Share

Mr. Shane Lincoln

Author: Robbie
last update publish date: 2025-09-12 19:37:36

Audrey

“Si Andrea ang mag o-orient sa’yo, at dun ang magiging desk mo,” sabi niya ulit.

Sinundan ko ng tingin ang daliri niya at nakita na sa sulok para may cubicle. Hala! Magkasama kami sa loob?

“Sigurado po kayo sir?” maang na sabi ko.

Seryoso naman niya ako tinignan, “Why?”

“Magsasama po tayo este magkasama po tayo sa loob ng office?” tanong ko.

“You will be my executive secretary, gusto ko ay isang tawag lang ay makakasagot ka na, so what’s the matter?” balik niyang tanong.

May point naman siya.

“W-Wala po sir.”

Pinindot niya ang telepono saka tinawag si Andrea, “Orient Audrey.”

“Yes, sir.”

Mabilis na sagot ni Andrea saka pumasok sa loob, “Miss Audrey, dito muna tayo sa labas.”

Tumango ako ay akma ng lalabas ng mapatingin kay Mr. Lincoln, “S-Salamat po sir.”

Hindi ito sumagot pero tumango, nakahinga ako ng malalim paglabas sa opisina niya, napangiti naman si Andrea.

“Ang gwapo ni Mr. Lincoln diba?” natatawang sabi nito.

“Ah, o-oo, sakto lang,” sagot ko.

“May boyfriend ka na ba? Asawa? Anak?” sunod sunod na tanong nito.

Inabot ko ang resume, “Ma’am Andrea, ito po ang resume ko. Nakita ninyo po ba?”

Kumamot ng ulo si Andrea at bumulong, “Ang totoo ay hindi eh, sabi lang ni Sir kahapon ay ikaw ang napiling i-hire, sinabihan niya yung manager sa HR na huwag ka na padaain sa interview, basta hired ka na agad, to follow na lang daw mga documents mo or kahit medical certificate.”

Natutula ako sa sinabi niya, “Ilan ba ang nag apply at ako agad ang napili?”

“Nasa ten million buong mundo kasi ay naging interesado, sino ba naman ang ayaw maging secretary ng isang Shane Lincoln,” natatawa pa nitong sabi.

“P-Paano niya nakita resume ko kung ganun kadami?” gulat kong sabi.

“Hindi ko alam bakit kaya di mo itanong sa kanya? Baka type ka,” nakangising sabi ni Andrea.

Napailing ako, “Hindi ko siya type. Isa pa ay ayoko ng magkaroon ng boyfriend ulit. Sobrang sinaktan ako ng dati kong naging live in partner.”

Napatango naman si Andrea saka hinimas ang tiyan buntis pala ito. Napatingin ako sa pinto ng opisina ni Mr. Lincoln saka bumulong.

“Lahat ba ng naging secretary niya ay sa loob talaga ang cubicle?”

“Ikaw ang first secretary niya, meron siya talagang assistant, yung chief of staff niya na si Kevin pero hindi iyon dito nakastay. Pupunta lang pag may iuutos si sir, ikaw ang una. Ako naman ay inaanak ng magulang niya kaya naging especial receptionist niya. Asawa ko si Kevin,” paliwanag nito.

Napatango naman ako, “Miss Andrea, masungit ba si Mr. Lincoln? Kinakabahan kasi ako.”

Napahinga ng malalim si Andrea saka tinapik ang balikat ko, “150,000 pesos ang magiging sahod mo, napakalaking halaga para maging sahod ng isang sekretarya, kaya siguro ay alam mo na ang sagot. Mahirap i-please si Mr. Lincoln. Hindi siya yung typical na boss na pwedeng makasama sa inuman o alam mo na, siya ang pinakamayang tao sa mundo. Mahirap makuha ang tiwala niya kaya huwag mong sayangin. Ang pinakaayaw niya ay hindi nagagawa ng maayos ang trabaho at nilalandi siya.”

Pumunta kami sa isang kwarto ang pantry area, pero parang grocery store it dahil sa dami ng pagkain at inumin.

