Share

Chapter 7

last update publish date: 2025-08-22 06:48:27

Bago pumasok sa opisina, nagkita muna si Cain at Kalina sa isang local court house para magpakasal. Nandoon si Theo para maging witness nila. Silang tatlo lang habang nakasuot pa ng usual business attire.

Mabilisang seremonya ang nangyari na pinangunahan ng judge.

Sa tulong ni Theo, mabilis na nakakuha ng marriage license sa kasal sina Cain at Kalina. Kaya naman pagkatapos ng seremonya, naging madali ang pa-register nila dito. Nakuha na nila ang kanilang marriage certificate.

Pati ang contract ng kasunduan nila, tapos na rin at napirmahan na nila.

Dumitretso sila sa company pagkatapos.

“Mauuna kaming pumasok ni Theo. Maghintay ka muna rito. Sumunod ka na lang.”

“Ang praning mo masyado Boss. Magkakaiba naman tayo ng kotseng sinakyan papunta rito. Pwede naman nating sabihing nagkataon lang na nagkasabay-sabay tayo.” Napakamot sa ulo si Theo dahil sa sinabi ni Cain. “Parang hindi kinasal. Maging sweet ka man lang sa asawa mo!”

“Mabuti na ang nag-iingat,” malamig na sagot nito, ‘di inintindi ang huling narinig.

Walang nagawa si Theo nang walang lingon-lingong maglakad si Cain papasok sa elevator ng underground parking. Humarap si Theo kay Kalina at kumaway saka lakad-takbong hinabol ang lalaki.

Naiwan si Kalina sa parking lot ng gusali. Sinusundan niya ng tingin ang dalawa hanggang mawala ito sa paningin niya pagkasara ng elevator.

“Bumalik na siya sa normal niyang anyo,” nakasimangot niyang bulong.

Wala na ang caring personality nito. Masungit na ulit! Siguro nasapian lang ‘yon kahapon.

Sinunod niya ang utos sa kaniya. Nanatili siyang nakasandal sa kotse niya, panaka-nakang tinitignan ang oras sa suot niyang relo.

Umakyat siya pagkalipas ng sampung minuto.

May ilang napatingin sa gawi niya pagpasok niya sa kanilang opisina. Mga nagtataka dahil ito ang unang pagkakataon na hindi siya maagang pumasok. Kahit ang ilan ay curious, walang nakuhang magtanong. ‘Di naman close si Kalina sa mga ka-opisina niya. Hindi siya nakikipaghalubilo, tuwing kailangan lang.

“Girl, nakita mo si Sir kanina? Ang pogi talaga!”

“Oo! No’ng dumaan siya rito sa gilid natin, ang bango-bango. Kahit hindi niya tayo binati pabalik, kung siya ayos lang!”

Nanggagaling ang bulungan at hagikhikan sa kabilang lamesa, katapat lang ng desk ni Kalina. Grupo ‘yon ni Suzy. Dahil tahimik, narinig ni Kalina ang pinag-uusapan ng dalawang kaibigan ni Suzy.

“Alam mo girl, parang nakita ko nga siyang lumingon dito. What if, tinitignan ka? Omg!” Excited na tinulak ng isa ang balikat ni Suzy.

“Akala ko ako lang nakapansin. ‘Di ba! Tumingin sa ‘yo si Sir Cain,” kinikilig na gatong ng isa pa.

“Talaga?” pabebeng inipit ni Suzy ang buhok sa likod ng kanang tainga. “Sabi ko na eh. Lagi ko na ‘yong nakikita, pasulyap-sulyap siya sa akin. Pinagsasawalang bahala ko na lang kasi syempre si Sir Cain ‘yon… ‘di ko alam na nakita n’yo rin pala.”

Napapataas ang kilay ni Kalina sa naririnig niya pero wala naman siyang sinabi. Malala na ang pagka-delulu ng mga ‘to. Hinayaan niya na lang kung saan sila sasaya.

“Kapag biglang nanligaw sa ‘yo si Sir, anong gagawin mo?”

Nanlaki ang mga mata ni Suzy at pinamulahan ng mukha. Samantalang ang dalawang kaibigan nito ay impit na napatili.

“Hindi ko sasagutin agad. Hindi ako easy to get ‘no. Pag-iisipan ko muna,” malawak ang ngiting sagot niya, tila sa isip ay nag-iimagine na.

“Pfft—” Pinigilan ni Kalina na hindi matawa sa kaplastikan nito.

Halata namang gusto ni Suzy ang kanilang boss. Tapos ngayon parang pinapalabas pa nilang si Cain ang naghahabol kay Suzy eh ito naman ang patay na patay sa boss nila.

