LOGINNang tuluyang mapagdugtong-dugtong ang lahat, nanghina ang mga tuhod ni Adrian at pabagsak siyang napaupo sa silya. Mariing nakakuyom ang kanyang mga palad. Nanginginig ang buo niyang katawan sa tindi ng katotohanang sumampal sa kanya.
May isang boses sa kanyang isip na paulit-ulit siyang sinusumbatan: Inabandona mo si Lia dahil hindi na niya matutupad ang pangarap niya, habang pinili mo si Wendy dahil hindi na ito makakatapak sa entablado.
S
Habang hawak ang kanyang cellcellphone, nakatayo si Lia sa tapat ng bintana habang dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin ng gabi.Hindi ito kasing-ginaw noong gabing lisanin niya ang pamilya Serano noon, mas malamig pa sa gabi ang puso niya ngayon. Wala na siyang kahit katiting na tiwala kay Adrian. Ubos na ubos na siya noon pa man.Noon, masyado niyang ibinigay ang sarili sa lalaking ito. Naniwala siyang mamahalin siya nito habambuhay at totoo ang bawat pag-aalaga nito sa kanya. Kaya naman, pikit-mata siyang nagtiwala—walang kaalam-alam na sinasaksak na pala siya nito sa likod.Siya lang ang nakakaalam kung gaano kasakit ang naramdaman niya noong mga oras na iyon. Parang may paulit-ulit na humihiwa sa laman niya gamit ang kinakalawang na kutsilyo. Masakit pero dahan-dahan itong ibinabaon.Hinding-hindi niya malilimutan ang pakiramdam na iyon habang buhay. At hinding-hindi na niya muling pa
Ang tindi rin magbiro ng tadhana sa kanya. Kung kailan unti-unti na niyang naaabot ang mga pangarap niya pagkatapos ng matagal na paghihirap, doon pa siya makakatanggap ng ganitong klaseng bagsik.At ang dahilan ng sakit na ito at dahil lang sa isang tao, kay Adrian. Apat na taon na ang lumipas, bakit ba hindi pa rin siya makalaya sa sumpa ng lalaking iyon?Noon, ginawa siyang panangga sa gulo, at hindi niya isinumbat kahit nawala ang kakayahan niyang magpinta. Hindi niya isinumbat na hindi itinaboy siya ng sarili nilang anak.Pero bakit hanggang ngayon, ayaw niya pa rin siya nitong lubayan?Hindi pa ba sapat ang pinsalang idinulot nito sa kanya at sa mga bata?Habang tumatagal, lalong nagdidilim ang mukha ni Lia sa galit. Napahigpit ang kapit ng dalawa niyang kamay sa unan na tila ba anumang oras ay mapupunit na ito sa matinding emosyon.Hinawakan ni Leonard
Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya sa sobrang sakit.Ang babaeng noon ay buong-puso siyang minahal nang walang kapalit, ngayon ay malapit nang maging maybahay ng ibang lalaki.Magsasama sila sa iisang bubong, bubuo ng sariling pamilya, magkakaroon ng sariling mga anak. At pagdating ng araw na iyon, mawawalan na ng puwang si Adrian sa buhay nito. Magiging ina na lang ito ng dalawa niyang anak.Wala na itong natitirang nararamdaman para sa kanya. Kahit katiting.Nang mapagtanto iyon, hindi namalayang napadiin ang kapit ni Adrian sa hawak niyang baso. Sa isang iglap, tuluyan iyong nadurog sa palad niya. Bumaon nang malalim ang matatalas at transparent na bubog sa kanyang balat. Agad na dumanak ang malapot at pulang dugo, na dahan-dahang pumatak pababa sa kanyang pulso.Pero wala siyang naramdamang sakit. Manhid na ang buong katawan niya."Mr. Serano! Ano pong nangy
