LOGIN"Lola, baka po mangalay kayo sa pagka tayo." Inalalayan ni Edlyn ang abuela pabalik sa sala. Ayaw nitong umupo sa wheelchair kaya kailangan niyang alalayan. Alam niyang masaya ang matanda katulad niya. "Alright,let's go." Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Luna. Ilang sandali pa ay dumating si Darwin."Dad, napaaga po ang uwi niyo?" bati ni Edlyn sa ama. Bigla siyang nag alala kung ano ang maaring mangyari kapag nagharap ito at ng kapatid niya."Nag aalala ako sa mommy mo at napapansin ko na naging malungkot siya nitong mga nagdaang araw." Sagot ni Darwin habang hinuhuban ang coat na suot.Napangiti si Edlyn, hindi mapagkaila na sobrang mahal ng ama ang ina niya. Sadyang mapagmahal ang ama kaya nga sobrang naiinggit su Camela noon sa kaniya. Siya ay may ama at ito ay wala. Napabuntong hininga siya, hindi niya naintindihan noon ang ganoong feeling ng kapatid. Sa halip na ipakita dito na hindi ito naiiba o hindi dapat mainggit ay lalo niya lang iniinggit noon."May problema ba?" Puna
Napangiti si Camela, hindi niya ito pwedeng biglain at baka makahalata na may alam na siya tungkol sa donor ni Lindon. Ayaw niyang isipin ng ina na nakipag mabutihan na siya rito dahil sa pagiging donor nito. Well, pareho sila ng ugali ng ina kaya naintindihan niya ito."Kumusta na ang mga anak mo? Wala ka bang balak na ipakilala sila sa lola mo?" Pagalit pa ring tanong ni Tanya sa anak.Sumubo muna siya ng pagkain bago sumagot sa ina. "Bumubuti na ang kalusugan ni Lindon kaya huwag kayong mag alala.""Apo ko pa rin sila kahit ayaw mo pa rin sa akin." Paalala niya sa anak.Umangat ang isang sulok ng labi ni Camela at pinakatitigan ang ina."Huwag mong isiping woried ako sa mga anak mo dahil nagsisi na ako sa pamamaniwala sa iyo noon. Bilisan mo ang pagkain diyan at gusto ko silang bisitahin muli at ipakilala sa lola mo." Pagsusungit niya sa anak. Hindi niya ito mapasunod sa mahinahon na usapan at mapagkumbaba, baka sa ganitong paraan ay magbago ang isip nito."Ayaw pang aminin na natu
Sobrang natuwa si Luna nang makitang magkasama ang dalawang apo na dumating. "Tanya, halika at dumating ang mga anak mo!" Masigla niyang tawag sa anak na abala sa binabasa sa silid nito.Nagkukumahog na lumabas ng silid si Tanya nang marinig ang tinig ng ina. Kapag ganoon ang tono ng ina ay alam niya kung sino ang dumating."Hello, lola!" Nakangiting niyakap ni Camela ang abuela. "Mabuti naman at nakaalala ka pang bisitahin ang abuela mo," tonong hindi natutuwa si Tanya na makita ang panganay na anak. Humingi na siya ng tawad dito pero iba kapag nasa pamamahay siya nito.Dahan dahang bumitaw si Camela sa pagkayakap sa matanda at nilingon ang ina. Pilit niyang sinupil ang luhang nais kumawala sa kaniyang mga mata. Ngayon niya lubos na naunawaan ang ganitong ugali ng ina. Ngayon niya napagtuunan ng pansin ang mga titig nito sa kaniya. Kung magsalita ito noon ay parang galit pero iba ang sinasabi ng mga titig nito sa kaniya."Mom, ayos na po kami ni Ate. Isinama ko siya dito para madala
"Mag-ingat ka sa kapatid mo." Kausap ni Rex kay Edlyn bilang ganti niya sa masamang iniisip ni Rashed kanina para sa dalagang kaniyang tinatangi.Tumikwas ang kilay ni Camela habang nakatitig kay Rex. Mukhang mas mahalaga na ang kaligtasan ni Edlyn dito kaysa kaniya ngayon. "Joke lang," nakangiting inakbayan ni Rex ang kaibigan. "Mag ingat kayong dalawa." Bawi niya rito.Nakaramdam ng inggit si Rashed sa nakikitang closeness nila Camela at Rex. Nagagawan akbayan ito ng lalaki, samantalang siya ay panakaw pa lagi ang paghawak niya sa balat ng dating asawa. Naangkin man niya ito ay kung nasa mood ang dalaga at hindi siya puwede na unang mang manyak."Ikaw na muna ang bahala sa kambal, babalik din agad ako." Baling ni Camela sa binata.Tumango lang si Rashed at malungkot na tumitig kay Lindon na karga pa rin niya.Lumapit din si Edlyn kay Rashed at ipinatong ang kamay sa balikat nito. "Hindi mo ba ako pag ingatin?"Mabilis na inalis ni Rex ang brasong nakaakbay sa kaibigan saka tumikhim
