LOGIN“Paano kung ang mahal mo… ay hindi ka kailanman pipiliin?” Si Dianne ay isang doktor na handang gawin ang lahat para makuha ang pagmamahal ni Jerome. Sinundan niya ito sa ibang bansa, isinugal ang lahat para sa isang pag-ibig na hindi sigurado. Ngunit sa bawat halik, bawat yakap, at bawat salitang “I love you”—alam niyang may ibang pangalan ang sinisigaw ng puso nito. At ang pangalang iyon… ay hindi kanya.
View MoreSpare Love
Chapter 1 Author's POV "Jerome! Jerome!” Napalingon si Jerome at agad na napasimangot nang marinig ang boses na pilit niyang iniiwasan bago siya umalis. Hindi na siya dapat lilingon, pero huli na. Kaya imbes na magsalita, tinuloy-tuloy na lang niya ang paglalakad, kunwaring walang narinig. “Sandali lang naman! Babe!” Habol pa rin ni Dianne, halos tumatakbo na. Ang bilis nitong maglakad kaya napangiwi siya. Bigla siyang tumigil, yumuko, at hinubad ang isang sapatos. Inasinta muna niya ang lalaki. Huminga nang malalim. At saka— Whoosh! Tumama iyon sa ulo ni Jerome. “Yes!” Napatalon siya sa tuwa. Sa wakas, nakuha rin niya ang atensyon nito. “What the heck is your problem?! Brat girl!” Sigaw ni Jerome habang hinahaplos ang ulo. Galit na galit itong lumapit sa kaniya. “Bakit mo ’ko binato?!” Ngunit bago pa siya makaiwas, bigla siyang niyakap ni Dianne. At mas lalong nabigla siya nang walang kaabog-abog siyang halikan nito sa labi. “Sabi na nga ba eh! Love mo ’ko!” Masayang sabi ng babae habang mahigpit siyang yakap. “Kasi sabi ni Mommy, kapag mahal ka, babalikan ka! Eh binalikan mo ’ko, ibig sabihin love mo ’ko talaga!” At tila hindi pa nakuntento, pinupog pa siya ng halik sa buong mukha. “Hoy! Tumigil ka nga!” Pilit siyang umiwas pero hirap na hirap dahil nakakapit ito na parang koala. “Ang kulit mo! Sinong may sabi na binalikan kita dahil mahal kita?!” Huminto si Dianne at tumingala sa kaniya, may ngiting parang batang nakaisip ng kalokohan. “Eh bakit ka bumalik?” " Hindi ako bumalik! Napalingon lang ako! Binato mo ’ko ng sapatos mo! Ang sakit kaya!” Galit na sigaw ni Jerome habang hinahaplos ang ulo niya. Imbes na matakot, hinimas pa ni Dianne ang parteng tinamaan. Nakapout pa ang labi niya na parang inosenteng bata — na lalo lang ikinabwisit ng lalaki. “Jerome…” malambing nitong sambit. “I love you.” Napamura si Jerome nang marinig iyon. Doon niya tuluyang naamoy ang alak sa hininga ng dalaga. “Damn it.” Bigla niya itong hinila palabas ng NAIA. “What’s wrong with you, little damn girl?!” Pagkalabas nila, dumiretso siya sa parking lot. Inupo niya ang babae sa gilid ng poste at namewang siya habang pilit kinokontrol ang inis. Buti na lang nandoon pa ang kotse niya at hindi pa kinukuha ng driver. Diretso kasi siya ng airport kanina pagkagaling sa babaeng ka-fling niya kagabi. Mabilis niyang binuksan ang trunk at kumuha ng gallon na may lamang tubig. Walang pasabi. Binuhos niya iyon sa ulo ni Dianne. “Ahhhh! Jerome!” Napasigaw ang babae. “Bakit mo ’ko binasa?!” Basang-basa ito at hindi alam kung uunahin ang buhok o ang damit na punasan. “Bakit ka kasi naglasing tapos pupunta ka dito?!” sigaw niya, gigil na gigil. “Alam mo bang makukulong ka kapag naamoy ka nila? Nasa airport tayo, Dianne! Ano bang iniisip mo?!” Ngumiti lang ang babae. Unti-unti itong tumayo. Medyo pasuray-suray pa. Lumapit siya kay Jerome at hinawakan ang mukha nito — dahilan para mapatigil ang lalaki. “Uyyy…” nakangiting sabi niya. “Nag-aalala siya sa ’kin.” Sabay dutdot sa pisngi nito. Napailing si Jerome habang tumatawa ito na parang baliw sa