LOGIN"AND WHAT DO YOU MEAN?" KUNOT NUONG TANONG NI JUSTIN KAY AMELIA, "For God's sake Amelia, pinag-iisipan mo na naman bang ilayo sa akin ang anak ko?""Paano kung isang araw, hilingin ni Pamela na huwag mo nang kitain si Winter? A-ayokong masaktan ang damdamin ng anak ko. Ayokong paasahin mo siya. . .""Hindi ko pinapaasa ang anak ko. Ginagawa ko lang kung anong dapat gawin ng isang nagmamahal na ama," sagot nito sa kanya, "And I have the right to be with my child." Pagkasabi niyon ay mabilis na siya nitong tinalikuran. Nangangatal ang kanyang mga kamay. Ang dami niyang gustong sabihin kay Justin pero hindi niya masabi-sabi.Ibinunton na lamang niya sa pagpreprepare ng sandwich ang lahat ng mga nilalaman ng kanyang isipan. Narinig niya si Winter, "Mommy, bakit hindi mo pa po inihahanda iyong mga gamit mo po?""Oo, tinatapos ko lang itong ginagawa ko," sagot na lamang niya sa anak.ALAS-DIYES na nang matulog si Winter. Kung hindi pa niya ito pinilit na umahon sa dagat ay hindi ito aa
"DADDY!" Humahangos na lumabas ng bahay si Winter, ni hindi nga niya ito naawat na hintayin na lamang sa loob ng bahay ang ama. Hindi maitatago ang excitement sa mukha ni Winter, at nakita niyang ganuon rin naman si Justin nang bumaba ito sa kotse at kargahin ang bata.Pinaghahalikan ni Winter ang ama. "Namiss kita, Daddy. Akala ko mawawala na ang ilong mo sa lakas ng suntok ni Tito Gabby saiyo eh.""At sino namang may sabing malakas ang suntok niya sakin? Ayoko lang ng away kaya hindi na ako gumanting masyado pero kung hahamunin niya ako ng suntukan, panigurado matutulog siya sa kangkungan!" Tila nagyayabang namang sagot ni Justin kay Winter."Bakit sa kangkungan Daddy? Di po ba dapat sa ospital?" Takang tanong ni Winter dito. Ang lutong ng mga halakhak ni Justin habang tuwang-tuwang nakatingin sa anak. Pumasok na siya sa loob ng bahay dahil pakiramdam niya ay out of place naman siya duon. Maski si Winter, parang nakalimutan na ang existence niya nang dumating ang ama.Ilang ara
ILANG BESES NA nakatikim si Justin ng sampal mula kay Pamela nang datnan niya ito sa kanyang bahay. Heto nga at hindi pa humuhupa ang ilong niyang nabuntal kanina ni Gabby, eto at sinasampal naman siya ngayon ni Pamela. Ngunit hindi niya ito pinatulan. Ni hindi niya ito pinatigil sa ginagawa. Baka kasi ito ang paraan para matauhan siya.Besides, deserve naman talaga niya ang masampal ni Pamela dahil parang nagiging unfair na siya rito. Si Pamela ang karelasyon niya, bakit si Amelia ang naiisip niya? Bakit ang mga labi nito ang gusto niyang halikan? Bakit hindi mapakali ang puso niya sa tuwing nagtatama ang kanilang mga paningin?"Talaga bang wala na akong kahalaga-halaga saiyo, ni ayaw mo ng magalit? Para balewala na lang lahat ng ginagawa ko saiyo!" Umiiyak na sabi ni Pamela ngunit tahimik lamang siya. Tila nakaramdam ito na nag-aaksaya lang ito ng panahon, huminto ito sa pagsampal sa kanya saka umiiyak na napaupo sa couch. "I don't know what to do anymore, Justin. . .I'm tired
HINDI NA NAMAN SINASAGOT NI JUSTIN ang mga tawag niya. Ang sabi ng mga maid ay hindi raw ito umuwi sa bahay. Nag-spend na naman ba ito ng panahon sa Amelia na iyon? Alam niyang may anak ito sa babaeng iyon, but damn!Gusto niya, kasama siya ni Justin kapag binibisita nito ang anak nito sa babaeng iyon. Ngayong malayo na ang loob sa kanya ni Justin, saka naman niya naramdaman kung gaano niya pala ito kamahal. Bakit ganun kung magbiro ang tadhana?Napapaiyak na naman siya. Mukha na talaga siyang kawawa sa ginagawang ito sa kanya ng lalaking iyon. Ginagantihan ba siya nito sa lahat ng mga kasalanan niya dito nuon?Kinuha niya ang sleeping pills at halos ubusin na niya iyon para makatulog. Pumapangit na siya sa nangyayaring ito sa buhay niya. Ni wala na siyang makuhang project ngayon. Nagsulputan na kasi ang mga mas batang talent. Nuong kasagsagan ng career niya, halos wala na siyang pahinga. Halos siya ang laman ng mga advertisement at naglalakihang mga billboards.Ipinikit niya
