Share

Chapter 2

Author: Yeiron Jee
last update publish date: 2025-07-04 11:52:20

Sinundan ng tingin ni Denis ang tinatanaw ng nobya. "Ahm, kararating lang ni Sophie at gustong dalawin si Lola."

Pinigilan ni Faredah ang pagtikwas ng kilay. Pinaalala sa sarili na isa siyang anghel sa harap ng binata at pamilya nito. Naiinis siya kau Sophie at obvious na may gusto sa nobyo niya. Ngunit laging sinasabi ng binata na ka-officemate lang nito sa Sophie. Na magkaibigan lang ang mga ito, katulad noong nag-aaral pa sila. Pero ngayon ay naging mayabang na si Sophie dahil sa katayuan nito sa kompanya kung saan nagtatrabaho ang nobyo niya.

"Babe, alalayan mo si Lola at tulungan ko si Papa." Malambing na utos ni Denisa sa nobya upang hindi na mag isip pa nang hindi maganda.

Saka lang parang natauan su Faredah. Mabilis niyang nilapitan ang matanda at inalalayan itong maglakad.

"Thank you, hija!" Magiliw na ngumiti si Tacy sa dalaga habang mabagal na naglalakad.

Hinayaan na ni Faredah na maunang pumasok sa loob ng bahay sina Denis at ang ama nito. Sa dami nang napamili niya ay kailangan pang balikan sa gate ang ibang naiwan doon.

Pagkapasok sa loob ng bahay ay mukha agad ni Sophie ang bumungad sa kaniya saka ng ina ni Denis. Noon ay nakangiting sinasalubong siya ng ginang. Pero ngayon ay mukhang nakainum ng suka ang mukha kapag nakikita siya. Nagsimula lamang ang ganitong trato sa kaniya ng ginang mula nang makilala si Sophie.

Tumikhim si Sophie nang mapansing natuwa ang ginang pagkakita sa ilang supot na groceries saka dalawang sako na bigas.

Mabilis na sumimangot si Dulcy upang ipakitang hindi natuwa sa pinamili ni Faredah. Ayaw niyang magtampo si Sophie at baka bawiin ang gold na hikaw na regalo sa kaniya.

"Hija, maraming salamat muli sa pinamili mo. Pero sana sa sunod ay huwag ka nang mag-abala lalo na at may trabaho na ang nobyo mo." Nahihiyang pakiusap ni Tacy sa dalaga.

"Mom, maliit na bagay lang po iyang dala niya dito. Kay Sophie kayo dapat magpasalamat at puro mamahalin ang regalong dala niya." Sita ni Dulcy sa ina at itinaas ang bagong bag na dala ni Sophie.

Galit na ibinagsak ni Tacy ang baston at matalim ang tinging ipinukol sa anak. "Ingrata! Ano ang nakaka proud sa gamit na iyan? Nakakain mo ba iyan?"

Pinigilan ni Faredah ang matawa at halatang napahiya sa kaniya ang ina ni Denis. Kaya gustong gusto niya ang matanda dahil hindi materialistic. Mabuti na lang at dito nagmana ang nobyo niya at hindi sa ina.

Inis na napasimangot si Dulcy at hindi napigilang isatinig ang laman ng isipan upang ipagtanggol ang sarili. "Ma, hindi mo po ba alam ang value ng bigay sa akin ni Sophie? Mas malaking halaga ito kapag bininta ko o isangla!"

Umawang ang mga labi ni Faredah at napatitig sa hawak ng ginang. Paglipat ng tingin kay Sophie ay gusto niyang matawa. Mukha kasing may bumarang tinik sa lalamunan nito. Double kill ang babae dahil sa kayabangan nito. Bukod sa hindi naman pala e keep ng ginang ang bigay nito at parang hindi pinahahalagahan ang nagbigay, malabo ring maibinta sa mataas na halaga. Alam nitong authentic lamang ang bags na bigay nito. Ang alahas? Mababang value lang din iyon.

