LOGINDesperate to save her son’s life, kinakailangan ni Elisa na kumapit sa patalim. She finds herself standing in a luxurious auction hall as the item on display. She was sold to the highest bidder, and the winner would own her completely. At ang lalaking nanalo sa huling bid? Her ex-husband. Si Rage Montenegro. Cold, powerful and dangerously irrestible. Ang lalaking minsang nagsabing wala na siyang halaga ay siya ngayong nagmamay-ari ulit sa kanya. At para kay Elisa ay bangungot ang muling pagkikita nila ng dating asawa. Dahil wala itong ibang ginawa kundi saktan at pahirapan siya. He made sure that every day she spent by his side felt like living in hell. Pero hindi alam ni Rage na ang babaeng pinapahirapan nito ay ang babaeng ina ng mga anak nito...
View MoreELISA'S POV
I can feel the sweat forming on my palm. Nasa isang private room ako ngayon, hinihintay na matawag ang aking pangalan. Isa kasi ako sa mga babaeng kasali sa auction ng isang club. An underground auction hidden from the world, where power decides who owns you. At isa ako sa mga babaeng kasali. Sa totoo lang, hindi ko gusto na mapasama sa ganoong lugar. But I was so desperate to save a life. My son. Nasa ospital kasi ang anak ko dahil sa isang aksidente. Na-hit and run siya. At kailangan niyang ma-operahan sa madaling panahon dahil kung hindi ay tuluyang hindi na makakapaglakad ang aking anak. Nang ma-aksidente kasi siya ay ang binti niya ang napuruhan. At kailangan ko ng malaking halaga para sa operasyon niya. Pero wala akong ganoong kalaking halaga. Sa totoo lang ay pwede naman akong humingi ng tulong sa ama niya. Pero tinanggal ko iyong sa isip ko. Dahil unang-una ay hindi niya alam na may anak siya sa akin dahil itinago ko iyon sa kanya. I kept our childen hidden from him for almost six years. Dahil pagkatapos niya akong hiwalayan, pagkatapos niya akong saktan sa masasakit na salitang wala akong kaalam-alam ay do'n ko nalaman ang tungkol sa pagbubuntis ko. But I hid my pregnancy from him. He abandoned me when I needed him the most, and I was sure he would abandon his child too, just like he did to me. At ayoko ding maramdaman ng anak ko ang naramdaman ko sa ama niya. Ayokong maglimos ang aking mga anak ng pagmamahal sa isang taong hindi kami kayang tanggapin. Nagtiis ako ng dalawang taon para kay Rage, nagbabakasakaling mamahalin niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Ginanpanan ko ang tungkulin ko bilang asawa niya sa dalawang taon na iyon kahit na wala siyang pagmamahal sa akin. May ibang mahal kasi si Rage, si Amie. Nasaksihan ko ang pagmamahalan nilang pero sa isang iglap ay nawala iyon dahil sa akin. Paano ba nagsimula ang lahat? Rage was my boss, and I was his secretary. Kasama niya ako lagi kapag may meeting siya sa labas o hindi kaya ay may conference siyang pinupuntahan. And we only maintained an employer-employee relationship. Pero isang gabi, late na kaming nakauwi dahil sa isang dinner meeting. Pauwi na kami ng may maramdaman kaming kakaiba sa aming dalawa. Heat consumed both of us. At hindi ko na alam ang buong pangyayari dahil nagising lang ako sa isang sigaw. Na galing kay Amie habang umiiyak na nakatingin sa amin ni Rage na nakahiga sa iisang kama at pawang walang saplot sa katawan. At kahit na wala akong matandaan ay alam kong may nangyari sa amin dahil sa pananakit ng aking katawan at pagkababae. At palatandaan na naisuko ko ang aking sarili sa kanya