LOGINAfter five years trapped in a loveless marriage, Cecily believed that finally carrying a child would give her life meaning and perhaps soften a husband who had never learned how to love her. But when tragedy steals her unborn child before it ever draws its first breath, the fragile world she clung to collapses completely. Left with nothing but grief and quiet betrayal, Cecily makes the boldest decision of her life: she walks away from her marriage, her home, and the identity she sacrificed everything to protect. Yet leaving is never simple when she has spent years living under the shadow of one name. Without the title of being Linus Shaw’s first wife, who is Cecily? Will she truly build a life that belongs only to herself?
View MoreNanatili si Cecily ng buong isang linggo sa ospital. Pitong araw at pitong gabi ang dumaan sa ilalim nang putting ilaw, kasama ang paminsan-minsang tunog ng makina, at mahihinang hakbang ng mga nars na pumapasok at lumalabas na hindi alam ang kanyang pangalan.
Sa araw ng kanyang pag-alis ay narinig niyang ang bulungan ng mga nars sa istayon sa labas ng kanyang silid.
“Mag-isa siyang na-admit dito, ‘lam mo ba. Walang pamilya, walang asawa.”
“Siya lang din ang nagdesisyon magpaabort. Kawawa naman… O baka hindi.”
“Sabi nila, maraming mayayaman ang ayaw sa gulo. Baka kabit. Kinuhaa ang pera at naglaho bigla.”
Mababa lang ang kanilang boses, pero tila bawat salita ay tumusok sa kanyang tenga nang walang awa.
Mariing kumuyom ang kanyang mga daliri sa kanyang gilid habang napunta ang kanyang tingin sa kanyang tiyan, na ngayo’y bumalik sa dati nitong hugis, wala nang laman. Sinabi ng doktor na matagumpay ang operayon, na kailangan niya lamang magpahinga. Pero walang gamot ang kayang magpamanhid ng sakit na pumunit sa kanyang dibdib, sakit na parang hinati siya sa loob.
Nagtiim ang kanyang mga labi, sinuot ang kanyang sunglasses, at naglakad palabas ng ospital nang hindi lumilingon.
Samantala, sa labas ay nakakabulag ang sikat ng araw. Taliwas sa anumang kadilimang nakapalibot sa kanyang puso. Noong isang linggo lang ay pumasok siya sa building na iyon dala ang andap niyang pag-asa. Ngayon ay umalis siyang wala.
Tahimik ang hardin ng Dojin gaya ng dati, isang mamahaling residential compound na balot ng pinag-isipang mga landscape at katahimikan. Nang bumalik si Cecily, ay dumiretso siya sa taas patungo sa master bedroom sa ikalawang palapag.
Lahat ay gaya parin ng dati. Walang gumalaw sa kama, ang aparador ay maayos at nakaorganisa, ang matamlay na amoy ng cologne na naiwan sa hangin, ay mga ebidensya ng hindi pagsipot ni Linus sa kanilang tahanan nang siya’y nawala.
Napatingin siya sandali sa silid, hanggang sa malambot siyang natawa.
Hindi na iyon mahalaga.
Kung nasaan man siya. Kung sinong babae man ang naging katabi nito sa mga gabing nagdaan. Kung napansin niya bang isang linggo siyang nawala.
Masyado na siyang pagod para magkaroon pa ng pakialam.
Dahan-dahan siyang umupo malapit sa mesa de noche at kinuha ang isang sisidlan ng gamot. Itinagilid ito upang malaglag ang iilang sleeping pills sa kamay niya at walang pag-aalangan niyang linunok iyon, sabay higa habang namamaluktot sa ibabaw ng higaan. Minuto lang ang tinagal bago siya tuluyang makatulog.
Sa kanyang panaginip, ay bumalik ang nakaraang hubad na katotohan.
20XX Pebrero 12
Ang puting kobre kama ay nabalot ng pula. Isang matalim na sakit ang tila bumuka at hinati ang kanyang katawan. Nanginginig ang kanyang kamay habang sinubukan niyang tawagan nang paulit-ulit ang pamilyar na numero, para lamang marinig ang malamig, mekanikal na boses na nagsasabing walang makakasagot sa tawag niya.
“Rue!”
Napabalikwas siya sa kama, ang kanyang mata’y napadilat nang biglaan, ngunit malabo ang kanyang paningin dahil sa luhang nangingilid sa kanyang mga mata.
Ang kisame sa kanyang harap ay pamilyar, puno ng dekorasyon, pero walang buhay. Bumigat ang kanyang dibdib nang sinubukan niyang tumayo. Ang sakit a kanyang puso ay mas mabigat pa sa kayang tiisin ng katawan niya.
