Masuk"Oo, isa akong guro, at may nais akong turuan ng leksyon." --- Walang ibang tutulong sa kaniyang matinding pagdurusa kundi ang kaniya lamang sarili. Si Dahlia Perez o mas kilala bilang teacher Dahlia ang mismong aalam sa madilim na nangyari sa kaniyang ama sa nakaraan. *** Nagtuturo sa isang paaralang elementarya si Dahlia Perez. Baguhan lamang siya sa isang lungsod. Dahil nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, kinuha niyang trabaho ang maging isang guro. Ngunit sa halip na ang kaniyang propesyon ang kaniyang isinaalang-alang ay iba ang sadya niya sa pamamagitan nito.
Lihat lebih banyakNaglalakad na mag-isa habang tinatahak ni Dahlia ang daan ng kanilang magulo at maruming kalye upang pumunta sa kaniyang ama. Sanay na ito sa may pagkamahaba-habang lakaran dahil wala naman itong pamasahe papunta roon.
Nakangiti at maayos ang pananamit ni Dahlia dahil sa iniregalo ng kaniyang amang si Gregorio sa kaniya noon. Gusto niyang makita siya nitong maayos kahit na nakatira lamang siya sa iskwater area. Ilan pa'ng minuto ang lumipas nang matapat na siya sa isang malaki at magarang gate. Dahil kilala siya ng bawat nakabantay na guard doon, kusa siya nitong pinapapasok. Palagi niyang nararamdaman ang excite sa tuwing pupunta siya sa mansyon ng ama dahil makikita niya na naman ito. "Dahlia, hija. Mabuti't nakarating ka nang maayos," sabi ng ama ni Dahlia na si Gregorio nang salubungin siya nito ng yakap at halik sa pisngi. "Teka, anong sinakyan mo?" tanong pa nito. Hindi nakaimik si Dahlia at tanging isang ngiti ang ibinato sa kaniyang ama. "Hmm... Naglakad ka na naman?" Unti-unting tumango si Dahlia bilang pagtugon sa kaniyang ama. "Ikaw naman. Sinabi ko sa 'yo na mag-commute ka at ako na ang bahalang magbayad e. O sige, halika rito sa loob. Kumain ka muna at may mga pinahanda ako para sa 'yo. Mamaya, iuwi mo lahat ng grocery na ipinabili ko," sabi pa ni Gregorio at saka sinamahan ang anak upang makarating sa kusina. Si Dahlia ay anak sa labas ni Gregorio. Nabuntis nito si Felina noong naglasing siya sa club dahil sa problema sa kaniyang asawa na si Abella. Pinanagutan ni Gregorio ang anak kahit na ayaw ni Felina na tumira ito sa mansyon niya. Habang hinahainan ni Gregorio si Dahlia, dahan-dahan namang bumaba sa hagdan sina Sonia at ang nakababata nitong kapatid na lalaki na si Semir. Nagtinginan ang magkapatid dahil sa inis kay Dahlia. Inggit ang dalawa dahil hindi malapit ang kanilang ama sa kaniya. "Itay, kumain na rin po kayo. Sabayan niyo na po ako," sabi ni Dahlia sa kaniyang ama habang hinihila ito upang umupo sa isang upuan. "Para sa 'yo 'yan, Dahlia. Kainin mo lahat 'yan. Dapat busog ka," sabi naman ni Gregorio. Nagtatawanan ang mag-ama at bakas ang sabik nila sa isa't isa habang ang dalawa ay palihim pa ring nakatitig sa kanila. Sa iilan pang oras na pananatili ni Dahlia sa piling ng kaniyang ama, ibinuhos ni Gregorio ang oras para dito. Kasalukuyang nagpapahinga silang dalawa habang si Dahlia ay nakangiti. Napayakap na lang siya sa kaniyang ama dahil sa ibinibigay sa kaniya na buong pagmamahal nito. Napatingin na lang si Dahlia sa kung saan nang marinig niya ang boses ng asawa ng kaniyang ama na si Abella. Ayaw na ayaw pa naman nitong nakikita si Dahlia dahil