LOGINAbot-kamay na niya ang kanyang pangarap, ngunit mas pinili niyang manatili sa dilim, hindi iyon ang kilala kong Lia.
Mula bata pa lang, malinaw na ang mithiin niya: ang maging isang tanyag na wedding dress designer sa buong mundo. Ipinaglaban niya ito nang buong husay. Kahit noong secretary palang siya ni Adrian ay hindi siya tumitigil sa pagsali sa mga prestihiyosong kompetisyon. Paanong ang isang babaeng may ganoong paninindigan ay susuko na lang nang ganoon ka
Habang nakatitig sa matandang humahagulgol at basang-basa ang mukha sa luha, biglang gustong matawa ni Lia.Mukhang pare-pareho yata ng acting class ang pinagtapusan ng mag-inang ito.Noon, napakagaling umakto ni Adrian bilang mapagmahal na asawa, kaya hindi niya napansin ang mga patalim sa likod nito. Ngayon naman, ang ina nito ang may pa-ganap na mapagmahal at nagsisising biyenan.Isang sarkastikong ngisi ang pinakawalan ni Lia. “Tapos na ang dapat mangyari. Kaya pakiusap, Madam Serano, magtira ka naman ng kahit kaunting respeto sa sarili mo. Tungkol naman sa nangyari kahapon, napakalaking pinsala ang idinulot nun sa’kin at sa mga anak ko. Hindi iyon kayang burahin ng isang simpleng sorry mo lang. Ang abogado ko nalang ang kausapin niyo. Kung wala na kayong ibang sasabihin, lumayas na kayo. Huwag niyo na akong subukan, baka hindi ko lang magustuhan ang susunod kong gagawin!”
Matagal bago tuluyang naproseso ni Madam Serano ang katotohanan. Hindi lang pala isang apo ang mayroon siya, may apo rin siyang babae.Sa isang iglap, tila bula na naglaho sa utak niya ang lahat ng pinsalang idinulot niya kay Lia. Mabilis niyang hinawakan ang braso ni Adrian at hinila ito papuntang pinto.“Ayan, sumama ka sa’kin, pupuntahan natin ang apo ko. Sabi ko na nga ba, pamilyar ang mukha ng batang iyon! Kadugo natin siya, isang Serano! Kung ganoon, hindi natin pwedeng hayaang tawaging tatay ang ibang lalaki. Kailangan natin siyang bawiin at iuwi sa mansiyon para opisyal na kilalanin ng pamilya!”Nandidiri at malakas na itinaboy ni Adrian ang kamay ng ina. Puno ng nag-uumapaw na pait at galit ang kanyang mga mata.“Anong karapatan nating bawiin siya at piliting kilalanin ang mga kadugo niya? Tayo ang unang nang-iwan sa kanya! Dahil sa atin, nagkaroon siya ng autism simu
Pinunasan ni Noah ang kanyang mga luha at tahimik na bumalik sa kwarto. Tiningnan niya ang natutulog na si Bunbun. Yumuko siya at marahang hinandugan ng halik ang matambok na kamay ng kapatid."Bunbun, kahit sinong piliin ni Mommy sa huli, aalagaan ka ni Kuya. Hinding-hindi ko hahayaang saktan ka ng kahit sino."Napahilig si Adrian sa upuan ng eroplano, paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya ang mga salita ng anak. Bawat salita nito ay parang talim na bumaon sa dibdib niya.Tama ang anak niya. Ang katotohanang nagkawatak-watak ang pamilya nila ay dahil sa sarili niyang mga maling desisyon. Inaani na niya ngayon ang pait ng nakaraang pang-iiwan at pagtataksil kay Lia. Ito ang karapat-dapat na karma sa kanya.-Makalipas ang kalahating oras, sa wakas ay lumipad na ang eroplano.Kinaumagahan na nang makarating siya sa lumang mansiyon ng pamilya Serano.&n