Napailing siya at inabot sa loob ng bag niya ang dalang mineral water.

“Posibleng mangyari ‘yon girl, ako na nagsasabi. Single kaya si Sir, pwedeng-pwede. Wala siyang girlfriend at mas lalong walang asawa!”

Nasamid si Kalina sa iniinom.

Umuubo niyang hinahagod ang kaniyang dibdib.

Naagaw nito ang atensyon ng tatlo. Napatingin tuloy sa kaniya ang mga babae. Suplada ang mga mata ni Suzy kay Kalina. Kalaunan, bigla itong nang irap.

Kung kaya lang maalis ng kilay ni Kalina marahil umabot na ito lagpas sa ulo niya dahil sa taas nito.

Sikat si Suzy sa kanilang opisina, pati sa ibang department ng kumpanya. Ubod kasi ito ng sexy. Gustong-gusto naman niya ang atensyong nakukuha niya. Halos lahat ata ng lalaki sa opisina na nagpapakita ng motibo nagiging boyfriend niya agad. Though mabilis lang ang nagiging relasyon ng mga ito. Minsan tatlong araw o isang linggo. Pinakamatagal na ang isang buwan. Sa pagkakatanda nga ni Kalina kakahiwalay niya lang noong isang araw sa naka-fling nito last week sa kabilang department.

Mas pinili ni Kalina na ‘wag pansinin ang ginawang pagtataray sa kaniya ni Suzy. Wala siyang mapapala kung papatol siya.

Dumating ang break time, nasa pantry area si Kalina nang pumasok ang isa nilang intern.

Maluha-luha ito habang naghahanda ng tasa para gumawa ng kape. Nanginginig pa ang kamay nito nang ibuhos ang creamer.

Binalik ni Kalina sa storage ang bagong hugas na basong ginamit niya at saka nilapitan ang babae. “Para ba ‘yan kay Sir Cain?”

“O-Opo,” nakayukong sagot nito. Tapos nang itimpla ang kape.

“Ayaw ni Sir ng may creamer. Mas gusto niya ng pure black coffee.”

“P-Po? Talaga po? Hindi ko po alam,” mas kinabahan ang babae. Mukhang napagalitan na ito bago pumunta rito. Kung dadalhan niya pa ng maling kape ang boss nila, tiyak na papagalitan siya lalo.

Naranasan na niya mismo ‘yon. Minsan na niyang natimplahan si Sir Cain ng kapeng hindi nito nagustuhan. Syempre, napagalitan siya.

Kawawa naman ang intern nila kung magigisa na naman.

Tinapik niya ang balikat nito saka bahagyang nginitian. “Sige, sa ‘yo na ‘yan. Ako na gagawa at maghahatid ng panibago.”

“Opo! Salamat po!”

Masayang lumabas sa pantry ang intern. Naiwan naman si Kalina sa harap ng coffee maker. Pinatong niya sa maliit na tray ang tasa pagkatapos at sinamahan na rin ng isang plain croissant. Baon niya ‘yon, siya mismo ang nag-bake. Dahil may tira pa naman siya na mukhang ‘di na niya makakain, ibibigay na lang niya. Sayang iyon kung sakali.

Malapit na siya sa opisina ni Cain nang makasalubong niya si Suzy. Dumako ang tingin nito sa bitbit niya.

“Excuse me.” Akmang magpapatuloy na siyang maglakad pero napatigil siya ulit dahil humarang si Suzy. Anong problema ng babaeng ‘to?

“Akin na ‘yan,” aniya.

“Huh?” napakunot siya ng noo.

“I will do it.”

Nakaturo si Suzy sa tray na hawak ni Kalina. Nais ng babaeng siya ang maghatid no’n.

“Bakit?”

“What do you mean bakit? Nakita kong iba ang inutusan para d’yan. Ang pabibo mo naman masyado at ikaw pa talaga ang umako sa gawaing hindi naman sa ‘yo inutos.”

Napamaang si Kalina. Nagpresenta siya dahil mabuti ang hangarin niya. Siya pa ang naging pabibo.

Kung pabibo siya, ano naman si Suzy? Hindi rin naman sa kaniya inutos.

Bahala siya sa gusto niya.

Ayaw ni Kalina ng gulo kaya hinayaan niyang si Suzy ang magpasok no’n sa opisina ng kanilang boss. Bumalik na lang si Kalina sa desk niya.

Makalipas ang ilang sandali, lumabas si Suzy sa office ni Cain. Gusot ang mukha nito, pabadog na naglakad papunta kay Kalina.

“Ikaw! Sinadya mo ‘yon ‘no!” biglang bintang nito. “Alam mong mangyayari ‘yon. Ako ang pinagbigay mo para mapagalitan ako!”

