เข้าสู่ระบบ"Sa tingin mo ba na pipiliin ka ng CEO boss natin? Kagaya ng isang cheap na katulad mo... Na isang assistant lamang niya?" ani sa akin ng pinakamagandang babae sa department nung team dinner namin. Natahimik naman ako dahil sa sinabi nito sa akin at napayuko ako. Mabuti hindi pa dumadating ang asawa ko at hindi niya maririnig ang insulto na sinasabi sa akin. "Look at you. No fashion sense and also a nerd lady... So manang. Ang gusto ng boss natin ay ang mga kagaya namin na fresh at magaganda." Napakamao ako pero nananatili pa rin akong kalmado sa nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito sila sa akin. Biglang natahimik ang lahat nang biglang bumukas ang pintuan at napatingin naman ako roon at nakita ko si Nando na kakarating lang. Umupo siya sa upuan niya at katabi niya ang babaeng yun na kinakunot ng noo niya. Napatingin naman siya sa babaeng nasa tabi niya. "Bakit ka nakaupo sa tabi ko?" Natigilan naman ang babae at parang namutla dahil sa malamig na sinabi ng asawa ko. Napatingin naman siya sa akin na kinagulat ko. "Come sit with your husband." Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa asawa ko at bigla namang natahimik ang buong kwarto dahil sa sinabi nito. What the... ****** LMCD22
ดูเพิ่มเติมDorryn's Point of View*
Nakatulala ako habang nakatingin sa dalawang guhit sa pregnancy test na hawak ko. Hindi ako makapaniwala na nabuntis agad ako sa isang gabing nangyari sa amin ng janitor doon sa bar. Napahawak na lang ako sa buhok ko habang nakatingin pa rin doon at napatingin na rin ako sa tiyan ko at dahan-dahan ko yung hinawakan. "Dorryn, dumating na ang bagong CEO. Dalian mo r'yan sa loob ng cubicle." Natigilan naman ako at agad akong tumayo at agad kong inilagay sa bag ko ang pregnancy test na hawak ko. Nagmamadali kaming nakarating sa department namin at nakikita ko pa rin ang mga tingin ng mga kasamahan ko dahil kalat na kalat ang tungkol sa paghihiwalay namin ng ex-boyfriend ko na si Jacob. May mga nagpapaganda rin habang nasa mesa nila dahil balitang balita na gwapo raw ang bagong boss namin. "Linya na kayo. Mamaya na yang chismisan ninyo diyan." Napatingin naman ako sa manager namin at umayos na lang ako sa pagtayo. "Nandidito na ang bagong CEO." Yumuko naman kami agad bilang paggalang sa kanya. "Welcome, sir," sabay bati naming lahat sa kanya. Tinaas naman agad namin ang tingin namin nang matigilan ako sa kinatatayuan ko nang makita ang mukha ng CEO na nasa harapan ko ngayon. "He's Nando Burge, your new CEO. Let's around applause." Hindi na agad akong naka-react habang nakatingin sa lalaking nasa harapan namin. Siya ang janitor na naka-one night stand ko nung gabing 'yun! ****** Masaya akong nakatingin sa labas ng bintana habang nakasakay ako sa taxi papunta sa apartment ng 5 year boyfriend ko na si Jacob. Gusto ko siyang supresahin lalo na ngayon ang ika-limang taon namin bilang magkasintahan. Nabalitaan ko sa kasamahan ko na nakita nila itong pumunta sa isang jewelry store para bumili ng singsing. Mukhang ito na ang hinihintay ko sa ilang taon naming pagsasama. Hindi na rin ako mape-pressure ng mga magulang ko sa pag-aasawa dahil ito na nga! Gusto naman kasi nila akong mag-asawa na at magkaroon na ng pamilya at mga anak. At mukhang ito na nga! Napatingin ako sa harapan ng makita ko na kakarating lang ng sasakyan. May nilakad atah si Jacob. "Kuya Driver, dito po muna ako mga 5 minutes." "Okay, miss." Baka nagpe-prepare pa siya kaya hihintayin ko muna siya. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ko kung may message ba siya pero wala. Baka na-busy lang iyon. Napansin ko na binuksan niya ang kabilang pintuan at may isang tao na lumabas sa passenger seat nito. