LOGINLumi POVPagkalabas namin sa spa ay parang ibang tao na ako. Parang bagong tao na ako. Parang nawala ang sakit sa lahat ng katawan ko. Parang pakiramdam ko ay bago ang binti, hita, braso, leeg at mga paa ko. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng pagod na naipon sa katawan ko nitong mga nakaraang linggo. Mula sa renovation ng main branch, sunod-sunod na meetings, pag-asikaso sa mga contractor, at kung anu-ano pang responsibilidad.Lahat iyon ay parang pansamantalang nawala.Sa labas, sinalubong ako ng preskong hangin mula sa dagat ng Bora.Napangiti ako lalo kasi ito ‘yung pakiramdam na matagal ko nang gustong maramdaman. “Ang sarap!”Napalingon sa akin si Sorin. “Ano, pagod ka na ba o ready na para sa first gala mo rito sa Boracay?”“Aba’y ready na siyempre, walang mapapagod basta nandito ako sa Boracay,” mabilis kong sagot.“Kung ganoon, let’s go!” sabi niya, saka na ito nag-umpisang maglakad.Hindi na kami sumakay ng sasakyan. Mas gusto raw niyang lakarin namin ang beach. Mas mararam
Lumi POVSa labas ay may naghihintay ng isang itim na luxury car. May staff na agad na nagbukas ng pinto para sa amin.“Good morning, Sir. Ma’am,” magalang nilang bati sa amin. Ang eksena ay parang mag-asawa kami ni Sorin. Iyon nga lang, minsan, parang nakikita kong alalay lang ang eksena ko sa tabi niya. Ang pangit naman kasi nitong damit na suot ko. Hindi manlang niya ako pinili ng kahit isang maganda-ganda.Tahimik akong sumakay habang si Sorin naman ay umupo sa kabilang bahagi. Pagkasara ng pinto ay halos wala akong marinig na ingay mula sa labas.Napansin ko agad iyon.“Wow, biglang tahimik dito sa loob ah,” sabi ko habang hinahaplos ang leather seat.Napalingon si Sorin sa akin. “Acoustic glass kasi.”Nagulat ako. “Kahit sasakyan may ganoon?”Tumango naman agad siya. Grabe, marami pa rin talaga sa mundong ito ang bago sa akin. Salamat kay Sorin dahil nararanasan ko ang mga ito.Habang umaandar ang sasakyan ay tanaw ko ang magagandang makikita rito ng Boracay.May mga turistang n
Lumi POVMaagang nakatulog kagabi, kaya maaga rin akong nagising. Pagdulat ng mga mata ko, ilang segundo akong nakatulala sa kisame. Pagkatapos ay saka ko lang naalalang nasa Boracay nga pala kami ni Sorin.Nandito nga pala ako sa napakalaking kuwarto ko, na para bang anak ako ng isang Senador sa sobrang ganda nitong tulugan ko.Mabilis akong bumangon sa kama at lumapit sa balcony. Pagbukas ko pa lang ng sliding door ay agad akong sinalubong ng malamig at sariwang hangin, at kasabay, sa wakas, maliwanag ko nang nakita ang Boracay! Tanaw na tanaw ko na ang maputing buhangin, at kahit maaga pa lamang ay may ilang turista nang naglalakad sa tabing-dagat.Ang ganda ng dagat dahil sa kulay asul nitong kulay.Mas maganda pa pala ito sa personal kaysa sa napapanood ko sa mga vlog. Hindi ko namalayang halos limang minuto na pala akong nakatanaw roon. Kasi naman, tumataas ang balahibo ko sa sobrang ganda ng islang ito. Ngayon, gets ko na kung bakit gandang-ganda ang mga tao rito.Habang nakatu
Lumi POVHalos alas nuwebe na ng gabi nang tuluyan kaming makarating sa Boracay. Mula sa Caticlan Airport ay sumakay pa kami ng sasakyan papunta sa jetty port, saka tumawid patungong isla. Kahit gabi na ay ramdam ko pa rin ang kakaibang simoy ng hangin dito sa isla. Presko at parang, yeah, sige, parang maalat na ang hangin.Paulit-ulit akong lumilingon sa paligid habang nasa sasakyan kami. Kahit madilim na, kitang-kita pa rin ang mga ilaw ng mga establisimyento at ang masiglang paligid. Hindi ko napigilang mapangiti.“Totoo na talaga.”Napalingon si Sorin sa akin dahil sa sinabi ko.“Totoong ano?”“Na nandito na tayo sa Boracay.”Medyo good mood na siya kasi wala na kami sa maraming sosyal na tao, kaya puwede na akong mag-asal probinsyana.“Welcome to Boracay.”Ganito pala kapag first time mo. Para akong batang first time na nakapunta sa mall, ganoong-ganoong ang napi-feel ko ngayon.Excited ako sa lahat. Sa beach, pagkain, mga pasyalan, at siyempre sa mga spa na pupuntahan namin.Mak