sa bakas na dugo na naiwan sa bedsheet. I give my first to him. Umiiyak na umalis si Amie, sinundan siya ni Rage pero hindi na niya naabutan ang babae. At nang bumalik si Rage ay sa akin niya binunton ang galit niya. At mas lalo iyong nadagdagan ang galit niya ng sumugod ang aking ama sa opisina ni Rage para mag-eskandalo at sabihin na panagutan ako. Hindi ko naman alam kong paano nalaman ng aking ama ang tungkol sa nangyari dahil wala naman akong pinagsasabihan. Inakala nga ni Rage na plano ko iyon para masilo siya. At walang nagawa si Rage kundi pakasalan ako ng pati magulang niya ay pinuntahan ng aking ama para sabihin ang tungkol sa nangyari sa amin. Kinasal kami ni Rage sa isang civil wedding. Walang ibang nakakaalam sa pagpapakasal namin dahil iyon ang gusto ni Rage. At bago kami ikinasal ay pinagpirma niya ako ng pre-nup agreement. Pinagpirma din niya ang aking ama ng agreement na walang pagsasabihan tungkol sa pagpapakasal namin. Ayaw ng ama ko noong una pero nang sabihin ni Rage na hindi niya ako pakakasalan ay wala siyang nagawa kundi pumirma. Hindi naging madali ang pagsasama namin na dalawa. Because Rage never treated me as a wife. Para lang akong hangin na dinadaan lang niya. Gayunpaman ay pinagsilbihan ko siya, pati nga tungkulin ko sa kama ay ginampanan ko para sa kanya. Inakala ko nga ay nagtagumpay akong kunin ang puso niya dahil sa mga napapansin ko sa kanya noon. But I was wrong, umasa pa lang ako sa wala. At marami palang namamatay sa maling akala. Dahil kahit na anong gawin ko, kahit na maging mabuting asawa ako sa kanya ay hindi-hindi pa din ako mamahalin ni Rage. For him, I was just like a toy, something he would simply discard once he got tired of it. At ganoon mismo ang ginawa niya sa akin ng padalhan niya ako ng annulment paper na may pirma niya. At gusto talaga ni Rage na pasakitan ako dahil sa mismong birthday ko pa niya ibinigay ang annulment paper. I was hoping for a gift from him, and he gave me one. A memorable one dahil hinding-hindi ko makakalimutan ang regalo niyang annulment paper na may pirma niya mismo. I shook my head to clear him from my thoughts. It’s been six years, dapat hindi ko na siya iniisip. Dapat inaalis ko na siya sa sistema ko. At mayamaya ay napaayos ako mula sa aking pagkakaupo nang bumukas ang pinto kung nasaan ako. "Miss Elisa?" tawag ng babaeng pumasok. Itinaas ko naman ang aking kamay, tumuon naman ang tingin niya sa akin. "Get ready. Ikaw ang susunod na ibi-bid," imporma niya. Mas lalo naman akong kinabahan, ramdam ko ang panginginig ng aking katawan. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga para kalmahin ang aking sarili. Pagkatapos ay tumayo na ako. Inayos ko nga ang suot ko ng sandaling iyon. Masyadong maiksi ang mini dress na suot ko, simpleng tuwad ko lang ay sigurado na akong masisilipan na ako. Wala naman akong magawa dahil iyon ang pinasuot sa akin, kahit nga mga kasama ko ay ganoon din ang suot. Mukhang gusto ng organizer na ganoon ang isuot namin para maging interesado ang mga magbi-bid sa amin. Pinalabas na ako. Sumunod naman ako sa babae. "Akyat ka na," utos niya sa akin nang makarating kami sa gilid ng stage. Tumango naman ako. At wala akong imik nang umakyat ako sa stage, pumuwesto ako sa gitna. “So, gentlemen, this is Miss Elisa Ynarez. The bid starts at 50,000 pesos," wika ng host ng sandaling iyon. Nag-umpisa namang mag-bid. "Sixty thousand pesos," mayamaya ay may nag-bid