Nang kalaunan ay may biglang kumatok sa pinto.
“Madam,” ani isang katulong, “tumawag si Sir at nagsabing babalik siya ngayong gabi. Tumayo ka na daw at maghanda ng hapunan.”
Napayuko si Cecily at pinilit niyang may lumabas na boses sa kanyang bibig.
“Hindi maayos ang pakiramdam ko. Ipasuyo niyo na lang sa kusinero.”
Pero hindi umalis ang katulong. Bumukas ang pinto, at tumalim ang tono ng boses.
“Hindi po maaari, Madam. Minsan lang umuwi si Sir Linus ngayong mga araw. Kailangan mong kunin ang pagkakataong ito. Ipagluto mo siya nang paborito niyang pagkain. Subukan niyo namang makuha ang pabor niya at ng batang madam.”
Pakiramdam ni Cecily ay may biglang pumitik sa loob niya.
Sumimangot siya at mahinang sumenyas sa kamay niya. “Ang sabi ko masama ang pakiramdam ko at umalis ka na.”
Gulat naman ang katulong at napangisi nang may pagkaaba bago humakbang palayo.
“At sa akala mo’y may mararatinga ng pag-iinarte mong ‘yan. Pwe…”
Hindi ito masyadong mahina para hindi marinig dahil dinig ni Cecily ang bawat salitang binitawan nito.
Syempre alam ng lahat. Alam ng lahat na kapag umuuwi si Linus ay siya ang magpapakumbaba, magpapansin, pinipilit mamalimos ng pagmamahal na hindi para sa kanya.
Pero, ni minsan ay hindi siya minahal ni Linus.
Ang kanilang kasal ay dahil sa iisang rason lamang. Kailangan ng pamilya Shaw ng respetadong asawa, at si Linus nama’y nais ang isang presentable at mahinahong ina na magpapalaki sa kanyang anak.
Wala sa usapan ang pagmamahal.
Napatagilid si Cecily at napayakap sa kanyang tiyan, na tila ba’y mayroon pa itong laman.
Kahit ngayon lang… gusto niyang magluksa bilang isang babaeng nawalan ng anak.
Hinila siya ulit ng gamot pabalik sa pagtulog at nang magising siya’y madilim ang silid.
Naramdaman niya ang mahinang pagdidikit ng mga tela at ang bigat na tila nalipat sa kabilang bahagi ng kama. Isang pamilyar na presensya ang pumulupot sa kanya bago pa man siya makapag-isip.
Mainit ang kanyang halik, pilit, at walang pasesensya. Ang agresibong mga kamay nito’y dahan-dahang gumagapang sa kanyang mga binti. Balat sa balat ngunit walang lambing o kalamuyutan.
Ni minsan ay hindi nagtanong si Linus. Wala siyang pakialam.
“Huwag…” Mahinang tinulak ni Cecily ang dibdib nito, ang kanyang boses ay nanginginig. “Huwag mo akong hawakan.”
Sa isip-isip ni Linus ay nagpapakipot lang ito at mas lalong dumikit sa kanya, mahigpit na hinawakan ang kanyang pulso at hindi tumigil sa paghalik sa kanyang labi.
Nabalot si Cecily ng hiya dahilan para maiwas ang kanyang mukha.
Napahinto si Linus. Halatang galit ito kahit man maamo ang mukha nito. Nawala ang kanyang interes kasama nang kanyang biglaang pagtigil.
Umalis ito sa pagkakaibabaw sa kanya, binalot ng tuwalya ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, at naglakad sa may bintana. Ang tunog ng lighter ang siyang umalingawngaw sa katahimikan.
“I want a divorce.”