tuwa. Naiinis siya. Sobra. Pero hindi niya maikakaila — maganda ito. At sa kabila ng kalasingan, sobrang cute pa rin. “Tumigil ka nga.” “Bakit?” “Hindi ka nakakatuwa.” “Sinungaling.” "Wala akong pakialam kung makulong ka! Kaso alam nilang kakilala kita. Imbes na maayos ang flight ko, baka maunsyami pa dahil sa ’yo.” Unti-unting bumaba ang kamay ng babae mula sa pagkakahawak sa braso niya. Ngumuso ito, halatang nasaktan. “Saan ka ba kasi pupunta?” malambing na tanong niya. “Sama mo ’ko, please.” Napatawa si Jerome, pero pilit lang iyon. “Sa Australia.” Lumaki ang mga mata ng babae. “Ilang linggo ka na naman doon?” pa-cute nitong tanong habang basang-basa pa ang buhok. Ginulo niya ang buhok nito. “For good na ’ko doon. Nandoon ang mag-iina ko.” Parang nabuhusan ulit ng malamig na tubig ang dalaga. “H-hindi mo naman mga anak ’yon ah! Anak ’yon ni Kuya Lu—” Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito. “Wag kang maingay.” Bumaba ang tono niya, pero mas nakakatakot. “Ayokong ipaalam ’to sa kuya mo. Kapag nalaman nilang kasama ko si Janine at kung nasaan sila ng mga bata… never na kitang papansinin.” Nangingilid ang mata ng babae pero tumango ito. Huminga nang malalim si Jerome. Buti na lang, madali pa rin niya itong mapasunod. “Pwede ba ’kong sumama sa ’yo?” Bigla nitong kinuha ang bag niya. “May passport naman ako. Ako na bibili ng ticket ko. Sige na, oh.” “No. Hindi pwede.” Ngumuso ulit ito, parang batang inagawan ng kendi.. “Bakit naman? Malaki na ’ko, noh! At saka… pwede na ’ko sa sex.” Napanganga si Jerome. “Ano bang pinagsasasabi mo?” Napailing siya, sabay napahawak sa noo. Sakto namang dumating ang mga bodyguard niya. Kinawayan niya ang mga ito. “Pakihatid siya sa bahay nila. Ito ang address.” Maingat siyang kinuha ng mga lalaki. “Bitawan niyo nga ako!” nagpupumiglas ang babae habang hinahawakan sa magkabilang braso. Sumenyas si Jerome na bitawan muna ito nang mapansin niyang nahahawakan ang bewang ng dalaga. Lumapit siya. Hinawakan ang pisngi nito. At hinalikan sa labi. Alam niya ang kahinaan nito. “Umuwi ka na, okay?” bulong niya. “I’ll call you kapag nandoon na ’ko.” Nanginginig ang labi ng babae. “Promise?” Tumango siya. At sapat na ’yon para mapasunod niya ito. Sumama na ito sa mga bodyguard, pero hindi maalis ang tingin sa kanya habang palayo. “Sir, ayan yata ’yung kotse niya.” Napahawak si Jerome sa ulo nang makita ang sasakyan. Warak ang bumper. “Ipakuha n’yo na lang. Tapos dalhin niyo siya sa hospital, patingnan kung nasaktan siya. Sige na. I’ll go ahead. Male-late na ’ko sa flight ko.” Tumalikod siya. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya habang papasok muli sa airport. Ang kambal. At si Janine. Ang babaeng hindi niya dapat mahalin— pero siya lang ang minahal niya nang ganito. Napangiti siya nang bahagya. Sa wakas, babalik na siya sa totoong buhay niya. Hindi bilang si Jerome na takbuhan ng kung sinu-sino. Kundi bilang ama. At bilang lalaking handang ipaglaban ang babaeng lihim niyang minamahal.Spare Love. Finale ( last chapter) Dianne POV Nakauwi na ako ng Maynila, mag-isa. Dahil pagkatapos naming magbakasyon sa Coron at pinagsaluhan ang pagmamahalan naming dalawa ni Jerome, bumalik siya ng Mindoro para ayusin muna ang mga dapat ayusin doon. Kapag naging maayos na, uuwi na siya sa amin para makita agad ang mga bata. Habang nasa duty ako at wala namang pasyente, binabasa ko ang mga cards na nakadikit sa mga bulaklak na binigay ni Jerome. Kasalanan ko rin kasi bakit hindi ko binasa ang mga ito noon pa! Kinikilig sana ako, hays… "Doktora, grabeng makangiti! Tinodo po ba ang pagdilig sa inyo ni Sir Jerome?" Napa-irap ako kay Jeff at tinuro ang bibig niyang itikom, at mabilis naman niyang ginawa yon. Saka sinenyasan siyang chumupi sa harapan ko. Umalis lang siyang nakangiti at aasar. Nag-ayos na ako at nagsuot ng kulay puti na dress, dito na ko nagpalit sa hospital kesa umuwi pa. Color coding daw ito—puti. May event kasi ang hospital sa isang simbahan, pasasalamat daw s
