Mag-log inIsang linggo na ang nakalipas simula noong lumabas kami sa Hospital. Sa tulong ni Sunny at ng kanyang manliligaw na may sasakyan ay mabilis kaming nakauwi ng anak ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Sunny dahil pinahiram niya ako ng pera pandagdag sa pambayad sa Hospital. Binigyan din niya ako ng pambili ng Diaper at gatas ng anak ko dahil wala ng natira pa sa inipon ko kaya naman nahihiya na ako sa kanya dahil hindi naman niya responsibilidad na tulungan ako, kaya heto ako muling mag titinda ng turon at ng lumpya para magkaroon ulit ng pera. Sumasakit pa din ang katawan at ang tahi ko pero hindi na iyon mahalaga pa, magugutom kami ng anak ko kapag hindi ako kumilos.
Bitbit ko sa kabilang kamay ko ang isang Basket kung saan nakalagay ang anak ko, habang ang isa kong kamay ay bitbit ang basket na naglalaman ng mga paninda ko. Wala akong ibang kilala na mapag iiwanan sa anak ko kaya naman ay isinama ko na lamang siya isa pa ay mas panatag ako kapag nakikita ko siya. Nakatayo ako sa harapan ng isang Restaurant habang nakatanaw sa mga customer na pumapasok sa loob nito. Balak kong alukin ang mga customers na pumapasok sa loob nito, nagbabakasakaling magkakaroon ako ng benta sa kanila. Kanina pa kasi ako palakad-lakad sa kalsada pero tatlo pa lamang ang naibenta ko. Nang makaramdam ako ng matinding kirot mula sa tahi ko ay saglit akong naupo sa may pinto ng restaurant. Sinilip ko ang anak ko na mahimbing na natutulog sa basket at nang makita ko ang kanyang mukha ay nawala bigla ang kaninang naramdaman kong pagod. Ang ganda ng anak ko, nakuha niya ang ilong at labi ni Rule. Hinding-hindi maipagkakaila na mag ama silang dalawa. Kung sana lang ay alam niya na may anak na siya sa akin. Kaya lamang ay papaano niya malalaman? Hindi ko nga alam kung kilala ba niya ako dahil nang may mangyari sa aming dalawa ay may takip ang mukha ko at nang makatulog siya dahil sa pagod ay kaagad din akong umalis dahil sa takot na makilala niya ako. Natigil ang pag iisip ko nang biglang bumukas ang glass door ng restaurant kaya kaagad akong tumayo. Handa na sana akong alukin ng paninda ang taong lumabas ng pinto pero para akong naging bato. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa taong nasa harapan ko. Sa dami-dami ng tao sa mundo siya pa talaga ang nakita ko. Walang iba kung hindi ang tatay ng anak ko. Ganun na lamang ang kaba ko dahil sa mga titig niya sa akin. Kunot ang kanyang noo at tila ba kinikilatis ako. Maya-maya pa ay bumaba ang kanyang tingin sa basket na hawak-hawak ko kung saan nakalagay ang anak naming dalawa. “Is she your child?” Napanganga ako dahil sa tanong niya, hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako ganun hindi naman niya ako kilala. “Oo," mahina kong sagot habang mabagal na tumatango. Para akong tanga sa harapan niya habang nag dadasal ng mahina sa isip ko na sana huwag niya akong makilala. Ibubuka pa sana niya ang kanyang bibig ngunit natigil iyon dahil sa babaeng biglang tumabi sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa kamay ng mga babaeng nakapulupot ngayon sa braso ni Rule. “Who is she?” Nakangiting ani ng babae, kilala ko siya. Siya yung Fiance—ay wait. Binalita nga pala sa TV noon na ikakasal na sila so baka mag asawa na. May kung anong kumirot sa puso ko ng maisip ko ang bagay na iyon. “Hindi ko siya kilala, nag tanong lang ako.” May bahid na pagkaseryosong sagot ni Rule sa kanya. Sa huling pagkakataon ay tinapunan niya ng tingin ang anak ko pagkatapos ay naglakad papalayo. Wala akong nagawa