"Kailan ka pa naging materialistic?" Ilang beses na pinukpok ni Tacy ang tungkod sa sahig dahil sa galit sa anak.

"Lola, huwag na po kayong magalit sa anak ninyo. Isa pa ay nagsasabi lamang siya ng totoo." Pagtaganggol ni Sophie sa ginang.

Umangat ang isang sulok ng labi ni Faredah at hindi na napigilan ang pagtikwas ng kilay. "Sinasabi mo bang mamahalin iyang bag na bigag mo?"

Natigilan si Sophie at napatingin kay Faredah. Alam niyang may pera ito pero never niyang nakitang nagkaroon ng gamit na mamahalin. Isa pa ay mas mapera ang pamilya niya kaysa dito kaya malabong alam nito ang peke at hinding gamit. "Ano ba ang alam mo sa branded na gamit?" Nang iinsulto niyang tanong sa babae.

"Hindi ako mahilig sa mamahaling gamit pero alam ko ang original at authentic. Sa alahas, alam ko rin kung high or low quality." Nagkibit balikat pa si Faredah at ang paraan ng tingin dito ay mukhang naaawa.

Naningkit ang mga mata ni Sophie at kahit alam niyang hula lamang iyon ng babae ay alam niya ang totoo. Kilala niya ang babae at minsan na siyang napahiya dito at natalo. Kapag insist niya na original ang regalo sa ginang ay tiyak na gagawa din si Faredah ng paraan upang patunayang na tama ito.

"May pinagtatalunan ba kayo?" Nakangiting tanong ni Jason sa nobya bago ibinaba ang dalang mga plastic bag.

"Hindi naman, I'm just curious kung magkano ang bili ng mabait mong kaibigan sa alahas at bag na regalo niya sa nanay mo." Nakangiti niyang sagot pero tonong nang aasar at may ibig sabihin ang tinging ipinukol kay Sophie.

Nagdadabog na lumapit si Sophie kay Denis at kumapit sa braso nito. "Denis, look at her, ang yabang niya kahit wala namang yaman na maipagmalaki! Gumagawa siya ng dahilan upang hindi na tanggapin ng mommy mo ang mga bigay mo!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Faredah at nagising ang natutulog na little monster sa pagkatao niya. "Pag nagsumbong ay kailangan talagang maging tuko?"

Parang napapasong binawi ni Denis ang kamay na hawak ni Sophie. Hindi sa natatakot siya sa nobya, hindi pa kasi ito ang oras na hiwalayan ito. "Faredah, alam mo namang si Sophie ang tunutulong sa akin sa trabaho. Kung ano man ang mga ibinibigay niga kay Mommy ay huwag mo nang masamain. Sadyang mabait lang si Sophie at mapagbigay."

Pinigilan ni Faredah ang pag-ikot ng mga mata. Nainis pa siya at napapansin na kapag nasa paligid si Sophie ay tinatawag lang siya sa pangalan ng binata. Bigla siyang napaisip kung paano dmsiya nagkagusto kay Denis? Nakakatanga na kasi mga reason nito para maipagtanggol sa kaniya ang so good best friend umano nito. Ang isa sa nagustohan pa naman niya sa binata ay matalino. Scholar ito sa university nila at iyon ang kahinaan niya sa lalaki, ang pagiging matalino.

"Siya ang tumulong sa iyo na makapasok sa kompanya? Sigurado ka?" tanong niya kay Denis pero ang tingin ay na kay Sophie.

"Sino pa sa tingin mo ang tutulong mo kay Denis? Ikaw, ano ba ang alam mo sa trabaho? May kilala ka bang tao sa loob ng kompanya na nasa mataas na posisyon?" Mayabang at sunod-sunod na tanong ni Sophie.