anak lamang ito sa labas. "Greg? Greg? Gr--" nahinto na lang bigla si Abella nang makita niya si Dahlia na katabi ang kaniyang mister. "At anong ginagawa mo ritong hampaslupa ka?" tanong nito kay Dahlia at mabilis nitong hinablot ang kamay ng bata. Dahil sa daing ni Dahlia dahilan kaya't nagising si Gregorio at nakita ang ginagawa ng kaniyang asawa. "Abella! Abella," tawag ni Gregorio sa asawa sabay kuha sa kaniyang anak. "Bakit mo naman sinasaktan si Dahlia? Wala namang ginagawang masama ang bata ah?" tanong pa nito. "Greg, anak mo sa labas 'yang batang 'yan. Hindi siya nararapat na makatapak sa mansyon natin. Mayaman tayo at mahirap lang 'yang lintek na batang 'yan. Ibalik mo na 'yang hampaslupa na 'yan sa nanay niyang malandi!" sabi ni Abella. Dahil sa bigla ay nasampal ni Gregorio ang asawa. Nabigla si Abella sa kaniyang naranasan. "Oo, anak ko sa labas si Dahlia. Pero anak ko pa rin siya. At wala kang karapatan na husgasan ang kung sinong tao, Abella, dahil wala kang karapatan," depensa naman ni Gregorio. Natawa na lang si Abella sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. "Bakit mo ba ipinagtatanggol yung babaeng 'yon, ha? Bakit? Sino ba siya sa 'yo?" tanong ni Abella. Dahil sa ingay ng mag-asawa, bumaba na lang bigla ang kanilang dalawang anak na si Sonia at Semir saka niyakap ang kanilang ina. "Tignan mo ang mga anak natin, Greg, hindi mo sila nabibigyan ng oras. Mas inaalagaan at mas pinahahalagahan mo pa 'yang anak mo sa labas." "Husto na, Abella! Husto na!" sigaw ni Greg at saka napatingin sa kaniyang mga anak. "Ako na lang ang saktan mo, h'wag lang si Dahlia. Sa oras na hawakan at pagbuhatan mo ng kamay ang anak ko, ako mismo ang makakalaban mo," pagbabanta pa ni Gregorio bago sila umalis ni Dahlia. Naiwan si Abella na humihinga nang malalim sa inis habang ang dalawa nilang anak ay napapaiyak na lang.Maagang gumigising si Dahlia upang makapag-ehersisyo at i-training ang sarili. Hawak niya ang dalawang arnis habang ini-ensayo ang self-defense. Bagaman ilang taon na siya ay hindi pa rin nawawala ang kaniyang bilis at liksi pagdating sa pakikipaglaban."Wala ka pa rin'g pagbabago, ate, talagang magaling ka pa rin pagdating sa ganitong bagay," sabi ni Semir na tila kanina pa pinanonood ang kaniyang kapatid.Huminto si Dahlia at nakangiting tinignan ang kaniyang kapatid. Kinuha niya ang face towel na nakasampay sa kaniyang balikat at pinunas ito sa kaniyang mukha't leeg, habang patungo kay Semir."Kailangan e. Hindi naman porket tumatanda na ako e.... pababayaan ko na rin ang sarili ko," sagot ni Dahlia."Nakakatuwa lang isipin na twenty years ng tahimik ang buhay natin, after ng mga nangyari noon. Naalala ko pa rin si Daddy at ate Sonia," pagbabalik-tanaw ni Semir. Ngumiti siya sa kaniyang kapatid kahit na bakas doon ang lungkot."May katapusan naman ang lahat, Semir. Hindi man naging
