LOGINLinggo ngayon ibig sabihin lamang ay sarado ang karinderya ni Aling Sally kaya wala akong pasok. Heto at nag lalaba ako ng mga damit ko at isinama ko na din ang mga damit ng Tiya ko dahil naaawa ako sa kanya. Matanda na din kasi siya at pagod siya sa paglalako ng kanyang kakanin. Sa pamamagitan man lang nitong paglalaba ko sa kanya ay nabawasan ko ang mga gawain niya.
“Talaga? O anong sabi sa iyo?” Inayos ko ang cellphone ko sa tenga ko at inipit iyon gamit ang balikat ko. Nag kukusot kasi ako ng mga damit kaya hindi ko iyon mahawakan. Kausap ko ngayon si Sunny at nakwento ko sa kanya ang nangyari kahapon. “Wala naman…mukhang hindi din niya ako nakilala,” mahinang anas ko sa kanya na parang nadismaya pa. Narinig ko ang malakas niyang pag tawa sa kabilang linya na para bang naramdaman niya ang pagkadismaya ko. “Bakit? Gusto mo ba maalala ka niya?” “Hindi, mabuti pang hindi niya ako maalala at makilala,” “Bakit naman? May anak kayong dalawa—” kaagad kong pinutol ang sinasabi niya dahil kabaliwan ito. “May asawa siya Sunny, ayaw kong magulo ang buhay niya pati ang buhay ng anak ko,” “Asawa? Bakit? Hindi mo ba nabalitaan?” “Nabalitaan ang ano?” Kumunot ang noo ko at natigil sa ginagawa ko. Ipinunas ko ang mga kamay ko sa suot kong damit at pagkatapos ay tumayo mula sa maliit na upuan. “Hindi natuloy ang kasal nila, umatras si Rule. Hindi ko alam kung bakit, hindi naman nasabi sa balita pero hanggang ngayon ay parang may relasyon pa din silang dalawa.” Natigilan ako sa narinig at parang hindi makapaniwala. Ang buong akala ko ay natuloy ang kasal nila, parang gusto ko tuloy alamin kung ano ang dahilan kung bakit hindi ito tinuloy ni Rule. “Malamang ay hindi naman mahal ni Rule yung babae dahil pinagkasundo lang naman sila ng mga magulang nila. Bilib din naman ako kay Rule ah? Nagawa niyang umatras sa araw ng kasal nila!” Hindi na ako nakasagot pa ng maayos, hinayaan ko lang si Sunny na dumaldal ng dumaldal tungkol kay Rule at sa fiance nitong si Chloe hanggang sa nalipat ang kwento ni Sunny sa kanyang sugar daddy na naging Customer niya sa Bar kung saan ako nag tra-trabaho noon. Nakinig lang ako sa kwento niya habang pinag patuloy ang paglalaba. Nang maumay siya kakasalita ay nag paalam na din siya sa akin. Tinapos ko ang paglalaba ko habang ang isip ko at kung saan-saan na nakakarating. Hanggang matapos ako ay si Rule ang nasa isip ko at ang anak namin. Nang matapos mag sampay ay naligo lamang ako saglit at pagkatapos ay niluto ang paninda kong mga turon. Inilagay ito sa malaking container box at binitbit iyon. Dahil wala akong pasok ay mag lalako ako sa kalsada dahil sayang din naman ang mapepera ko, dagdag din ito sa ipon ko kahit papaano. Balak ko kasing pumunta sa Manila para makita ko ang Anak ko. Hindi naman ako mag papakilala sa kanya gusto ko lang talaga siya makita sa personal. Oo alam ko kung ano itsura niya dahil madalas kong nakikita ang mga litrato niya sa f******k ng kanyang ama. Simula baby pa lang ay nasubaybayan ko din ang pag laki niya sa pamamagitan lang ng pag stalk kay Rule. Parang sinadya niyang i-post ang mukha ng aming anak para makita ko ito kaya naman nag papasalamat ako sa kanya dahil kahit papaano ay alam ko kung ano ang itsura ng anak naming dalawa. Lumaki ito ng napakagandang bata at nag mana talaga ito sa kanya. Malapit na din ang kaarawan ng anak ko kaya gusto ko sanang bilhan siya ng regalo kahit na alam kong hindi ko naman iyon mabibigay sa kanya. Ganon kasi ang ginagawa ko sa tuwing sasapit ang kaarawan niya ay bumibili ako ng regalo at itinatabi ko na lang, umaasang balang araw ay mabibigay ko din ang mga ito. “Tulungan na kita, Mia!” Natigil ako sa pag mumuni-muni nang may umagaw sa mga paninda ko. Gulat ko siyang binalingan ng tingin pero nginitian lang niya ako. “Nakakagulat