แชร์

CHAPTER 3-THE TWINS

ผู้เขียน: Sweet_Spice
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-05 10:50:54

SERENA'S POV

Nagising ako at nakita ang sarili kong nakahiga sa isang kama sa clinic. Nakaupo si Mama sa gilid, magkasalikop ang mga kamay sa kandungan habang nakatitig sa sahig.

"Ma, anong nangyari?" tanong ko habang hinahawakan ang ulo ko. Hindi na gaanong umiikot ang paningin ko. "Ma?"

Nag-angat siya ng tingin. May kung anong bigat sa mga mata niya.

Hanggang sa tuluyan siyang nagsalita.

"Anak, sigurado ka bang walang kapalit ang ten million na pinautang sa'yo ng Jam Gang?" Tanong niya sa mahinahong boses pero puno ng paghihinala at pag-aalala.

"Po? Oo naman. Bakit?"

"Kung ganoon..." Huminto siya, tila maingat na hinahanap ang tamang mga salita. "...bakit sinabi ng doktor na halos dalawang buwan ka nang buntis?"

Para akong nabingi. At sa isang iglap pakiramdam ko ay huminto ang mundo pati ang pag ikot ng oras.

And for a moment I forgot to breath.

"H-Huh?! Ano?!" Umalingawngaw ang boses ko sa maliit na silid.

Tahimik lang si Mama habang pilit kong binubuo sa isip ko ang mga nangyari. Ni minsan ay hindi ko ibinigay ang virginity ko kay Eric. At lalong hindi nakuha ng Jam Gang ang katawan ko.

Isa lang ang ibig sabihin nito.

"Ang lalaking nasa hotel..."

"May sinasabi ka ba, anak?" tanong ni Mama habang hinahawakan ang mga kamay ko.

"Ma... pasensya na." Kumirot ang dibdib ko. "Patawarin mo sana ako."

Doon ko ikinuwento ang lahat. Kung paano ako isinama ni Celine sa club. Kung paano niya inayos ang lahat para magmukhang aksidente ang nangyari. Kung paano ako nagising kinabukasan na wala ni isang malinaw na alaala.

"Ang masama pa..." Bahagya akong napayuko. "Hindi ko alam kung sino ang lalaking iyon."

Hindi ko magawang salubungin ang tingin ni Mama. Pakiramdam ko ako mismo ang naghukay ng problemang ito dahil sa maling taong pinagkatiwalaan ko.

"Ma... pasensya na." Nanginig ang boses ko.

Hindi ko alam kung alin ang mas mabigat—ang hiya o ang katotohanang may batang nadamay sa pagkakamaling hindi ko man lang naunawaan noon.

Unti-unting bumuhos ang mga luha ko.

"Pasensya na talaga..." I sobbed.

Agad akong niyakap ni Mama nang mahigpit. Para bang sinusubukan niyang akuin kahit kaunti ang bigat na dinadala ko.

Paano ko mababayaran ang Jam Gang kung hindi ako makakatapos ng kolehiyo?

Ang plano ko noon ay makapagtapos, makapagtrabaho sa ibang bansa, at unti-unting mabayaran ang utang.

Pero ngayon...May anak na ako.

"Ma, hindi ko sinasadya..." Paulit-ulit kong sabi habang nanginginig ang mga balikat ko. "Hindi ko alam na aabot sa ganito."

"Huwag mong akuin ang lahat nang mag-isa, anak." Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ko. "Narito lang ako. Kakayanin natin ito."

"Huwag mo lang ipalaglag ang bata," dagdag pa niya.

"Paano kung hindi ko mabayaran ang utang?" Bumara ang lalamunan ko. "Ma, hindi biro ang sampung milyon."

"Pero anak, biyaya pa rin iyan."

Napailing ako.

"Kailan pa naging biyaya ang magkaroon ng anak na maaaring sumira sa kinabukasan natin?"

"Makinig ka sa akin." Hinawakan ni Mama ang magkabilang pisngi ko. "Hindi dahil may hadlang ay katapusan na agad. Isa lang itong pagsubok."

Pinilit kong salubungin ang tingin niya.

