Share

CHAPTER 2

Author: Darkshin0415
last update publish date: 2026-07-08 17:48:30

THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)

CHAPTER 2

KYLIE POV

Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap ang Mommy ko, kanina pa ako dumating, pero hindi ko pa sila nakita ni Daddy.

Muntik na akong matumba, nang mabangga ako ng isang lalaki. Pero mabuti nalang at nasalo niya ako.

“Ikaw ‘tong bumangga sa akin,” inis akong natawa, dahil sa kanyang sinabi.

“Kahit tingnan pa natin ngayon ang lahat ng cctv footage.” Mas lalo akong nakaramdam nang inis, dahil sa kanyang sinabi, habang tiningnan ko siya.

“Ang kapal ng mukha mo.” Galit na wika ko, habang aalis na sana. Pero nang makita ko si Mommy, ay agad akong napangiti sa kanya. Habang nilapitan siya.

“Mommy!!” Tuwang wika ko, habang mahigpit ko siyang niyakap, medyo matagal na rin kasi bago ako umuwi, at ngayong tapos na ako sa pag-aaral ko, gusto kong manatili nalang sa amin, para makasama sila ni Daddy.

“Anak, kanina ka pa ba?” Tanong niya sa akin, habang tumango ako sa kanya.

“Si Daddy?” Tanong ko kay Mommy, habang napansin kong nag-iwas siya nang tingin sa akin.

“Bakit Mommy, may problema ba?” Tanong ko sa kanya, habang mabilis siyang nailing.

“Halika na, Daxton, sumama kana rin sa amin.” Kunot-noo akong na-patingin sa lalaking bumangga sa akin kanina, dahil sa sinabi sa kanya ni Mommy.

“Magkakilala kayo?” Tanong ko kay Mommy, habang tumango siya sa akin.

“Siya pala ang isa sa business partner ko, malapit ko rin siyang kaibigan.” Wika ni Mommy, habang na-patingin ako sa lalaki. Mukha kasing hindi mapagkakatiwalaan ang mukha niya.

“Kung gano’n, bakit kasama mo siyang nagsundo sa akin Mommy?” tanong ko, dahil hindi ko nagustuhan ang pagiging close nila sa isa’t-isa. Isa pa, baka kasi makita sila ni Daddy at magselos siya sa kanila.

“Anak, kilala naman siya ng daddy mo, at malapit din silang mag-kaibigan,” wika sa akin ni Mommy, habang hindi ko man lang tiningnan ang lalaking kasama niya, dahil mukha pa lang niya, ay wala na akong tiwala. Aaminin kong gwapo siya, pero wala pa rin akong pakialam.

Nang dumating kami sa bahay, ay pina-una na ako ni Mommy na bumaba, dahil may pag-uusapan pa raw sila. Wala naman akong pakialam kung ano ang pag-uusapan nila, dahil alam kong tungkol pa rin ‘yon sa negosyo.

“Manang, anong oras ba uuwi si Daddy?” tanong ko sa katulong, hindi ko naman mapigilan na nakaramdam nang inis, dahil hindi siya sumagot sa akin.

“Kylie, anak!” Mabilis akong napalingon at nakita si Daddy, kaya dali-dali akong lumapit sa kanya, at mahigpit siyang niyakap.

“Daddy, bakit hindi mo ako sinundo?” nagtatampo na tanong ko sa kanya.

“Anak, sinabi ko na sa ‘yo na busy ang daddy mo sa trabaho niya.” Bumitaw ako kay Daddy, habang napalingon ako kay Mommy.

“Sige, pero kailangan mong bumawi sa akin Daddy..” Ngiting wika ko sa kanya, habang nailing siya sa akin.

“Hanggang ngayon talaga, hindi ka pa rin nagbabago.” Ngiting wika niya sa akin, habang mahigpit ko siyang niyakap. Nang mapansin ko naman na medyo lumayo si Mommy sa amin, ay agad ko siyang hinila, para yakapin din siya ni Daddy.