Pumalatak si Faredah sa isipan. Pinigilan ang sarili na bigkasin ang laman ng isipan. Kung alam lang ng babae ang tunay niyang pagkatao. Pero kahit ang nobyo ay pamilya nito ay walang alam sa pagkatao niya. Ang alam nito ay nasa abroad ang parents niya kaya hindi siya naghihirap. Ang alam nito ay nagtitipid siya ng allowance niya upang makaipon at may maitulong financial dito.

"Paano kung sabihin ko na kaanak ko ang may ari ng kompanyang iyon?" nanunubok na tanong ni Farehda.

Nakakainsulto ang tawa ni Sophie, pinagtatawanan nito ang sinabi ni Faredah. Maging ang ina ni Denis ay tumawa rin.

"Ikaw, kaanak ng may ari ng kompanya?" Natatawang tanong ni Sophie habang tinuturo ang dalaga. "Well, ako naman ang anak ng CEO."

Inis at sinamaan niya ng tingin si Sophie. Wala naman dapat ikaasar at siya dapat ang matawa sa reaction nito. Pero nakakapikon kasi ang tawa nito at ng ina ng nobyo. Pagtingin pa niya sa binata ay nasa bibig ang kamay at halatang nagpipigil ng tawa.

"Hindi ka rin naniniwala?" Pagalit niya tanong sa nobyo.

Tumikhim si Denis bago nagsalita. "Faredah, tama na at nakakahiya sa bisita.

"Ah, ganoon? Ikinahihiya mo na ako ngayon?" Galit niyang sumbat sa binata at naasar na siya.

"Hindi sa ganoon per—"

"At Faredah lang ang tawag mo sa akin porke kaharap iyang babaing halatang gusto kang agawin sa akin?" galit niyang tanong sa binata.

"Tsk, naging unreasonable ka na!" iritableng turan ni Denis.

Lalong nagatungan ang galit na nadarama ni Faredah dahil sa sinabi ng binata. "How dare you! Kinakampihan mo talaya ang babaing iyan? Ano, naging materialistic ka na rin ba tulad ng iyong ina?" Hindi na niya napigilan ang katalasan ng dila.

Nanlisik ang mga mata ni Denis at nainsulto sa sinabi ng nobya. Parang biglang tumaas ang dugo niya sa ulo at naitaas ang kanang kamay upang sampalin ang dalaga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Ernesto P. Arcalas Jr.
hiwalayan mo n Yan faredah nakakainis kc
goodnovel comment avatar
Anita Valde
subukan mong sampalin si faredah tingnan natin Kung hnd Ka matanggal SA trabaho mo Denis hiwalayan muna Yan niloloko Ka lng Ng pamilya na Yan Pwera Kay lola
goodnovel comment avatar
Lv Villarino
naku faredah, hiwalayan mo na yang nobyo mo, niloloko ka lng nyan.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 147

    "Papatayin kitang hayop kang malandi ka!" Naghistirika na si Cynthia at nangangati ang mga kamay na mapaputok ang hawak na baril. Ngunit hindi magawa dahil nagtatago ang babae sa likod ni Terence. "Terence, baka mapahamak ka. Hayaan mo na akong harapin siya." Natatakot na kausap ni Charlene sa nobyo habang mahipit na nakahawak sa braso nito."No, stay away from her." Matigas na turan ni Terence at hindi hinihiwalay ang tingin kay Cynthia. Nang makita ang ama na nasa bungad na nang pinto at nagsenyasan sila gamit lang ang tingin. Pinarating ng tingin ni Cyril sa anak na libangin si Cynthia upang hindi siya mapansin na maka lapit dito at maagawa ang hawak na baril."Cynthia, " tawag ni Terence sa babae nang mangunot ang noo nito. "Mahal mo ba talaga ako?"Nagulat si Cynthia sa biglang bago ng tono ni Terence at hindi inaasahan ang ganoong tanong mula rito. "Hindi tayo hahantong sa ganito kung hindi kita mahal na mahal!""Hayaan mong makaalis si Charlene at sasama ako sa iyo kung saan