ka naman Baste!” Siya si Sebastian ang natatanging naging kaibigan ko dito sa Lucban Quezon, kapitbahay namin siya at hindi nalalayo ang edad naming dalawa. “Seb na lang Mia, ang sagwa pakinggan ng Baste e!” Natawa naman ako sa kanya at sinubukan kong bawiin ang mga paninda ko pero mabilis niyang nailayo ang container box. “Ako na, ihahatid na kita! Saan ka ba pwepwesto ngayon?” Ani niya, may kakulitan din talaga siyang taglay kaya naman napakamot na lamang ako ng pisngi at sa huli ay hinayaan siya sa gusto niya. “Diyan lang sa Parke, madaming tao doon ngayon eh,” sinunod naman niya ako at sinabayan sa paglalakad. Nag simula na siyang dumaldal at pinakinggan ko lamang siya. Sanay na ako sa kanya na kahit lalaki siya ay mas madaldal at chismoso pa siya sa akin. Lahat yata ng kapitbahay namin ay naikwento na niya sa akin ang mga buhay. Hinayaan ko na lang siya dahil natutuwa at nalilibang din naman ako sa kanya, paminsan-minsan lang ako sumasagot pero mukhang hindi naman siya nababagot sa akin. Nakangiti pa nga ang loko. Mga ilang minuto din bago kami nakarating sa Patio Rizal at hindi nga ako nagkakamali. Madaming mga tao ang nakatambay doon. Karamihan e mga magkasintahan. Umupo kami ni Baste sa isang bench para doon pumwesto. Maya-maya lang ay nag tawag na ito ng Customer kaya natatawa ako habang pinapanood siya. Ayos din naman palang kasama siya. “Turon kayo diyan! Mainit pa! Kakaluto lang!” Sigaw niya na umagaw ng atensyon sa mga nag daraan. Maya-maya pa ay may mga estudyanteng lumapit sa amin kaya kaagad akong tumayo upang pag bentahan sila. “Ate! Turon nga isa,” anas ng isang estudyante hanggang sa sunod-sunod na silang nag salita. Tinulungan naman ako ni Baste na mag benta kaya mabilis ko lamang din silang napag bentahan. Nakakatuwa dahil naka anim na kaagad ako ngayong kakadarating lang namin. “Ano Mia? Ayos ba akong kasama? Gusto mo samahan kita palagi? Huwag ka mag alala, hindi naman kita hahatian sa benta!” Ani Baste, natawa na naman ako sa kanya at napailing-iling. Nag bibiro lang naman siguro siya. “Sira ka talaga!” Pabiro kong sabi at hinampas siya, napalakas yata ang pagkakahampas ko kaya napadaing siya. Agad akong nakunsensya at lumapit sa kanya pagkatapos hinimas ko ang nasaktan niyang braso. “Naku pasensya na—” hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil sa lakas ng busina ng isang sasakyan. Nagulat ako doon kaya nanlaki ang mga mata ko. Tiningnan ko ang sasakyan na nakapark sa may parking lot. Nakakapag takang bumusina iyon gayong naka park lang naman ito kaya naman hindi ko mapigilang mapakunot ang noo. “Loko yon ah!” Dinig kong ani ni Baste pero hindi ko na siya pinag tuonan pa ng pansin. Nakatingin lang ako sa sasakyan habang inaaninag ang Driver na nasa loob. Pamilyar ang kulay ng sasakyan na para bang nakita ko na ito kaya naman hindi ko maalis ang tingin ko dito. Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at iniluwa ang isang lalaking may tattoo sa braso. Napasinghap ako nang humarap ito at ng mamukhaan ko. Anong ginagawa dito ni Rule? Kanina pa ba siya doon? At bakit siya bumubusina? Bumilis ang tibok ng puso ko nang mag titigan kaming dalawa. Parang may kung ano sa mga titig niya, kakaiba, hindi ko alam kung galit ba o inis iyon na para bang naiirita siya nang makita ako. Naalala ba niya ako? Maya-maya pa ay umiwas siya ng tingin sa akin at napansin kong bumukas ang backseat ng kanyang sasakyan. Hindi ko masyado makita kung sino ang bumaba dahil nasa ibabang parte sila. May hagdanan pa kasi bago sila makaakyat dito sa Patio Rizal at isa pa ay may mga taong dumadaan kaya hindi ko rin makita kung sino ang kanyang kasama. Nag simula nang maglakad si Rule at sa tingin ko ay aakyat na sila ng hagdanan patungo dito. Hindi ko siya nilubayan ng tingin dahil na-curious ako kung sino ang kanyang kasama. Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko at parang hindi ako makahinga habang papalapit sila sa akin. Nang makilala ko kung sino ang kasama niya ay tuluyan akong nakaramdam ng panghihina at nanlabo ang mga mata ko. Si Aurora ang anak naming dalawa, siya ang kasama niya.Dala-dala ang kanyang suitcase ay maingat akong umakyat ng hagdan patungo sa kanyang kwarto. At nang marating ko iyon ay kaagad akong pumasok at nahiga. Nakaligo na naman ako at nakasuot na din ako ng pantulog ko.Pakiramdam ko ay nawala ang antok na nararamdaman ko kanina dahil gusto ko na lamang hintayin ang pagpasok ni Rule. Mga ilang minuto din siguro ang lumipas nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.Napalingon ako sa kanya at mukhang naligo na din siya sa ibaba. Nakasuot na lamang siya ng sweatpants na kulay abo at wala siyang kahit anong suot sa kanyang pang-itaas. Nakabalandra tuloy ang mga tattoo niya sa kanyang katawan.Nang magsalubong ang mga mata namin ay ako kaagad ang umiwas sa kanyang tingin at pagkatapos ay bigla na lamang dumilim ang paligid dahil pinatay niya ang ilaw. Maya-maya pa ay binuksan niya ang lamp na nasa gilid bago siya nahiga sa tabi ko.Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang mga bagay na gusto kong pag-usapan naming dalawa.“What’s bothering
Maghapon akong lutang dahil sa tanong ni Aurora na hindi ko nasagot. Hindi ko alam kung natuwa siya sa balita ko na magkakaroon na siya ng kapatid dahil mahirap siyang basahin. Parang pilit niya itong ikinukubli sa akin. Sa bagay, naiintindihan ko naman siya. Kailan lang niya nalaman na ako ang ina na nang-iwan sa kanya tapos heto at magkakaroon na kaagad siya ng kapatid kahit na hindi pa ako nakakabawi ng maayos sa kanya. Mas lalo siyang naging tahimik dahil sa pag-uusap naming dalawa. Alam ko iniisip niya kung paano na ang kanyang Mommy Chloe. Mahal niya si Chloe bilang tunay niyang ina at hindi ko iyon kahit kailan maaalis sa kanya. Kaya kailangan naming mag-usap ni Rule kung paano ba namin aayusin ang bagay na ito. Kaya heto, kasalukuyan akong nasa sala at nakaupo sa sofa. Patay na ang mga ilaw dahil nagpapahinga na ang lahat. Nakatulog na din si Aurora dahil medyo late na din. Napailing ako sa sarili ko. Hindi ko naman ugali ang maghintay ng tao hanggang hatinggabi pero i
Balot na balot ako ng comforter pag gising ko. Pakiramdam ko rin ay nakatodo ang aircon dahil sa lamig kaya napasarap ang tulog ko. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko ang alarm clock na nasa gilid ng malaking kama ni Rule.Speaking of Rule…Wala na siya nang magising ako. Marahil ay pumasok na siya sa trabaho. Ni hindi man lang niya ako nagawang gisingin. Tanghali tuloy akong nagising.Nagmamadali akong pumasok sa bathroom upang mag-toothbrush at maligo na rin. Hindi na ako nagbabad nang matagal sa shower dahil iniisip ko si Aurora. Baka hindi pa rin siya nakakakain ng almusal, pero imposible naman na pabayaan siya ng ibang kasambahay. Pero kasi trabaho ko iyon bilang nanny at nanay na rin niya.Nang matapos ay humagilap lamang ako ng damit na maisusuot ko at saka ako bumaba. Hindi ko na rin nagawang magsuklay dahil bukod sa nagmamadali ako ay tinatamad din ako.Bago ako bumaba ay sinilip ko muna ang kwarto ng anak ko pero wala siya doon kaya nagpasya akong magtungo na sa kusin
