Share

Chapter 5: Absent

Author: GuemByoel
last update publish date: 2026-03-08 23:26:25

Sa kabila ng puyat at sakit ng ulo na aking nararamdaman, pinilit ko pa rin ang aking sarili na bumangon at pumasok sa unibersidad. I have an early class today at eight in the morning kaya naman kahit nahihilo ay pinilit ko pa ring pumasok.

My first class is Maeve’s class, kaya naman kahit na sobrang aga ng klase ko ngayon ay tila hindi ko ito alintana at tila nasasabik pa akong makita siya.

Minus singko bago mag-alas otso ay nagtungo na rin ako sa kanilang silid na labis na ikinagulat ng lahat. Hindi naman ako nahuhuli sa aming klase, pero ito rin ang unang beses na pumasok ako nang mas maaga sa kanila dahil kadalasan ay sakto sa oras ako kung pumunta sa aking mga klase.

“Good Morning Prof Soren,” bati naman ng ilan matapos makabawi sa kanilang pagkagulat.

“Good morning too…” sagot ko naman bago ihanda ang aking laptop na gagamitin para sa aming klase.

Nang matapos ang aking paghahanda sa aking mga gagamitin ay muli ko namang pinasadahan isa-isa ang aking mga estudyante kagaya ng madalas kong ginagawa. Ngunit nakailang pasada na ako sa kanila at nakailang tingin na rin ako sa aking relo ay wala pa ring Maeve na dumarating.

“Miss Montecillo, you’re friends with Miss Pascual right? Where is she?” hindi ko na mapigilang itanong sa isang estudyante ko na nakikita kong madalas na kasama ni Maeve.

Mabilis naman itong tumayo at bakas man ang kaba ay nagawa nitong sagutin ang aking tanong. “Hindi pa po kasi kami nagkikita uli, Prof, mula noong Martes. Irregular student po kasi si Maeve at hindi po kami magkaklase sa ibang subject,” mahinang paliwanag naman nito.

“How about call or text, she didn’t inform you?” muling usisa ko pa.

Isang iling naman ang isinagot nito sa akin. “Wala po eh,” turan pa nito.

“Just tell her that if she wants to drop my class, do it now, hindi iyong absent siya sa klase ko,” seryosong sabi ko pa bago nagsimula sa aking pagtuturo.

Marahil dahil na rin sa puyat at hang-over ay mas naging mainitin ang aking ulo sa mga nagdaang klase ko pa. Ramdam rin ito ng mga estudyante ko kaya siguro wala rin ni isang naglakas ng loob para kausapin man lang ako.

Pagsapit ng alas-tres ng hapon ay mabilis naman akong naghanda para sana sa pagpunta ko sa village kung saan alam kong naroon rin ang ilan sa mga kaibigan ko sa Bachelor’s Den, isang eksklusibong samahan kung saan binubuo kami ng aming mga miyembro.

We are all bachelor’s and business man in the said group. Magkakaiba man ng larangan ng negosyong tinatahak, pero pinagbuklod naman ng iisang bagay. At iyon ay ang pagiging sawi namin sa pag-ibig sa magkakaibang dahilan.

Habang nagmamaneho papunta sa nasabing village, isang pamilyar na bulto naman ang agad na pumukaw sa aking atensyon. Nakasuot ito ng isang uniporme ng restaurant kaya naman mabilis kong inihinto ang aking sasakyan at mabilis itong sinundan.

Hindi naman ako nagkamali dahil sa pagpasok ko pa lang sa restaurant na iyon ay ang nakangiting mukha ni Maeve ang agad na bumungad sa akin. Mabilis ring bumalatay sa kanyang mukha ang pagkagulat nang makita ako at mapagtanto na ako ay nasa kanyang harap.

“Sir!…” gulat na sambit pa niya.

“Table for 1…” mabilis na ani ko naman.

Gulat man sa pagkakita sa akin ay nagawa pa rin akong asikasuhin ni Maeve. Siya rin mismo ang kumuha ng order ko at nagdala nito sa akin dahilan upang ang kaninang mainit na ulo ko ay bahagyang kumalma.

