FAZER LOGINSIOBEH
Hindi kalayuan sa shopping centre ay doon nakatayo ang isang malaking mansyon. Marahil ito na nga ang mansyon ng mga Clemente.
Pagpasok sa loob ay maaliwalas ang paligid at mala-palasyo ang ganda ng lugar. Maliwanag na dito kumpara sa hideout.
Kung kanina ay para akong nasa impyerno, ngayon naman ay parang nasa langit ako sa ganda at liwanag ng lugar. Napapaligiran ng kulay gold, cream, white ang pintura ng buong kabahayan.
Isang malaking chandelier at may mga mural paintings ng mga anghel sa ceiling ang makikita sa main lobby.
Habang buhat-buhat ako ni Aarav ay umakyat kami sa napakalaki at malawak na staircase.
Hindi niya alintana ang hubad kong katawan na nakahantad sa kanyang harapan. Kami na lamang dalawa ngayon at napakabilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko. Hindi pa ako nakalapit ng ganito ka-lapit sa isang lalaki.
Dinala niya ako sa isang kwarto at doon ay pinaupo niya ako sa isang malambot na kama ngunit hindi pa rin maibsan ang sama ng loob ko.
“It’s okay my Baby boo boo, no one will harm you here, wala na sila, pinatay ko na.” saad niya ngunit sinampal ko siya ng malakas sa kanang pisngi.
“Hayop ka! sinabi ko bang pumatay ka para sa akin?! huh?! wala kang kasing sama! walang hiya ka!” singhal ko sabay sampal ulit ng malakas sa kaliwang pisngi niya.
“Bakit ka ba nagagalit? sorry na nga eh. Alam ko mali ako na iniwan lang kita doon.”
“Napakasama mo! wala kang puso! hayop ka! isa kang demonyo!” singhal ko na pinagsasampal na siya ngunit nahuli niya ang mga kamay ko at nahawakan niya ako sa leeg. Bigla niya akong inihiga sa kama at hinigpitan ang paghawak niya sa leeg ko at akmang sasakalin ako.
“Putang ina Siobeh! napupuno na ako sayo huh?! Huminahon ka nga!” saad niya na binitiwan ng marahas ang leeg ko.
“Pinagsisisihan ko ng sumama ako sayo! wala kang kwenta! masama kang tao!” singhal ko habang humahagulgol ng iyak.
“Ang labo mo naman eh, niligpit ko na nga yung mga gumago sayo at saka nag-sorry na nga ako eh.”
Maya-maya ay may kumatok kung kaya't nag-ayos kami at umupo ako ulit sa kama. Pinahid ko ng marahas ang mga luha ko.
“Senyorito Aarav, si Minda ho ito.”
Kaagad na binuksan ni Aarav ang p***o.
“Yaya Minda,” saad ni Aarav na tila nag-iba ang tono at animo'y maamong tupa na ngayon.
Nagmano siya sa matanda.
“Kaawaan ka ng Diyos, Anak.” saad nito at ngumiti kay Aarav.
“Uhm, Yaya Minda, si Ms. Siobeh Aldama po fiance ko, Siobeh si Yaya Minda.” pagpapakilala sa amin ni Aarav ngunit naka-fixed ang mata niya sa akin na parang sinasabi na sakyan ko nalang siya sa kalokohan niya.
“Kinagagalak ko ho kayong makilala.” saad ko na mahinahon na at sinakyan nalang si Aarav dahil baka totohanin niya talagang sakalin ako kapag hindi pa ako tumigil.
“Fiance? totoo ba ang narinig ko? mag-aasawa ka na, Anak?” saad ng matanda na puno ng saya sa kanyang mga mata.
“Ah Opo, uhm, Yaya Minda, makikisuyo sana ako baka pwedeng paki-asikaso naman ho si Siobeh, give her some warm bath, nice clothes at saka paluto po ako ng pagkain para saming dalawa.”