“Baka nakalilimutan mong ikaw ang gumusto no’n—ngayon sa akin mo sinisisi?” Hindi ni Kalina napigilang sumagot.

Sinamaan siya ng tingin ni Suzy. Dumiretso ito sa sarili niyang desk kung saan mabilis siyang inalo ng mga kaibigan.

Mukhang mainit ang ulo ngayon ni Sir Cain. Kung siya ang pumasok, baka siya ang nasa kalagayan ni Suzy.

Papansin kasi. ‘Yan tuloy, kinarma.

Deserve.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 41

    Gulat na napasandal si Ginette sa sofa. Pinundot niya ang remote para i-off ang TV. Cain actually said the truth. Isa iyon sa mga inaasaan niyang mangyari. It’s either Cain will confirm or deny all. But he did the former.Of course she knew the character of her only son. And this? His actions are so out of his character.Hindi iyon magpapadalos-dalos sa mga desisyon niya. Kung walang pake si Cain sa babaeng iyon na biglang pinakilala sa kanila out of nowhere at pakitang gilas lang lahat, hindi ‘to mangyayari. Hindi papayag si Cain na madawit siya sa kahit anong eskandalo. Lalo na kapag usapang babae.She’s testing the couple. Cain did not respond as she wanted. Could that mean that her son really cares for that woman? Talaga bang mahal nila ang isa’t isa?“How about that woman… that Kalina?” tanong ng ginang sa personal niyang sekretarya. “Wala po siyang ginawa. Wala siyang reaksyon. Parang hindi po siya apektado sa pinakalat mong impormasyon nilang mag-asawa.”“Alam na ba niya ang

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 40

    “Bakit boss? Para saan ba?”“Just do it, Theo. ‘Wag ka na magtanong.”Binaba ni Cain ang tawag pagkatapos sabihin ang mahahalagang detalye na nais niyang ipaimbestiga sa kaibigan. Mabilis umaksyon si Theo, nang makarating siya sa penthouse niya tumawag na ulit ito.“Anong nalaman mo?” bungad ni Cain.“Sorry boss. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko magawang i-background check si Kalina.”“What do you mean?” kumunot ang noo ni Cain. “Expert ka sa ganitong larangan.”“Yes, yes. I know right. Thank you,” puno ng galak at confidence ang boses sa kabilang linya. “Kung ang gusto mo lang kumpirmahin ay kung si Dave Gomez nga ba ang dapat groom ni Kalina noon, tama ka.”“Source?” ani Cain.“Trust me bro.”“Binabawi ko na pala.” Napatampal siya sa noo. “Hindi dapat ikaw ang nilapitan ko. Maghi-hire na lang ako ng private investigator.”“Ito naman! Although hindi ko makumpirma, feel ko talaga ‘yon, malakas talaga ang kutob ko. Pero may problema nga kasi, kaya baka kahit sa ibang investigator

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 39

    Nang marating ang isang mini garden malayo sa pinagdarausan ng selebrasyon, nalukot ang mukha ni Kalina dahil dumating din ang lalaking sumunod sa kaniya.Hinarap siya ni Dave. “Anong ginagawa mo rito?” gulat at inis ang nangunguna sa boses niya.“Ikaw pala,” umay na sambit ni Kalina.“Noong araw ng kasal natin, ‘di mo ako sinipot. Ngayon, nandito ka sa engagement party ko.” Bakas ang galit kay Dave. Humakbang siya palapit, “Ano bang gusto mo?” “Kahit ano maliban ang maikasal sa ‘yo,” taas noong sagot ni Kalina. “Pero ikaw mukhang nakuha mo na ang gusto mo. Dapat sa una pa lang sinabi mo nang si Natasha ang tipo mo. Pinahirapan mo lang ang mga sarili ninyo, dinamay n’yo pa ‘ko.”“Ano? Kalina, I willingly accepted you as my fiancée before. Kahit arrange marriage lang tayo, sinaalang-alang ko ang lagay ng kumpanya ng mga pamilya natin. It’s you who ruined everything.” “Nasa isip mo rin ba ang kalalagyan ng mga kumanya, ang magiging resulta, noong makipagrelasyon ka sa kapatid ko sa gi