"Tatagan mo ang loob mo. Hindi lang para sa akin." Dahan-dahan niyang ibinaba ang palad sa tiyan ko. "Para rin sa anak mo."

Ang mga salitang iyon ni Mama ang unti-unting nagpatahimik sa magulong isip ko.

Hindi nawala ang takot sa hinaharap, pero kahit paano ay hindi na ako nag-iisa sa pagharap dito.

Tumigil ako sa kolehiyo. Ipinagpatuloy ko ang part-time job ko habang si Mama naman ay nagtitinda ng kung anu-anong pagkain para maitaguyod ang pang-araw-araw naming gastusin.

Hindi tuwa ang unang naramdaman ko nang malaman kong kambal ang dinadala ko.

Isang babae at isang lalaki.

Sa tuwing nakikita ko ang sarili ko sa salamin, kasabay ng lumalaking tiyan, para akong binabalikan ng mga pagkakamaling pilit kong gustong kalimutan.

Bawat buwan ay paalala ng gabing wala akong maalala.

Matapos ang siyam na buwan, dumating din ang araw ng panganganak.

Akala ko kamumuhian ko sila.

Akala ko bawat tingin ko sa kanila ay magpapaalala lamang ng sakit at panlolokong pinagdaanan ko.

Pero mali ako.

Sa unang pagkakataong marinig ko ang pag-iyak nila, may kung anong nabasag sa matigas kong puso.

Sa unang pagkakataong mahawakan ko sila...

Parang may bahagi ng sarili kong muling nabuhay.

Napakaliit ng mga kamay nila, napakagaan, at napakainit.

Habang pinagmamasdan ko silang natutulog sa magkabilang braso ko, unti-unting naglaho ang lahat ng galit na ilang buwan kong kinimkim.

It felt as if life was giving me a second chance.

Hindi para sa sarili ko kundi para sa kanila.

Nakangiting nakatingin si Mama sa amin.

"Ma," mahina kong tawag habang hindi inaalis ang tingin sa kambal, "ganito ba talaga ang pakiramdam kapag una mong nakita ang mga anak mo?"

"Oo," sagot ni Mama na may ngiting hindi maalis sa labi. "Ganiyan nga."

Maingat niyang hinawakan ang maliit na kamay ng sanggol na nasa kanan ko.

"Kahit sanggol pa lang, halata nang may maamo silang mukha."

Tumango ako nang marahan.

Totoo nga naman ang sinabi niya.

Parang mga mumunting hiyas ang kambal.

Maputi ang balat at kakaiba ang kulay ng kanilang mga mata.

"Ang mga mata nila..." Bahagyang napahinto si Mama. "Parang pinaghalong asul at tsokolate."

Napatingin ako sa mga anak ko.

Hindi ko man lang nakita nang malinaw ang ama nila.

Ni isang alaala ng mukha niya ay wala akong mahugot.

Tanging mga pira-pirasong eksena lamang na hindi ko mabuo.

"Sigurado akong guwapo ang ama nila!" dagdag ni Mama.

"Ma..."

Napatawa siya.

"Sige na nga. Ano ang ipapangalan mo sa kanila?"

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kambal.

"Ang babae ay si Chloe at ang lalaki ay si Caleb."

Hindi ko pa rin maalis ang tingin sa kanila.

"Gagamitin nila ang apelyido natin. Sisiguraduhin kong magiging masaya sila."

Huminga ako nang malalim.

"Hindi nila kailangan ng ama dahil gagawin ko ang lahat para sa kanila."

Mas hinigpitan ko ang yakap sa kambal.

Mula sa araw na iyon, iyon na ang naging pangakong dapat kong gampanan bilang isang ina.

SIX YEARS LATER.

Payapa ang naging buhay namin sa mga sumunod na taon. Sa loob ng anim na taon, halos wala akong ibang ginawa kundi magtrabaho.

Call center sa umaga at tagalinis ng hotel sa gabi.

Samantala, patuloy namang nagtitinda si Mama ng iba't ibang kakanin habang inaalagaan ang kambal kapag wala ako.

