Masuk“I'm interested... But how about my brother?” Natitigilan naman akong tinitigan siya. Ramdam ko ang pagdiwang ng katawan ko sa nalaman kaya naman lumapit pa ako ng kaunti para masinsinan kaming makapag usap.“Huwag kang mag-alala akong bahala sa kuya mo,” pagpapanatag ko kahit pa alam kong mahihirapan na naman ako sa bagay na iyon.Ngumuso siya at umiling-iling.“Come on, don't hoping so much. I know him more than you did...”Gaya niya ay napalabi din ako. Gets ko naman iyon. Pero wala namang masama kung susubukan diba?Mas lumapit pa ako at umupo din para magkapantay kami.“Ayaw mong maniwala? Pwes, hayaan mo akong ipakita saiyo,” biro ko na may halong katotohanan.Tumaas ang mataray niyang kilay, mukhang hindi pa rin siya sang-ayon sa kagustuhan ko at parang siguradong-sigurado siya na impossible ang gusto kung mangyari.“You can say that though, pero hindi mo ba napapansin? He keep pushing you and treating you like unhuman, and besides, ayaw niya akong napapalapit sa mga katulad
Hindi ko inaasahang dadating ang araw na ito. Siguro nga hindi pa ito ang huling pagkikita namin... Pero kasi, mawawalan na naman ako ng kasundo sa bahay na ito.Kumaway siya sa amin, pagkatapos niyang bumeso sa dalawang anak. “Ingat po kayo, Mrs. Tarah!” sabay-sabay naming sigaw ng mga kasamahan kong kasambahay mula sa gate. Ramdam na ramdam mo talaga ang dismaya sa ekpresyon nila kahit pa nakangiti sila.Pinagmasdan ko ang dalawang alaga ko na seryoso lang ang tingin sa papaalis na sasakyan ng kanilang Ina.Pagkuwan ag yumakap si Teighnie sa kaniyang kuya habang nakabaon ang mukha dito. Binuhat naman siya nito at ngayon ay papalapit na sa pwesto namin.Ay teka, ako nalang pala!Panigurado, ayaw nilang makasalubong ang magkapatid na ito, lalo pa't wala na ang Amo namin.“K-kuya... Bakit kasi hindi nalang tayo isama ni mommy?” narinig kong humihikbing tanong ng bata.“Hush...” hinaplos nito ang buhok ng kapatid habang may binubulong bulong para siguro pagaaanin ang loob niya.Napans
Kinaumagahan, maaga akong ginising ni Manang para magluto ng agahan ng magpapamilya.Masakit daw kasi ang puson ni Mikay kaya nakahilata lang siya ngayon doon, tapos iyong mga cooker naman na kasama niya ay mamalengke dahil paubos na daw ang stocks.“Nga pala, diba sabi mo dadalhan mo din si Sir ng pagkain sa site niya?” Tumango ako habang kumukuha ng frozen food sa ref. “O siya, ako na munang magbabantay doon sa bata... Para maasikaso mo din si Sir Thane.” Natigilan ako saglit, at napatalon rin sa galak.Sa wakas, bawas responsibilidad ngayon!“Thank you, Manang!”Natatawa naman siyang umiling at pagkuwan pay pabiro akong kinurot.“O siya, magluto kana nga diyan!” Ganun nga ang ginawa ko. Isinalang ko ang kawali sa shalin at nang mainit na'y inilagay ko na ang cooking oil. Nag pr-priito lang naman ako ng Sunny side up egg, Bacon at ang paborito daw ni Teighnie--Ang Tocino!Nagsangag rin pala ako ng kanin, para talagang breakfast na breakfast ang atake. Nang makapaghanda na sa h
Hindi ko alam kung bakit mapa hanggang ngayon ay nganga pa rin ako sa nalaman. Natagalan pa nga ako sa pag akyat sa ikalawang palapag dahil lang doon.Masyado ko bang minaliit ang alaga ko?I mean... Alam ko namang mayaman siya pero, I didn't expect na nasa punto na pala na pagmamay-ari niya pala ang isa sa pinakakilala at isa sa malaking architecture firm sa buong mundo.Paano? Hindi kaya pamana lang sakaniya? Pero buhay na buhay pa naman ang pamilya niya at may mga sarili pa ngang kompanya na pinagkakaabalahan.“Nagpunta ka pa,” sarkastikong aniya habang nakatayo pa ring bitbit si Teighnie.Nag peace sign ako at mabilis na lumapit.Mahirap na, baka lunurin niya pa ako ng pera— Aba't tatanggapin ko!“Get her key over there,” Inginuso niya ang suot ng kaniyang kapatid. Sinunod ko naman ang utos niya. At dahil nakasuot lang ito ng bestida ay agad ko itong nilingon. Namangha naman ako ng makitang nakaiwas na ang mga mata niya.Sign of respect.Dahan-dahan kong itinaas ang bestida nito