“Ito na po ang order niyo Sir, enjoy your meal,” sabi pa nito at akmang aalis na sana.

"Just stay…" mabilis na agap ko naman. "Just in case I will need your assistance…" agad na dugtong ko pa na wala namang pagrereklamo niyang ginawa.

Una kong tinikman ang soup na sinasabing best seller daw ng restaurant bago muling tinawag si Maeve.

"Do you have wine here?" tanong ko pa rito.

Isang tango naman ang kanyang sinagot sa akin at pagkatapos ay muling ibinigay sa akin ang menu kung saan naroon ang mga listahan ng wine na mayroon sila.

Maeve also served the wine that I ordered and like what I told her, she stayed near me hanggang sa matapos ako.

"Why were you absent earlier?" diretso ang tanong ko naman dito matapos punasan ang aking labi, hudyat ng pagtatapos ko sa aking pagkain.

"Emergency po sa bahay, pasensya na po," nakayuko pang sabi nito sa akin.

Matiim ko naman itong minasdan. Pinasadahan ang kanyang kabuuan mula ulo hanggang sa kanyang paa.

"I want you to look at me, Maeve, when I’m talking with you," utos ko pa sa kanya kaya naman kahit may kaba sa kanyang dibdib ay nagawa nitong salubungin ang aking tingin.

"What did I tell you the last time we talked?" muling tanong ko pa sa kanya.

"I-I should follow your rules, sir," tugon pa nito.

"That’s right, and aside from no late, isang bagay pa rin ang pinaka ayaw ko sa lahat, at iyon ang lumiban sa klase ko," madiing sambit ko pa dahilan upang mamuo ang gilid ng kanyang mga mata.

"At sa lahat ng estudyante ko, bukod-tangi ikaw pa lang ang gumagawa ng dalawang bagay na iyon," patuloy ko pa. "I’m just wondering now, ano kayang magandang parusa ang maipataw sa iyo? Maybe your scholarship will do."

"No, Sir, please!!! Hindi na po mauulit, huwag niyo lang pong alisin ang scholarship ko. Gusto ko pong makapagtapos at hindi ko ho kakayanin iyon nang wala ang scholarship ko," pagsusumamo pa nito. Mabuti na lang rin at nasa sulok na bahagi kami ng restaurant kaya naman hindi kami nakakaagaw ng atensyon ng ibang tao.

"But you already made two mistakes, Miss Pascual, hindi naman ata tama na walang parusa ang ginawa mo," patuloy na ani ko pa.

"I will accept any punishment, Sir, huwag lang ho ang pagkawala ng scholarship ko. Pangako, hindi na rin po mauulit ang lahat ng ito," patuloy na pagsusumamo pa niya.

Mabilis naman akong tumayo at tinalikuran siya. Ngunit bago pa man ako lumabas sa nasabing lugar, isang bilin pa ang iniwan ko sa kanya.

"I will wait for you in the parking after your duty here and we will talk about your punishment," sabi ko pa bago tuluyang lumabas ng nasabing establisyimento.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 87: Plan

    Atticus Soren CastilloHindi nawala sa aking labi ang ngiti habang nasa meeting dito sa aming ginawang Maeve kanina lang. Hindi dahil sa ginawa naming pagtatalik kundi dahil sa isiping maaaring ngayon ay nabubuo na ang pangalawang anak namin.I left Maeve inside my office dahil na rin sa mahalagang meeting na kailangan kong daluhan ngayon. Ibinilin ko na lang din kay Jed na sabihin sa kanya na antayin ako dahil wala na rin naman akong plano pang magtagal dito sa opisina. Namimiss ko na rin kasi si Axel na kahit pa alam kong saglit ko lang ring mahahawakan mamaya dahil kay Maricel ay okay lang, basta makita at marinig ko lang ang kanyang mga tawa.“Boss, nasa conference room na po si Davos, inaantay na lang po kayo,” salubong sa akin ni James habang naglalakad kami papunta sa nabanggit niyang lugar.“Good. How about Attorney Rashid Sarmiento, naroon na rin ba?” pag-uusisa ko pa pagtukoy sa isa ko pang kaibigan na siyang aking abogado rin.Tumango-tango naman ang lalaki bilang pagkukump

