standing there like a dark guardian, watching us. Nakakainis. Bakit kailangang siya pa ang laging sumasagip sa akin? At bakit sa tuwing nandoon siya, pakiramdam ko ay ligtas ako kahit alam kong siya ang pinakamapanganib na lalaki sa silid na ito?Aria's point of view "Lipat pala tayo sa veranda," aya ni Ingrid sabay tayo mula sa sofa habang bitbit ang kanyang luxury bag. Lumingon siya patungo sa kusina at medyo nilakasan ang boses. "Manang Elena! Padala na lang po ng mga finger foods at refreshments doon sa labas, salamat po!""Sige po, Ma'am Ingrid!" sagot naman agad ni Manang mula sa loob.Sumunod ako sa kanya palabas ng malaking sliding glass door patungo sa malawak na veranda ng villa. Ang ganda ng view dito, tanaw na tanaw ang asul na dagat at dinadaluyan ng malamig na hangin ang buong paligid. Humilig si Ingrid sa mamahaling outdoor chair habang ako naman ay naupo sa tapat niya, niyayakap ang sarili ko dahil medyo malamig ang simoy ng hangin galing sa baybayin."Grabe, Aria. Hindi ko inakalang pagbalik ko rito sa Pilipinas, makikita kita sa ganitong sitwasyon," panimula ni Ingrid, dahan-dahang tinatanggal ang kanyang sapatos para itampisaw ang paa sa hangin. "I mean, noong college,
Aria's point of view "Manang Elena," tawag ko sa caretaker habang nilalaro ng tinidor ko ’yung natitirang piraso ng bacon sa plato. "Saan po ba eksakto ’tong lugar natin? I mean, nasa lungsod o probinsya ba ’to?"Napatigil si Manang sa pagpupunas ng counter at ngumiti nang hinhin. "Ay, ija, ang alam ko lang ay nasa loob tayo ng San Antonio Resort Village. Pero pagdating sa mga eksaktong direksyon o lokasyon sa mapa, naku, hindi ko rin kabisado. Hatid-sundo lang din kasi ako ng driver nina Sir Leonhardt kapag may kailangang asikasuhin dito."Bumagsak ang balikat ko. Nagbakasali lang naman ako, baka sakaling pwede akong tumakas uli gamit ang Google Maps. Pero naisip ko rin ’yung sinabi ni Manang tungkol sa mga guwardiya sa labas. Sumilip ako nang bahagya sa bintana ng kusina at muntik ko nang maibuga ’yung iniinom kong hot chocolate. Shít, may dalawang lalaking naka-tactical gear at may hawak pang mahabang baril ang naglalakad sa gilid ng pool!Par
Aria's point of view Paggising ko, sinalubong agad ako ng maliwanag na sikat ng araw na tumatagos sa dambuhalang glass window ng kwarto. Sandali akong napatitig sa puting kisame habang pilit kong inaalala kung paano ako napadpad sa estrangherong kama na ’to.Parang biglang bumalik ang lahat.Ang huli kong natatandaan, nasa Café Serenade ako. Kasama ko sina Rheinn, Ihmsol, at Khara. Masaya kaming nagkukuwentuhan, tumatawa pa nga ako habang iniinom ang Caramel Macchiato ko dahil sa wakas ay nakatakas ako sa hawla ni Roigie. Pero pagkatapos kong maubos ’yung kape, biglang umikot ang paligid ko. At ang pinakamalinaw at pinakamasakit na memoryang nakatatak sa utak ko ngayon... ay ang mukha ng tatlo kong kaibigan bago ako tuluyang mawalan ng malay.Wala manlang nag-panic, kahit na sumigaw manlang. Ang huli kong nakita ay ang pag-iyak ni Rheinn habang bumubulong ng sorry, habang si Ihmsol naman ay dahan-dahang lumapit para saluhin ako na parang alam na
Roigie's point of view Pagkaalis na pagkaalis ko sa pinangyarihan ng aksidente, pinatapos ko muna ang ilang kilometro bago ko tuluyang itinabi ang SUV sa isang madilim at bakanteng gilid ng kalsada. Kailangan kong huminga at pakalmahin ang nagwawalang sistema ko dahil kung magpapatuloy ako sa pagpapatakbo nang ganito kagigil, baka kami naman ang maaksidente ni Aria.I shifted the gear to park pero hindi ko pinatay ang makina. Lumingon ako sa passenger seat. Nandoon pa rin si Aria, mahimbing na natutulog habang medyo nakabukas ang mga labi. Hinawakan ko ang leeg niya para kapain ang pulso niya. Normal naman ang tibok, pero malamig ang balat niya.Hindi ko siya pwedeng ibalik sa mansyon ngayon. Masyadong malapit 'yon sa kabihasnan at paniguradong doon unang magmamanman ang mga aso ni Luigi kapag nalaman nilang pumalya ang pagdukot. I needed a place that was completely off the grid. Isang lugar na pribado, mahigpit ang seguridad, at walang sinumang makakakon