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko na babae ito at sa pagka-alala ko ay siya ang secretary nito. Niyakap siya nito at hinalikan sa labi si Jacob na kinalaki ng mga mata ko at pumasok na sila sa loob ng apartment. Ako naman ay nakatulala habang nakatingin sa nangyayari. "Miss..." Napatingin ako kay Kuya Driver na saksi rin sa nakikita. "Dito na po ako... may pag-uusapan po muna kami." Dahan-dahan naman siyang tumango at lumabas naman ako ng taxi habang dala dala ko ang hawak kong cake at flowers para sa anniversary namin. Ramdam ko ang nginig ng paa ko at ang luhang pinipigilan ko habang naglalakad ako. Di ko alam ang ire-react ko sa nakita ko kanina. Nakarating ako sa harapan ng pintuan ng apartment ni Jacob at dahil may susi ako ay madali kong yung nabuksan. Agad tumambad sa pagpasok ko ang sapatos at heels na galing sa dalawang tao na pumasok dito. Kahit nanghihina ay nagpapatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa pintuan at nakabukas ito ng kaunti at rinig na rinig ko ang ungol na galing sa secretary nito na si Jeny. "I really want you, Jeny!" "Baka makita tayo ng girlfriend mo dito." "Ilang beses na nga natin itong nagawa na hindi tayo nahuhuli tapos natatakot ka pa? Mas masarap ka pa sa kanya. Yun? Hindi naman yun magaling sa kama." Napatakip ako sa bibig ko dahil sa narinig mula sa bibig ng nobyo ko. Nagsibagsakan ang mga luha na galing sa mga mata ko dahil sa narinig. Masakit dahil sa loob ng ilang taon. Simula't simula pa lang nung nasa baba pa si Jacob ay ako na ang tumutulong sa kanya hanggang makarating siya sa position niya ngayon. Pero ngayon matagal na pala niya akong niloloko patalikod. "Damn, ipasok mo na, Jacob!" Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko na nakatalikod na si Jeny at nasa likuran niya si Jacob at dahan-dahan nitong pinasok ang alaga nito. At di ko napigilan na buksan ang pintuan at doon nga tumambad ang hindi kaaya aya na tanawin habang nakatingin ako sa kanila. Nakikita ko na nagulat din sila na nakatingin sa akin at agad naman silang nag-ayos at ako naman ay walang emosyon na nakatingin sa kanila habang patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko. "Damn you, Jacob." "B-Bakit ka nandidito, Dorryn..." Dahan-dahan akong napatingin sa hawak kong cake at bulaklak. Lumapit ako sa kanila na kinaalerto naman nila habang nakatingin sa akin. "Happy 5th anniversary... pero mukhang ito na ang huli." Natahimik naman ito at magsasalita sana siya nang isang iglap ay isang malutong na sampal galing sa akin ang dumapo sa pisngi ni Jacob. "We're done." Tatalikod sana ako nang pigilan niya ako. "Dorryn, let me explain---" Sinampal ko sa kanila ang cake na hawak ko at pati na rin ang bulaklak na hawak ko ay pinalo ko sa kanilang dalawa. "Hey!" "Wag na wag kang lalapit sa akin tarantado ka!" Sinipa ko ang alaga niya na kinasigaw niya sa sakit at agad na akong umalis doon. Damn! Ang sakit ng ginawa nila sa akin! Di ko sila mapapatawad! ******* LMCD223rd Person's Point of ViewIsang malamlam na ngiti ang unti unting sumilay sa mga labi ni Joseph habang tahimik siyang nakatitig sa walang malay na si Dorryn. Nakahiga ito sa kama na tila payapang natutulog, ngunit alam niyang ang katahimikang iyon ay bunga lamang ng lasong unti unting sumisira sa katawan nito. Bahagyang gumagalaw ang dibdib nito bilang tanda na humihinga pa rin siya, at iyon lamang ang bagay na nagbibigay ng kaunting pag asa kay Joseph.Matagal niyang pinangarap ang sandaling ito. Ang makita si Dorryn na nasa tabi niya nang walang sinumang hahadlang sa kanya. Walang asawa. Walang pamilya. Walang kaibigan. Tanging silang dalawa lamang."Sa wakas, napasaakin ka na rin, Dorryn."Punong puno ng pagnanasa at pananabik ang tinig niya habang marahan niyang hinaplos ang malamig na pisngi ng babae. Mula sa pisngi nito ay dahan dahan niyang inakyat ang kamay patungo sa mahabang buhok nito. Maingat niya iyong hinawi na para bang isa itong napakahalagang kayamanan na ayaw niyang