Tumawa si Edlyn habang lumuluha nang mag salubong ang tingin nila ng kapatid. "Ang pangit mo na at mukhang kamatis ang ilong mo." Pang aasar niya kay Camela habang turo ang ilong ng kapatid.Nagkaroon rin ng tunog ang tawa ni Camela saka inirapan ang kapatid. "Look who's talking, baka nakalimutan mo na mukha ka ring kamatis kapag umiyak?" nang uuyam niyang tanong dito.Biglang nabura ang nang aasar na ngiti sa labi ni Edlyn at sinapo ang pisngi. Naghanap din siya ng salamin upang tingnan ang sarili ngunit wala nga pala sila sa bahay. Hindi niya rin ugaling mag dala ng maliit na salamin at confident siya sa kaniyang ganda kahit pag pawisan.Pumalatak si Camela saka inakbayan ang kapatid na abala ang isip sa paghahanap ng salamin. "Hangad ko ang kaligayahan mo noon pa at sorry kung naging makasarili ako. Nasira ko ang pangarap mo noon at nasaktan ka nang husto sa ginawa kong pang aagaw sa lalaking mahal mo." Senserong pag hingi niya ng tawad. Hindi lang siya ang nasaktan sa nakaraan nil
"Kilala ni Mommy ang ugali mo kaya ayaw niyang ipaalam na siya ang donor ni Lindon." Hindi na nagsinungaling si Edlyn at kahit labag sa kalooban ay kailangan niyang sabihin iyon kay Camela."So bakit mo sinasabi sa akin ngayon?" malamig na tanong ni Camela sa kapatid at hindi siya natutuwa sa paraan na pag tulong ng ina sa kaniya. Bakit kailangang itago? Gusto ba nitong makunsensya siya? Ang akala niya ay nagbago na ang ina sa kaniya pero hindi pala. Hindi pa rin nito isinasaalang alang ang damdamin niya o tinatanong bago isagawa ang isang pasya na involved siya."Dahil gusto kong magkaayos kayo ni Mommy bago ang operasyon." Nakagat bigla ni Edlyn ang ibabang labi at nahihirapan siya sa sitwasyon. Nangako siya sa ina pero hito siya at kausap si Camela.Nangunot ang noo ni Camela at nagtataka sa nakikitang reaction sa mukha ng kapatid. Ganoon ba kahirap sabihin sa kaniya ang totoo?Ikinurap kurap ni Edlyn ang mga mata at tumingala upang pigilan ang luha na nais kumawala sa kaniyang mg
Napangiti si Rashed nang yumakap sa leeg niya ang munting mga braso ni Ralph. Kahit nahihirapan dahil buhat sa magkabilang kamay ang dalawa ay hindi iyon ininda. "Akin na si Lindon at mabigat na silang dalawa." Tangkang kukunin na ni Camela ang isang anak ngunit iniwas ni Rashed."No, kaya ko sila
"Ako na ang magbabayad!" Inunahan na ni Rashed si Tyler."No, ako ang nagsama sa kanila dito para kumain kaya ako ang dapat magbayad." Giit ni Tyler at nakipag sukatan ng tingin sa karibal."Huwag na kayo mag agawan sa bayad at ako nang wala nang gulo!" Pagitna ni Edlyn sa dalawang lalaking gusto p
"I'm sorry, pero sa tingin ko ay hindi mo na sila maitago mula ngayon sa tunay nilang ama." Mukhang nasasaktan pa ring ani Edlyn.Kinabahan si Camela at mabilis na lumingon kung saan nakatingin si Edlyn. And there, sa pintuan ay papasok si Rashed. May kausap ito sa cellphone at mukhang may hinahana
"Hindi mo ba ako pananagutan?" Pabirong tanong niya sa dalaga nang ayaw siyang pansinin. Alam niyang magkukunwari itong walang nangyari kagabi sa pag aakalang wala siyang maalala.Nangunot ang noo ni Camela sa pabirong tanong ni Rashed. Hindi pa niya gusto ang ngiting nakapaskil sa labi nito. "Wala