Roigie's point of view The speedometer was hitting numbers it shouldn't be hitting inside a subdivision, pero wala akong paki. I slammed on the brakes, making the SUV’s tires screech violently as I drifted sharp around the corner leading to the back exit of Greenfield Subdivision. "Dax, give me the exact location now!" I roared into the Bluetooth speaker. My hands were practically glued to the leather steering wheel, bumaon ang mga daliri ko sa tindi ng hawak. "The van just exited the secondary gate, Roigie! It’s a gray, unmarked Toyota Hiace," Dax’s voice barked through the static. "They bypassed the main highway checkpoint. Pumasok sila sa shortcut leading to the bypass road ng old warehouse district. Binabantayan ng mga drone ko ang area, but they’re moving fast." "I’m closer. Update me on the coordinates!" "Two hundred meters ahead of you. Kakaliko lang nila sa unlit road past the abandoned gas station." "They can't hide from me," I hissed. I hit the high beams of my
Roigie's point of view I was staring at the fvcking financial forecast on my laptop screen, pero hindi pumasok kahit isang numero sa utak ko. My mind was drifting back to the living room sofa, to the way Aria looked when she threw that pillow at my arm, blushing like crazy after I threatened to take her upstairs.She thought I was just messing with her. She had no fvcking idea how much restraint it took for me to just sit there and pretend to type.The sharp vibration of my burner phone against the glass table shattered the quiet of the study. Hindi ito ang corporate line ko. It was the secure line encrypted by Dax’s agency.Sinagot ko sa unang ring pa lang. Isang malamig na pakiramdam ang gumuhit sa sikmura ko. "Talk to me.""Sir, we have a breach." It was Dax’s lead field agent outside, basag ang boses niya, halatang natataranta. "The perimeter wall malapit sa laundry area, nag-trigger ang mga sensors ten minutes ago. We checked he
Roigie's point of view "Mmmm... Roigie..."Ang daing ni Aria sa leeg ko habang nakasampa siya sa kandungan ko sa sahig ng sala ay sapat na para tuluyang mapatid ang natitirang wisyo ko. She was completely wrecked by the vodka, smelling sweet and dangerous all at once, totally o
Aria's point of view "Sige, stay here. Kukuha lang ako ng first aid kit sa kusina," sabi ko kay Roigie na kasalukuyan nang naupo sa sofa, parang siya na ang may-ari ng mansyon. Tumango lang siya, pero hindi man lang inalis ang tingin sa akin. Yung titig na 'yon, parang sinusuri pati kaluluwa ko k
Aria's point of view The footsteps outside stopped right in front of the door. Ramdam ko ang pagsasara ng lalamunan ko sa tindi ng kaba. Grabe naman 'to si tits Victoria. Alam kong nandoon na siya, nakatayo sa labas, at malamang sinisigurado kung talagang hindi ako makakatakas sa impiye
Aria's point of view Pasimple kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng jacket. May isang message na pumasok. Unknown Number: I'm still outside. Just in case. Napalunok ako. Kahit hindi nakalagay ang pangalan, alam ko kung sino 'to. Hindi ko alam kung baki




![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