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 86: Wish Granted

    Hindi ko mapigilan ang impit na pag-ungol nang makapasok ang dila ni Soren sa aking bibig habang pilit na hinuhuli nito ang aking dila. Sa abot ng aking makakaya ay pinilit kong makipagsabayan sa kanya ngunit talaga atang pagdating sa ganitong mga gawain ay hindi ko siya masabayan, kaya naman wala tanging pagdaing at pag-ungol na lang ang aking nagawa habang ang kanyang kamay ay nagsimula na ring maglikot sa aking katawan.“Uhmmm Soren… b-baka may makarinig sa atin,” may halong kaba ang sabi ko sa kanya kahit pa ang aking katawan ay nagsisimula na ring mag-init dahil sa aming ginagawa.“There is none, babe… Remember, my office is soundproof?” tugon naman nito kasabay ng marahang pagpapatayo sa akin upang tuluyan na ako maiharap sa kanya. Muli rin niya akong pinaupo sa kanyang kandungan at kahit pa suot pa rin niya ang kanyang pantalon ay damang-dama ko na kaagad ang naghuhumindik nitong pagkalalaki dahil sa pamumukol nito ngayon habang nakaupo ako sa kanya.“Do you feel that, Maeve? T

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 85: Request

    Maeve Lailani PascualIt’s been three months since we came back to the Philippines. Apat na buwan na rin si Axel kaya naman mas nagiging malikot at kinagigiliwan na rin ito ng karamihan. Maging si Mama at Tita Marife nga ay halos ayaw nang pahawakan sa akin ang aking anak dahil sa sobra nila itong kinagigiliwan.“Ma, ako na po ang magpapaligo kay Axel. Ang mabuti pa po ay kumain na muna kayo sa baba para makainom na rin kayo ng gamot ninyo,” nakangiting sabi ko kay Mama nang pasukin ko silang dalawa ng anak ko sa loob ng nursery room kung saan niya inaalagaan ang kanyang apo. Si Tita Marife kasi ay sumama sa isa sa mga kasambahay namin kanina sa pamimili sa palengke kaya naman solo si Mama ngayon sa pagbabantay kay Axel.“Ayos lang naman ako anak, saka busog pa naman ako. Mamaya na ako kakain pagkatapos maligo ng apo ko,” tugon naman nito bago niya tuluyang tinanggal ang damit ng aking anak. Nilagyan niya rin ng langis ang likod ni Axel bago ito dinala sa banyo para masigurado lang na

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 84: Closure

    “Pangatlong tasang kape mo na 'yan. Baka naman makasama na sa iyo,” napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Maricel.Kasalukuyan kasi akong nasa garden ng aking bahay dito sa America habang malalim na nag-iisip ng mga bagay-bagay na nangyayari sa akin sa ngayon.Dalawang araw na rin kasi mula nang makalabas sa ospital si Maeve at Maricel, kaya naman habang patuloy pa rin ang kanilang pagpapagaling ay nanatili muna kami rito sa bahay ko bago kami muling bumalik sa Pilipinas. Mas gusto rin kasi ng mag-ina na palakihin si Axel sa Pinas kaysa rito sa America, kaya naman wala rin akong nagawa kundi ang sundin ang nais nila.Kasama rin namin ngayon si Marife matapos nitong magpaalam kay Doctor Harvey na nais na niyang bumalik muli sa Pinas kasama namin. Hindi naman ito pinigilan ng doktor at sinabing anumang oras na nais niyang bumalik muli sa paninilbihan sa kanya ay malaya naman itong makakabalik.Wala na ring pamilya si Marife sa Pilipinas ngunit nais niyang mabisita