Dorryn's Point of ViewNakatitig si Dorryn sa malaking monitor na nasa harapan niya. Sunod sunod na kumikislap ang iba't ibang camera feeds mula sa bawat sulok ng academy. Sa bawat segundo na lumilipas ay mas lalo niyang nararamdaman ang bigat ng sitwasyon. Ang dating tahimik at ligtas na paaralan ay ngayon ay naging isang mapanganib na lugar na puno ng kaguluhan, takot, at kawalan ng kasiguraduhan.Mahigpit niyang pinagkrus ang mga braso habang patuloy na gumagana ang kanyang isipan. Isa isa niyang sinusuri ang bawat posibilidad. Hindi siya maaaring magkamali. Isang maling desisyon lamang ang maaaring magdulot ng kapahamakan hindi lamang sa kanila kundi pati na rin sa lahat ng estudyanteng nasa loob ng academy.Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita."Paano natin madi distribute ang mga antidote kung ganito pala ang nangyayari sa labas? Wala na bang pag asa na maligtas tayo?"Ang kanyang boses ay puno ng pag aalala ngunit nanatiling matatag. Hindi siya maaaring magpakita ng
Dorryn's Point of View"Dad's right, Mom. Baka nakakalimutan mo na warrior ang kapatid ko at manang mana niya iyon sa'yo. We need to trust her at isa pa kasama naman niya ang asawa niya sa loob."Umalingawngaw sa paligid ang boses ng anak nila habang sinusubukan nitong pakalmahin ang nag-aalalang ina. Kitang kita sa mukha ng ginang ang matinding pag-aalala na para bang anumang oras ay tuluyan siyang panghihinaan ng loob dahil sa sitwasyong kinakaharap nila.Napatingin siya sa malaking gusali ng academy na ngayon ay napapalibutan ng mga tao. Maraming magulang, guro, pulis, at mga awtoridad ang naroon. Ang ilan ay pabalik balik sa paglalakad habang ang iba naman ay nakatitig lamang sa gusali na tila ba naghihintay ng himala.Sa kabila ng mga salitang binitiwan ng mag ama, hindi pa rin tuluyang mawala ang kaba sa puso ng ina ni Dorryn.Napabuntong hininga siya nang malalim bago marahang tumango."You're right. Sana magiging maayos lang siya."Bagama't pilit niyang pinapaniwala ang sarili
3rd Person's Point of ViewMakalipas ang ilang oras, tuluyan nang nilamon ng gabi ang buong paligid. Ang dating maliwanag at mataong academy ay nabalot ngayon ng mabigat na katahimikan na paminsan minsan lamang napuputol ng mga bulungan at nag-aalalang usapan ng mga taong nagtipon sa labas ng malaking gate.Marami nang tao ang nasa paligid ng academy matapos kumalat ang balita tungkol sa misteryosong nangyayari sa loob ng paaralan. Ang ilan ay mga magulang na desperadong naghihintay ng balita tungkol sa kanilang mga anak. Ang iba naman ay mga mamamahayag at mga taong nais malaman ang buong katotohanan sa likod ng kaguluhang bumabalot ngayon sa akademya.Nagkikislapan ang mga ilaw ng mga sasakyan na nakahilera sa gilid ng kalsada. Naririnig din ang mahinang ugong ng mga makina habang ang malamig na hangin ng gabi ay dahan dahang dumadampi sa mga taong naghihintay.Sa loob ng isang mamahaling sasakyan na nakaparada hindi kalayuan sa gate ay naroon ang mga magulang ni Dorryn.Kitang kita
Dorryn’s Point of View*Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata, ang aking paningin ay unti unting nilamon ng liwanag ng umaga na marahang sumisilip mula sa malalaking bintana ng aming silid. Ang ginintuang sinag ng araw ay tila mga daliring marahang humahaplos sa aking balat, nagbibigay ng init at
Dorryn's Point of View*Hindi ko namalayan na halos maubos ko ang lahat ng desserts na nakahilera sa mesa. Mula sa malalambot na macarons na parang ulap sa tamis, hanggang sa makinis na tsokolateng cake na tila natutunaw sa bawat dampi ng dila ko, isa isa ko silang nilasap na parang wala akong pak
Dorryn’s Point of ViewIlang araw ang lumipas na tila ba masyadong payapa ang mundo, isang katahimikang halos hindi ko na makilala. Hindi muna nagparamdam si Eduardo. Para bang ang matandang iyon ay napagod na rin sa kakaisip ng mga plano niya at nagpahinga muna sa kung saan mang sulok ng kanyang m
Dorryn’s Point of View* Napanganga ako habang nakatingin kay Mr. Jao na nakaupo sa harap ko. Ang mismong taong matagal ko nang iniidolo, ang haligi ng culinary world na hinahangaan ng marami, ay siya ngayong nag-aalok sa akin ng isang oportunidad na hindi basta-basta dumarating. Hindi ko akalain na



![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็นเพิ่มเติม