“Aalis na tayo.” Napatingin ako kay Daddy, matapos niyang bitawan si Mommy.

“Magbibihis lang muna ako Daddy.” Paalam ko sa kanila, habang mabilis kong pinuntahan ang silid ko. Nang makapasok ako sa silid ko, ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na haplusin ang kama ko, dahil sobra ko itong na-miss.

“Gusto kong dito kaming tatlo matutulog ngayon, katulad ng dati.” Mabilis akong tumayo at nagbihis. Inayos ko lang ang sarili ko, at muli na akong bumaba.

“May problema ba?” Tanong ko sa mga magulang ko, dahil napansin ko na parang nag-aaway sila. Sabay naman silang ngumiti, habang tiningnan ako.

“Wala anak, may pinag-usapan lang kami ng daddy mo.” Wika sa akin ni Mommy, habang nilagay ko ang magkabilang kamay ko sa kanilang mga braso.

“Tara na, ‘wag na muna ninyong pag-usapan ang tungkol sa mga negosyo niyo, ako na muna ang atupagin niyo.” Wika ko sa kanilang dalawa, habang kini-kiss ko ang pisngi nila.

Nang makarating kami restaurant na paborito ko, ay agad kong in-order ang nga pagkain na matagal ko nang hindi natitikman. Pati na rin ang mga pagkain na gusto ni Mommy at Daddy ay in-order ko na.

“Bakit hindi pa kayo nagsusubuan katulad dati?” Tanong ko sa kanila, habang gulat silang napatingin sa akin.

“Anak naman, nakakahiya nang gawin ‘yon.” Napangiti ako kay Mommy, habang na-patingin ako sa kanila.

“Sa bagay, ‘wag kayong mag-alala. Bibigyan ko nalang kayo ng apo.” Wika ko, habang sabay silang na-patayo, kaya taka akong napatingin sa kanila.

“Anong problema?”

“Kylie, ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Ang bata mo pa para mag-asawa, kaya pwede bang ‘wag mong gawin ‘yon.” Taka akong na-patingin kay Mommy, habang nakita ko ang galit sa mukha niya.

“Akala ko ba, gusto niyo na ng apo?”

“Anak, masyado pa kaming mga bata, para tawagin lola at lolo, kaya kung pwede, ‘wag kana munang mag-asawa.” Malawak akong napangiti, kay Daddy, dahil sa kanyang sinabi, habang tumango ako sa kanya.

“Pero pwede ba ba akong nagkaroon ng boyfriend?”

“Hindi!” sabay na wika nilang dalawa, kaya muling napa-kunot ang noo ko, nasa tamang edad na rin ako, pero hindi pa rin nila ako pinapayagan na magkaroon ng boyfriend.

“Sige na, kumain na muna tayo, at ‘wag na muna natin pag-usapan pa ang ganyang mga bagay.” Wika ni Mommy, habang nag-umpisa na akong kumain. Hindi ko naman mapigilan na magtaka, dahil parang nag-iba ang mga kilos nila.

Nang matapos kaming kumain, ay pumunta kami sa paborito naming pasyalan noon noong bata pa lang ako.

Nang napalingon ako kay Daddy, ay napatitig ako sa babaeng kausap niya. Hindi ko maiwasan na magtaka, habang na-patingin sa kanila, dahil parang ang close nila sa isa’t-isa.

“Dad, sino siya?” Tanong ko kay Daddy, habang kita ko ang gulat sa mukha niya, habang tiningnan ako.

“Kasamahan ko siya sa trabaho anak, nakita ko lang siya rito, kaya tinawag ko.” Wika sa akin ni Daddy, habang tumango ako sa kanya.

“Dad, pwede bang ‘wag kang makipag-usap sa ibang mga babae, dahil ayokong magselos si Mommy.” Wika ko kay Daddy, habang pinulupot ko sa braso niya ang mga kamay ko.