“Ayaw ni Mr. Lincoln ng malamig na kape, isang kutsarita lang ng sugar at no creamer. Bago mag seven ng umaga ay dapat narito ka na at nakalapag na sa lamesa niya yung coffee. Tawagan mo ang mga department manager kung meron silang concern kay Mr. Lincoln para sa araw na ;yun at ilista. Sa penthouse lang naman sa taas siya madalas tumutuloy kaya eksaktong eight ay nakakarating iyon dito. Madalas siyang nago-over time, pero kung hindi ka niya kailangan ay pwede ka naman na agad umuwi. Si Kevin ang nagdadala ng pagkain niya tuwing lunch kaya huwag mo ng alukin ng anuman. Picky eater kasi siya.”

Tinuro rin nito ang mga lalagyan ng supplies at mga documents. Mukhang madali lang naman pala kung tutuusin ang trabaho.

“Tandaan mo, dapat alert at attentive ka, mabilis uminit ang ulo ni sir, kaya kung masigawan ka man ay hayaan mo nalang,” warning pa ni Andrea.

Huminga ako ng malalim saka tumango bago muling pumasok sa loob ng opisina ni Mr. Lincoln na busy sa pagbabasa ng mga documents. Bigla itong tumingin sa akin kaya napalunok ako ng madiin.

“May mga document sa cubicle mo i-sort mo,” utos nito saka muling bumalik sa pagbabasa.

Agad akong naupo at nakita na halos gabundok nga ang mga papel na naroon. Palihim akong tumingin ulit sa bago kong boss.

Bakit nga kaya niya ako pinili? Kakayanin ko ba ang pagtatrabaho sa kanya? Napakatahimik ng paligid parang kahit paghinga ko at rinig na rinig ko na. Pero para sa 150,000 pesos ay pipilitin kong makaya.

Halos apat na oras na akong nag-aayos ng mga papel ng tumunog ang telepono sa gilid ko, “H-Hello?”

“Audrey, si Andrea ‘to, lunch time na. Lumabas ka na diyan at kunin ang food ni Mr. Lincoln.”

Napatingin ako sa oras alas dose na pala, “O-Okay.” Tumingin ako kay Mr. Lincoln na patuloy sa pagtype sa laptop niya.

“Excuse me po sir.”

Sabi ko saka lumabas. Nag-uusap si Andrea at isang lalake. Ito siguro yung Kevin.

“Audrey, ihain mo na itong food ni Mr. Lincoln sa dining room tapos ay pwede ka na rin kumain. Free lunch ang mga empleyado sa cafeteria kaya pumunta ka lang doon at ipakita mo lang ang ID mo. Siyanga pala si Kevin,” ani Andrea.

“Good morning po sir,” sagot ko.

Tiningan naman ako ni Kevin, para itong si John Wick, matangkad rin ito at malaki ang katawan, aakalain mo na wrestle. Body ba ito o chief of staff? O baka naman pareho.

Bigla itong ngumiti kaya medyo naging komportable ako, pareho sila ni Andrea ang awra may otoridad pero friendly, “Pakiayos ang pagkain ni Mr. Lincoln.”

Nagpunta ako ulit sa loob ng opisina at nakita na wala na si Sir Shane sa desk niya kaya habang tulak ang trolly ng food at kumatok ako sa dining area saka pumasok. Nakaupo na ito roon pero hawak naman ang Ipad. Inilapag ko ang mga pagkain saka tumayo sa gilid. Muli siyang seryosong tumingin sa akin saka sa lamesa.

“May kailangan pa po ba kayo sir?” kinakabhang sabi ko.

Para kasi ako natutunaw kapag ganun ang tingin niya. Tumatagos sa kaluluwa ko. Nahihirapan akong mag-isip ng maayos.

“Ano sa tingin mo?” tanong niya.

