Share

Chapter 1: P2

Author: Mr. JR
last update publish date: 2026-04-23 11:47:27

Ngunit sa nakikita niya ngayon, tila wala na yata itong saysay at halaga.

Bumalik na lamang si Muren sa kanyang silid at ibinalik sa maleta ang mga regalong dala niya mula sa Valencia.

Makalipas ang ilang sandali, tumawag si Manang Lita at sinabing isasama niya muna ang bata upang maglibot, at tumugon na tawagan na lamang siya kung may kailangan.

Nakaupo si Mauren sa kanyang kama, at parang may kung anong kulang at gulo sa kanyang damdamin.

Iniwan niya ang lahat at nagmadaling pumunta rito, ngunit sa huli ay natuklasan niyang tila wala naman talagang nangangailangan sa kanya.

Para lang siyang pinagtawanan sa pagpunta niya rito.

Makalipas ang ilang segundo, lumabas siya ng silid.

Naglakad-lakad siya nang walang patutunguhan sa bansang ito na sa isang banda ay pamilyar, ngunit sa kabilang banda ay tila dayuhan pa rin siya.

Halos magtanghali na nang maalala niyang napagkasunduan nilang magsama-sama sa pananghalian kasama si Samuel.

Dahil sa mga narinig niya kaninang umaga, nag-aalangan pa siya kung uuwi ba siya upang isama ang kanyang anak, nang bigla siyang makatanggap ng mensahe mula kay Samuel.

[May mahalaga akong gagawin ngayong tanghali, kaya kanselado na muna ang ating pagkain.]

Tiningnan lang ito ni Luna, at ni kaunting pagkagulat ay wala na siyang naramdaman.

Dahil nasanay na siya sa ganitong mga pangyayari.

Sa pananaw ni Samuel, maging ang mga usapin sa negosyo o ang pagsasama-sama kasama ang kanyang mga kaibigan... anuman ay mas mahalaga ito kaysa sa kanyang asawa.

Lagi niyang binabago o kinakansela nang walang pag-aalinlangan ang mga kasunduan at plano nila.

Wala man lang siyang inaalintana o pinapahalagahan ang nararamdaman nito.

Nalulungkot ba siya at pakiramdam niya ay parang wala sa sarili?

Marahil ay ganoon na nga ang mararamdaman niya noon.

Ngunit sa ngayon, parang manhid na ang kanyang damdamin at wala na siyang maramdaman pa.

Lalo pang naguluhan si Mauren.

Pumunta siya rito na puno ng pag-asa at tuwa, ngunit maging sa kanyang asawa o sa kanyang anak, tanging kawalan ng malasakit at pagwawalang-bahala lamang ang kanyang natanggap.

Hindi namalayan ni Mauren na nakarating na pala siya sa restawran na madalas nilang puntahan ni Samuel noon.

Nang papasok na sana siya, nakita niya si Samuel, si Monica, at si Aleya na naroon sa loob.

Nakaupo si Monica sa tabi ng kanyang anak, at kitang-kita ang pagmamahal at pagiging malapit nila sa isa't isa.

Nakikipag-usap si Monica kay Samuel habang nakikipaglaro naman sa bata.

Masayang umiindayog ang mga binti ng anak ni Mauren habang naglalaro kasama si Monica, at saka lumapit upang kainin ang mga tinapay na nakagat na ng huli.

Ngumiti si Samuel at nag-abot ng pagkain para sa dalawa, ngunit ang tingin niya ay nakatuon lamang kay Monica na nasa tapat niya, na tila siya lamang ang nakikita at mahalaga sa kanyang paningin.

Ito pala ang tinutukoy ng lalaki na may mahalagang "inaasikaso".

Ito rin ang anak na kanyang isinilang matapos ang siyam na buwang pagdadalang-tao, na muntik pa niyang ikamatay.

Ngumiti si Mauren.

Nakatayo lang siya roon at nanonood.