“Sige, masaya ako para sayo Anak, sa wakas ay mag-aasawa ka na. Siya na pala yung matagal mo ng ikinukwento sa akin, si Ms. Aldama, napakagandang bata, kamukhang-kamukha niya ang tatay niya.”
“Kilala niyo po ang tatay ko?” tanong ko.
“Yaya Minda.” sabat naman ni Aarav na umiling-iling sa matanda na para bang sinasabihan niya ito na wag na akong sagutin at wag na ituloy ang sinasabi nito.
Kaagad namang naunawaan iyon ni Yaya Minda at ngumiti nalang.
“Mahal, may aasikasuhin lang ako. Mauna ka na kumain ah, para makapagpahinga ka na.” saad niya na hinaplos ang pisngi ko na para bang naglalambing ngunit binalewala ko lang iyon dahil nagtatanong ang aking mga mata.
Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Bakit kailangan niya akong pahirapan ng ganito? anong kasalanan ko sa kanya? dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit mortal na magkaaway ang angkan ng mga Aldama at Clemente.
Bumaling si Aarav ng tingin kay Yaya Minda, “Yaya, sa kwarto ko siya matutulog,dalhin mo nalang siya doon mamaya.”
“Sige po, Senyorito.” tugon naman ni Yaya Minda.
Hinalikan ako sa noo ni Aarav bago siya tuluyang umalis.
“Maganda gabi, Ms. Aldama, ako ho si Minda, matagal na akong naninilbihan dito sa Mansyon ng mga Clemente. Ako ang yaya ni Senyorito Aarav.”
“Nice to meet you po, Yaya Minda.”
“Masayang masaya ako para sa inyo ni Senyorito Aarav, sa wakas ay hindi na siya malulungkot mag-isa dito sa Mansyon.”
“Bakit po? saan po ba ang mga magulang ni Aarav?”
“Matagal ng patay si Donya Francia at Don Leon Clemente. Sanggol palang si Senyorito Aarav ay ako na ang nag-alaga sa kanya.”
“Talaga ho? sobrang tagal niyo na po pala dito.”
“Oo. Sa akin na lumaki ‘yang si Aarav. Napakabait na bata nyan kaya napaka-swerte mo, Hija.”
Iyon? mabait? eh kanina lang halos ubusin niya yung mga tauhan niya dahil lang sa akin. Limang tao lang naman yung binaril niya kanina, tss.
“Heto ang twalya, naka-on na rin ang heater sa bathroom. Pwede ka ng maligo.” saad ni Yaya Minda na ibinigay sa akin ang twalya.
“Salamat po, Yaya Minda.” saad ko, ngumiti lamang siya.
“Tawagin niyo nalang po ako Ms. Siobeh kung nay ipag-uutos pa kayo. Magluluto lang ako ng pagkain.”
“Sige po.”
Iyon lang at maingat na sinara ni Yaya Minda ang p***o pag-alis niya.
Ginawa ko nalang ang sinabi niya at pumasok na sa bathroom. Kumpleto naman doon. Mabango at malinis ang paligid.
Napatingin ako sa salamin sa countertop. Damn it. I look so stressed. Baka tigyawatin ako nito.
Hinubad ko ang coat ni Aarav. Amoy na amoy ko ang panlalaking pabango niya sa coat na binigay niya sa akin. Amoy gwapo at tila napapapikit ako habang niyayapos iyon ngunit bigla kong naalala na kaaway siya ng angkan namin at nagising ako mula sa pagpapantasya.
Hindi ako pwedeng mahulog kay Aarav kahit pa ubod siya ng gwapo at hinulma ng mabuti ng Diyos ang napakatikas niyang katawan.
Damn it, Siobeh! kumalma ka! itigil mo ‘yang pantasya mo!
Sinimulan ko ng hubarin ang suot kong bra at panty at saka sumampa sa jacuzzi. Napakabango sa bathroom. I think I’m smelling some lavender which is so relaxing. Nakadagdag pa ang masarap na maligamgam na tubig.
