แชร์

Kabanata 7

ผู้เขียน: Rhea mae
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-20 22:40:37

Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?

“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na namin kayo. Ang lolo mong si Arnaldo ang nakausap ko. He’s a good friend to me. We are business partners, iha, kung hindi pa nasasabi sayo ng daddy mo. Kapitbahay din namin kayo before bago kami makabili ng malawak na lupa at makapagpatayo ng bahay. Hindi na namin kayo nakita nang ilipat kayo ni Bernard sa Manila. Napagkasunduan namin ng lolo mo na kayo ni Akira ang ikakasal pagsapit niyo sa tamang edad para ipagpatuloy niyo ang business namin.” Paliwanag ni Estrella.

Naalala ni Megan ang Lolo Arnaldo niya pero simula nang lumipat ito sa Germany, hindi na ito umuwi ng Pilipinas. Hindi niya alam kung buhay pa ba ito o hindi na. Hindi rin kasi ito umuwi sa Pilipinas nang mamatay ang kaniyang ama.

“Pero paano kung ayaw po namin ni Akira? Kailangan bang matuloy pa rin ang kasal?” magalang niyang tanong.

“Alam kong hindi kayo sang-ayon sa kasal na ‘to pero kailangang matuloy, iha. Kayong dalawa lang ni Akira ang magpapatuloy ng business namin. Kapag nakapangasawa ng ibang babae si Akira, siguradong magkakaroon lang ng gulo. Babagsak lang ang kompanya dahil hindi kayo magkakasundong dalawa. Alam kong matututunan niyo rin ang isa’t isa na mahalin pagdating ng panahon.” Napabuntong hininga na lang si Megan dahil mukhang mahihirapan sila ng Ate Mariel niya na i-cancel ang kasal.

Kung hindi man niya magawan ng paraan para itigil ang kasal, sana makagawa ang Ate niya. Sana pumayag ang stepmother niya na huwag ng ikasal si Mariel kay Akira.

“Ready yourself, bukas na ang measurement niyo ni Akira para sa isusuot niyo sa kasal at sa engagement party niyo, okay?” Tumango na lang si Megan.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya nang tumambay na siya sa balcony ng kwarto niya. Nakatulala lang siya na nakatingin sa kawalan.

Kinakabahan siya dahil sa susunod na linggo na ang engagement party nila ni Akira at ang birthday nito. Bago matapos ang buwan na ‘to ay ikakasal na sila.

“Do you hate her or do you like her? Mamili ka sa dalawa.” Tanong ni Damon habang nakatingin si Akira kay Megan. Wala na sila sa pool area kaya hindi sila nakikita ni Megan. Nasa cottage sila at kitang-kita nila si Megan na nakatulala sa kawalan.

“Tsss,” iyun lang ang sagot ni Akira kaya nagtawanan ang mga kaibigan niya.

“Sabihin mo nga pre, siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong sumama sa amin mamaya sa bar? Ayaw mo siyang iwan?” Pang-aasar pa ni Sandro.

“Manahimik na nga kayo. Kung hindi kayo mananahimik, mabuti pang magsiuwi na kayo.” Inis niyang sagot sa mga ito. Nagsimula naman nang magpustahan ang mga kaibigan niya.

“Pustahan tayo, hindi mo na ititigil ang kasal dahil gusto mo na siya.” Nang-aasar na wika ni Geyvin. Tahimik na lang si Akira habang nakatingin siya kay Megan na mukhang problemado. Hindi niya na lang pinapakinggan ang mga kaibigan niya dahil puro kalokohan lang naman ang alam gawin ng mga ito.

“Ang ganda niya kaya. I’m sure, unang mahuhulog sa kanila si Akira.” Nagpatuloy ang tawanan ng tatlo habang walang pakialam si Akira. Nakokonsensya pa rin siya hanggang ngayon dahil sa ginawa niyang paninigaw kay Megan at alam niyang napahiya niya ito lalo na at nakaharap ang mga kaibigan niya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Akira. Nag-iisip ng paraan kung paano ba siya makakabawi kay Megan.