Makalipas ang ilang sandali, inilayo niya ang kanyang tingin at tumalikod upang umalis.

Pagkauwi sa bahay, naghanda si Mauren ng kasulatan para sa pakikipag-hiwalay.

Siya ang pinapangarap niya noong kabataan pa lamang, ngunit ni minsan ay hindi siya nito pinahalagahan o nakita bilang kapareha.

Kung hindi dahil sa nangyari noong gabing iyon at sa pamimilit ng matanda sa kanilang pamilya, hinding-hindi sana siya nito pakakasalan.

Noong mga nakaraang panahon, naniwala siya nang walang pag-aalinlangan na kung magsisikap siya, sa kalaunan ay mapapansin at mapapahalagahan din siya nito.

Ngunit malupit na ipinakita ng katotohanan na mali ang kanyang inaakala.

Halos pitong taon na ang lumipas.

Panahon na upang magising siya sa kanyang mga pangarap.

Matapos ilagay ang kasulatan ng diborsyo sa loob ng sobre at tumugon kay Manang Lita na ibigay ito kay Samuel, binuhat ni Mauren ang kanyang maleta at isinakay ito sa sasakyan, saka sinabi sa drayber, "Ihatid mo ako sa pilaparan."

Mga aalas nuwebe ng gabi, nang makauwi sina Samuel at Aleya.

Mahigpit na nakahawak si Aleya sa damit ng kanyang ama habang dahan-dahang bumababa ng sasakyan.

Dahil sa kanyang ina, sa totoo niyan ay ayaw talaga umuwi ni Aleya ngayong gabi.

Sabi ni Tita Monica niya, pumunta raw dito ang kanyang Ina para makasama sila ng Daddy niya, at malulungkot daw ito kapag hindi sila umuwi.

Sabi rin ng Daddy niya, kapag hindi sila umuwi ngayong gabi, tiyak na sasama ang Mommy niya sa pagpunta nila sa dalampasigan bukas.

Wala nagawa si Aleya kundi pumayag na umuwi.

Ngunit may halong pangamba pa rin siya, kaya mahina niyang itinanong, "Dad, paano kung mapilitan talaga si Mommy na sumama sa atin bukas?"

"Hindi 'yan mangyayari," mariing sagot ni Samuel.

Sa loob ng maraming taon ng kanilang pagsasama, laging naghahanap ng pagkakataon si Mauren na makasama siya nang mas matagal.

Ngunit naiintindihan din naman niya ang mga bagay-bagay; basta malinaw sa kanya ang kanyang nais, hindi siya gagawa ng anumang makasasama sa loob o makakagalit dito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter 84: P2

    Pagkasabi niya niyon, tumalikod agad si Samuel at bumaba ng hagdan, hindi na hinintay pang magsalita si Mauren.Ilang minuto ang lumipas, dumating sina Manong Dan, ang matandang ginang, si Samuel, at Aleya sa silid.Tiningnan ni Manong Dan si Mauren at sinabi niyang mas bumuti na ang lagay nito, ngunit kailangan pa rin niyang uminom ng gamot. Mahina raw ang katawan at may dinadala sa kalooban, kaya’t madaling dapuan ng sakit kapag nagkakatrangkaso. Kailangan daw niyang palakasin ang kanyang katawan.Tumango si Mauren habang nakikinig.Muling nagtanong si Ginang, "Nagugutom ka na ba, Mauren?"Dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Mauren noong tanghali, nakatulog siya matapos kumain ng kaunting pagkain lamang.Palubog na ang araw, at kahit nararamdaman ni Mauren ang gutom, nanatili pa rin siyang walang ganang kumain.Gayunpaman, mahinahong pinakiusapan siya ng matanda na kumain kahit kaunti. Pagkatapos ay iniutos nito kay Samuel na bumaba sa kusina upang kunin ang pagkaing espesyal na i