Wala na akong ibang nagawa nang simulan ng tatlong kasambahay ang paglilipat ng mga gamit ko sa kwarto ni Rule. Ang tanging nagawa ko lamang ay panoorin sila habang panay ang buntong-hininga. Paminsan-minsan ay napapailing pa ako habang pinagmamasdan ang paglabas-masok nila sa silid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na isang desisyon lang mula kay Rule ay tuluyan nang nagbago ang magiging setup naming dalawa.Hindi naman kailangan ito e. Isa pa, iniisip ko ang magiging reaksyon ni Chloe kapag nalaman niya na doon na ako sa kwarto ni Rule matutulog at mas lalo lamang akong natatakot kapag nalaman niya na buntis ako.Ayaw ko ng gulo at mas lalong ayaw kong madamay ang mga anak ko sa sitwasyon namin. Hangga’t maaari ay kailangan kong umiwas sa stress ayon sa doctor ko.Kaya lang ay paano?Kung maya’t maya ko naiisip ang posibleng maging reaksyon ni Chloe.Alam kong magagalit siya sa akin.Kailangan kong kausapin si Rule tungkol sa bagay na ito. Kaya lang baka magmukha nam
Tahimik ang naging biyahe namin ni Rule. Seryoso lamang siyang nakatingin sa dinadaanan namin ngunit pansin na pansin ko ang pagtiim ng kanyang panga. Hindi ko alam kung galit ba siya o disappointed dahil tinago ko sa kanya ang pagbubuntis ko. Hindi rin siya nagsasalita simula nang umalis kami sa clinic. Kahit isang salita ay wala akong narinig mula sa kanya kaya mas lalo lamang akong kinakabahan.Mas gugustuhin ko pang sigawan niya ako kaysa sa ganitong pananahimik. Pakiramdam ko kasi ay napakarami niyang iniisip at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Baka galit siya. Baka nasaktan siya. O baka naman pareho. Sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo lamang bumibigat ang pakiramdam ko.Kinagat-kagat ko ang kuko ko habang hindi mapakali sa kinauupuan ko. Paminsan-minsan ay pasimple akong sumusulyap sa kanya ngunit ni minsan ay hindi niya ako nilingon. Nanatili lamang siyang nakatutok sa daan hanggang sa marating namin ang mansyon.Tahimik siyang lumabas ng sasakyan habang
Nakabalik na si Rule mula sa Italy.At sa pagdaan ng bawat araw ay siya namang paglaki ng tiyan ko. Puro malalaking damit na ang isinusuot ko para hindi iyon mahalata ng mga taong nasa paligid ko. Mahigit isang buwan na rin ang lumipas at habang tumatagal ay mas lalo lamang akong nahihirapang sabihin ang bagay na ito kay Rule. Pakiramdam ko ay bawat araw na lumilipas ay lalo lamang bumibigat ang lihim na dala-dala ko.Pero kailangan ko na itong ipaalam sa kanya dahil alam kong malalaman at malalaman din niya ang tungkol dito. Ihahanda ko na lamang ang sarili ko sa maaaring maging reaksyon niya at ng anak ko. Ngunit bago iyon ay kailangan ko munang magtungo ulit sa clinic dahil pinapabalik ako ng doctor ko. Kailangan daw ulit ma-check ang baby para masigurong maayos ang paglaki nito at para mabigyan niya rin ako ng panibagong vitamins na dapat kong inumin.Mabuti na lamang at wala si Rule ngayon dahil may mahalaga raw siyang aasikasuhin sa kanyang kumpanya. Marahil ay mayroon na naman
Mag-aalas otso na nang magising ako. Mukhang napasarap ang tulog ko sa malambot na kama kaya kahit nag-alarm ako ay hindi ko iyon narinig.Lagot ako nito! Tiyak na magagalit na naman sa akin si Rule.Kaagad akong bumalikwas ng bangon at nagtungo sa banyo upang maghilamos at maligo nang mabilis, at
Matapos ang usapan namin ni Aurora ay nakatulog na rin siya. Mukhang hindi na niya kinaya dahil sa sobrang antok. Inayos ko ang kanyang kumot pagkatapos ay itinabi sa kanya ang stuff toy na iniregalo ko sa kanya noong nag-birthday siya.Hindi ko napigilan ang sarili ko at binigyan ko siya ng halik
“Wear this.” Inihagis ni Rule sa mukha ko ang isang itim na jacket. Kaagad ko itong kinuha at isinuot. Umabot ang jacket hanggang sa tuhod ko. Tama lang para matakpan ang malaswang suot ko. Nang masiguro niyang maayos na ako ay kaagad niya akong tinalikuran at lumabas ng kanyang sasakyan, habang ta
“You’d rather do this? Dance for random men? Sell yourself like this?” Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso. Parang kutsilyo na sumasaksak sa akin ang mga masasakit na salitang binibitawan niya sa akin.Gusto kong magreklamo pero wala akong lakas ng loob para magsalita. Hindi ko maipagtanggol