Inis na tiningnan ni Akira ang mga kaibigan niya nang hindi pa rin tumigil ang mga ito sa pagtatawanan at siya pa rin ang pulutan ng mga ito. Inis siyang tumayo kaya napatigil ang mga kaibigan niya.

“Umuwi na nga kayo. Nakakabwisit na kayo.” Sambit niya sa mga ito saka siya lumabas ng cottage at umalis na.

Napatingin naman siya kay Megan na nakatingin na rin sa kaniya. Nang marealize ni Megan na nasa pool area pa pala sila Akira ay pumasok na siya sa kwarto niya. Muling bumuntong hininga si Akira. Masyado niya bang nasaktan si Mariel?

Pagsapit ng hapon ay palakad-lakad lang sa bakuran si Megan. Tinitingnan ang mga magagandang halaman sa Del Valle Compound. Gusto niya nang bumalik sa Manila. Gusto niya ng makasama ang mga kaibigan niya dahil alam niya naman na ang mga ito lang ang may pakialam sa kaniya.

Muli niyang sinubukang tawagan ang Ate niya pero hindi pa rin ito sumasagot. Nang makita niyang may isang message ay binuksan niya ito at binasa.

[I’m sorry, Megan. Nasa outing pa rin kami ni Jason kaya hindi ko pa nakakausap si mommy. Don’t worry, susubukan kong gumawa ng paraan para makauwi ka na. Kapag nakakuha ako ng malaking allowance mula kay mommy, dadagdagan ko na lang ang ibinigay ko sayo. Enjoy your stay there. Muaps!]

Napabuntong hininga na lang si Megan. Napakadali lang sa Ate Mariel niya ang magkaroon ng pera pero siya, hirap na hirap pa.

“Paano ko naman i-eenjoy ang buhay ko rito kung may asungot na napakasungit.” Usal niya sa sarili niya.

“Ako ba ang asungot na sinasabi mo?”

“Waaah! Kabayo!” gulat na sigaw ni Megan nang biglang lumitaw sa gilid ng mukha niya si Akira. “Ikaw na naman?! Huwag mong sabihing kailangan ko na namang umalis dito?! Napakalawak na nito kaya baka naman pwedeng magshare na lang tayo.” Inis na sambit ni Megan.

Itinago ni Akira ang mga kamay niya sa likod niya saka niya tiningnan ang mga bulaklak na pinagmamasdan ni Megan kanina.

“Hindi naman. Mahilig ka ba sa kabayo?” Napataas ang kilay ni Megan saka niya iniwas ang paningin niya kay Akira.

“Hindi.” Sagot niya.

“I’m sorry for what I did to you earlier. Balak ko sanang pumuntang rancho ngayon. Gusto mo bang sumama? Para naman hindi ka lang nakakulong dito sa mansion. Gusto ko ring bumawi sayo.” Hindi naman naniniwala ang mukha ni Megan. Wala siyang tiwala kay Akira.

“Hindi na, baka iligaw mo pa ako rito.” Sagot niya.

“Sa tingin mo gagawin ko yun? Edi pinatay na ako ng lola ko kapag ginawa ko yun.” sagot niya naman saka niya hinarap si Megan. “So, let’s go? Ipapasyal lang kita para naman hindi ka maboring.”

Hinarap na ni Megan si Akira. Nakatingin siya sa mukha nito na para bang pinag-aaralan pa niya. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya at sasama o huwag na lang.

“Ayaw mo ba? Minsan lang ako mag-akit. I’m sure magrerefresh din ang utak mo sa rancho. Malawak ang lupain namin dun. You will enjoy the view.” Dagdag pa ni Akira. Pinag-iisipan pa namang mabuti ni Megan kung sasama ba siya pero curious din siya kung ano bang itsura ng rancho. Alam niya naman na puro mga kabayo ang nandun at malawak na luparin pero gusto niyang makita sa personal.