sa akin. Gusto kong tingnan kung sino siya pero hindi ko magawa, nanatili ang tingin ko sa harap. Ayaw sulyapan ang mga nagbi-bid sa akin. "One hundred thousand!" may narinig ulit akong nag-bid. Halos pataas ng pataas ang nagbi-bid sa akin. "One million." Hindi ko maiwasan ang manlaki ng mga mata nang marinig kong may sumigaw. Nalulula ako sa perang binid nila sa akin. Kapag nakuha ko ang kalahati sa pera na iyon ay mapapagamot ko na ang aking anak, may matitira pa. Sa kontrata na pinirmahan ko, kalahati sa bid ay mapupunta sa akin. Kung malaki ang bid, mas malaki din ang makukuha ko. "One million. Going once.. going twice." Mukhang wala nang gustong mag-bid pa. Mukhang nanalo na ang lalaking nag-bid sa akin ng isang milyon. At akmang isasara na ng host ang bid ng mapatigil nang may nagsalita. "Five million!" At natigilan ako nang marinig ko ang baritonong boses na iyon. And that voice sounded familiar to me. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kahit na mahabang panahon na ang nakalipas ay kabisadong-kabisado ko pa din ang boses niya. Hinanap ko naman ang pinanggalingan ng boses. Hanggang sa mapatuon ang tingin ko sa gilid ng hall, sa isang lalaking nakaupo habang may hawak na sigarilyo sa kamay. His eyes were cold as he stared back at me. Naramdaman ko naman ang paghihina ng aking binti habang sinasalubong ko ang malamig na titig niyang iyong sa akin. Because the man who bid five million pesos for me is the man I never wanted to see again, the eyes I never wanted to look into once more. Rage Montenegro. My ex-husband.ELISA'S POV "Anong oras po kayo uuwi dito, Mama?" tanong sa akin ni Zade ng tawagan ko sila. "Mga alas otso na siguro, Zade. Depende kung hindi ako ma-traffic sa biyahe," sagot ko sa kanya. Sabado ngayong araw. At uuwi ako sa amin para makasama ko ang aking mga anak. Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Rage pero sa tingin ko naman ay alam na niya na uuwi ako sa amin. Aware din naman kasi siya na umuuwi ako sa amin kapag sabado ng gabi. Naisip ko na lang na magpaalam mamaya kapag nakabihis na ako. Ipagpapaalam ko na din si Manong Rudy na ihatid ako sa labas ng subdivision. "Okay po, Mama. Wait ka na lang namin ni Zane dito mamaya," wika niya sa akin. "Ingat po kayo, Mama." "Hintayin niyo si Mama," "Opo." Ibinaba ko naman na ang tawag ng matapos kong makausap ang aking anak. Ibinaba ko ang cellphone sa bedside table at saka ko naman inayos ang aking bag na dadalhin ko sa aking pag-uwi na mga damit ko naman. Gusto ko sanang bumili ng pasalubong para sa aking mga anak. Pero hindi ako
ELISA'S POV "Good evening, Sir, Ma'am," bati sa amin ng staff ng makapasok kami sa isang mamahaling restaurant. "Good evening," bati ko naman sa kanya. "Do you have reservation po?" tanong niya sa akin na nakangiti.Bubuka sana ang bibig ko para magsalita ng mapatigil ako ng unahan aoo ni Rage. "Montenegro." Napatingin ako sa kanya at napansin ko ang seryosong ekspresyon ng mukha ni Rage habang nakatingin siya sa lalaki. Pero mukhang hindi iyon napapansin ng lalaki dahil nakangiti pa din siya. "This way, Sir," wika ng lalaki. Sumunod naman kami ng sinamahan niya kami patungo sa naka-reserve na table namin. Paglapit namin ay pinaghila ako ng lalaki ng silya. "Thank you," wika ko sa kanya bago ako naupo. At naapayos nga ako ng aking pagkakaupo nang makita ko ang seryosong ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa lalaki. Naupo na din si Rage. At nang makaupo siya ay inabutan kaming dalawa ng lalaki na tig-isa na menu. Tinanggap ko naman iyon. "Take your order, Elisa," wika