Biglang nag-flashback kay Lia ang nangyari noon, kung paano siya nahulog sa bitag ni Adrian noon. Ang sakit na idinudulot ng lalaking iyon sa buhay niya, ay tila walang katapusan.Nilunok ni Lia ang pait at pilit na pinanindigan ang pagiging kalmado. "Sinasadya ninyong sirain ang pangalan ko. Ipa-paimbestiga ko ito sa abogado ko para lumabas ang katotohanan. Pero isa lang ang sasabihin ko ngayon, guro at magulang lang ang ugnayan namin ni Adrian. Wala akong balak makipag-ugnayan sa kanya nang higit pa roon. Kung itutuloy ninyo ang paninirang-puring ito, idadaan ko kayo sa batas."Pagkatapos magsalita, tumalikod siya para lisanin ang entablado, pero isang malakas na tulak ang tumama sa likod niya. Kasabay nito ang muling pag-ulan ng mga masasakit na salita sa magkabilang tenga niya."Kapag hindi ka nagpaliwanag nang maayos, ibig sabihin guilty ka! Kung hindi mo inaakit si President Serano, bakit ayaw mong pakasalan 'yung
Biglang nagdilim ang paligid bago muling umilaw ang dambuhalang LED screen sa harapan.Isang litrato ang sumambulat doon. Walang may alam kung sino ang may gawa, pero sapat na iyon para magbago ang ihip ng hangin sa buong bulwagan.Sa screen, kitang-kita ang matitinding titigan nina Adrian at Lia. Isang mapanganib na lapit. Doon pa lang, nagsimula nang magbulungan ang mga tao. Ang kaninang palakpakan, napalitan ng nakatutuling bulung-bulungan.Isang matalas na boses ang bumasag sa ingay. Isang babae ang lantarang nagturo kay Lia sabay panghuhusga."Teacher pa naman, tapos ganyan ang pinapakita niyang ehemplo? Kabit! Ang galing mong magturo, pero mas magaling ka palang pumatol sa lalaki!"Sumabay agad ang iba pa. "Oo nga! Ang balita ko, dalawang beses iniligtas ni Miss Imperial ang buhay ni President Serano. Ikakasal na nga sila sa susunod na buwan, tapos umeepal pa ang gurong 'ya
Nang marinig ang sunod-sunod na beeping sound, tuluyan nang nanghina si Wendy at napasandal sa sofa, humihinga nang malalim. Isang malamig na pawis ang gumapang sa kanyang likod.Kailangan niyang kumilos. Kailangan niyang mahanap ang totoong babaeng nagbigay ng dugo kay Adrian noon, at kailangan niya itong patahimikin habambuhay. Dahil sa oras na maunahan siya ni Adrian sa pagtuklas ng sekretong iyon, titiyakin nitong mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa mabuhay.-Dalawang linggo ang mabilis na lumipas. Opisyal nang inilabas ang mga opisyal na resulta para sa National Olympiad.Ang buong paaralan ay niyanig ng isang napakalaking balita: lahat ng dalawampung estudyante sa klase na hinahawakan ni Lia ay nakakuha ng parangal at matataas na marka.Hindi lang iyon. Dalawa sa kanyang mga estudyante ang opisyal na napili para sa National Team na kakatawan sa buong bansa para sa Inter
Isang mapait at sarkastikong tawa ang pinakawalan ni Lia. "Hindi ako doktor, Adrian. Bakit sa’kin mo tinatanong 'yan?""Pero nakaranas ka nang makuhanan ng napakaraming dugo noon," giit ni Adrian, bahagyang nangangatog ang boses. "Gusto ko lang malaman... kaila
Pag-uwi ni Adrian sa mansyon, wala na roon sina Lia at Bunbun. Tanging si Noah na lang ang naiwan, mag-isang nakaupo sa kanyang study desk habang seryosong nagsasagot ng mga math problems.Nakahinga nang maluwag si Adrian nang makitang maayos na ang lagay ng anak pagkatapos n
“May nakalap kami,” ani Bruce sa kabilang linya.Nagdilim ang anyo ni Adrian. "Ano??""Isang overseas criminal organization," seryosong sagot nito. "Sila ’yung sindikatong binabayaran para pumatay.
Bahagyang itinaas ni Noah ang kanyang mga pilikmata upang bigyan ang ama ng isang malamig at walang-awang sulyap. “Sige, lumayas ka na ngayon. Paniguradong mas masarap ang subo namin kapag wala ang mukha mo rito sa harap namin.”Dahil mas kilala ng bata ang narara