“G-Gusto ninyo po bang subuan ko kayo?” wala sa sariling sabi ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO Has Fallen For Me   Special Chapter Part 1

    AudreyLabing-walong taon ang mabilis na lumipas mula noong magarbong renewal of vows namin ni Shane, at ngayon ay opisyal nang grumaduate ng college ang aming mga kambal na anak na sina Tyler at Troy.Sobrang bilis talaga ng takbo ng panahon dahil parang kailan lang noong hawak-hawak ko pa sila sa loob ng nursery room habang nagpapagaling ako mula sa trauma, pero ngayon ay mga ganap na silang propesyonal na handang humarap sa high-society world.Masayang-masaya kami ni Shane habang pinagmamasdan ang kanilang mga graduation photos sa ibabaw ng aming piano, deeply feeling a different kind of parental pride dahil napatunayan ng mga anak namin na pareho silang certified genius.Sa kabila ng kanilang murang edad na dapat ay nasa early stages pa lang ng unibersidad, pareho na silang lisensyadong medical doctors ngayon dahil sa kanilang advanced accelerated curriculum at pambihirang talino sa science engineering applications.Umupo si Shane sa aking tabi dito sa loob ng aming malaking sala,

  • The CEO Has Fallen For Me   Happily Ever After

    AUDREYNakatayo kaming tatlo sa malaking main driveway ng aming Forbes Park estate habang ang sikat ng hapon ay dahan-dahang tumatama sa mga mamahaling sasakyan ng aming security convoy.Narito kami upang ihatid si Sherwin na pabalik na ng London para asikasuhin ang kaniyang mga malalaking international business branches, and to be honest, medyo nabawasan na ang tindi ng aking hiya mula noong nakaraang araw dahil sa kaniyang napakagandang pag-uugali.Lumapit sa akin si Sherwin na may dalang malaking ngiti sa kaniyang mukha, looking very professional in his designer corporate suit, habang bitbit ng kaniyang personal assistant ang kaniyang mga premium flight luggage.“Audrey, Shane, kailangan ko na kayong iwanan dito sa Pilipinas dahil naghihintay na ang aking board of directors sa United Kingdom para sa ating global expansion layout. Maraming salamat sa napakainit na pagtanggap ninyo sa akin dito sa mansiyon kahit na medyo nagkaroon tayo ng kaunting structural surprise noong unang umag

  • The CEO Has Fallen For Me   Bro code

    SHANEHindi ko na lang binanggit pa kay Audrey ang matinding tension na naramdaman ko kanina sa loob ng nursery room upang hindi na mas lalong lumala ang kaniyang hiya at operational stress ngayong umaga.Kitang-kita ng aking dalawang mata kung paano siya nagkamali at aksidenteng nahalikan si Sherwin sa labi, but I completely know deep inside my heart na hindi naman niya iyon sinadya dahil wala naman talagang alam ang asawa ko na may kakambal pala ako sa pamilyang ito.Masyadong naging kumplikado ang mga nakaraang buwan dahil sa kademonyohan nina Miranda at Marian, kaya naman ayokong madagdagan pa ng panibagong emosyonal na problema ang isip ng aking asawa habang nagpapagaling pa siya sa kaniyang mga sugat.Pagkatapos ng aming almusal sa dining area kung saan nanatiling tahimik at halatang balisa si Audrey, hinintay ko munang makapanhik siya muli sa itaas bago ko lihim na kinausap ang aking kapatid dito sa loob ng aking private home office.Umupo ako sa aking leather chair habang sery

  • The CEO Has Fallen For Me   New love triangle?

    AUDREYMasayang magkayakap kaming natulog ni Shane sa loob ng aming master bedroom pagkatapos ng napakahabang gabi ng pag-aalala at takot. Ramdam ko ang tibok ng kaniyang puso habang nakasandal ang aking ulo sa kaniyang malaking dibdib, providing me with the absolute safety and comfort that I desperately needed after everything we went through with Miranda.Nang magising ako kinaumagahan dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aming malaking bintana, napansin kong wala na si Shane sa aking tabi kaya naman agad akong bumangon upang ayusin ang aking sarili.Dahil sabik na sabik pa rin akong makasama ang aking mga sanggol, mabilis kong pinuntahan ang mga anak natin sa nursery room sa kabilang dulo ng pasilyo upang i-check ang kanilang kalagayan.Pagtulak ko ng pinto, agad kong nakita ang pamilyar na likod ni Shane na nakatayo malapit sa crib ni Tyler, so I quickly smiled and hugged him tightly from behind, wrapping my arms around his waist.“Good morning, my love. Ang aga mo namang nagisin