Siniguro kong hindi sila magkukulang sa pangangailangan. At higit sa lahat, sinubukan kong punan ang puwang ng amang hindi nila nakilala.

Si Chloe ay isang masayahing bata. Madali siyang makipagkaibigan at laging may ngiti sa labi. Si Caleb naman ay kabaligtaran. Tahimik, mapagmasid, at nakakagulat na matalino para sa edad niya. Sa apat na taong gulang pa lamang ay marunong na siyang magbasa ng English at magsagot ng simpleng math problems. Minsan tuloy ay mas matanda pa siyang magsalita kaysa sa mga kaedad niya.

"Maglilinis muna si Mama sa itaas, okay?" sabi ko habang hinahaplos ang mga ulo nila. Narito kami sa hotel na pinagtatrabahuhan ko. "Dito lang kayo at magpakabait."

"Babantayan ko si Chloe," sagot ni Caleb sa kalmado niyang boses.

"Ma, babalik po kayo agad, ha?" sabi ni Chloe habang nakahawak sa laylayan ng uniporme ko. "Ang susungit ng mga tao rito. Hindi man lang ngumingiti."

Napalingon silang dalawa sa matangkad na lalaking kakadaan lang.

Nakasuot siya ng itim na polo na maayos ang tabas at lalong nagbigay-diin sa malapad niyang balikat. Kasunod niya ang ilang lalaking naka-itim na suit at isang babaeng mukhang sekretarya niya. Kahit hindi siya magsalita, kapansin-pansin agad ang presensya niya.

Marahil ay isa siyang VIP guest ng hotel. At kahit ngayon ko lang siya nakita rito, may kung anong pamilyar sa kaniya na hindi ko maipaliwanag.

I came back to my senses when the man suddenly looked my way.

For a brief moment, our eyes met.

May kung anong pakiramdam na dumaan sa akin, na tila matagal ko nang naranasan ngunit hindi ko matukoy kung saan.

Agad akong umiwas ng tingin.

Baka isipin niyang tinititigan ko siya.

Hayst. Saan ba napupunta ang isip ko?

"At bakit naman sila ngingiti?" sabi ni Caleb. "Sa ganitong kamahal na hotel, lahat ng tao ay abala. Ayon sa statistics—"

Naputol siya nang mapansing wala nang nakikinig si Chloe.

"Hoy, nakikinig ka ba?" tanong ni Caleb habang nakataas ang isang kilay.

"Huh? Ah, oo." Napakurap si Chloe.

Hindi pa rin maalis ang tingin niya sa direksiyon ng lalaki.

"Ang lalaking iyon kasi..." Bahagya siyang napaisip. "Parang kamukha mo, Caleb."

"Nakalimutan mo bang kambal tayo?" sagot niya habang nakakunot-noo. "At hindi ko kamukha iyon. Mukha siyang mayabang."

"Shh," pagsaway ko sa dalawa.

"Mga anak, hindi magandang biro iyan. Baka may makarinig at mawalan pa ako ng trabaho."

"Totoo naman." Nagkrus ng braso si Caleb.

Pero sa kaibuturan ng isip ko, hindi ko rin maitangging may kakaibang pamilyaridad akong naramdaman nang magtagpo ang mga mata namin ng lalaking iyon.

"Haha." Mahina akong natawa. "Sige na, huwag kayong mag-away."

Pagkatapos ay itinuro ko ang sofa kung saan sila nakaupo.

"Dito lang kayo. Babalik ako mamaya."

Ngunit bago ako makalayo, muli akong pinigilan ni Caleb.

"Kung iisipin..." Tumaas ang tingin niya sa direksiyon ng lalaking kanina pa nila pinag-uusapan.

"Parang pareho ang kulay ng mga mata natin."

Bigla akong natigilan.

"Sigurado ako na kulay asul ang mga mata ng ama natin," sabi ni Caleb. "Katulad ng lalaking dumaan kanina."

"Caleb—"

Hindi ko naituloy ang pagsaway ko nang magsalita si Chloe.

"Ma, hindi mo ba talaga kilala ang ama namin?"