“Wala naman talagang ibubuga ’yan pagdating sa klase, ’di ba? Sumasabit lang,” pagmamaliit ng isang boses sa dulo, na sinundan ng mararahas na bulungan.“Kinuha niya lang ang mga regalong pinagpuyatan nating ihanda, inayos nang kaunti, tapos ibinigay kay Professor Alonso. Lakas ng loob sabihing sorpresa niya ’yon!”“Oo nga! Professor Alonso, malinaw naman na para sa inyo talaga ang mga handog na ito!”Parang may biglang pumunit sa pader ng pagtitimpi ng mga tao sa silid. Ang sunod-sunod na paratang at inggit na kanina pa naiipon ay nakahanap ng iisang labasan, at ang lahat ng iyon ay marahas na humagupit sa nakatayong si Cecily.Sa tabi niya, hindi na rin maitago ang matinding pagkadismaya sa mukha ni Professor Alonso.Paano nga naman siya hindi magagalit? Narito ang kanyang mga lumang kaibigan at iginagalang na mga kasamahan
"Si Miss Whitman ang pinakasikat na estudyante ni Prof. Alonso noon. Napakahusay niyan noong nag-aaral pa kami!""Oo nga! Balitang gusto pa nga siyang gawing personal na apprentice ni Prof. Alonso para sa doctorate, pero ewan ko kung bakit bigla siyang nawala at hindi na nagpakita.""Alam ko 'yan. Nabanggit ng isang kakilala na nag-asawa raw siya ng mayaman. May anak na nga raw 'yung lalaki, basta nag-iba ang buhay niya!""O, e anong ginagawa niya rito ngayon?""Baka hindi na niya nakayanan ang buhay-mayaman, kaya heto, pumasok na lang na waitress.""Hahaha..."Isang mahinang tawanan ang sumabog sa sulok ng bulwagan. Sa isang saglit, si Cecily ang naging mitsa ng kanilang libangan.Ang mga taong naroroon ay walang ibang naaalala kundi ang in
"Nabalitaan kong kasalukuyan ka raw sumasailalim sa divorce sa pamilya Shaw?" panimula ni Yvette, pilit na pinatatamis ang kaniyang boses. "Napakasama ng loob ng uncle mo tungkol dito, sinasabi niya—""Sinasabi ang alin?!"Putol ni Cecily sa mga salita ni Yvette. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay habang matalim na nakatitig sa babaeng nasa harap niya. Sa loob ng mahigit sampung taong pananatili sa tabi ng uncle ko, iniisip niya na ba talaga na kasali siya sa pamilyang ito?Kahit sa babaeng naging mitsa ng pagtataksil ni Linus, bihira magsalita nang marahas si Cecily. Subalit kapag si Yvette na ang kaniyang kaharap, hindi niya kayang pigilan ang umaapaw na poot sa kaniyang dibdib."Ako... at wala akong masamang ibig sabihin!"Nagkunwaring agrabyado si Yvette, ang mga mata ay agad na nagtubig habang pilit na hinahawakan ang braso ni Cecily. "Nag-aalala
Abala si Siera sa pagmamasid at pag-aayos ng buhok ni Mara nang marinig ang pangalan ni Cecily mula sa kaniyang anak. Biglang napatigil ang kaniyang mga kamay sa pagtitirintas."Gusto mo ba si Cecily nang sobra, baby?" tanong niya, pilit na itinatago ang kaba.Initingala ni Mara ang kaniyang ulo habang nag-iisip. Noong una ay dahan-dahan siyang tumango, subalit nang maalala niya ang mahabang panahon na hindi siya binalikan ni Cecily, maging ang mga binitiwang salita ng kaniyang Lola Lilibeth, mabilis siyang umiling. Humarap siya kay Siera at biglang isinubsob ang mukha sa leeg ng kaniyang ina."You’re my gustow, Mommy..."Dahil ito ang kaniyang tunay na ina. anak siya ng kaniyang Mommy, hindi kay Cecily. Sa isip ng bata, magkakaroon din naman si Cecily ng sarili nitong anak kasama ang kaniyang Daddy sa hinaharap, at kapag nangyari iyon, wala nang magkakagusto sa kaniya. Tanging ang kaniyang tun
Pagkaalis ni Ford, muling natahimik ang bahay.Dahan-dahan siyang umupo sa sofa kung saan kanina lang ay nakalapag ang divorce papers. Tumingala siya sa kisame, pinipigilan ang anumang emosyon na gustong umakyat sa lalamunan niya.Isang impit na bulong an
Ibinaba ni Cecily ang cellphone matapos may kausapin. Tumungo siya sa sala at doon hinintay ang pagdating ng isang panauhin.Binuksan niya ang TV, hindi para manood kundi para magkaroon ng ingay sa bahay. Ang katahimikan nitong mga nakaraang linggo ay masy
Kakauwi pa lamang ni Cecily mula sa bahay ni Professor Alonso, kung saan matagal nilang pinag-usapan ang direksyon ng kanyang doktoral na pananaliksik at ang mga hakbang na kanyang tatahakin kasunod ng kanyang pakikipaghiwalay, nang biglang umalingawngaw ang tunog ng kanyang cellphone sa kanyang bu
Malalim na ang gabi nang sa wakas ay makatulog si Mara sa mga bisig ni Linus. Tahimik ang buong bahay, walang yabag, walang boses na maririnig, ngunit sa loob ng kanyang isipan, wala ding kapayapaan.Ilang araw nang hindi umuuwi si Cecily.Bagama’t puno ng mga kasambahay ang mansyon, may kakaibang






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.