Nakabusangot na ako habang nanatiling nakatayo pa rin sa tabi ng kalsada. Masakit na ang araw sa balat, pero dahil wala akong matanaw na waiting shed, wala akong choice kundi mamalagi dito.Nakakainis! Talagang pinanindigan na nila ang pag iwan sa akin!Tatlong pong minuto na ata ang lumipas simula nang mag abang ako ng masasakyan dito. Tingin ko madalang lang ang matitiyempuhan na nagpapasada dahil halos lahat yata ng napadaan ay magpapamilya.Bumuntong hininga ako. Kung... Kumpleto ba kami, ganun rin kaya ang sitwayon namin ngayon?Sinipa ko nalang ang nakita kong bato sa gilid. Bakit ba iniisip ko pa ang bagay na iyon? Eh irresponsable naman ang magaling kung ama.Nakabibinging busina ang gumising sa malalim kung pag iisip. Bumukas pa ang bintana nito, at ganun nalang ang pagkakabuhay ko ulit nang makita ang supladong mukha ng lalaki.“Sakay,” he command. Dali-dali ko namang binuksan ang passenger seat at sumakay na kaagad.Pinaandar niya na ito at hindi na nagsalita muli.Nil
Ito na ang araw na hinihintay ko. Ang makapasyal at syempre pagsilbihan ang dragon kung amo.My heart beat so fast, lalo na ang isiping makakatapak na ako sa pinagtratrabahuhan niya. I wonder, what job it is it?Sa tagal ko nang namamalagi dito. Ngayon lang sumagi sa isipan ko ang bagay na iyon. “Teighnie!” tawag ko nang makitang papalayo na naman siya sa pwesto ko.Kakatapos lang kasi ng klase nila at sa pagkakataong ito, binabalak kong dumiretso na sana sa kapatid niya.Nagpakawala ako ng buntong hininga nang magpanggap itong walang narinig.“Pupuntahan ko ang kuya mo, kung gusto mong sumama. Halika kana,” Nakaagaw iyon sa pansin niya kaya dali-dali siyang tumakbo papalapit sa akin. Uminom pa ito sa tumbler niya habang nakangising nauna na sa sasakyan.Ipinagkibit balikat ko lang iyon at sumunod na rin.Habang papalapit kami ng papalapit ay mas lalo akong hindi mapakali sa inuupuan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit para akong bulate.Pumasok na ang gamit naming sasakyan sa
“Seems like someone is playing at hide and seek huh?” may panunuya sa boses nito pero halatang hindi niya nagugustuhan ang nangyayari.Dahan dahan akong gumapang papunta sa pinaka dulo ng king size bed niya.I dunno kung nagkataon lang pero papalapit na naman siya dito. Habol habol ko tuloy ang hin
Naiinis pa rin talaga ako sa nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala na sa unang paghaharap namin ay ganong ugali ang ipapakita niya. Kinagwapo niya ba iyon!?Nasa harapan na ako ng pinto niya ngayon at Nagdadalawang isip tuloy ako kung papasok pa ba ako sa kwarto niya o wag nalang. Kabadtrip kas
“Are you okay, hija?” Umangat ang tingin ko at kusang natigilan sa paghagod sa likod nang marinig ang nag aalalang boses ng kung sino. Tinatanong pa ba iyan? Huhu Hindi ko siya masagot dahil obvious naman sa itsura ko na para na akong natatae. Iyong ekspresyon ko kasi panigurado! “Wait, ar
“Bukas na bukas ay dapat wala na kayo sa pamamahay na ito!” Halos manlumo naman sa narinig si Mama, sinubukan nitong lumapit kay Aleng Betha ngunit galit namang umiiwas ang babae sakaniya. “Manang Betha baka bukas o makalawa ay makakabayad na rin kami kaya huwag ho kayong magsalita ng ganiyan...”