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter 84: P1

    Hindi tumingin si Samuel kay Mauren. Marahan niyang hinaplos ang ilong ni Aleya at mahinahong sinabi:"Busy si Daddy ngayon, kaya sumunod ka na lang kay Mommy at magpakabait ka, ha?" aniya."Okay." ani Aria na may pag-aatubili, sabay sulyap sa kanyang ina mula sa gilid ng mata.Pagkalapit niya kay Mauren, tahimik niyang iniabot ang kamay niya, hudyat na gusto niyang hawakan siya ng kanyang ina. Ito ay maituturing na unang hakbang para makipag-ayos sa kanya.Hinawakan ni Mauren ang kamay ng anak, binati ang mayordoma, at saka sila lumabas.Pagdating nila sa bahay ng mga Piñeda, naroon na ang Ginang Varron.Pagkakita ng Ginang na sina Mauren at Aleya lamang ang dumating at wala ang apo niyang si Samuel agad siyang napakunot-noo:"Nasaan si Samuel? Abala na naman ba siya?" matigas na tanong nito.Maikli lamang ang sagot ni Mauren: "Oo."Galit na dinampot ni Ginang ang kaniyang telepono upang tawagan si Samuel.Samantala, si Ginang Piñeda na alam na ang tungkol sa nalalapit na paghihiwala

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter 83: P2

    Napansin ni Jeriko na ayaw talagang makipag-ugnayan ni Mauren sa kanya, mula paman noon, ramdam na niya ang malinaw na hangganang inilalayo nito sa kanya.At alam niyang may dahilan.Kaya imbes na pilitin pa, pinili na lamang niyang manahimik.Sa pagbalik ni Jeriko, gabi na. Sa daan pa lang ay ilang tawag na ang natanggap niya.Samantala, si Mauren ay tahimik na naggugol ng oras sa paggawa ng mga paruparo gamit ang tuyong damo. Naka-ilan na siya at tuwang-tuwa si Althea sa mga ito. Isa-isa niyang inilagay sa kanyang bulsa, parang mga kayamanang ayaw niyang mawala.Habang pinagmamasdan ni Mauren ang inosenteng mukha ni Althea, unti-unting naglaho ang ngiti sa kanyang labi.Minsan na ring ganoon ang anak niyang si Aleya, masigla, masunurin, at palaging kumakampi sa kanya sa lahat ng bagay.Ngunit matagal na iyong bahagi ng nakaraan.Pagsapit ng gabi, nagpilit si Althea na matulog kasama si Mauren. Napatingin si Jeriko sa kanya wari'y humihingi ng pahintulot kung papayag siya.Tumango na

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter 83: P1

    Abala ang mga tauhan ni Jeriko sa pagtatayo ng mga tent at paghahanda ng ihawan para sa barbecue.Kamakailan ay sunod-sunod ang pag-ulan ng niyebe, kaya’t binalot ng makapal at puting-puting yelo ang kabundukan.Pagdating ni Mauren, agad siyang sinalubong ni Althea. Masigla nitong hinila ang kanyang kamay at sabik na nagsabing gusto nitong gumawa sila ng snowman nang magkasama.Noon paman, ay sanay nang gumawa ng snowman si Mauren kasama si Aleya.Hindi mahirap para sa kanya ang paggawa nito, kaya’t makalipas lamang ang kaunting sandali, nakabuo na sila ni. Althea ng isang maliit na snowman.Dinalhan pa ng batang babae ng espesyal na iskarf ang snowman. Matapos itong mabuo, agad siyang tumakbo para utusan ang mga kasambahay na hanapan siya ng carrots.Lumapit naman si Jeriko kay Mauren.Tahimik lamang si Mauren nang makita niya ito. Wala siyang sinabi.Marahang lumuhod si Jeriko sa tabi niya at nagsabing, "Nagtrabaho ka na pala INTELIX?" aniya.Patuloy pa rin si Mauren sa paggawa ng s

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter: 82

    Pagkaalis nila sa Nueva at pagpasok palang sa sasakyan, halatang galit pa rin si Diego.Naalala niya ang isang bagay kaya agad niyang tinanong si Mauren, "Uy, sino nga pala yung babaeng nakasuot ng business suit na nasa likod ni Monica kanina? Parang ang sama ng tingin niya sa’yo. Kilala mo ba siya?" anito."Ah, siya ba? Pinsan iyon ni Monica." malamig na sagot ni Mauren.Si Diego ay napailing na may halong inis: "Si Samuel, hindi lang si Monica ang pinapasok sa Nueva, pati pamilya nito kinukupkop pa? Sa ganyang asal niya, hindi na ako magugulat kung balang araw Nueva na mismo ang magpalit ng apelyido, maging Santiago." matigas niyang usal.Tahimik lang na nakinig si Mauren, pero sa isip niya, pareho lamang sila ng iniisip.Sumagot si Mauren, "Oo, mukhang ganon na nga." Sa tindi ba naman ng pagmamahal ni Samuel kay Monica, hindi na siya magugulat kahit ibigay pa nito ang buong Nueva sa babae.Ano pa nga ba ang malaking bagay kung pinapasok rin niya ang pamilya Flores sa Nueva? Ramdam

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter 81: P2

    Hindi lamang si Samuel ang mag-isang pumunta, kundi kasama niya sina Jeriko at Ralp.Nang makarating sila doon, kapwa nagulat ang dalawa nang makita nila si Mauren,, hindi nila inakalang naroon rin siya.Napatingin sila sa kanya nang may pagtataka.Si Mauren naman, walang gaanong ipinakitang emosyon. Sandali lang siyang tumingin sa kanila, pagkatapos ay inilingon na ang paningin.Lumapit si Samuel sa kanila at magalang na bumati, "Salamat sa inyong pagsisikap." aniya.Sabi naman ni Frank,, "Heneral Samuel, maaari na po ba tayong magsimula…" “Sandali lang,” sagot ni Samuel habang inaangat ang kamay upang tingnan ang relo. "May hinihintay pa tayong isa. Aakyat muna ako para silipin. Pakiusap, maghintay muna kayo sandali."Pagkakatapos niyang magsalita, agad din siyang umalis.Wala namang balak si Mauren na mag-isip pa tungkol dito.Pero alam niyang ang sinabing hinihintay nang lalaki ay walang iba kundi ang pinakamamahal niyang si Monica.Ibig sabihin, hindi pa sila puwedeng magsimula

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter 20: P2

    Ilang sandali lamang matapos ang pagpupulong, lumapit kay Mauren ang sekretaryang si Kristoper. Ang mga salita niya ay banayad, halos bulong ngunit sapat na upang marinig iyon ng malinaw."Halos tapos na ang iyong paglilipat sa trabaho, mukhang hindi mo na kailangang bumalik bukas." ani Kristoper,

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter 20: P1

    Dahil sa kulit ng kanyang anak, wala nang nagawa si Mauren kundi ang sumamahan na ito sa hapag-kainan at naupo sa tapat ni Samuel.Marahan namang inabutan ng mayordoma si Mauren ng isang basong tubig. Habang iniinom niya ito, tahimik niyang pinakinggan ang kuwento ni Aleya sa mga nangyari sa kanyan

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter 19: P1

    Sa pagkakataong iyon, ang sekretaryang si Kristoper ay nakarating na sa silid dala ang tsaa. Nang marinig niya ang balita, natigilan siya.Si Kristoper at ang isa pa nitong sekretarya na si Troy ay palaging naniniwala na si Mauren ay hindi kailanman magiging handang talikuran ang kompanya. Matibay

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter 14: P1

    Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Aleya. Ang karera ng mga sasakyan mamaya, ang alala ng nakakamanghang mga kasuotan ng kanyang tita Monica ay ang mga imaheng nagdulot ng kakaibang sigla sa kanyang puso. Parang may mga naglalaro ng masayang musika sa kanyang kalooban. Matapos ang paghahanda at pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status