Finally, makakapagpahinga din after a long night. Napatingin ako sa wall clock na naroon at alas tres na pala ng madaling araw. Hindi ko namalayan ang oras.
Kamusta na kaya si Kent? ano na kayang nangyari? pinapahanap kaya ako ni Daddy? Nag-aalala kaya sila sa akin ngayon? Siguradong lagot ako kay kuya nito. Hindi pa ako nakakahingi sa kanya ng tawad matapos kong kunin ng walang paalam ang sports car niya.
And all of this mess is just because of that stupid bet at ngayon ay nalagay pa sa panganib ang buhay ko.
AARAV“You did great, My baby boo boo.” saad ko na hinaplos ang chin at lips niya na masarap halik-halikan ngunit iniwas niya ang mukha niya sa akin. Ngayon ay nasa byahe na kami pauwi at sa tingin ko ay kailangan ko na namang suyuin si Siobeh. Tinotopak na naman ang babaeng ito. “Huy, sorry na, wag ka ng magalit, pumapangit ka oh.” saad ko na tinusok ang tagiliran niya para kilitiin siya. “Ano ba?!” angil niya sa akin ngunit hindi ako papayag na magalit na naman siya sa akin.“Baby naman…”“Ano?! Masaya ka na ba? Huh?! Alam mo ba kung anong tingin nila sa akin doon?! isang taksil! Traydor na sumama sa kalaban! Ni-ang sarili kong ama’y ayaw akong kilalanin at gusto na akong itakwil!” asik niya na puno ng sama ng loob at tila nangingilid na ang mga luha. Natahimik naman ako bigla. Masakit nga naman iyon.“Sorry na, saan mo gusto bukas? Ipapasyal kita.”“Hindi na ako bata, Aarav! Akala mo mauuto mo ako sa ganyan?”“Eh kasi… ayoko naman na basta-basta nalang tayo magpapakasal na para
AARAV“Siobeh, Anak!” alalang-alalang saad ni Mrs. Aldama “Mommy!” kaagad na tumayo si Siobeh upang puntahan si Mrs. Aldama at niyakap ito. Tumayo na rin ako at pinanuod sila pero hinihimas ko pa rin yung ulo ko sa sakit ng pagpalo ni Don Ramon ng tungkod niya, napatingin ako dahil yari pala sa solid wood iyon. Putang ina! kaya pala ang sakit! mababagok ata ang ulo ko!Hindi nila alintana ang gulo na dulot ko ngunit napansin ko na si Antonio kanina pa na animo'y nilalamon ako ng tingin. Namumuhi siya sa akin at ganon din ako sa kanya. “Kamusta ka, Anak? anong nangyari sayo? bigla ka nalang hindi umuwi, alalang-alala ako sayo!” “Okay lang po ako Mommy.” “Edralyn! bitiwan mo ‘yang walang hiya mong anak na hindi nag-iisip ng matino!” “Ramon! ngayon lang umuwi si Siobeh! wag mo naman siyang pagalitan!”“Paanong hindi ako magagalit?! buntis ‘yang anak mo at humihingi sa akin ang dalawang ito ng pahintulot para sa isang kasal na hindi naman nararapat!” “Totoo ba ‘to, Siobeh? buntis k
AARAV“Sinong may sabing bumalik ka dito sa pamamahay ko?! Lapastangan!” puno ng galit na sambit ni Don Ramon kay Siobeh.Nanginginig at nangingilid na ang luha ni Siobeh habang nakaupo sa sahig at hawak ang pisngi niyang namumula dahil sa sampal ng kanyang ama. Awtomatikong nagdilim ang paningin ko at mabilis na hinugot ang baril ko sa tagiliran at tinutok iyon kay Don Ramon ngunit bumunot din ng baril ang mga tauhan ni Don Ramon kasabay ng paghugot ng baril nila Michael sa likod ko. “Aarav! It’s fine, I’m fine! Please!” pagmamakaawa sa akin ni Siobeh na napatayo kaagad at pilit na niyayakap ako upang awatin ako sa masamang balak ko sa tatay niya. Tang ‘ina pasalamat siya, mahal ko si Siobeh. Hindi ko nga sinasasaktan yan eh, tapos sasampalin niya lang?“Hindi kami nandito para manggulo, gusto ko lang makipag-usap kaya please lang wag niyong sagarin ang pasensya ko! At wag na wag niyong sasaktan si Siobeh!” asik ko sa kanilang lahat. “Sayo pa talaga nanggagaling na wag kong sasakt