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 146

    Nangalit ang mga bagang ni Terence at humigpit pa ang yakap sa dalaga. Hindi niya rin kayang isipin na mawala ang dalaga. Kung sinunod niya ang utos ng ama at hepe.ay baka nahuli na siya sa pag ligtas sa nobya. Binuhat niya ang dalaga at humakbang na palabas ng silid ngunit natalisod niya ang lamesa kaya natumba.Napalingon si Cynthia sa pinto nang makarinig ng lagabog doon. Babalik na sana siya sa loob nang biglang magsalita ang lalaking nanghihingi ng tubig."Pulis ito, itaas ang mga kamay at huwag nang magtangkang manlaban dahil napapalibutan na namin kayo!" Nanlaki ang mga mata ni Cynthia at nakatutok na sa kanila ang baril na hawak ng pulis. Ang tao niya ay mukhang na estatwa na sa kinatayuan at agag na itinaas ang mga kamay. "No..." nanlisik ang mga mata niya dahil sa galit. "Hindi ako papayag!"Napamura ang hepe nang biglang ibato sa kaniya ng babae ang hawak nitong cellphone at mabilis na nakapasok sa pinto. Naisara agad nito ang pinto bago pa niya mapigilan iyon na magsara.

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 145

    Parang nabunutan ng tinik si Charlene at pansamantalang naudlot ang kahalayan ni Willy. Nang maalala na may tao sa paligid ay bigla siyang sumigaw. "Tulong! Tulunga—uhmp!"Galit na tinakpan ni Willy ang bibig ng dalaga saka idiniin ang katawan nito sa dingding upang hindi makapag pumiglas.Halos dumugo na ang gilagid ni Terence dahil pangangalit ng mga ngipin nang marinig ang sigaw ni Charlene. Kung puwede niya lang wasakin na ang pinto. Nang maalala na silencer ang hawak na baril at pinaputuka na niya ang seradura. Sinabayan niya ang ingay sa loob.Nangunot ang noo ni Cynthia nang pag silip niya sa bintana ay makita niya ang isang mukhang matanda na may hilang kambing palapit sa bahay. Ilang sandali pa ay napalingon siya sa kusina at parang may kumalabog doon. "Ma'am, ano po ang gagawin ko sa lalaking baliligaw dito?" tanong ng tao ni Cynthia. "Paalisin mo!" Pagalit na utos ni Cynthia. Nagtataka rin siya kung nasa ganito lugar pa ang lalaki dahil palubog na ang araw.Agad na sinuno

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 144

    "Ano na ang sitwasyon diyan?" tanong ng hepe sa tauhan at malapit na rin sila. Mabuti na lang at maliwanag pa ang paligid."Napalibutan na po namin sila at hinintay ang inyong go signal. May dumating babae at mukhang sinasaktan ang bihag."Naikuyom ni Terence ang mga kamay at sigurado siya na si Cynthia ang nakita ng kapulisan. Wala pang dalawang minuto ay huminto na ang sasakyan, hindi kalayuan mula sa bahay na pinagdalhan kay Charlene. Hindi niya talaga mapatawad ang babaeng iyon sa ginawa nito sa nobya niya sa ikalawang pagkakataon. Nag iisa ang bahay sa isang parang farm na napabayaan na dahil walang tanim o hayop sa paligid."Sir, huwag po kayo padalos dalos at naka lalong malagay sa pelegro ang nobya ninyo." Pigil ng hepe kay Terence nang tangkang baba na ito ng sasakyan."Ano pa ang hinihintay ninyo? Saka lang ba kayo kikilos kapag napahamak na nang tuluyan ang nobya ko?" Inis na tanong ni Terence sa hepe."Terence, kumalma ka at alam nila kung ano ang dapat gawin." Kausap ni C