kung hindi sundan sila ng tingin hanggang sa makasakay sila ng kanilang sasakyan. Akala ko ay aalis na sila pero biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at pagkatapos ay sinenyasan ako ng babae na lumapit sa kanya. Nag tataka man ay lumapit pa din ako bitbit ang basket ng paninda ko at ng anak ko. “Here! Take this,” inabot sa akin ng babae ang isang libo. Nag dalawang isip pa ako kung kukunin ko ba iyon pero naisip ko na malaking tulong na din ito para sa gatas ng anak ko kaya kinuha ko na din ang isang libo. “Salamat po,” mahinang ani ko sa kanya habang pasimpleng tinitingnan ang katabi niyang si Rule na tahimik lang na nakatingin sa akin at sa asawa niya. Ngumiti sa akin ang babae at isinara na niyang muli ang bintana ng sasakyan. Hindi ko na nagawa pang bigyan sila ng paninda ko dahil kaagad din na umandar ang sasakyan. Ibinuka ko ang palad ko at tiningnan ang isang libo, Tingnan mo nga naman sa dinami-dami pa ng tao sa mundo na makakaramdam ng awa sa akin, iyon pa talagang napangasawa ng nakabuntis sa akin. Ang liit talaga ng mundo. Itinago ko na lamang ang perang natanggap ko sa luma kong shoulder bag na nakasabit sa balikat ko at naglakad papalayo ng restaurant. Hindi na ako babalik pa sa Restaurant na iyon dahil baka mag krus na naman ang landas naming dalawa. Parang naging blessing in disguise ang pagkikita namin ni Rule dahil biglang naubos ang paninda ko ng maglakad-lakad ako. Masaya akong umuwi ng bahay bitbit ang gatas at diaper ng anak ko. Naligo ako saglit ng makita kong mahimbing ang tulog ng anak ko dahil nabusog ito sa binili kong gatas para sa kanya. Nang lumabas ng banyo ay nakarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng tinutuluyan kong maliit na apartment. Dahil sa lakas ng pagkatok ay nagulat ang anak ko at pumalahaw ng iyak. Kaagad ko naman itong dinampot at pagkatapos ay nag tungo sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa akin ang masungit na mukha ni Aling Ester, ang may-ari ng paupahan. Oo nga pala ilang buwan na akong hindi nakakapag bayad ng upa dahil hindi sumasapat ang kinikita ko simula noong mag buntis ako. “Aba? May balak ka pa bang bayaran ako? Dahil kung hindi mo ako babayaran ay lumayas ka na at ng anak mo sa bahay na ito!” Napakagat ako ng labi sa narinig habang pinapatahan ang anak ko. “Pasensya na po kayo Aling Ester—” “Hindi uubra yang pasensya mo! Ang kailangan ko ay ang bayad mo!” Sigaw niya, naiintindihan ko naman siya alam kong kailangan niya din ng pera lalo pa at ito lang paupahan niya ang inaasahan niya at balita ko pa ay nasa hospital ngayon ang kanyang asawa dahil sa stroke. Dinukot ko sa bulsa ko ang libo na ibinigay sa akin ng babae kanina at inabot iyon kay Aling Ester. “Heto lang?” Tinaasan niya ako ng kilay pero inagaw pa din sa akin ang isang libo. Muli akong napakagat ng labi at muling hinugot ang dalawang daan na natitira sa bulsa ko at inabot sa kanya. “Pasensya na po, pero iyan lang ang pera ko ngayon. Hayaan nyo po at pag nakabenta akong muli bukas ay babayadan ko kaagad kayo–” “Siguraduhin mo lang!” Ani niya at pagkatapos ay tinalikuran na ako at lumakad papalayo. Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang karga karga kong sanggol. Wala na naman akong pangkain ngayon pero ayos lang ang mahalaga ay may gatas na ang Baby ko.Dala-dala ang kanyang suitcase ay maingat akong umakyat ng hagdan patungo sa kanyang kwarto. At nang marating ko iyon ay kaagad akong pumasok at nahiga. Nakaligo na naman ako at nakasuot na din ako ng pantulog ko.Pakiramdam ko ay nawala ang antok na nararamdaman ko kanina dahil gusto ko na lamang hintayin ang pagpasok ni Rule. Mga ilang minuto din siguro ang lumipas nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.Napalingon ako sa kanya at mukhang naligo na din siya sa ibaba. Nakasuot na lamang siya ng sweatpants na kulay abo at wala siyang kahit anong suot sa kanyang pang-itaas. Nakabalandra tuloy ang mga tattoo niya sa kanyang katawan.Nang magsalubong ang mga mata namin ay ako kaagad ang umiwas sa kanyang tingin at pagkatapos ay bigla na lamang dumilim ang paligid dahil pinatay niya ang ilaw. Maya-maya pa ay binuksan niya ang lamp na nasa gilid bago siya nahiga sa tabi ko.Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang mga bagay na gusto kong pag-usapan naming dalawa.“What’s bothering
Maghapon akong lutang dahil sa tanong ni Aurora na hindi ko nasagot. Hindi ko alam kung natuwa siya sa balita ko na magkakaroon na siya ng kapatid dahil mahirap siyang basahin. Parang pilit niya itong ikinukubli sa akin. Sa bagay, naiintindihan ko naman siya. Kailan lang niya nalaman na ako ang ina na nang-iwan sa kanya tapos heto at magkakaroon na kaagad siya ng kapatid kahit na hindi pa ako nakakabawi ng maayos sa kanya. Mas lalo siyang naging tahimik dahil sa pag-uusap naming dalawa. Alam ko iniisip niya kung paano na ang kanyang Mommy Chloe. Mahal niya si Chloe bilang tunay niyang ina at hindi ko iyon kahit kailan maaalis sa kanya. Kaya kailangan naming mag-usap ni Rule kung paano ba namin aayusin ang bagay na ito. Kaya heto, kasalukuyan akong nasa sala at nakaupo sa sofa. Patay na ang mga ilaw dahil nagpapahinga na ang lahat. Nakatulog na din si Aurora dahil medyo late na din. Napailing ako sa sarili ko. Hindi ko naman ugali ang maghintay ng tao hanggang hatinggabi pero i
Balot na balot ako ng comforter pag gising ko. Pakiramdam ko rin ay nakatodo ang aircon dahil sa lamig kaya napasarap ang tulog ko. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko ang alarm clock na nasa gilid ng malaking kama ni Rule.Speaking of Rule…Wala na siya nang magising ako. Marahil ay pumasok na siya sa trabaho. Ni hindi man lang niya ako nagawang gisingin. Tanghali tuloy akong nagising.Nagmamadali akong pumasok sa bathroom upang mag-toothbrush at maligo na rin. Hindi na ako nagbabad nang matagal sa shower dahil iniisip ko si Aurora. Baka hindi pa rin siya nakakakain ng almusal, pero imposible naman na pabayaan siya ng ibang kasambahay. Pero kasi trabaho ko iyon bilang nanny at nanay na rin niya.Nang matapos ay humagilap lamang ako ng damit na maisusuot ko at saka ako bumaba. Hindi ko na rin nagawang magsuklay dahil bukod sa nagmamadali ako ay tinatamad din ako.Bago ako bumaba ay sinilip ko muna ang kwarto ng anak ko pero wala siya doon kaya nagpasya akong magtungo na sa kusin
Wala na akong ibang nagawa nang simulan ng tatlong kasambahay ang paglilipat ng mga gamit ko sa kwarto ni Rule. Ang tanging nagawa ko lamang ay panoorin sila habang panay ang buntong-hininga. Paminsan-minsan ay napapailing pa ako habang pinagmamasdan ang paglabas-masok nila sa silid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na isang desisyon lang mula kay Rule ay tuluyan nang nagbago ang magiging setup naming dalawa.Hindi naman kailangan ito e. Isa pa, iniisip ko ang magiging reaksyon ni Chloe kapag nalaman niya na doon na ako sa kwarto ni Rule matutulog at mas lalo lamang akong natatakot kapag nalaman niya na buntis ako.Ayaw ko ng gulo at mas lalong ayaw kong madamay ang mga anak ko sa sitwasyon namin. Hangga’t maaari ay kailangan kong umiwas sa stress ayon sa doctor ko.Kaya lang ay paano?Kung maya’t maya ko naiisip ang posibleng maging reaksyon ni Chloe.Alam kong magagalit siya sa akin.Kailangan kong kausapin si Rule tungkol sa bagay na ito. Kaya lang baka magmukha nam