Habang hawak ang kanyang cellcellphone, nakatayo si Lia sa tapat ng bintana habang dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin ng gabi.Hindi ito kasing-ginaw noong gabing lisanin niya ang pamilya Serano noon, mas malamig pa sa gabi ang puso niya ngayon. Wala na siyang kahit katiting na tiwala kay Adrian. Ubos na ubos na siya noon pa man.Noon, masyado niyang ibinigay ang sarili sa lalaking ito. Naniwala siyang mamahalin siya nito habambuhay at totoo ang bawat pag-aalaga nito sa kanya. Kaya naman, pikit-mata siyang nagtiwala—walang kaalam-alam na sinasaksak na pala siya nito sa likod.Siya lang ang nakakaalam kung gaano kasakit ang naramdaman niya noong mga oras na iyon. Parang may paulit-ulit na humihiwa sa laman niya gamit ang kinakalawang na kutsilyo. Masakit pero dahan-dahan itong ibinabaon.Hinding-hindi niya malilimutan ang pakiramdam na iyon habang buhay. At hinding-hindi na niya muling pa
Ang tindi rin magbiro ng tadhana sa kanya. Kung kailan unti-unti na niyang naaabot ang mga pangarap niya pagkatapos ng matagal na paghihirap, doon pa siya makakatanggap ng ganitong klaseng bagsik.At ang dahilan ng sakit na ito at dahil lang sa isang tao, kay Adrian. Apat na taon na ang lumipas, bakit ba hindi pa rin siya makalaya sa sumpa ng lalaking iyon?Noon, ginawa siyang panangga sa gulo, at hindi niya isinumbat kahit nawala ang kakayahan niyang magpinta. Hindi niya isinumbat na hindi itinaboy siya ng sarili nilang anak.Pero bakit hanggang ngayon, ayaw niya pa rin siya nitong lubayan?Hindi pa ba sapat ang pinsalang idinulot nito sa kanya at sa mga bata?Habang tumatagal, lalong nagdidilim ang mukha ni Lia sa galit. Napahigpit ang kapit ng dalawa niyang kamay sa unan na tila ba anumang oras ay mapupunit na ito sa matinding emosyon.Hinawakan ni Leonard
Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya sa sobrang sakit.Ang babaeng noon ay buong-puso siyang minahal nang walang kapalit, ngayon ay malapit nang maging maybahay ng ibang lalaki.Magsasama sila sa iisang bubong, bubuo ng sariling pamilya, magkakaroon ng sariling mga anak. At pagdating ng araw na iyon, mawawalan na ng puwang si Adrian sa buhay nito. Magiging ina na lang ito ng dalawa niyang anak.Wala na itong natitirang nararamdaman para sa kanya. Kahit katiting.Nang mapagtanto iyon, hindi namalayang napadiin ang kapit ni Adrian sa hawak niyang baso. Sa isang iglap, tuluyan iyong nadurog sa palad niya. Bumaon nang malalim ang matatalas at transparent na bubog sa kanyang balat. Agad na dumanak ang malapot at pulang dugo, na dahan-dahang pumatak pababa sa kanyang pulso.Pero wala siyang naramdamang sakit. Manhid na ang buong katawan niya."Mr. Serano! Ano pong nangy
Marahas na itinaas ng matanda ang timbre ng kanyang boses sa matinding inis. “Ako ang lola niya, Adrian! Ako ang nagpalaki at nag-asikaso sa kanya simula noong sanggol pa lang siya! Sa tingin mo ba ay may karapatan ka na lang na basta-basta putulin ang ugnayan ng dugo sa pagitan naming
Kasabay nun ang isang matalim na sakit sa kaniyang dibdib. Sobrang sikip. Parang unti-unti siyang kinukulangan ng hangin at nalulunod.Ganoon siya kawalang-puso. Buong akala niya noon, malawak ang pag-unawa ni Lia. Akala niya, madali lang nitong makakalimutan at malalagpasan
Nakatayo si Lia sa balkonahe, malamig ang tingin kay Adrian. Muling sumagi sa utak niya ang mga eksena sa apat na taong nakaraan."Lili, huwag naman ganito. Nawala na ang mga magulang mo, pati ang anak mo, pero nandito pa kami ni Leonard. Pakiusap, huwag mo na akong takutin nang ganito, okay?"
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang naging napakainit ng mga gilid ng mata ni Adrian. Hindi na niya napigilan ang sarili; mabilis niyang iniunat ang kanyang malalapad na bisig at mahigpit na niyakap ang munting bata sa kanyang dibdib.Paos at may panginginig ang kanyang

![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