Napabuntong-hininga ako. Lumuhod ako sa harap nilang dalawa at hinawakan ang kanilang mga balikat.

"Makinig kayong mabuti." Pinilit kong ngumiti.

"Hindi ninyo kailangan ng ama para maging masaya. Nandito naman si Mama at si Lola, hindi ba?"

"Ayos lang naman sa akin kahit wala kaming ama," sagot ni Caleb habang nagkikibit-balikat. "Pero nakakapagtaka pa rin."

Sandali akong natahimik. Balang araw sasabihin ko rin sa kanila ang buong katotohanan.

Pero hindi pa ngayon. Dahil kahit ako mismo ay hindi alam ang buong katotohanan.

"Mag-uusap tayo mamaya," sabi ko habang inaayos ang uniporme ko. "Kailangan ko nang maglinis sa second floor."

Tumayo ako at itinuro ang sofa.

"Dito lang kayo. Huwag lalabas ng hotel at huwag pupunta sa gitna ng lobby. Ayos ba?"

Tumango silang dalawa. Umalis na ako at nagsimulang maglakad patungo sa second floor.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang sabihin sa kanila ang totoo tungkol sa gabing nagbago sa buhay ko.

Matapos ang ilang minuto ng paglilinis.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Napahinto ako nang makita ang pangalan ng sender.

Jam Gang.

Kumirot ang sikmura ko. Ngayon ang taon na dapat mabayaran ko nang buo ang utang ko. Ilang beses na nila akong kinontak ngayong araw. Hindi ko pa nga naaabot ang kalahati ng sampung milyong utang ko.

Mabilis akong nag-type.

Serena: Pakiusap, maaari ba akong makahingi ng kaunting palugit? Hindi ko pa kayang bayaran ang ganoon kalaking halaga. Hintayin ninyo akong makapag-abroad. Nangangako akong magbabayad ako.

Ilang segundo lang ang lumipas bago dumating ang sagot.

Boss: Marami na kaming ibinigay na palugit sa'yo. At ang sinasabi mong pag-aabroad ay noong nakaraang taon mo pa sinasabi. Siguraduhin mong makakabayad ka. Nakasulat sa kontrata kung ano ang magiging kapalit kapag hindi mo nagawa iyon.

Nanghina ang pagkakahawak ko sa cellphone.

Hindi lang pera ang nakataya, pati ang sarili ko.

"Serena!"

Napasinghap ako at agad na ibinulsa ang cellphone nang makita ko ang manager namin.

Papalapit si Ma'am Hannah, matalim ang tingin at halatang hindi natutuwa.

"Hindi ba sinabi kong bawal ang cellphone habang oras ng trabaho?"

"Pa-pasensya na po, Ma'am," mabilis kong sagot. "May emergency lang po."

"Emergency?" Sarkastiko siyang natawa. "Pinapayagan na nga kitang dalhin ang mga anak mo rito, tapos may dahilan ka na naman?"

"Hindi na po mauulit."

Hindi man lang siya natinag. Sa halip ay lumingon siya sa likuran niya.

"Daniel!" sigaw niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang mahigpit na hawak ni Daniel sina Chloe at Caleb sa kanilang mga braso.

"Ma!" sigaw ni Chloe.

"Daniel, bitawan mo sila." Pagmamakaawa ko habang nakatingin sa kaniya.

"Alam mo ba ang ginawa ng mga anak mo?" singhal ni Hannah. "Nakabasag sila ng mamahaling vase!"

"Ma, hindi po namin sinasadya!" mabilis na paliwanag ni Chloe. "May batang tumulak sa amin. Tinutukso niya kami at sinabing ampon daw kami dahil wala kaming ama."

Parang may pumisil sa puso ko sa narinig.

"Ma'am, pakiusap," sabi ko habang lumalapit sa mga anak ko. "Hindi nila sinasadya. Babayaran ko na lang po."

"Paano ka magbabayad?" Napairap siya. "Baon ka nga sa utang."

Napatahimik ako sandali.

May kung anong kumirot sa loob ko, ngunit agad ko iyong nilunok dahil nasa harap ko ang mga anak ko.