Tahimik ang naging biyahe namin ni Rule. Seryoso lamang siyang nakatingin sa dinadaanan namin ngunit pansin na pansin ko ang pagtiim ng kanyang panga. Hindi ko alam kung galit ba siya o disappointed dahil tinago ko sa kanya ang pagbubuntis ko. Hindi rin siya nagsasalita simula nang umalis kami sa clinic. Kahit isang salita ay wala akong narinig mula sa kanya kaya mas lalo lamang akong kinakabahan.Mas gugustuhin ko pang sigawan niya ako kaysa sa ganitong pananahimik. Pakiramdam ko kasi ay napakarami niyang iniisip at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Baka galit siya. Baka nasaktan siya. O baka naman pareho. Sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo lamang bumibigat ang pakiramdam ko.Kinagat-kagat ko ang kuko ko habang hindi mapakali sa kinauupuan ko. Paminsan-minsan ay pasimple akong sumusulyap sa kanya ngunit ni minsan ay hindi niya ako nilingon. Nanatili lamang siyang nakatutok sa daan hanggang sa marating namin ang mansyon.Tahimik siyang lumabas ng sasakyan habang
Nakabalik na si Rule mula sa Italy.At sa pagdaan ng bawat araw ay siya namang paglaki ng tiyan ko. Puro malalaking damit na ang isinusuot ko para hindi iyon mahalata ng mga taong nasa paligid ko. Mahigit isang buwan na rin ang lumipas at habang tumatagal ay mas lalo lamang akong nahihirapang sabihin ang bagay na ito kay Rule. Pakiramdam ko ay bawat araw na lumilipas ay lalo lamang bumibigat ang lihim na dala-dala ko.Pero kailangan ko na itong ipaalam sa kanya dahil alam kong malalaman at malalaman din niya ang tungkol dito. Ihahanda ko na lamang ang sarili ko sa maaaring maging reaksyon niya at ng anak ko. Ngunit bago iyon ay kailangan ko munang magtungo ulit sa clinic dahil pinapabalik ako ng doctor ko. Kailangan daw ulit ma-check ang baby para masigurong maayos ang paglaki nito at para mabigyan niya rin ako ng panibagong vitamins na dapat kong inumin.Mabuti na lamang at wala si Rule ngayon dahil may mahalaga raw siyang aasikasuhin sa kanyang kumpanya. Marahil ay mayroon na naman
Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising para mag tinda ng Turon at lumpya. Walang laman ang tiyan ko dahil wala pa akong kain simula kagabi. Nanghihina na din ako at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay ano mang oras kaya naman ng madaanan ko ang isang parke ay kaagad akong nag tungo doon at hu
Halos ilang araw akong masama ang pakiramdam. Tamad na tamad akong bumangon at palagi na lang akong inaantok. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko o baka naman ay napagod lamang ako ng husto noong nagbakasyon kami sa dagat. Ayaw ko naman na mag-assume agad ng mga bagay-bagay.Mabuti na lamang a
Maaga akong nagising para gumawa ng mga ititinda kong turon. Ito na ang naging kabuhayan ko simula noong nabuntis ako ni Rule Montclair. Gusto ko man humingi sa kanya ng sustento para sa anak niya na ipinag bubuntis ko ay hindi ko magawa sapagkat hindi naman din niya alam na nag bunga ang aming gin
Tahimik ang gabing iyon ngunit hindi katulad ng isipan ko na napakaingay, magulo, sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Nanlalamig ang mga palad ko habang hawak-hawak ko ang isang kahon kung saan ko inilagay ang anak kong mag tatatlong linggo pa lamang. Malungkot akong nakatingin sa malaking bah