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 143

    Napalitan ng pagkaaliw ang galit na nadarama ni Willy nang makita ang hitsura ng dalaga. Ang sexy nito sa ganoong posisyon at lalo siyang ginaganahan kapag mukhang palaban ang babae pero mahina. "Fierce, baby!"Parang masuka si Charlene sa paraan ng mga titig sa kaniya ng binata. Kahit may bTali ang mga kamay ay nagawa niya damputin ang lampshade na nakitang naka patong sa bedside table. "Huwag kang lumapit!" Inumang niya ang hawak dito pero tumawa lang ang lalaki."Wow, sa tingin mo ay masasaktan mo ako sa hawak mong iyan?" Natatawang tanong ni Willy sa dalaga. Mabilis na bumaba ng kama si Charlene at kamuntik pa siyang matumba. Mahina pa rin talaga ang mga tuhod niya at nanginginig iyon. Nilalamig din siya dahil tanging bra at panty ang suot niya. Hindi na muna niya initindi ang lantad na katawan. Ang kailangan niya ay lakas at makapag isip ng tama upang matakasan ang lalaki. Nang humakbang muli ang lalaki palapit sa kaniya ay inihampas niya ang hawak dito ngunit hindi ito tinamaa

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 142

    "Makinig ka, may hinala na sila na nakidnap ang kapatid ko.""Ano?" Galit na sigaw ni Willy. "Ang akala ko ba ay magaling ka sa drama at malinis itong ginawa natin? Paano nila nalaman?" "Hindi ko alam at huwag mo akong sisishin!" Bulyaw muli ng babae.Nagmura muli si Willy at napatingin sa babaeng natutulog. "Huwag kang magkamaling ikanta ako!""Gago ka ba? Bakit ko naman gawin iyan? Tumawag ako para sabihin sa iyo at nang makatago ka ng maayos!"Napabuga ng hangin sa bibig si Willy. "Nasaan ka na ngayon?""Dito pa sa bahay ng kapatid ko at hinaharangan nila ang pagkuha ko sa anak natin." Naiiritang sagot ni kausap ni Willy."Magkaniya kaniya na tayo mula ngayon. Bahala ka kung paano ka makaalis diyan at bahala na rin ako sa buhay ko!" Ibaba na sana ni Willy ang tawag ngunit pinigilan siya ng kausap mula sa kabilang linya."Paano ang kapatid ko?"Ngumisi si Willy. Wala sana siyang balaka sabihin ang totoo sa dati niyang kasintihan pero nasa mood siya ngayon manakot. "Huwag mo na siya

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Chapter 101

    Sumandal si Alexander sa hamba ng pinto habang pinapanood ang ginagawa ni Blake. Mukhang bad mood ito sa kung ano ang nababasa at hindi narinig ang katok niya at bukas ng pinto. Walang nakakaalam sa kompanya niya na ito ang CEO ng Draco company. Alam niyang magakroon ng problema at makuwestyon siya

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Chapter 100

    ĥNagulat si Sophie nang ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Ang akala niya ay namalikmata lamang siya. Pero nang nasa malapit na ito ay saka niya nakumpirma na si Blake nga ang lalaki. "Ano ang ginagawa mo dito?"Nangunot ang noo ni Blake at hindi natuwa sa tanong ng kaharap. Muntik pa siya maka

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Chapter 99

    "Oo nga pala, nag aaya si Terence sa isang isla at birthday niya." Bumagsak ang mga balikat ni Faredah. Muntik na niyang makalimutan ang kaarawan ng isa sa pinsan nila. Hindi hilig ni Terence ang magkaroon ng magarbong kaarawan kasama ang mga kaibigan. Mas gusto nitong silang magkamag anak lamang

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Chapter 93

    "Good morning, baby, sino ang kausap mo?" Paglalambing ni Blake sa dalaga at hinalikan ito sa labi.Nangalit ang bagang ni Denis at hawak nang mahigpit ang cellphone nang may marinig na tinig ng isang lalaki. Kung ganoon ay hindi nga nagsisinungaling ang dalaga nang sabihing kasama nito ang lalaki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status