"STOP IT!" Sigaw ni Amelia kay Gabby nang walang kaabog-abog na sapakin nito si Justin. Nagulat si Justin pero kaagad naman itong gumanti ng suntok dito. Binuhat ni Amelia si Winter palayo sa mga ito, "Manang Frida." sigaw niya sa matanda.Nilingon ni Winter ang ama, umiyak ito nang makitang dumudugo ang ilong nito, "Daddy. . ." tumitili ito."Manang Frida, dalhin nyo na po muna si Winter sa kwarto nya," utos niya sa matanda. Kaagad naman itong tumalima. Inis na inis na sinugod niya si Gabby."Stop it, Gabby! Kung magdadala ka lang ng gulo sa pamamahay ko, huwag ka na lang pumunta dito!" Sigaw niya rito. Gulat na napatingin sa kanya ang lalaki."Hey, kasalanan ko pa bang lahat ito?" Tanong nito sa kanya."Oo, dahil ikaw ang nag-umpisa ng gulo. Ipinaliwanag ko naman na saiyong karapatan ni Justin na bisitahin ang bata, akala ko nagkakaintindihan na tayo. . .""Pero Amelia," hinawakan siya nito ngunit iwinaksi niya ang braso niyang hawak nito, "Pwede ba, umalis ka na muna kung ay
BIGLA namang nabago ang mukha ni Gabby, waring biglang kumambyo, "I'm sorry." Kinuha nito ang mga kamay niya, "I'm sorry, I can't help it. I must admit, nagseselos ako sa lalaking iyon."Nakaramdam siyang bigla ng awa dito, naiintindihan niya ang ganitong pakiramdam dahil ganito rin siya kay Pamela. Kahit wala naman siyang karapatang pagselosan ang babaeng iyon."I know. Pero Gabby, please try to understand. Hindi ko na pwedeng alisin si Justin sa buhay ng anak ko. Dugo ni Justin ang nanalaytay kay Winter. Hindi ko siya pwedeng pagbawalan just because nagseselos ka sa kanya. Bago ka pa pumasok sa buhay ko, alam mo naman ng may anak ako. . .at si Justin ang ama.""I'm sorry." Masuyong sabi ni Gabby. Hinalikan siya nito sa nuo at ikinulong sa matitipunong mga bisig nito. Pero bakit ganun? Bakit malamig ang pakiramdam niya sa mga bisig nito? Parang walang hatid na kahit na anong damdamin sa kanyang puso. Hindi kagaya ng pakiramdam na inihahatid sa kanya ni Justin nuon kapag niy
SUMAPIT ANG DINNER PARTY sa mansion ng mga Jensen, naroroon ang buong pamilya ni Don Ignacio at ibang malalapit na mga kaibigan. Gandang-ganda siya sa kanyang sarili lalo pa at mamahaling stylist ang kinuha ni Justin para ayusan siya at bihisan. Lima yata ang glam team na nagpaganda sa kanya. Fe
TILA WALANG kapaguran si Justin habang ninanamnam ang sarap na dinudulot ng ibinibigay sa kanya ni Amelia habang naglalabas masok siya sa basang-basa nitong kuweba. Hindi siguro niya pagsasawaang samsamin ang tamis nito kaya kahit paulit-ulit ay hindi pa rin siya nauubusan ng kanyang lakas. Damn,
NANG mga sumunod na araw ay naguguluhan si Amelia kung paano niya pakikitunguhan si Justin. Iniiwasan niya ito ngunit paano niya ito mapapaibig kung ganito ang gagawin niya palagi? May timeline silang napag-usapan at isang buwan at dalawang linggo na silang nagsasama. Umaandar ang araw kaya dapa
PARA SIYANG NAISTWATWA mula sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung saan ipapaling ang mga mata para sana makaiwas ngunit alam niyang huli na ang lahat. Hindi na siya makakapagtago pa. Heto at nasa kanyang harapan ngayon ang lalaking ayaw na sana niyang makita pa. God knows