  • The CEO Has Fallen For Me   Crazy Nemesis

    AUDREY“Shane, pakiusap naman, tapusin na natin ang ganitong klaseng setup dahil natatakot ako para sa kaligtasan ng mga anak natin kung mananatili silang nakakulong sa ilalim ng bahay natin.”Huminga nang malalim si Shane habang seryosong nakatingin sa akin, his eyes scanning my pale face before he slowly nodded his head to show his corporate agreement. He tapped the shoulder of his head security guard and gave the final executive order to move the prisoners out of our property immediately.“Sige, Audrey, kung iyan talaga ang tanging paraan para mapalagay ang isip mo, gagawin ko ang gusto mo. Carlos, dalhin ninyo ang mga medical restraints sa ibaba at kunin ang dalawang iyan ngayon din.”Nang buksan ng mga armadong tauhan ni Shane ang mabigat na bakal na pinto ng basement suite, isang napakabahong amoy ng dumi at nabubulok na elemento ang agad na sumalubong sa amin sa pasilyo. Sumama ako sa pagbaba dahil gusto kong makita ng sarili kong mga mata ang opisyal na pag-alis ng aking mga k

  • The CEO Has Fallen For Me   Home Sweet Home

    AUDREYKahit na ramdam ko pa ang matinding pananakit ng aking buong katawan at ang bawat paghinga ko ay tila may kasamang mabigat na dagok mula sa nakaraang trauma, pinilit ko pa ring bumangon mula sa aking higaan sa loob ng VIP room.Hindi ko na kayang magtagal pa ng kahit isang oras sa loob ng ospital dahil ang tanging nasa isip ko lang ay ang makauwi sa aming mansiyon at makita ang aking mga anak. Alam kong nag-aalala ang mga doktor at maging ang mga nurse na nag-aasikaso sa akin, pero para sa isang inang tulad ko, walang gamot na mas makapagpapagaling kaysa sa presensya ng aking mga sanggol.Tinawag ko si Shane habang dahan-dahan kong inaayos ang aking sarili, at nang pumasok siya sa silid, nakita ko sa kaniyang mga mata ang pag-aalangan na agad namang napalitan ng pag-unawa at pagmamahal.“Shane, please, kailangan ko nang umuwi ngayon din. Hindi ko na kayang maghintay na hindi ko nayayakap ang ating mga anak habang narito ako sa loob ng malamig na kwartong ito.”“Audrey, kung iya

  • The CEO Has Fallen For Me   SAFE HAVEN

    AUDREYNagulat ako ng makita na kumakatok si Andrea at ang asawa nitong si Kevin sa bahay namin ng dis oras ng gabi kaya agad akong lumabas.“Sir, Ma’am? Bakit po?” tanong ko.“Audrey, pasensya ka na at naabala namin ang tulog ninyo, pero inutos kasi ni Mr. Lincoln na kunin kayo ngayon at dahil sa

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • The CEO Has Fallen For Me   Trapped

    SHANEPagpasok ko sa hospital room, parang biglang bumigat yung mundo ko. Ang lamig sa loob. Ang tahimik. Yung ilaw sa kisame puting-puti, sobrang linaw na halos masakit sa mata, pero kahit ganun, mas nangingibabaw yung bigat sa dibdib ko.Nakita ko si Miranda sa kama—maputla, naka-oxygen, may naka

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • The CEO Has Fallen For Me   The Girl Who Played Dead

    MIRANDA Tahimik sa loob ng room. Sobrang tahimik na kahit mahina lang, rinig ko bawat hikbi ni Mama sa labas.Akala nila ay wala pa rin akong malay.Pero ang totoo ay gising na gising.Hindi ko man maigalaw buong katawan ko dahil kailangan kong magpanggap na unconscious, pero alerto lahat ng tenga

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • The CEO Has Fallen For Me   Unexpected Call

    SHANEHindi ko inakalang isang tawag lang ang sisira sa gabi ko.Nasa kama kami ni Audrey, sa loob ng kwarto ko, maliwanag pa ang buong ppaligid dahil hindi ko sinara ang ilaw. Nakatukod ang kamay ko sa kama habang hinahalikan ko siya. Ramdam ko ‘yung kamay niyang humihila sa shirt ko, halos mapuni

    last updateLast Updated : 2026-03-18
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status