Lumi POVPagsapit ng alas sais ng gabi ay nasa airport na kami ni Sorin. Habang bumababa ako ng sasakyan ay hindi ko napigilang mapangiti.Pero kahit napapangiti na ako, hindi pa rin tuluyang nawawala ang inis ko kay Sorin dahil sa mga damit na ipinapili niya sa akin kaninang umaga. Sa tuwing maaalala ko ang mga linen dress at mahahabang palda na halos gusto niyang isuot ko sa Boracay, napapailing na lang ako.First time ko pa naman doon. Inaasahan kong makakapagsuot ako ng mga cute na beach outfit.Pero mukhang ang ending, parang magiging disenteng dalagang nagbabakasyon kasama ang buong angkan.Napabuntong-hininga na lang ako. Bahala na. Nabili na rin naman.At saka, mas nangingibabaw na ngayon ang excitement ko. Pa-Boracay na kasi talaga kami.Totoo na talagang doon na kami patungo. Panay pa naman ang nuod ko kanina ng mga vlog sa boracay, panay din ang tingin ko sa mga picture doon sa Stargram.Ilang oras na lang ay makikita ko na mismo ang isa sa pinakasikat na beach sa Pilipinas
Lumi POVHalos araw-araw ay nasa main branch na agad ako ng Sorin Spa bago pa magsimula ang trabaho ng mga contractor, kaya tuwing gigising sa umaga, binibilisan ko talaga ang kilos.Kaya pagkabangon ko ng higaan ay agad akong dumiretso sa walk-in closet. Kinuha ko ang magiging outfit ko para sa araw na iyon.Simple lang palagi pero presentable. ‘Yung pang-business casual lang.Habang inaayos ko ang buhok ko sa harap ng salamin ay narinig ko ang mahinang katok sa pinto.“Ma’am Lumi, puwede po bang pumasok?”Boses iyon ng isa sa mga kasambahay. “Si Liza po ito.”Nagtaka naman ako. Ang aga-aga naman niyang may kailangan sa akin. Pero pinapasok ko pa rin.“Buksan mo na, hindi naman naka-lock ang pinto,” sagot ko sa kaniya.Dahan-dahang bumukas ang pinto. Pumasok si Ate Liza habang magalang na nakayuko nang bahagya sa akin.“Good morning po, Ma’am,” bungad niya sa akin.“Good morning, Ate Liza,” sagot ko naman.Tinignan ko siyang mabuti. Akala ko lang ay may breakfast in bed ako, kasi gan
Misha’s POVNoong linggong iyon, isang hindi inaasahang bisita ang nagpunta sa aming tahanan. Si Cassian Monteverde. Nung isang araw ay magkausap kami, biniro pa niya ako na isang araw, gugulatin na lang daw niya ako sa bahay namin. Hindi ko inaasahang gagawin niya talaga. Hindi ko mapigilang mapangi
Everett’s POVNakahinga ako nang maluwag nang marinig ko mula sa doktor na ligtas na si Misha. Pero kahit alam kong daplis lang ang tama niya, may bahagi sa akin na hindi mapakali. Tahimik akong naupo sa tabi ng kama niya habang natutulog siya, hawak ang malamig niyang kamay. Hindi ko maiwasang magba
Misha’s POVNagising akong may matinding kirot sa ulo. Parang hinahati ito ng isang mabigat na bagay. Pagmulat ng mata ko, napagtanto kong nasa isang malawak na kuwarto ako, napalilibutan ng puting mga dingding, may amoy ng antiseptiko. Nakakabit ang kamay ko sa isang dextrose at halos hindi ko magal
Everett’s POVNakapako ang tingin ko sa monitor ng laptop ko, pero wala talaga akong makuhang tamang focus. Imbes na mga datos at reports ang makuha kong basahin, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang larawan nilang dalawa—si Misha at ang lalaking iyon. Akala ko pa naman matino at talagang mabait a