“Okay,” sagot niya. Bahagya namang ngumiti si Akira saka siya naunang naglakad at sumunod naman si Megan.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 24

    Seven years, pitong taon na kaagad ang lumipas nang umalis ng Pilipinas si Megan. Hindi naging madali ang buhay niya sa mga nakalipas na taon pero masaya siyang nalampasan niya ang lahat ng iyun. Naging madali ang buhay niya dahil nandyan ang mga kaibigan niya. May kasalitan siyang mag-alaga sa anak niya.“I’m so happy for you, girl! Look! Ang ganda ganda mo diyan.” Proud na proud na wika ni Kyline nang makita nila sa isang magazine ang picture ni Megan.“Grabe, halos hindi kita makilala. Ang matured mong tingnan sa picture mo lalo na at nakafierce ka. You are so gorgeous, indeed.” Sang-ayon ni Bianca.“Thank you, guys. Hindi ko naman mararating lahat ng ito kung hindi dahil sa inyo. Ang dami niyong naitulong sa akin simula pa lang. Kung ano man ang nakamit ko, nakamit niyo rin yun. Masayang masaya ako sa narating nating tatlo. Tingnan mo si Kyline, pinag-aagawan na ngayon ng mga malalaking company sa iba’t ibang bansa dahil magaling na architect. At ikaw naman, mas napalago mo ang bu

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 23

    Nakarating silang tatlo ng New York. Lahat sila ay nakangiti habang nasa gate ng isang school na papasukan nila.“Finally,” mahinang wika ni Kyline saka niya tiningnan si Megan at Bianca na tila hindi rin makapaniwala na nasa New York na sila. “Magkakasama pa rin tayo. Magkakaiba man tayo ng course pero iisang school ang pinapasukan natin at iisang apartment ang tinitirhan natin.” Masayang saad nito.“Kinikilig ako.” Tumatawang saad ni Bianca. “Group hug tayo, bilis!” Nagtatawanan naman silang nagyakapan.Mahigpit na hinawakan ni Megan ang bag niya. Ito na ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Hindi niya man alam ang mangyayari sa kanila pero susubukan niyang makapagtapos sa school na ito at makahanap kaagad ng trabaho.Malayo na siya sa Ate niya at sa stepmom niya. Sigurado siyang makakalimutan niya na rin si Akira. Dalawang buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan si Akira.Sinubukan niya itong i-search sa social media pero hindi lumalabas ang

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 22

    Tulalang nakatingin sa kawalan si Megan. Isang linggo na ang nakalipas simula nang umalis siya sa poder ng mga Del Valle. Mapait siyang ngumiti. Siguradong ikinasal na rin si Akira at Mariel dahil kahapon ang schedule ng kasal nila.Mapait siyang ngumiti saka siya bumuntong hininga. Masakit pa rin sa dibdib niya ang nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkikita ng stepmom niya dahil umalis na siya sa bahay nila. Sapat na ang perang ibinigay ni Mariel sa kaniya para makapag-aral siya at matupad ang pangarap niya. Hindi niya na kaya ang walang katapusang utos ng stepmom niya sa kaniya. Hindi niya magawa ng maayos ang mga school works niya dahil gabi na bago siya matapos sa mga trabaho niya sa loob ng bahay nila.“Huy, okay ka lang?” Panggigising ni Kyline sa pagde-day dream ni Megan. Bumuntong hininga lang si Megan habang nananatiling nakatingin siya sa kawalan. Nakatira siya ngayon sa bahay ng isa sa mga kaibigan niya.“Naaalala mo pa rin ba siya? Bakit hindi mo subukang bal