AARAV I was a high profile mafia at sa mundong ginagalawan ko mas inuuna at mas matimbang ang utak kaysa sa puso ngunit ang puso ko, mukhang tinamaan ng lintik nang makita ko si Siobeh Aldama sa isang auction sa Europe isang taon na ang nakalipas. Maganda, maputi, makinis, mabango at higit sa lahat sexy! Damn it! Nakakatuliro! Kasama niya ang tatay niya sa auction ngunit hindi sila sumali sa mga nagbi-bid at tumitingin-tingin lang. I was bidding on 7.5 hectares of land and property with a vineyard on the side dahil inutusan ako ng ama ko bilang huling habilin niya sa akin. I am just fulfilling my old man’s wishes ngunit hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit pinabili niya sa akin iyon at wala pa akong malinaw na plano para sa lupain na iyon. Hay naku, Dad. Hirap na hirap na akong tuparin ang mga huling habilin mo. Bakit naman kasi napakadami? Iniwan mo pa sa akin ang crime family ng wala man lang pasabe na mamamatay ka na pala. Putang inang buhay ‘to! Hirap na hirap tuloy ak
SIOBEH“Siobeh, pansinin mo naman ako, kausapin mo naman ako oh.” pag-uungot sa akin ni Aarav habang umaakyat kami sa hagdan. Gusto ko na kasing magpahinga dahil gabing-gabi na at wala na talaga akong energy pa. “I hate you! go away!” saad ko na mabilis na pumasok sa kwarto namin.“It won't happen again, I’m sorry!” saad niya na sinusundan pa rin ako. “Ah talaga?! eh bakit mo binaril yung pinadalang espiya ni daddy?!” “I got pissed. Okay?” paliwanag niya. Naupo naman ako sa kama at tinanggal ang stilletos ko. “Well, hindi iyon rason para pumatay ng tao!” asik ko habang kumukuha ng sleepwear sa cabinet ko. “He’s a spy! Dapat lang sa kanya iyon!” natigilan ako sa sinabi niya.“Gusto lang naman ni daddy na malaman kung okay lang ako because you didn’t allow me to contact them! Binilhan mo pa ako ng cellphone pero blocked naman lahat ng sites para makausap ko sila. Bawal social media, hindi rin ako makagamit ng email! Aanhin ko ito, Aarav?!” saad ko na padabog na ibinalik sa kanya an
SIOBEHIt’s an engagement party for me and Aarav ngunit hindi ako masaya. Iniisip ko pa rin ang pagtakas. Kailangan ko ng makauwi sa amin kung kaya’t nang malingat si Aarav ay tumakbo ako palayo sa kasiyahan ngunit napadpad ako sa isang malaking hardin. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas ngunit kailangan kong makatakas dito.Damn it! Saan ba ang daan paalis dito?! Malaki at malawak ang hardin na iyon. Naglalakad ako kung saan ako dalhin ng mga paa ko nang may biglang humablot sa akin at tinakpan ang bibig ko. “Wag kang sisigaw, ako ‘to si Kent.” pakilala niya at marahang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. “Kent!” saad ko at sinunggaban siya ng yakap.“Nagpadala kami ng espiya upang bantayan ka dito at alamin ang kalagayan mo.” “Tama ka! Hindi dapat ako sumama kay Aarav! Wala siyang puso! Masama siyang tao! Iuwi mo na ako samin Kent please, parang awa mo na!” “Teka lang, hindi pwede! Nakarating na sa ama mo ang lahat at galit na galit siya!”“I’ll explain everything to him