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 83: Truth

    Atticus Soren CastilloPuno ng takot at walang tigil ang pag-iyak ni Maeve habang yakap ko silang mag-ina. Hindi na rin mabitiwan nito ang aming anak matapos ang nangyaring muntik na pagkuha sa bata kanina lang.“Soren… Natatakot ako. Baka kunin nila si Axel sa atin,” puno ng takot na sabi niya.Bago pa man ako makasagot sa kanya ay siya namang pagbukas ng pinto ng kanyang silid kasunod noon ang pagpasok ni Maricel na nakasakay sa wheelchair habang tinutulak ni Marife.Bagaman naabutan niya kaming magkayakap na dalawa ni Maeve ay tila hindi naman siya nagulat sa kanyang nasaksihan at sa halip ay isang tipid na ngiti lang ang kanyang ibinigay sa akin.“M-ma…” may panginginig ang boses na tawag ni Maeve sa ina kaya naman mas lalo pang inilapit ni Marife ang wheelchair nito sa kama kung saan kami nakaupong dalawa ni Maeve.“Narinig ko ang tungkol sa nangyari kanina lang. Nag-alala ako kaya nagpumilit akong puntahan ka rito,” simpleng pahayag pa ni Maricel habang marahang hinahaplos ang m

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 82: Unfamiliar

    Maeve Lailani PascualHindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog, ngunit ang katawan ko ay nahihilo rin. Sinubukan kong gumalaw ngunit kaunting kilos ko pa lang ay kaagad ko nang nadama ang kirot sa aking kaselanan na tila ba ay may malaki itong sugat.Tila naman napansin ni Soren ang aking pagkilos kaya naman, bitbit ang aming anak, ay marahan itong lumapit sa akin.“Don’t move too much, babe. Ang sabi ng doctor ay makakaramdam ka pa rin ng panghihina at sakit dahil sa pagkapanganak mo kay baby Axel. Huwag mo munang pilitin ang sarili mong kumilos,” banayad na paalala pa niya sa akin habang marahang hinahaplos ang aking buhok gamit ang isa niyang kamay dahil ang isa pa niyang bisig ay nakayakap sa maliit naming anghel.“I want to see our baby,” nahinang ani ko naman kaya si Soren ay bahagyang naupo sa tabi ng aking kama at marahang inilagay sa aking bisig ang aming anak.“Ang daya naman, bakit parang nakuha niya lahat sa iyo? Ako ang nagbuntis sa kanya at naghirap pero wala man

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 57: Be Quiet

    "Are you still jealous?" tanong ni Soren sa akin matapos putulin ang aming halik habang nananatili sa aking ibabaw."I’m not jealous?" patuloy kong pagtanggi kahit pa alam ko sa sarili kong nagsisinungaling lang ako.Sumilay naman ang isang pilyong ngiti sa kanyang mga labi bago ako muling ginawara

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 50: Scared

    “Okay ka na ba talaga? May gusto ka bang kainin o inumin? Anton said that pregnant women usually have some cravings. Maybe we can buy it first before we go home," mahinahong wika ko kay Maeve matapos siyang bahagyang kumalma matapos ang kanyang pag-iyak kanina lang.Kahit papaano naman ay nakakausa

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 49: Not Ready

    Atticus Soren Castillo"... It’s confirmed, she is pregnant…" pahayag ni Anton na patuloy na umuulit sa aking utak habang ang aking paligid ay tila tumigil naman sa paggalaw."A-anong sabi mo?" sa wakas ay nasabi ko matapos ang ilang minutong katahimikan sa aming paligid. Nilingon ko rin si Maeve n

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 47: Symptoms

    Hindi nagbibiro si Soren nang sabihin niya sa akin na ako nga ang bago niyang sekretarya. Noong una ay hindi pa nga ako naniniwala sa kanya dahil ang alam ko ay ang mga kagaya niyang may-ari ng kumpanya ay talagang may sekretarya na laging kasama. Pero nang makausap ko ang isang empleyado niya noon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status