Share

CHAPTER 3

Penulis: Darkshin0415
last update Tanggal publikasi: 2026-03-03 07:25:32

THE GODFATHER CHAPTER 3

MARA'S POV 

"Mara.." Mahina niyang sambit sa pangalan ko, kaya napatingin ako sa kanya. 

"B-bakit.." Sagot ko, habang lumapit siya sa akin, at hinawakan ang kamay ko.

"Pwede bang sabihin mo kay Mommy, na hindi ka magpapakasal sa akin.." Gulat akong napatingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi, at agad akong bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin.

"Hindi pwede ang gusto mo.." sagot ko, habang nakikita ako ang pag-igting ng panga niya. 

"D*mn it! Alam mong lasing ako no'n!" 

"Pero may nangyari sa atin Sir Logan.." 

"Dahil ginusto mo 'yon!" Galit na sigaw niya sa akin, habang nag-yuko ako ng aking ulo. Tama siya, dahil ako mismo ang gumapang sa kanya. 

"'Wag mo namang sirain ang buhay ko Mara.."Nagsusumamo na wika niya, kaya hindi ko mapigilan na muling mapatingin sa kanya. 

"Hindi ko sinisira ang buhay mo, ang gusto ko lang naman ay panagutan mo ak-." Natigilan ako nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. Habang madilim ang mukha niya na tumingin sa akin.

"Kung itutuloy mo ang pagpapakasal sa akin Mara, siguraduhin kung magdusa ka." Galit na wika niya, habang binitawan ang braso ko. Habang tinalikuran ako ni Logan, ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanya. Bigla rin akong nakaramdam nang takot, dahil sa kanyang sinabi. 

'Ano kaba Mara, 'wag ka ngang matakot sa kanya, dahil alam mong mabait si Logan, at 'wag mong kalimutan na gusto ka rin niya..' Lihim akong napangiti, habang tinungo ko ang silid namin ni Lola.

"Lol-." Napa-baling ang pisngi ko, nang bigla na naman akong sampalin ni Lola, ang akala ko ay hindi na siya galit sa akin, pero mali pala ako.

"Masaya kaba sa ginawa mo ha Mara?" Galit na tanong niya sa akin, habang napa-hawak pa rin ako sa pisngi ko, dahil sa sakit. 

"Alam mong may nobya si Sir Logan at ikakasal na sila! Bakit kaba nagpapadala sa kanya?!" sigaw sa akin ni Lola, habang hindi ako sumagot, ayoko ring sabihin sa kanya ang totoo, na ako mismo ang gumapang kay Sir Logan, dahil alam kung lalo lang siyang magagalit sa akin. 

"Sa tingin mo ba natutuwa ako sa ginawa mo Mara? Mali ka, dahil nakakahiya sa mga amo natin ang ginawa mo.. Lalo na kay Ma'am Hilda, bakit ba hindi ka nag-iisip ha?" 

"Nangyari na po ang lahat Lola, at pakakasalan naman po ako ni Sir Logan.." 

"Tama na!" bigla akong nakaramdam nang kirot sa dibdib ko nang makita kong umiyak si Lola, ang akala ko ay matutuwa siya sa ginawa ko, pero hindi ko inaasahan na magagalit siya nang husto.

"Apo, hindi ka nararapat sa kanya.. Alam mong mayaman siya at mas nakakatanda sa 'yo.." hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko na naglalandas, dahil sa sinabi sa akin ni Lola, wala rin akong pakialam kung mas matanda sa akin si Logan, basta ang mahalaga ay mahal ko siya at papakasalan ko siya. 

"'Wag na kayong mag-alala Lola, alam niyo po na mabait si Logan, kaya sigurado akong mamahalin niya ako Lola.." Iyak kong wika, habang niyakap ako ni Lola. 

"Manang Ida, ang gusto sana namin ay isang simpleng kasal lang sana, lalo na at ayaw pa ng anak ko, na malaman ng iba ang tungkol sa kasal nila." Wika ni Ma'am Hilda, habang malawak akong napangiti. 

"Kahit ano po ang gusto niyo, ayos lang po sa akin." Ngiting wika ko sa kanya, kaya napatingin sa akin si Ma'am Hilda. Unti-unti naman na nawala ang ngiti ko sa aking labi, dahil sa kanyang tingin. 

"Ang gusto rin ni Logan ay isama ka sa syudad." Gulat akong napatingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. Lihim din akong napangiti, dahil sa narinig ko, dahil sa wakas natupad na rin ang pangarap ko ang makasama sa kanya sa syudad. Lalo na at sawang-sawa na ako rito sa probinsya. 

Matapos kaming kausapin ni Ma'am Hilda, ay may inabot siyang papel sa akin, agad ko naman itong kinuha at nilagdaan, dahil 'yon ang utos niya. 

"Ihanda mo na ang mga gamit mo." Taka akong napatingin muli sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. 

"I-ihanda?" Utal kong wika, habang tumango siya sa akin. 

"Bilisan mo na Mara, dahil mamaya na ang alis niyo."

"P-pero hindi pa po kami ikinasal Ma'am Hilda.." wika ko sa kanya. 

"Tapos na, ito na hawak ko na at kami na rin ang bahala nito." Napa-kunot ang noo ko, habang nakatingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi, dahil ang akala ko ay pupunta kami sa simbahan at magsusuot ako ng wedding dress. 

"Bilisan mo na, dahil baka mainip si Logan." Muling wika sa akin ni Ma'am Hilda, at agad na tumayo. 

"L-Lola.." Utal kong sambit, habang hinawakan ko ang kamay ni Lola. 

"Wala na tayong magagawa Apo, 'yon ang gusto nila." Malungkot na wika sa akin ni Lola, habang tumayo. Agad akong sumunod sa kanya at tinungo ang aking silid, para ihanda ang mga gamit ko. 

"'Wag kang malungkot dito Lola, dahil babalik ako at kukunin kita." Wika ko kay Lola, habang tiningnan ko siya. Nakita ko naman ang pagpunas niya sa kanyang mga luha, kaya agad akong tumayo at niyakap siya. 

"'Wag ka nang malungkot pa Lola, dahil babalikan kita rito." Ngiting wika ko, habang pinunasan ko ang mga luha niya, sa kanyang mga mata. 

"Mara! Bilisan mo na raw sabi ni Sir Logan!" Sigaw ng kasamahan namin, kaya agad akong nagpaalam kay Lola, at kinuha ang mga gamit ko. Dali-dali akong lumabas at tinungo ang parking lot, kung saan naroon ang kotse ni Sir Logan. 

Nang buksan ako ang pinto sa back seat ay agad akong natigilan, dahil sa sama ng tingin niya sa akin. 

"Mara, rito ka sa front seat umupo." Wika sa akin ng driver niya, kaya dahan-dahan kong isinara ang pinto at binuksan ang front seat. 

Habang binabaybay namin ang daan palabas ay hindi ko mapigilan na tingnan si Logan sa salamin, nakita kong tahimik lang siya at ang kanyang atensyon, ay nasa kanyang phone. Hindi ko naman mapigilan ang mga mata ko na kusang pumikit, dahil nakaramdam ako ng antok. 

******

"Mara.." Napa-mulat ako ng aking mga mata, nang marinig ko ang boses ng driver ni Logan. Nang mapatingin ako sa paligid ay hindi ko na nakita sa likod si Logan, kaya bigla akong nakaramdam nang pagka-taranta. 

"Nasa'n na siya?" Tanong ko, habang nailing siya sa akin. 

"Kanina pa siya umalis." Bigla akong nakaramdam nang kaba, habang dali-dali kong binuksan ang pinto. Nang mapatingin ako sa paligid, ay agad akong bumalik sa loob ng kotse, dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. 

"Samahan na kita." Wika sa akin ni Milo, habang tumango ako sa kanya. 

Habang nasa harapan kami ng isang pinto, ay hindi ko mapigilan namamangha, lalo na ng bumukas ito. 

"Halika na." Napatingin ako sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. 

"Bakit tayo papasok d'yan?" Tanong ko habang napa-kamot si Milo sa kanyang ulo. 

"Bilisan mo na Mara, dahil uuwi pa ako sa atin." Wika niya, kaya agad akong pumasok. Nang maramdaman ko ang paggalaw ng maliit na silid, ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mapasigaw, dahil sa gulat. Inis ko namang tiningnan si Milo, dahil tinatawanan niya ako. 

'Bakit ba kasi hindi man lang ako ginising ni Sir Logan.' Nang bumukas ang maliit na pinto ay agad kaming lumabas. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin, kung ano 'yong mga numero na pinipindot kanina ni Milo. 

Habang nasa harapan kami ng isang pinto, ay pinindot niya ang isang doorbell, hindi ko rin mapigilan na mapamangha, dahil kahit pala isang silid dito, ay may doorbell, ang akala ko kasi ay katulad lang sa probinsya na malalaking bahay lang ang meron. 

Nang bumukas ang pinto, ay agad akong napatingin sa madilim na mukha ni Logan, hindi ko rin mapigilan na magtaka, dahil simula nang may mangyari sa amin, ay ganito na niya ako tingnan. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Godfather    BOOK VI CHAPTER 52 WARNING: SSPG END

    THE GODFATHER BOOK VICHAPTER 52WARNING: This book is for mature readers, not advisable for underage readers, and for those who are not into erotic, then, do not open this chapter.WARNING MATURED CONTEXT!!!SSPGLANDON“Mabuhay ang bagong kasal!!” Malawak akong napangiti, habang nilapitan kami ng mga pamilya namin. Isa-isa ko silang niyakap at hinalikan, habang gano’n din ang ginawa ni Baylon. “Pare..” Napatingin ako kay Ryan, at niyakap siya.“Alam ko kung gaano ka kabait at mapagmahal, kaya wala na akong dapat sabihin pa, tungkol sa mga anak ko.” Napangiti ako sa kanya, habang bumitaw ako. “Salamat Pare, ‘wag kang mag-alala, iingatan ko sila, salamat pala, dahil pumunta kayo rito.” “Alam mo naman na hindi ko sila matitiis, alam mong masakit din sa akin na lumayo sila. Pero ayoko naman silang pigilan sa gusto nila, lalo na ang makilala pa ang tunay nilang ama,” ngumiti ako sa kanya, dahil sa kanyang sinabi.“Salamat Pare.” Napalingon ako nang tawagin ako ni Claire, kaya agad ako

  • The Godfather    BOOK VI CHAPTER 51

    THE GODFATHER BOOK VICHAPTER 51WARNING: This book is for mature readers, not advisable for underage readers, and for those who are not into erotic, then, do not open this chapter.LANDON“Nagustuhan mo na ba rito?” Tanong ko kay Claire, habang nilingon ko siya, napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na hindi niya binanggit sa akin ang trabaho niya, pati na rin ang bahay namin. “Oo Landon, sa ngayon mas gusto kung manirahan dito, dahil sa ganda ng lugar at mabait din ang mga tao rito. Kahit saan ka rin magpunta ay walang pakialam sa ‘yo ang mga taong nasa paligid mo,” napangiti ako kay Claire, dahil sa kanyang sinabi. “Kaya isa ‘yan sa nagustuhan nila sa lugar na ‘to, dahil dito malaya tayo.” Wika ko, habang nag-angat siya ng mukha niya at tumingin sa akin. “Kaya gusto kung dito na rin tayo tumira.” “Totoo ba ang sinabi mo Claire?” Tanong ko sa kanya, habang malawak siyang ngumiti sa akin.“Salamat Claire, gusto ko na rin na rito na tayo titira. Lalo na bukas at kasal na nati

  • The Godfather    BOOK VI CHAPTER 50 WARNING: SSPG

    THE GODFATHER BOOK VICHAPTER 50WARNING: This book is for mature readers, not advisable for underage readers, and for those who are not into erotic, then, do not open this chapter.WARNING MATURED CONTEXT!!!SSPGLANDONHinila ko si Rose, at nang makalapit siya sa akin, ay mabilis kong hinalikan ang kanyang labi. Matapos kong halikan ang labi niya, ay agad ko siyang pinatalikod, at pinapatong ko siya sa unan. Matapos siyang nakapatong ay mabilis kong ipinasok ang t*ti ko sa loob ng p*ke niya habang nakatalikod siya sa akin. “Ohhh!!” “Ahhhh!” Sabay naming ungol ni Rose, habang ginagawa namin ang pillow pump position. Tinukod ko ang mga kamay ko sa kama, habang agad na akong nag-umpisang bumayo sa kanya. “Ahhhh!!” Napakagat ako sa labi ko, dahil sa sobrang sarap ni Rose, lalo na at tumatalbog pabalik sa t*ti ko ang kanyang p*ke, tuwing hinuhugot at binabaon ko ito. “Ohhh!” Malakas na ungol ni Rose, habang patuloy ko siyang binabayo mula sa likuran niya. “Ahhh!! Ninong ang sarap..

  • The Godfather    BOOK VI CHAPTER 49 WARNING: SSPG

    THE GODFATHER BOOK VICHAPTER 49WARNING: This book is for mature readers, not advisable for underage readers, and for those who are not into erotic, then, do not open this chapter.WARNING MATURED CONTEXT!!!SSPGLANDON“Hindi kayo sumama sa kanila?” Tanong ko kay Rose at Rachel nang makita ko sila sa sala. “Hindi ninong, pagod kami at sawa na kaming lumabas.” Malawak akong napangiti, dahil sa sinabi sa akin ni Rose. “Dahil ba nandito ako?” Wika ko, habang niyakap siya at hinalikan sa kanyang labi.“Isa rin ‘yon sa dahilan ninong..” Ngiting wika sa akin ni Rachel, habang lumapit siya sa akin at yumakap. “Kung gano’n mabuti, dahil umpisahan na natin ang pagniniig ngayon.” Wika ko, habang siya naman ang hinalikan ko sa kanyang labi. Habang patuloy kong hinahalikan si Rachel, ay nasa d*de naman ni Rose ang isang kamay ko, at hinimas-himas ko ang magkabilang d*de niya. “Ahhhh!!” Mahabang ungol ni Rachel, nang bumaba ang labi ko sa leeg niya at dinidil*an ito. Kinabig ko naman si Ros

  • The Godfather    BOOK VI CHAPTER 48

    THE GODFATHER BOOK VICHAPTER 48WARNING: This book is for mature readers, not advisable for underage readers, and for those who are not into erotic, then, do not open this chapter.LANDON“Ready na ba ang mga gamit mo?” Tanong ko kay Claire, habang tumango siya sa akin. Nilapitan ko siya at niyakap, pupuntahan namin ngayon ang quintuplets, at ito ang unang pagkikita nila, mula ng aminin ko sa kanya ang relasyon namin. “Ayos kana ba talaga? Hindi kana ba magagalit kung makita mo sila?” Tanong ko kay Claire, habang tumingin siya sa akin.“Hindi na Landon, naisip ko na pareho ka naming mahal, kaya handa na akong maki-paghati sa kanila.” Malawak akong napangiti, habang hinalikan ko siya sa kanyang labi.“Kaya mahal na mahal talaga kita Claire, at hindi talaga ako nagkamali na mahalin ka.” Tuwang wika ko, habang mahigpit ko siyang niyakap. *******“Kinakabahan kaba?” Tanong ko sa kanya, habang hawak ko pa rin ang kamay niya, tumingin naman siya sa akin, habang tumango. “’Wag kang mag-a

  • The Godfather    BOOK VI CHAPTER 47 WARNING: SPG

    THE GODFATHER BOOK VICHAPTER 47WARNING: This book is for mature readers, not advisable for underage readers, and for those who are not into erotic, then, do not open this chapter.WARNING MATURED CONTEXT!!!SPGLANDON“Ang ganda pala talaga rito Landon.” Tuwang wika sa kain ni Claire, habang niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. “Tama nga ang sinabi nila, isa ‘to sa pinakamagandang lugar dito,” muling wika niya sa akin, habang kinapa ko ang kanyang d*de. Nasa loob kami ng hotel namin dito sa resort, at sadyang maganda nga rito, lalo na at kita namin ang buong resort. May sarili rin kaming swimming pool, dito sa loob ng hotel room namin. “’Yang amay mo.” Mahina niyang hinampas ang kamay ko, habang napangiti ako, at tuluyan kong ipinasok ang mga kamay ko, sa loob ng d*de niya. Gigil ko itong kinapa, habang hinahalikan ko ang leeg ni Claire. “Ahhhh..” Mahina niyang ungol, habang mas binigyan pa niya ako ng access sa kanyang leeg, para hindi ako mahirapan na halikan siya, habang n

  • The Godfather    BOOK II CHAPTER 28

    THE GODFATHER BOOK II CHAPTER 28SANDY’S POV“Ano ba Charles, nasasaktan ako!” Malakas kong sigaw, habang hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. “Kung ano ang problema, sabihin mo sa akin Sandy, handa akong makinig, ayoko lang na ganito tayo.” Napa-kunot ang noo ko, habang tumingin

  • The Godfather    BOOK II CHAPTER 36 WAKAS

    THE GODFATHER BOOK II CHAPTER 36SANDY’S POV“Mabuhay ang bagong kasal!!” Malakas na sigaw ng mga bisita namin, habang napatingin ako sa kanila at malawak na ngumiti. Muli naman akong hinalikan ni Nash, sa labi ko.“Mahal na mahal kita wife..” malabing na wika niya sa akin, matapos niyang bitawan a

  • The Godfather    CHAPTER 17

    THE GODFATHER CHAPTER 17MARA'S POV Kahit nangangatog na ako sa sobrang lamig, ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad sa gitna ng kalsada. Wala rin kasi akong masisilungan, kaya pinilit ko nalang maglakad. “Mara!” Napalingon ako, nang marinig ko ang isang boses. Nang mapalingon ako ay nakita ko s

  • The Godfather    CHAPTER 5

    THE GODFATHER CHAPTER 5MARA'S POV Nang makalabas ako sa silid, ay hindi ko mapigilan na mapatigin sa labas, lalo na sa maliit na silid, na nasa unahan. Hindi ko kasi alam kung paano 'yon gamiti, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakababa. Nang may makita akong lalaki na nagtungo roon ay a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status