Spare Love Final 2 Sobrang hirap umakyat ng bundok, masyadong madulas. Walang pwedeng umakay sa’min dahil ang mga kalalakihan ay may mga bitbit, pero may sasalubong daw sa’min taga-itaas para bumaba at magpapanik ng mga iba pa naming ibibigay. Umupo muna kami sa gilid para magpahinga. Nang dumating na ang mga kalalakihan sa itaas, at madami sila, kaya di na kami nahirapan lahat. Nabigla ako nang tumabi sa’kin si Jerome at inilahad ang kamay niya. "I don't need your help." Saka nilagpasan ko siya, pero nagkamali pala ako ng apak at nadulas ako. Pero ‘di sumayad ang katawan ko sa lupa dahil nasapo agad ako ni J-Jerome. "Love, okay ka lang?" nakangisi niyang pang-aasar sa’kin. Mabilis akong tumayo pero bigla ding nadulas at napakapit sa kaniya. Nabigla ako nang nakarga niya na ako. "Ibaba mo nga ako! Nakakahiya!" Parang wala siyang naririnig. "Ang mga kasamahan ko naglalakad tapos ako magpapabuhat?! Nakakahiya, Jerome, ano ba?!" Tumigil siya sandali at tumingin sa’kin, s
Spare Love After Five Years… Limang taon. Dalawang taon ko siyang hinawakan sa likod ng rehas at tatlong taon ko siyang hinintay… sa wala. Hanggang sa napagod na rin ako. Hindi dahil hindi ko na siya mahal— kundi dahil hindi ko na alam kung saan ako kakapit. Bigla na lang nag-iba si Jerome pagkatapos niyang masentensyahan. Hindi ko alam kung hanggang kailan dahil hindi naman niya sinabi. Basta na lang, sa tuwing papasyal kami sa kaniya, hindi siya nakikipag-usap o lumalabas para kami makita ng mga anak niya. Isang sulat lang ang sinabi niya sa’kin nang huli kong punta na pinaabot niya sa naka-tokang pulis doon. Na dapat na akong bumalik sa dati kong buhay at maghanap ng taong mamahalin ako... Leche talaga siya. Ayoko nang pagpilitan pa ang sarili ko, mahalaga na sa’kin ang dalawa kong anak. Nakatira kami ng mga bata sa mansion ni Mamita, dahil wala na siyang makakasama pa dito dahil wala na ang bestfriend niyang si Manang. Pumanaw na ito dahil sa sakit. Minsan, pumapas
Spare Love Dianne POV Palagi kaming nagbabantay ni Jerome sa anak namin, hindi na rin kami umuuwi ng bahay. "Jerome… Dianne…" mahina niyang tinawag. Nasa bukana siya ng pintuan ng ICU. "Maari ko ba kayong makausap?" Nagkatinginan kami ni Jerome at nakita ko sa mata niya na handa niyang respetuhin ang desisyon ko. Tumango ako, saka sabay kaming tatlong lumabas sa hallway. Tumingin kami sa kaniya. Sa unang pagkakataon—wala na ang yabang sa mukha niya. "Alam kong wala akong karapatang humingi ng tawad…" nanginginig ang boses niya. Tahimik lang kami, nakatitig, hindi alam kung anong sasabihin. "Pero… humihingi pa rin ako ng tawad." Napayuko siya. "Sa lahat ng ginawa ko… sa lahat ng kinuha ko sa inyo…" Napatingin muli sa akin si Jerome. Mahigpit akong hinawakan sa kamay niya, ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya—ang galit, ang takot, at ang pagod na sa sakit na idinulot ng pangyayari. Parehas kaming nararamdaman iyon. "Alam kong hindi sapat ang kahit anong salit












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.