“Tara na Dad..” Muling wika ko, habang mabilis na tumango si Daddy sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Stepdaughter's Obsession (SSPG)   CHAPTER 13

    THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 13KYLIE POVNagmulat ako sa mga mata ko, nang marinig ko ang katok sa pinto. Napatingin ako sa orasan at nakitang maaga pa. "Ano ba?!" Inis na sigaw ko, habang tinalukbong ko ang kumot sa buong katawan ko. Pero mabilis akong lumabas sa ilalim ng kumot, nang marinig ko ang pagbubukas ng pinto. "Ano ba?! Bakit bigla nalang kayong pumasok sa loob ng silid k-," agad akong natigilan nang makita ko kung sino ang nagbubukas ng pinto. "Tumayo kana at maligo, dahil kailangan mong sumama sa tito Daxton mo." Wika sa akin ni Leah, kaya muli akong humiga sa kama. "Kylie!""Bakit mo ba ako pasasamahin sa kanya? Hindi mo ba nakikitang inaantok pa ako?" "Ito ang unang araw mo sa trabaho, kaya bilisan mo na." Madiin na wika niya sa akin, kaya napapikit ako sa mga mata ko. "'Wag mong masamain ang sinabi ko sa 'yo Kylie, ang gusto ko lang ay maging maayos ang buhay mo." Wika niyang muli, kaya tumayo na ako, dahil naiingayan na ako sa kanya. "Oo na, gagaw

  • The Stepdaughter's Obsession (SSPG)   CHAPTER 12

    THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 12KYLIE POVHindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa labi ko, habang hinahaplos ko ito, hindi ko kasi akalain na matitikman ko ang labi ni Daxton. "Ma'am Kylie, pinapatawag po kayo ng mommy niyo," muli na naman akong nakaramdam nang inis, dahil sa narinig ko mula sa katulong. "Bakit? Ano na naman ang kailangan niya sa akin?" tanong ko rito, matapos kong buksan ang pinto. "Kakain na po raw kayo." Napailing ako, habang natawa, dahil sa narinig ko mula sa katulong. "Sumunod daw po kayo sa kanya, kung ayaw niyo raw pong siya pa ang pupunta rito." Agad na napa-kunot ang noo ko, dahil sa narinig ko at napa-kuyom ako sa kamao ko. "Sa tingin niya ba natatakot ako sa kany-." "Sumunod ka sa katulong Kylie, kung ayaw mong kunin ko sa 'yo ang lahat ng cash card mo." Mas lalo pang kumunot ang noo ko, habang na-patingin ako kay Leah, dahil sa sinabi niya sa akin. "Sa tingin mo natatakot ako? Alam mong pwede akong humingi kay Daddy!" sagot ko sa kanya,

  • The Stepdaughter's Obsession (SSPG)   CHAPTER 11

    THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 11KYLIE POV"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Daxton, habang hawak niya ang kamay ko, at halos hilahin niya ako palabas nitong bar. Hindi ba kasal nila ni Leah? Paano siya nakarating dito. "Sumunod kana sa akin." Madiin na wika niya, habang pilit kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. "Gusto mo bang mapahamak ka?" Natigilan ako, habang na-patingin ako sa kanya."Ano bang pakialam mo?" Inis na wika ko, habang napasinghap ako nang bigla nalang niya akong buhatin. "Ano bang problema mo?! Bitawan mo ako!!" Galit na sigaw ko, habang pinagsusuntok ko ang dibdib ni Daxton. "Tumigil kana Kylie," madiin na wika niya sa akin, habang mas lalo pa akong nakaramdam ako nang inis sa kanya. Matapos kaming makarating sa labas, ay binuksan niya ang pinto ng kotse niya, at ipinasok niya ako sa loob. "Bakit kaba nandito ha? At paano mo nalaman na nandito ako?" galit na tanong ko sa kanya. Habang para siyang walang naririnig, at hindi ni

  • The Stepdaughter's Obsession (SSPG)   CHAPTER 10

    THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 10KYLIE POVMatapos lumapag ang eroplano ay napatingin ako sa paligid. Muli na naman akong nalungkot, dahil ibang-iba na ang pag-uwi ko, hindi na tulad noon na excited ako at puno ako nang saya, habang binabaybay ko ang daan palabas ng airport, dahil alam kong nasa labas si Mommy at Daddy na naghihintay sa akin. Pero ngayon.. Sh!t! Kylie, pwede bang 'wag kang umiyak, at 'wag na 'wag mo na silang iyakan! Nang makalabas ako ay nakita ko si Daddy, malawak siyang napangiti sa akin, kaya muli na naman akong nakaramdam nang awa sa kanya, hindi niya dapat maranasan ang ginawa sa kanya ni Mommy. "Dad.." Sambit ko habang mahigpit siyang niyakap. "Hija, mabuti at naisipan mong umuwi.." Masayang wika ni Daddy, habang bumitaw ako sa kanya. "Alam niyo po bang kasal niya?" Tanong ko kay Daddy, habang mabilis siyang nag-iwas nang tingin sa akin. "Alam ko.." mas lalo pa akong nakaramdam nang lungkot, habang naririnig ko ang malungkot na boses ni Daddy.

  • The Stepdaughter's Obsession (SSPG)   CHAPTER 9 WARNING: SPG

    THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 9WARNING MATURED CONTEXT!!!SPGLEAH POV "Bakit gising ka pa?" Tanong sa akin ni Daxton, habang niyakap niya ako mula sa likuran ko. "Hindi lang ako makatulog." Sagot ko sa kanya, habang niyakap ko ang kamay niya na yumakap sa akin. "Siguro excited ka lang sa kasal natin bukas." Napangiti ako, dahil sa kanyang sinabi. Habang hindi ko rin mapigilan na nakaramdam nang kiliti, dahil sa ginawa niyang pag-subsob ng kanyang mukha sa leeg ko. Ang kamay niya, ay hinahaplos ang aking puson, kaya hindi ko mapigilan na makaramdam nang kiliti at init, dahil sa kanyang ginawa. "Daxton.." mahina kong sambit sa kanyang pangalan. "Hmm..""Ang kamay mo.." ngiting wika ko sa kanya. "Alam mo bang hindi na ako makapaghintay pa sa honeymoon natin mahal.." mas lalo pa akong napangiti, dahil sa narinig ko mula sa kanya. "Ikaw talaga puro ka kalokohan.." Sagot ko, habang hindi ko na rin mapigilan na mapa-kagat sa labi ko, dahil sa ginawa niyang paghimas sa no

  • The Stepdaughter's Obsession (SSPG)   CHAPTER 8

    THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 8KYLIE POV Sa paglipas ng ilang buwan, ay halos laman ako ng bar, ilang lalaki na rin ang pinaglalaruan ko, dahil para sa akin ay katulad lang sila ni Daxton. Mga mapanira ng pamilya. "Apo.." Napatingin ako kay Lola, habang nilapitan niya ako. Nasa hapag kainan ako, at kumakain. "Pinapa-uwi ka ng mommy mo." Wika niya sa akin, habang umupo siya sa tapat ko. "Ayokong umuwi." "Apo, ikakasal na siya," mabilis akong natigilan, dahil sa sinabi sa akin ni Lola. "Nawalan na ng visa ang kasal nila ng daddy mo, kaya magpapakasal na sila ng nobyo niya." Muling wika sa akin ni Lola, kaya nai-kuyom ko ang kamao ko."Mabuti pala." Balewalang sagot ko, habang muli akong kumain. "Kung hindi ka uuwi, sila ang pupunta rito." Kunot-noo akong na-patingin kay Lola, dahil sa kanyang sinabi. "Anong pupunta?" taka na tanong ko. "Kung hindi ka raw uuwi sa kasal nila rito sila magpapakasal para sa 'yo." Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hampasin ang lamesa,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status