ELISA'S POV Abala ako sa pagpo-photo copy ng papeles na kailangan ni Rage nang tumunog ang ringtone ng mamahaling cellphone na bigay niya sa akin. Kinuha ko naman ang cellphone na tumutunog na nasa ibabaw ng cubicle ko para tingnan kong sino ang tumatawag. At hindi ko napigilan ang pagbilis ng tibok ng aking puso nang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin. Si Rage. Simula noong ibigay niya sa akin ang cellphone ay doon na niya ako tinatawagan. Hindi na siya tumatawag sa telepono para sabihin sa akin kung ano man ang i-uutos niya sa akin. It seemed more convenient for Rage to call me on my cellphone than on the landline.Hindi ko naman na pinatagal ang pagtunog, agad kong sinagot ang tawag niya dahil baka mainip siya. Mainipin pa naman si Rage, pero pansin ko ay nababawasan ang kanyang pagkainipin nitong nakalipas na araw. "Hello, Sir Rage?" wika ko sa kanya. "Elisa," sambit niya sa aking pangalan sa baritonong boses. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, lalo na ang aking p
ELISA'S POV Tatlong araw din akong hindi pumasok bilang secretary ni Rage. Dahil hindi niya ako sinasama sa tuwing pumapasok, hinihintay ko nga na sabihin niya iyon sa akin. Akala ko nga ay bumalik na ang secretary niya, temporary secretary lang kasi niya ako. Pero sa pang-apat na araw ay sinabi niya sa akin na isasama na niya ako sa trabaho. Kaya ngayon ay abala ako muli sa pag-aayos ng schedule niya at pagso-sort ng kontrata ng mga investor ng kompanya niya. Habang inaayos ko nga ang kontrata ay napansin ko na wala doon ang kontrata na ginawa ko para kay Mr. Chen. Naisip ko na baka dahil sa nangyari ay ni-revoke na ni Rage ang kontrata. Gusto ko sanang tanungin si Rage kung ano ang nangyari kay Mr. Chen. Wala na kasi akong balita kung ano ang nangyari sa kanya. Basta ang alam ko ay binilin ni Rage iyong kakilala niya na kasama niya noong gabing iyon na dalhan ang lalaki sa presento. Naisip ko naman na baka pina-deport na niya si Mr. Chen? Naisip ko din iyong mga kasabwat niya? N
ELISA'S POV Kahit na hindi ako masyado nakatulog kagabi ay nagising pa din ako ng maaga dahil iyon ang bilin sa akin ni Manang Esther. Isa akong katulong, hindi na daw ako asawa ni Rage na gigising sa oras kung kailan ko gusto. Hindi na daw na nila kailangan sabihin sa akin ang trabaho ko dahil
ELISA'S POV"Ano, Elisa?" Kinagat ko ang aking ibabang labi pagkatapos kong sabihin kay Aling Merced ang totoo. Wala akong nagawa kundi aminin sa kanya ang totoo kung saan ako kumuha ng pera para mapagamot ko ang aking anak. Tinawagan ko kasi siya kanina pagkatapos kung makausap ang aking dating a
ELISA'S POV "Thank you po, doc," pasasalamat ko sa doctor ng aking anak nang matapos ko siyang makausap tungkol sa kalagayan niya. Sinabi ko din na may pera na ako para sa operasyon niya. May patakaran sa ospital na kailangan kong magbayad ng kalahati para sa magiging operasyon ng aking anak. At na
ELISA'S POV I could never have imagined that I would see him again after almost six years. At hindi ko din inaasahan na makikita ko siyang muli at sa ganitong paraan pa. At sigurado akong pinagtatawanan niya ako sa isip niya ng sandaling iyon. Tinanggihan ko ang perang binigay niya nang maghiwala


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore