Home / Fantasy / The Chosen Wife / Chapter Thirty-five: Kabiguan

Share

Chapter Thirty-five: Kabiguan

last update publish date: 2024-01-17 23:54:40
. Hinihingal na tumatakbong palayo si Purisima habang hinahabol ng isang Adonang werewolf. Wala siyang makitang mahihingan ng tulong kaya kahit pagod na pagod na at masasakit na rin ang kaniyang mga paa, pilit pa rin siya sa pagtakas.

"Saklolo, Lord Father Adonai!" Sigaw niya.

"Akala mo ba ay maililigtas ka ng kinikilala mong diyos? Katapusan mo na, Mortana!" Sigaw ng Adona.

Napapahagulgol na lamang siya habang tumatakbo. Nababalot siya ng takot at kawalang pag-asa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-nineteen: Sapilitang Pakikipag-iisang-dibdib

    Kinailangan ni Reyna Milcah na magpunta ng Way Kingdom upang damayan si Inang Reyna Liana. Malubha na ang karamdaman ng anak nito na si Haring Jehu.Mula nang maging reyna siya ay naging adbokasiya na niya ang damayan ang mga kapwa reyna maging mga inang reyna sa ano mang pasanin ng mga ito. Prinsesa pa lamang siya ay natunghayan na niya ang mga paghihirap na kinaharap ng kaniyang ina na si Reyna Qinlan.Tumatak sa kaniyang isipan na kaakibat ng pagiging reyna ang pagiging ina ng buong kaharian. Kailangang manatiling matatag upang tulungan ang hari.Ngunit ang mga reyna at inang reyna ay mga Mortan lamang. Para sa kaniya, ang mga tulad ni Inang Reyna Liana at Reyna Qinlan ay nararapat ding makaranas ng suporta mula sa iba pang reyna at inang reyna."Handa na po ang karwahe ninyo, Reyna Milcah." Pagbibigay-alam ni Lexie.Itinigil ni Reyna Milcah ang pagsusuklay na buhok. Nilingon niya ang first-ranked attendant."Salamat, Lexie. Sabihan mo si Harvan na mauna na sa karwahe. Hinihintay k

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-eighteen: Ang Nababagabag Na Ina

    "Harvan," tawag ni Zillah sa second-ranked attendant. "Pinatatawag ka ng mahal na reyna."Itinigil nito ang ginagawang palamuti sa gawaan ng dekorasyon. Tumayo ito at lumapit sa pintuan kung saan siya sumilip."Bakit, Zillah? May ipag-uutos ba si Reyna Milcah?"Humugot siya ng malalim na hininga bago tumugon. "Tayo ay magpupunta ng Way Kingdom at may ipagbibilin siya sa iyo.""Ganoon ba? Susunod na lamang ako sa iyo, Zillah. Itatago ko lang muna ang mga ito.""Magkita na lamang tayo mamaya."Nakangiting tumango si Harvan. "Sige, Zillah!"Isinara na niya ang pinto sa gawaan ng dekorasyon at bumuntong-hininga. "Sunod-sunod na dagok ang kinakaharap ng mga maharlika ng Guzen. Huwag naman sana madamay ang mga tulad ni Harvan sa kalungkutan ng mga reyna at prinsesa sa Way Kingdom at Light Kingdom."*****Matapos ang ginagawa ay agad na tinungo ni Harvan ang himpilan ng bagong reyna.Kumatok siya sa pinto."Harvan? Ikaw na ba iyan?" narinig niyang tanong ng reyna na nasa loob ng himpilan nit

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-seventeen: Ang Seremonya Ng Pamamaalam

    Pinangunahan ni Armida ang seremonya ng pamamaalam para sa yumaong Datu Nebunizar.Ang lahat ng mga Adono at Adona sa kanilang werewolf clan ay tumatangis.Limang henerasyon ang pinamunuan ng yumaong datu. Sa loob ng mahabang panahong iyon ay inilaan nito ang buhay para sa kanilang kampo."Ikinalulungkot ko, Siviro." Naluluhang pagpapaabot ng dalamhati ni Sharina sa kababata.Tumango lamang si Siviro ngunit hindi lumingon sa kaniya.Pinili niyang ngumiti at tinapik ito sa balikat. "Ihahanda ko lamang ang aking grupo para sa seremonya. Sasabihan ko na rin si Carlos para maging alerto ang grupo ninyo."Nakita niya ang paghugot ng malalim na hininga nito. "Salamat, Sharina."Iniwan na niya ito at nagtungo sa mga kagrupo niya.Lumapit sa kaniya si Joross at bumulong, "Kumusta ang magiging bagong datu, Leader?"Lumingon muna siya sa direksyon ni Siviro bago bumulong sa kausap. "Mailap pa rin siya sa pakikipag-usap, Joross. Ang mabuti pa ay maghanda na kayo para sa pagtapos ng seremonya."T

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-sixteen: Ang Pagkakaisa ng Dalawang Werewolf Clan

    "Aking Binibini!" halos mawala sa sariling sigaw ni Ram Luiz nang maabutang nakahandusay si Deborah.Duguan ito at puno ng sugat sa buong katawan. May pulso pa ito nang pakiramdaman niya ngunit mabagal."Sino? Sino ang gumawa nito sa kaniya?" palatak niya na napayakap na lamang sa kabiyak.Lumapit sa kaniya si Sharina na marami ring kalmot at pasa sa katawan.Nanghihina pa ito nang sagutin ang tanong niya. "N-nagkasagupa s-sila ni Dayang Victoria... Ibinuhos niya ang galit sa pakikipagtunggali."Matalim na tingin ang iniukol niya rito. "Magbabayad siya. Pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito sa binibini ko.""Ilang ulit niyang binabanggit ang pangalan mo, Adult Ram Luiz. Parang nakikita ka niya at nakakausap kanina." Mahina ang tinig na pagbabahagi nito."Gayon din ako, Sharina. Habang nakikipaglaban ako ay naririnig ko ang tinig niya. Inakala ko nga na magkalapit lang kami." Tugon niya."Kailangang dalhin natin siya sa babaylan. Masidhi ang tinamong mga sugat sa buo niyang katawan.

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-fifteen: Ang Paghaharap Ng Dalawang Malalakas Na Adona

    Wala ngang Ram Luiz sa paligid. Naisip ni Deborah na marahil ay kathang-isip lamang niya ang tinig nito."Halika na, Adult Sharina. Hanapin na natin ang iba pang kasamahan," pagyayaya niya sa Adona."Ngunit, Binibining Deborah," tanggi naman nito. "May kalaban na paparating."Nakita naman niyang parating ang sinasabi ni Sharina. Isang Adona na nakita na niya matagal na panahon nang nakalilipas."Ikaw!" nanlaki ang mga mata niyang sambit habang parating si Victoria."Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa 'yo. Matagal na kitang nais makita. Ito na ang tamang panahon upang mapangyari iyon." Nanlilisik ang mga matang sambit nito."Ikaw ang dahilan ng lahat ng pinagdaanan ko kung bakit ako nagkaganito. Nais mo na ba ako tuluyang tapusin?" nagpipigil ng galit niyang tanong."Hindi ko inakalang nabubuhay ka pa hanggang ngayon. Kung ganoon, humanda ka!" pagbabanta naman ni Victoria."Kilala mo ba siya, Binibining Deborah?" pasigaw na tanong ni Sharina."Kilala ko siya, Adult Sharina. Kilal

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-fourteen: Digmaan at Pagkakaisa

    Sa paggising ni Ram Luiz ay agad niyang pinuntahan ang tinutulugan ni Deborah. Hindi na siya makapaghintay na mayakap ang kabiyak.“Aking binibini!” tawag niya habang humahakbang papalapit sa kuwebang tinutuluyan ng minamahal.“Adult Ram Luiz!” bungad sa kaniya ni Loisa paglabas nito ng kuweba.“Loisa, paumanhin. Marahil ay nagambala ko kayo sa inyong pagtulog. Hinahanap ko lamang si Binibining Deborah.” Paliwanag niya.“Kaaalis lang niya kasama ang big sister at iba pang Adona, Adult. Sinugod kasi tayo ng kabilang werewolf clan."“Ano?” gulat niyang reaksyon. “Kumusta siya? Kumusta ang mga kasamahan natin?”“Kasama naman ni Big Sister si Binibing Deborah, Adult. Inuutusan nga nila ako na bantayan at protektahan ang mga Adonang maysakit at nagdadalang-tao. Maayos naman kami rito ngunit ang datu,” pagpapahayag nito na nag-aalangang sambitin ang huling kataga.“Anong nangyari sa grandfather na datu?”“Puntahan mo siya, Adult Ram Luiz. Hindi na raw maayos ang lagay niya.”Bago pa niya tu

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-three: Masamang Kutob

    Ilang Melyntor days na ring minamanmanan ni Deborah sina Deryk at Benedict. Malakas ang kutob niya na nakikisabwatan ito sa kabilang werewolf clan.Ang nais niyang malaman ay kung ano ang nais makuha ng mga ito sa pakikisabwatang iyon."Sigurado ka bang dito tayo kikitain ni Wano?" narinig niyang t

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-two: Ang Bagong Temple Priest

    Si Hannah ay abala sa pagpapakain ng mga alaga niyang Melyn sheep nang marinig ang pagtawag ni Hadassa."Youngest Sister!"Napabuntong-hininga siya at bumulong sa sarili, "Nariyan na naman siya upang mangumbinsi.""Youngest Sister," masayang bungad nito nang makapasok sa kulungan ng mga Melyn sheep

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-one: Ang Pagbisita Sa Bagong Reyna

    Katatapos lamang mag-alay ng Qanna sheep ni Reyna Milcah nang pumasok si Lexie sa silid ng pag-aalay."Mahal na reyna," tawag ni Lexie sa kaniyaNilingon niya ito, "Ano iyon, Lexie?""Si Prinsesa Anarah ay dumating po sa palasyo upang bisitahin ka, mahal na reyna.""Si Arahab!" nakangiti niyang sam

  • The Chosen Wife   Chapter Ninety-nine: Sa Silid Ni Hadassa

    Ibinahagi kay Hadassa ng kaniyang ina na naging eunuch ang kapatid nito sa palasyo ng anak ni Reyna Liana. "Sino po ba ang anak na iyon ni Reyna Liana, Mama?" tanong niya rito."Siya si Prinsipe Jehu ang crown prince. Marahil ay isa na siyang hari ngayon." Pagbabahagi nito."Mama, sa palagay mo po

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status