"Ma'am, huwag n'yo pong idamay ang mga bata." Pagmamakaawa ko ulit.

"Kaya lumalaki silang walang disiplina dahil kinukunsinti mo!" sigaw niya.

Bigla siyang kumuha ng mahabang patpat na kahoy mula sa gilid.

Agad na nagyelo ang katawan ko.

"Kung hindi mo sila kayang turuan, ako na lang."

Agad na umalingawngaw ang iyak ni Chloe sa takot habang si Caleb naman ay nanatiling tahimik, bagama't halatang kinakabahan.

Itinaas ni Ma'am Hannah ang patpat para paluin ang dalawang anak ko.

Hindi na ako nagdalawang-isip. Mabilis kong niyakap ang kambal at hinarangan sila ng katawan ko.

"Ma'am, huwag!" Pagmamakaawa ko sa kaniya.

Ngunit hindi siya nakinig. Ang manager namin ay walang puso at walang awa. Hindi lamang siya mapang-api kundi mapagmataas din.

Pinikit ko ang mga mata ko nang ihampas na sana niya ang patpat.

Hinigpitan ko ang yakap ko sa mga anak ko.

Gagawin ko ang lahat para hindi sila masaktan dahil iyon ang ipinangako ko sa sarili ko.

Ngunit habang nakapikit ako, nagkaroon ng kakaibang katahimikan sa hallway.

Maging ang iyak ni Chloe ay unti-unting humina.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para lamang makitang nakahinto sa ere ang braso ni Ma'am Hannah.

May kamay na mahigpit na nakapulupot sa kaniyang pulsuhan.

The tall man from earlier.

Ang lalaking pinag-uusapan nina Caleb at Chloe kanina sa lobby.

His expression was as cold as ice, and there was no trace of mercy in his eyes.

Ngayon ko lang nakita nang malapitan ang mukha niya. Ang una kong napansin ay ang malalalim niyang asul na mga mata.

I felt a strange familiarity just by looking into his eyes. It felt as though I had seen them before, but I couldn't remember when or where. It felt like a connection I couldn't explain.

Parang nakita ko na ang mga mata niya noon. But when and where?

Dalawa na lamang ang kasama niyang lalaking naka-itim na suit sa likuran.

Kalmado niyang hinawakan ang pulsuhan ni Ma'am Hannah. Parang likas sa kaniya ang mag-utos nang hindi kailangang magtaas ng boses. Ngunit nang magsalita siya, parang bumigat ang hangin sa paligid.

"Stop." Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig niya. Mababa ang boses niya, malamig at kontrolado.

Higit sa lahat, mapanganib.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang braso ni Hannah bago tumingin sa aming tatlo ng mga anak ko.

Isa-isa niya kaming sinuri na parang may hinahanap.,Parang may kinukumpirma.

Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin kay Hannah. Mas nakakatakot iyon kaysa kanina.

Iyon ang uri ng tinging kayang magpatayo ng balahibo at magpatigil sa pag-ikot ng mundo.

"Si... Sir Sebastian?" Nanginig ang boses ni Ma'am Hannah. "Ba-Bakit n'yo ako pinigilan? Tinuturuan ko lang naman ng leksiyon ang mga lapastangang taong ito."

"Don't you know?" Mas tumalim pa ang tingin niya kay Ma'am Hannah. "She's my wife."

Agad na may kung anong bumara sa lalamunan ko. And for a second, I forgot that I'm a human trying to live.

Napatingin siya sa kambal kong anak bago muling nagsalita.

"And the twins... are mine."

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Unknown Visitor
Over naman sa line...nakaka excite!
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 33-ROOFTOP

    SERENA'S POVTahimik lang kaming naglakad papunta sa hagdanan. Walang nagsasalita. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang yabag ng mga paa namin habang isa-isang inaakyat ang bawat baitang.Hindi ko alam kung bakit parang mas mabigat ang bawat hakbang habang papalapit kami sa rooftop.Marahil dahil alam kong hindi lang simpleng pag-uusap ang naghihintay sa itaas.O baka dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tuluyang nakakawala sa panaginip na gumising sa akin.Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay may bagay na unti-unting sumisikip sa dibdib ko.Nakaabot na kami sa rooftop ng mansion nila.Humampas agad sa akin ang malamig na hangin.Mula rito ay kitang-kita ang buong paligid. Sa isang banda ay ang makakapal na puno na halos yumayakap sa buong lupain ng mansyon. Bahagyang gumagalaw ang mga dahon sa bawat ihip ng hangin, tila ba may sarili silang awiting kinakanta sa gitna ng katahimikan.Sa kabilang banda naman ay ang lungsod.Nagniningning ang daan-daang ilaw ng m

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 32- 1 AM

    SERENA'S POVNakita ko ang sarili ko sa isang malawak na bukirin. Malinis ang paligid, maaliwalas ang hangin, at may naririnig akong mga tawanan ng bata. Umaalingawngaw ang kanilang mga boses sa bawat sulok na tila ba walang bahid ng lungkot ang mundong iyon.Naglakad ako papalapit sa isang bangin. Tinanaw ko ang napakagandang tanawin. Napangiti ako nang makita ang mga anak kong masayang naghahabulan habang humahalakhak nang malakas.Nakatayo lang ako at tahimik silang pinanood na magsaya at maglaro.Si Ina naman ay nakaupo sa gilid kasama si Papa. Abala silang nag-iihaw ng barbecue habang paminsan-minsan ay nagtatawanan. Sinasalubong ng sinag ng araw ang kanilang mga balat, ngunit hindi iyon nakakasilaw o nakapapaso. Ang mga ibon ay malayang lumilipad sa himpapawid, walang takot na dumadapo sa malalapit na puno.Napakaganda ng panahon.Parang napakaayos ng takbo ng buhay kapag mula rito mo ito tinitingnan.Tinaas ko ang kamay ko upang kawayan sila, ngunit natigilan ako nang makita an

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 31-PAST TRAUMAS

    SEBASTIAN'S POVI walked into my room, my skin still covered in goosebumps.The moments Serena and I shared earlier at the theme park were unexpected.EARLIERI looked up at the Viking ship. It smelled like childhood, clinging to me once more. The childhood I had lost. The scars were still buried within me, silently craving for some air.I looked at Serena, and she seemed excited even though she was trying not to show it. Even though she already had children, she still looked like a child searching for fun.And just being with her kept reminding me of someone. It must be Hazel, or the woman who took my virginity.Every time I saw Hazel, my past traumas came rushing back, and I didn't even want to remember them, even if we once had a good relationship.We walked toward the seats, and I could already sense that this wasn't going to end well."Madali lang ito," she said calmly."Sigurado ka?" I asked."Obviously."She shrugged her shoulders as if everything was normal, but my heart was r

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 30-PRINCESS?

    SERENA'S POVNakarating na kami sa hallway sa third floor ng mansyon. Kasama ko ang mga anak ko at si Sebastian. Nasa likod rin namin ang butler. Tahimik lang kaming naglalakad habang siya ay kalmadong nakataas ang baba, tila sanay na sanay sa engrandeng paligid ng bahay.Mukhang pupunta yata kami sa pinagawa niyang library para sa anak ko. Hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako o mangangamba dahil dito.Mukhang mas magiging mapamahal pa nga talaga ang mga anak ko sa kaniya.Pumasok kami sa isang pintuan na hindi kalayuan."Chloe, Caleb... this is for you," sabi ni Sebastian.Dahan-dahang binuksan ng butler ang pinto.Ang una naming nakita ay ang madilim na silid na halos wala pang maaninag."Are you ready?" tanong ni Sebastian.Tumango naman ang mga anak ko habang kumikislap ang pananabik sa kanilang mga mata.Binuksan ni Sebastian ang ilaw at bumungad sa amin ang isang napakalawak at napakagandang library.Mula sahig hanggang kisame ay napapalibutan ito ng matataas na bookshelf na pu

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 29-HAPPINESS OR MONEY?

    SERENA'S POVTahimik lang kami sa biyahe. Nasa front seat ako katabi si Sebastian na ngayon ay nagmamaneho.Bandang alas-siyete na ng gabi. Nababalot na ng mga ilaw ang buong siyudad. Kumukutitap ang matataas na gusali habang nagliliwanagan ang mga billboard at karatula ng mga tindahan. Sunod-sunod ang mga sasakyan sa kalsada, bumubuo ng mahabang hanay ng mga pulang brake lights at mapuputing headlights. Sa bawat traffic light ay may mga taong nagmamadaling tumawid, may mga naglalakad pauwi na may bitbit na mga paper bag, at may mga pamilyang magkakasamang naghahanap ng makakainan. Buhay na buhay ang gabi, ngunit kakaibang katahimikan ang bumabalot sa loob ng sasakyan namin.Parang isang pikit lang ay tapos na ang araw.Aaminin ko, nag-enjoy ako kanina. Ang tipong ginawa namin para lang matuwa ang lolo't lola niya ay ikinasaya ko pala.Napunta ang mga mata ko kay Sebastian. Ang isa niyang siko ay nakasandal sa bintana habang bahagyang nakapatong ang pisngi niya sa kamao niya. Ang isa

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 26- BENCH

    SERENA'S POVMatapos ang roller coaster ay hindi pa doon nagtapos ang kalokohan ni Sebastian.Sa halip na umuwi ay pinilit niya akong sumakay pa sa iba pang rides.Ang una ay ang Viking ship.Malaki itong barko na nakasabit sa napakalaking bakal. Sa una ay mabagal lamang ang paggalaw nito habang pataas at pababa.Tahimik lang si Sebastian habang magkatabi kaming nakaupo."Madali lang ito," sabi niya."Sigurado ka?""Obviously."Ngunit makalipas lamang ang ilang minuto ay mas mataas na nang mas mataas ang pag-indayog ng barko.Napahigpit ang hawak ko sa bakal habang tumatawa at sumisigaw ang ibang tao."Woooo!"Pakiramdam ko ay lumulutang ang sikmura ko sa tuwing bumabagsak kami.Nang lingunin ko si Sebastian ay agad siyang umiwas ng tingin.Bahagyang namumutla na naman ang mukha niya."Okay ka lang?""Of course."Ngunit halatang hindi.Lalo na nang mapansin kong mas mahigpit pa ang hawak niya sa safety bar kaysa sa akin.Pagkababa namin ay agad siyang dumiretso sa isang gilid.Huminga

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 2-LEFT WITH CRUMBS

    SERENA'S POVMakalipas ang dalawang oras na paglalakad ay nakarating na ako sa labas ng bahay namin. Nanginginig ang katawan ko sa lamig dahil basang-basa ako sa ulan.I pressed my purse against my chest, silently praying that everything would be alright.Ngunit nang makita ko ang tanawin sa harap

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 6-WE'LL BE SLEEPING TOGETHER, EVERY NIGHT

    SERENA'S POVKinabukasan, nagising ako sa malambot at malawak na kama ng hotel suite. Ang mamahaling puting kumot ay nakabalot pa rin sa aming tatlo habang ang mahinang sikat ng araw ay dahan-dahang sumisilip mula sa malalawak na bintana. Ang ginintuang liwanag nito ay tila marahang humahaplos sa m

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 5-PEACE OR REVENGE?

    SERENA'S POVMatapos kong pirmahan ang kontrata, I noticed Sebastian's satisfied face. Hindi ko akalain na siya ang CEO ng L-Electronics. Kung tutuusin, medyo bata pa siya para pangunahan ang ganoon kalaking kompanya.Maraming clause na inilagay si Sebastian sa kontrata, kabilang ang: Clause 2, act

  • Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father   CHAPTER 1-HER OWN TRUST RUINED HER

    SERENA'S POV"Ahh!!!"I screamed my lungs out nang makita ko ang sarili kong hubad at nakahiga sa isang malaking kama. Ang mas malala pa, may katabi akong hindi kilalang lalaki na nakahubad at nakatalikod habang natutulog.I covered my mouth as my eyes widened in shock. Lumingon-lingon ako sa palig

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status