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 38

    Tinanggihan ni Kalina ang imbitasyon ng ama niya. Hindi rin niya tinaggap ang pag-anyaya ni Natasha. And she still ended up attending this engagement party anyway.Bumukas ang pinto ng kotse at nilahad ni Cain ang palad sa harap niya. Sandaling napatingin doon si Kalina bago iyon tinanggap. Nilagay ni Cain ang kamay ni Kalina sa braso niya saka sila sabay naglakad papasok.“We are not on an official business agenda but we needed to be here. This is important for my network and project I’m currently working on,” bulong ni Cain.Agad naintindihan ni Kalina ang ibig sabihin nito. Basically, this is work. May responsibilidad siya bilang secretary na kailangan kahit wala pa man ay uwing-uwi na siya.Ayaw niya sanang makaharap kahit sino sa pamilya niya at sa mga Gomez. Mas naging alerto siya sa paligid.“Mr. Valvares! I’m glad you’re here.” Lumapit ang grupo ng mga middle age businessman sa kanila at nagsimulang makipag-usap kay Cain.Nahiwalay siya sa bisig ng lalaki at napunta sa likura

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 37

    “Hindi ko alam na magkikita tayo rito.” Si Natasha. “Siguro nagtataka ka kung bakit kami engage ngayon ni Dave. Maraming nangyari noong tinakasan mo ang responsibilidad mo… ate.”Unti-unting humarap si Kalina kay Natasha.“Ang daming nangyari. Sa kagustuhan kong tulungan si Daddy at ikaw, ako na ngayon ang ikakasal sa Gomez.” Akala mo ay sobra itong nagdaramdam sa tono ng kaniyang boses. “Alam mo ba kung gaano nag-alala ang lahat sa bahay sa lagay mo ate? Bigla ka na lang umalis nang araw na ‘yon. Wala kang pasabi. Pagkatapos ay ‘di ka rin bumalik. Hindi mo man lang ba kami naisip?”“Tama na ang pagpapanggap. Alam kong natuwa ka sa ginawa ko at hinding-hindi mo gugustuhing bumalik ako, Natasha.”“A-Ate?”Napangisi si Kalina. Talagang pinaninindigan niya ang pagpapangggap. Laging ganito si Natasha. Simula noong mga bata pa sila. Nagpapanggap na mabait at inosenteng nakababatang kapatid para makuha ang simpantiya ng iba.“Ito naman talaga ang plano mo. Kaya ka nga nagbigay ng sobreng p

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 36

    Natapos ang lunch break nang hindi na enjoy ni Kalina ang pagkain. Panay ba naman ang pakikiramdam niya sa mga kasama. Dismayado tuloy silang nag-watak ng landas ng mga kaibigan. Kasama niya pa rin si Cain at Theo hanggang sa pagbalik sa opisina.“Maganda ata ang mood natin ngayon ah. Bakit mo naisipang kumain sa cafeteria?” si Theo.“For the change,” simpleng balik ni Cain.“Na touch naman ako, naisipan mo pa akong isama.” Madrama itong humawak sa puso niya at bumaling sa kasabay niyang maglakad. “Buti naaya mo, Kalina.”Umiling si Kalina kay Theo. “Hindi ako nag-aya. Siya ang nagpresenta.”“Totoo?” gulat na lumingon si Theo sa kaibigan. Sinabayan niya ito ng paglakad dahil nasa unahan nila ito. “Talaga boss? Aba tumata—”“I heard the legal department is busy right now. Ang dami mo yatang time? Mas marami ang magiging oras mo kapag sinisante na kita,” malamig na babala ni Cain.Napasimangot si Theo. “Hirap mo ka bonding.” Alam niyang biro lang ‘yon pero mas pinili niya na lang manah

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 33

    Inaasahan na ni Kalina na gagabihin na siya sa pag-uwi kaya hindi na siya nagtaka nang lumabas siya ng building at madilim na langit ang sumalubong sa kaniya. Nag-overtime siya para makabawi. Nasa office ang CEO simula noong pumasok ito hanggang ngayon. Hindi na siya nag-abalang magpaalam. Halos la

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 32

    Natapos ang lunch break na walang ibang naririnig si Kalina kundi tungkol sa relasyon ni Cain at ng ‘di kilalang babae. Pumasok siya sa elevator at may pumasok din kasunod niya. “Theo,” pagbati niya sa katabing tumindig sa kaliwang gilid.“Hey! Long time no see. Kumusta naman ang naging honeymoon

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 18

    Natapos ang meeting at lumabas na ng hall si Kalina. Aasikasuhin niya na ang mga gamit niya para sa paglipat sa Executive Department. Pagkapasok niya sa marketing office, bumungad agad sa kaniya ang grupo ni Suzy na mukhang kanina pa siya inaabangan. “Excuse me,” kalmadong ani Kalina. “Nakaharan

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 17

    Makalipas lang ang ilang araw, nagpatawag ng company meeting si Mr. Valvares. Ngayon ang araw na ‘yon. Narito sa malawak na main conference hall ang mga kinatawan ng Valvares Cuisine. Kumpleto ang board of directors, ang mga department heads, managers. Gayundin ang mga empleyado. Tahimik ang laha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status