Labis ang kaligayahan ng buong pamilya Perez nang maisilang na ang bunsong anak nina Berina at Semir. Pinangalanan nila itong Aliah—sinunod sa pangalan ni Dahlia. "Napakagandang bata! Manang mana sa 'yo, Berina!" papuring bulong ni Dahlia habang tinitignan ang kaniyang pamangkin na natutulog sa crib. "Iyon nga ang sinabi ng dalawa kong anak e. Ayaw maniwala ni Semir. Ang akala niya, niloloko namin siya. Halata namang sa 'kin magmamana ng kagandahan ang mga babae kong anak, 'di ba??" bulong din niya sa 'kin. Nakatitig si Dahlia sa mukha ng bata. Magkahalong tuwa at sabik ang nararamdaman niya dahil tahimik siyang naghahangad na magkaroon ng sarili niyang anak. Hindi niya alam kung magkakaroon pa ba siya nito ngayo't malapit na siyang magkuwarenta. "Sandali lang at may kailangan akong tawagan. Baka mamaya, may kailangan sa 'kin sa shop," paalam ni Dahlia bago siya lumabas ng silid. Kinuha niya ang kaniyang phone mula sa bulsa at tinawagan ang manager ng bakery shop na kaniyang ti
Thank you so much, guys, for reading Teacher Dahlia. Soon, I'll publish "Teacher Dahlia 2: Pagsasanay sa Pag-ibig at Giyera" You can also read my other stories: > Playing With My Boss > He's Her Nightmare > Loving The Tarvande And more that are soon to be published here on GOODNOVEL! I hope, I see you soon, guys! Love you all!
Huminga nang malalim habang dinadama ni Dahlia ang sariwang hangin. Ito ay matapos niyang sunugin ang mga bagay na nakapagbibigay lang ng masasakit at magugulong ala-ala sa nakalipas ng kaniyang buhay. “Mama,” sambit ng isang boses ng binatilyo na nasa likuran niya. Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata at tinignan ‘yon. Lumapit siya sa lalaking ito at hinaplos ang kaniyang buhok. “Kakain na po tayo. Nand’yan na po sina tita Berina at tito Semir.” “Sige, Met, susunod ako,” tugon ni Dahlia sa kaniyang anak. Nauna namang umalis ang binata para asikasuhin ang kanilang handa. Sampung taon ang lumipas matapos ang pagkamatay ni Bernard, kinupkop ni Dahlia si MetMet at itinuring ito na parang isang tunay na anak. Mag-isa niya itong pinalaki at pinag-aral habang nakaalalay sa kaniya ang kaniyang mga mahal sa buhay. Umalis na rin siya sa pagiging guro at nabigla pa ito nang makuha niya ang kaniyang pera na galing sa pamana ng amang si Gregorio. Sumunod din kalaunan si Dahlia a
Naglalakad habang pinipilit ni Dahlia ang sarili dahil sa natamo niyang sugat. Gusto siyang alalayan ng dalawa ngunit hindi niya hinahayaan ang mga ito. Wala silang naging choice kundi ang makpagbakbakan sa mga pulis. Natakasan naman nila ang mga tauhan ni Armano Imperial kaya't dali-dali silang pu
"Pinaliwanag na rin sa 'kin ni Semir. Hindi lang ako makapaniwala na kapatid ka nila, Dahlia. At mismong si sir Armano Imperial pa ang gusto ninyong puksain. Pero ang bagay na hindi ko rin halos mapaniwalaan, alam mo pa lang gumamit ng baril at makipaglaban, Dahlia. Nakakapanibago lang nang makita
Nang maihatid naman ni Abella ang kaniyang anak na si Sonia, kasunod si Semir sa play room nila, kaagad siyang nagtungo sa kinaroroonan ng kanilang telepono. Tumingin-tingin pa siya sa paligid baka biglang umakyat ang kaniyang asawang si Gregorio. Nang makasiguro, kaagad dinial ang numero ni Arma
Nang mawala na ang mga putukan ng baril mula sa labas, unti-unti nang tinanggal ni Dahlia ang mga kamay niya sa pagkakatakip mula sa kaniyang tainga. Gusto niyang tignan kung ano ang nangyari. Gusto niyang makita ang kaniyang ama kung napaano ito.Unti-unti niyang binuksan ang cabinet na tinataguan
![His Lasting Impression : Mafia Don Obsession [ Book 1 ]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan