LOGINAMARA’S POV:
“Nakakainis!” nagsisigaw kong sabi dito sa loob ng comfort room. Magti-thirty minutes na, pero hindi pa rin ako lumalabas dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa sistema ko ang pagkapahiyang naranasan kanina. Kampante naman ako dito, dahil walang taong pumasok mula pa kanina. Busit siya, BUSIT! Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili mula sa malaking salamin. Namumula ang mukha ko, the outrage is still there. How dare he mock and insult me in front of many people? Wala ba siyang puso? Nilagay ko ang hawak na resume sa may gilid ng sink saka ko binuksan ang gripo at naghilamos para kahit papaano, maibsan ang init ng ulo ko. Pero hindi iyon sapat. Kapag talaga nagkita kami ulit, ipapatikhim ko talaga sa kanya ang alindog–este ang galit ng isang Marquez. Makikita niya talaga. Muling nadako ang aking tingin sa dalang white folder. Sa inis, kinuha ko ang laman niyon saka diniinang pinunasan ng dry tissue pero mas lalo lang nagkalat ang marka doon. Aba! Magaling! “Mag-apply ka lang, Amara. Huwag mong hahayaang masira ang future mo dahil sa antipatikong lalaki na iyon.” I encourage myself, akala mo naman kasi kung makakilos at makapagsalita ay siya ang may-ari eh empleyado lang naman siya. Empleyado nga ba? Ah basta! Itutuloy ko pa rin to. Matapos pakalmahin ang sarili at mag-retouch, lumabas na ako sa banyo na may dalang bagong determinasyon. Kung akala niya ay mapapaalis niya ako, aba! Kailangan muna niyang mag-apply bilang CEO ng kompanyang ito no! Saktong papunta ako sa may receptionist table upang magtanong sana kung nasaan ang HR department, sinalubong ako ng isang secretary na sa pakiwari ko ay kasing edad ko lang. Matangkad ito, maputi, may singkit na mata at sobrang pormal ng galawan at pananamit. She had that stern look on her face, in which hindi nababagay sa maganda nitong itsura. “Miss Amara Marquez?” tanong niya. Tumango ako. “You are already late for thirty minutes, please follow me,” aniya at nauna nang naglakad papunta sa elevator kung saan gamit iyon ng lalaki kanina. Nag-aalinlangan man, sumunod pa rin ako sa kanya. Empty hallway. Ito ang sumalubong sa akin pagkalabas namin ng elevator. Hindi na kailangan pang buksan ang ilaw dahil sa mga glass walls na nakapaligid, na siyang nagbibigay ng natural na liwanag dito sa loob. And for the first time, nakita ko ang magandang tanawin ng buong BGC mula dito. Malalaking mga hakbang na sumunod ako sa babae, masyado akong nagandahan sa tanawing nakikita na hindi ko namalayang medyo malayo na pala siya. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang double door na yari sa madilim at makapal na kahoy. “We are here Miss Amara, and before you enter let me remind you...” lumapit siya sa akin at tiningnan ako sa mga mata, “The Nexus knows everything.” Naguguluhan man, tumango nalang ako. Hinatid ko pa ng tingin ang babae nang makaalis ito. Huminga ako ng malalim, kaya mo ito Amara! Nanginginig na mga kamay kong pinihit ang doorknob. Pagpasok ko, ang luwag ng opisina ay nakakalula. Ang iba’t-ibang uri ng mga mamahaling inumin at mga kagamitan ay naka-display ng maayos sa isang gilid, habang ang kabila naman ay may maliit na sala kung saan ito siguro ang ginagamit sa tuwing may mga personal na meetings. The office seems pretty stern and manly with its white, black and brown colors, sa kabilang banda ay ang isang malaking glass window na kung saan kay sarap tambayan at magmuni-muni. And oh! I almost forgot the combination of expensive perfume and... Danger. Hindi ko alam, pero bigla ulit kumalabog ang dibdib ko. Sa harap ko, nakatalikod ang isang malaking swivel chair na yari sa leather. Nakaharap ito sa may dingding, at sa pakiwari ko ay busy ang CEO dahil may hawak itong black telephone. “Okay, I’ll call you later bye!” saad nito at binaba ang tawag. Wait, parang pamilyar ang boses na yun ah? Hindi ko nalang iyon pinansin. I manage to calm, before I finally introduce myself. “Hello sir good morning, sorry for the inconvenience. I am Amara Ellyze Marquez, applying for the position of Junior Software Developer,” matatag kong simula habang inilalapag ang nadumihan kong resume sa may glass table nito. Dahan-dahan umikot ang upuan. And again, I saw that dangerous and intimidating eyes,Those eyes that also speaks with authority and clarity. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Ang kapeng ininom ko kanina bago pumunta dito ay tila parang umakyat sa sikmura at lalamunan ko. Ang lalaking nakaupo sa harap ko ay walang iba kung hindi ang lalaking tumapak sa resume ko at sumira ng araw ko. Laxus Morgan. Tumingin siya sa akin saka sa resume na nasa table niya. Isang nakakainis at mapanuyang ngisi ang gumuhit sa mga labi niya. “So, the clumsy woman from the lobby earlier is also a developer?” He leaned forward, linking his fingers, “I thought I already told you to get out?” Hindi ko na mapigilan ang sarili kong sumagot. “I came here for an interview, Sir. Hindi para sundin ang utos ng isang lalaking hindi man lang kayang humingi ng sorry,” ‘kagaya mo, Sir.’ muntik ko na itong sabihin, mabuti at napigilan pa ng aking dila. My heart is pounding with pure rage, but I didn't blink. Natawa siya, pero yung niya tawa niya, tawang alam mo yun? Walang bahid ng kagalakan. In short, malamig pa sa malamig na yelo na nasa ref ni Hershey. “Confident and feisty, I like that, though it's not an excuse for being clumsy and incompetent.” Kinuha niya ang resume ko at parang diring-diri itong tiningnan gamit ang dalawang daliri. “Amara Marquez from... Antique? Hmmm what makes you think you could believe me that a province girl can be the best hacker in a prestigious company like mine?” Napakisap ako ng mata sa narinig. Hacker? Paano niya nalaman yun? “So tell me Amara... What can you–” biglang naputol ang kung anuman ang sasabihin niya nang bigla nalang nabalutan ng dilim ang buong opisina niya pero tumagal lamang iyon ng tatlumpong segundo. Biglang lumiwanag ang buong silid ng kulay pulang ilaw na sobrang nakakasilaw sa mata. Ang mga emergency lights sa bawat sulok ay nagsimulang mag-flicker. Akmang pipindutin na sana niya ang button ng intercom, nang may tumawag mula roon. “Sir, our system is under attack! Someone is trying to bypass the Level 10 firewall!” sabi ng lalaki sa kabilang linya, bakas sa boses nito ang pagpapanic. I heard him cussed. Ang kaninang mapanuyang ngisi sa mga labi ni Laxus ay nawala. His jaw clenched, his eyes flashes murderous stares, as if he will kill someone who messes his system. Agad siyang humarap sa kanyang main console at mabilis na nag-type, ang kanyang mahahabang daliri at maugat na kamay ay tila sumasayaw sa bilis ng kanyang pag-tipa sa keyboard. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok habang tinititigan iyon. Ano pa kaya ang– Lihim kong pinagmumura ang aking sarili dahil sa mga iniisip. Come on, Amara! Tigilan mo yan! “Lock the database! Trace the IP address, NOW!” sa kabila ng ingay na nagmumula sa alarm, nangingibabaw pa rin ang nakakapanindig balahibo nitong sigaw. Habang nakatayo ako sa gitna ng gulo, hindi ko mapigilan ang sariling hindi magsalita. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa malaking holographic screen sa tapat ni Laxus. Ang mga codes na nakasulat doon ay hindi basta-basta. Recursive encryption, isang uri ng atake na bihira lang mangyari, pero bilang IT graduate na batak sa cyberworld. Kabisadong-kabisado ko na ang bawat galaw ng kung sinuman ang sumusubok na sirain ang system ng NMII. “Hindi niyo basta-basta maaalis iyan kung manual locking lang,” mahina kong usal. Lumingon si Laxus sa akin, magkahalong galit at pagtataka ang nakikita ko sa kanyang mga mata. “The more you lock it, the more the virus spreads and replicates,” sabi ko. Lumapit ako sa kanya, pero sa hindi sinasadya ay napatid ako ng kung ano dahilan para mawalan ako ng balanse at tumama ang katawan ko sa malapad niyang dibdib. Hindi siya nakasuot ng coat, kaya ramdam ko ang maninipis niyang balahibo kahit na may suot siyang white long-sleeve. And for a moment, our gaze met. Despite of the chaos around us, I can still see his deep dark blue eyes staring at me. Ang kaninang nagngangalit nitong mga mata ay unti-unting nawawala. His arms wrapped around mine securely. Hindi ko alam pero sa mga oras na iyon, I felt kind of strange. Isang tunog ulit at flash ng warning sign sa screen ang nagpabalik sa akin. Mabilis kong hinila ang sarili mula sa pagkakayakap niya at tinuon ang pansin sa main problem. Ano ba Amara! Mag-focus ka nga! “Alisin mo ang mga paa mo sa resume ko kanina, Mr. Morgan, at hayaan mong ipakita sayo kung sino ang tinatawag mong incompetent,” sabi ko na hindi siya tinitingnan sa mga mata. Hindi ko na hinintay siyang makapagsalita. Mabilis kong ipinuwesto ang sarili sa tabi niya. It's time to show to this beast what a province girl can do.Hi mga ka-historians! This is me your author. I just wanted yo thank those peopl who stayed with me and my journey here. First and foremost, syempre hindi mawawala diyan si Lord kasi at the end sa kanya pa rin at siya pa rin. Sinulat ko lang ang note na ito kasi, malapit na siya matapos sa drafts ko. And to let you all know, lahat ng characters na nakasulat dito ay may kanya-kanya pong kwento but I am still thinking if dito ko ba siya ipu-publish or sa isang PTR platform din. Wala pong fillers or something, di lang talaga ako marunong isulat ng tama pero... Stay tuned!
AMARA’S POVMorning came, and everyone is ready for the second and the final war. Pero dahil gising na si Laxus, maraming nagbago sa mga plano. Mabilis na kumalat sa media ang balita; ang biglaang pagpapakita ng aking asawa sa kompanya kaninang umaga ay tila isang lindol na yumanig sa buong bansa. The King is back, and the underworld knows it.By next week, isang illegal auction ang magaganap. Eight of the biggest underground elites will be present—kasama na si Hilary at ang tatlong pinuno na pumatay sa pamilya ni Laxus.It’s the perfect stage for the final bloodbath.Kaya heto, imbes na maghanda siya para mag-ensayo, nandito pa rin siya ngayon sa garden kung saan ako nagmumukmok. Nagtatampo ako sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng hirap ko sa pagpapatakbo ng kompanya habang wala siya—habang pasan ko ang tatlo naming anak—ngayong magkakaroon ng hustisya, ayaw niya akong isama sa auction.“Wife,” maawtoridad niyang sabi. I can feel his patience getting thinner, but I don't care.“Huwag m
AMARA’S POV Dahan-dahan akong pumasok sa loob matapos ang ilang sandali. Venus opened her eyes and smiled the moment she saw me—isang ngiti na tanging nagbibigay ng liwanag sa madilim kong mundo. Kayo ng mga kapatid mo ang nagpapatatag sa akin, mahal ko. Mabilis siyang bumaba mula sa couch at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang likod ng kanyang maliliit na kamay. She is just six years old; she wasn't supposed to experience this kind of cruelty. Naaalala ko ang gabing una ko siyang nakita. She wasn't ours, and she is fully aware of it now. She was born a Saga, the daughter of a traitor who once used our own technology to destroy us. But the way she cares for Laxus now... it shows that blood doesn't define who your family is. “Mommy, you’re back!” aniya sa mahinang boses. Hindi ko na siya mabuhat dahil sa laki ng aking tiyan, kaya niyakap na lamang niya ako sa aking baywang, tila ba sinasama sa yakap ang kanyang mga kapatid na nasa sinapupunan ko pa. Isang buwan na lang, at
AMARA’S POVMabilis na inilabas nina Unique at Liander ang kanilang mga armas nang makitang pilit na bumubunot ang anak ni Floyd mula sa likod ng kaniyang pantalon. Pero bago pa man niya mahawakan ang baril, isang malamig at nanunuot na tingin lang ang ipinukol ko sa kaniya.“Kryptonite... pati ba naman ikaw?” usal niya. Ang boses niya ay puno ng pagkagulat at pait habang namimilipit sa sakit ng kaniyang binti.Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Isang putok pa mula sa aking Beretta Tomcat ang umalingawngaw, at tuluyan siyang dumausdos mula sa kinauupuan patungo sa sahig. Ang kaniyang mga tauhan na kanina lang kung umasta ay akala mo’y mga diyos? Ngayon ay tikom ang bibig at nakayuko sa ilalim ng aking kapangyarihan.They thought they knew how my husband thinks? Fascinating. Dapat lang silang matakot. Dahil kung si Laxus ay nagbibigay pa ng pagkakataon, ako... hinding-hindi.“W-what do you want?” nanginginig niyang tanong habang nakahawak sa duguang binti.“Simple,” sagot ko.
AMARA’S POVTahimik lamang kami ni Hershey sa loob ng sasakyan, ngunit ang katahimikang iyon ay puno ng kaba at determinasyon. Ramdam ko ang bawat mabigat na hininga sa loob ng SUV. Kasama namin si Liander at ang ilan pa naming mga tauhan, habang si Diana naman at Auntie May ay naiwan sa mansyon. Sila ang nagsisilbing mga mata namin doon—nagbabantay kay Laxus at Venus habang wala kami. Nag-iwan din kami ng sapat na pwersa sa mansyon, mahirap na; alam naming tuso si Hilary at hindi kami pwedeng magbakasakali.Hinawakan ni Hershey ang kamay ko, isang mahigpit na pisil na tila ba sinasabing, “Kaya natin ito, Bessy.” Sa passenger’s seat, nakita ko si Unique na tahimik na nagche-check ng kanyang long rifle. Ang kanyang mukha ay walang emosyon, ngunit ang higpit ng hawak niya sa armas ay sapat na para malaman kong hinding-hindi siya magdadalawang-isip na magpaputok kapag kailangan.Ramdam ko ang determinasyon ng bawat isa sa amin. H
AAMARA’S POVTatlong buwan. Tatlong buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang gabing iyon, at sa loob ng mahabang panahong iyon, hindi pa rin nagigising ang aking asawa.Everything changed. Ang masayang mansyon ay naging madilim at tahimik. Ang puso ko ay tila nabalot ng yelo, at ang aking mga ngiti ay nawalan ng buhay. Alam kong mapanganib ang nararamdaman ko, lalo na at tatlo ang dinadala ko—isang babae at dalawang lalaki. My triplets are the only ones keeping me sane.Tahimik kong pinagmamasdan si Venus na natutulog sa tabi ng kanyang Dadda. She's been having a hard time, too. I had to pull her out of regular school and start homeschooling dahil hindi na maganda ang kanyang mga grado. She is no longer the super playful and hyper child I knew. My Venus changed so much, and my heart breaks every time I see her like this. Lalo na’t hindi rin kami mapalagay dahil madalas ay may namamataang mga espiya sa paligid ng mansyon.This war between blood has to end. Lalo na at malapit na
DIANA’S POV The threat in our clan led us into a state of constant fear. Kahit anong gawin naming paglilinis sa paligid, hindi maalis-alis ’yung bigat sa dibdib ko simula nang makita namin ’yung bangkay ng daga sa loob ng mansyon. Kasalukuyan akong tumatambay sa may hut ng garden sa malawak na man
AUTHOR’S POVSa kabilang dako ng lungsod, malayo sa ingay ng ospital at sa init ng pagmamahalan nina Laxus at Amara, si Hilary ay tahimik lamang na nakaupo sa loob ng isang madilim na silid. Ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang mga monitors sa kanyang harapan na nagpapakita ng mga kuha mula sa
AMARA’S POVMorning came sooner than I expected... Ramdam ko agad ang pamamaga at matinding pananakit ng balakang ko sa bawat paggalaw ko sa ilalim ng kumot. It was a lingering reminder of the activity we did last night—of how Laxus claimed his reward without any mercy. But despite the ache, there
AMARA’S POVI saw Diana’s eyes widen, and even Hershey had to cover her mouth in shock. They knew the weight of what I just did. By giving her our name, we weren't just taking her in; we were claiming her as a Morgan—forever.Si Liander ay napatingin sa amin, tila sinusuri kung seryoso ba kami. Hab