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 21

    Masakit sa loob ni Megan na umalis ng bahay. Panay na ang hikbi niya na halos hindi na siya makahinga. She just want to talk to Akira pero ayaw na siyang makausap at makita ni Akira. Isa siyang impostora kaya sino siya para kausapin ni Akira Del Valle?Mabilis na pinunasan ni Megan ang mga luha niya pero sunod-sunod pa rin ang pagpatak ng mga ito sa pisngi niya.Muli siyang lumingon sa bahay pero nakasarado pa rin ito.Galit na galit namang tinabig ni Akira ang mga babasagin sa loob ng bahay nila sa rancho.“Damn it! Goddman it!” Galit na galit niyang sigaw habang tinatabig ang mga vase na nakadisplay sa sala. Nagkalat na ang mga basag na vase sa sahig. Hindi niya na tiningnan si Megan dahil hanggang ngayon ay nagagalit pa rin siya.Masakit pa rin sa loob niya na niloko lang siya ni Megan. Hindi niya akalain na mapapalapit siya sa isang impostora. Pera lang ba ang kailangan ni Megan sa kaniya kaya ito nagpanggap at lumapit sa kaniya?Hilaw na lang na natawa si Akira.“Pare-pareho lang

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 20

    Sunod-sunod ang paglandas ng mga luha ni Megan sa pisngi niya habang nasa dalampasigan siya. Nasa madilim siyang bahagi ng dagat dahil hindi siya pwedeng makita ng senyora.Mahigpit niyang hawak ang dibdib niya habang pigil ang paghikbi niya. Nasasaktan siya dahil ang malafairytale niyang buhay ay matatapos na. Gigising siya isang umaga na hindi na makikita si Akira. Hindi niya akalain na pagkatapos ng mga masasayang nangyari sa kaniya ay matatapos na. Mapapalitan ng sakit at lungkot.Malapit ng maghating gabi pero wala pa ring balita si Megan kung nakauwi na ba si Akira. Gusto niya sanang makausap ito kahit sa huling pagkakataon. Gusto niyang magpaliwanag. Gusto niyang sabihin na totoo ang lahat ng naramdaman niya. Ang saya na naranasan niya at kung bibigyan siya ng pagkakataon, handa niyang pakasalan si Akira. Pero alam niyang sa panaginip na lang mangyayari ang lahat ng iyun.Ayaw niya sanang maghihiwalay sila ni Akira na galit pa rin ito sa kaniya.Magang-maga na ang mga mata ni M

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 19

    Galit na galit na nakatingin si Estrella kay Megan. Hindi magawa ni Megan na tingnan sa mga mata ang Senyora.“Sinabi ko na sayo kung ano ang pinakaayaw ko sa isang tao, iha. Sinabi ko sayo na ayaw na ayaw ko ng niloloko ako at sinisira ang tiwala ko. Ang lakas ng loob mong lokohin ako at ang pamilya ko. Pwede kitang ipakulong sa ginawa mo pero iisipin ko na lang ang pinagsamahan natin sa loob ng isang buwan. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo kahit kailan at huwag na huwag ka na ring magpapakita sa apo ko. Pera ba ang kailangan mo?” Galit pa ring sambit ng Senyora.“Issa, ibigay mo sa akin ang cheque ko.” Maawtoridad na utos ni Estrella. Mabilis namang lumapit si Evelyn sa matanda.“Senyora, huwag niyong gawin ‘to. Hayaan niyong ako na ang maghatid sa kaniya pabalik ng Manila. Bukas na bukas din ay aalis na kami. Hindi ko hahayaan na maabutan mo pa siya bukas.” Ani ni Evelyn. Nang ibigay ni Issa ang cheque ng Senyora ay mabilis itong nagsulat ng amount at isinampal kay Megan.“Yan a

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 1

    “Limang milyon piso, okay na ba ang halagang yun para pumayag ka sa gusto ko?” Napatitig si Megan sa Ate Mariel niya. Sapat na ang limang milyon para masuportahan niya ang sarili niya sa pag-aaral. Hindi niya na kailangang magmakaawa, hindi niya na kailangang sumunod muna sa utos nila bago siya mag

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 6

    Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 5

    Salitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 4

    Hindi alam ni Akira kung bakit mabilis na nakuha ng babae ang atensyon niya. Kanina pa siya paikot-ikot sa mansion pero hindi niya makita si Megan. Hindi niya naman alam ang pangalan nito kaya hindi niya matanong ang mga katulong nila.Kalahating oras na siyang naglalakad para mahanap si Megan pero

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status