Share

CHAPTER 5

Author: Darkshin0415
last update publish date: 2026-07-19 18:00:53

THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)

CHAPTER 5

 KYLIE POV

Hindi ko mapigilan na bumangon, dahil nababagot ako rito sa bahay. Gusto ko sanang gumala sa labas, pero wala naman akong kaibigan. Hindi kasi ako mahilig makipagkaibigan, lalo na at naka-focus lang ako lagi sa pag-aaral. 

“Ma’am Kylie!” Napatingin ako sa p***o nang marinig ko ang boses ni Manang.

“Bakit Manang?!” Sagot ko rito, habang mabilis akong tumayo. Nang nakatayo ako, ay agad kong binuksan ang p***o.

“Nasa baba kasi si sir Daxton.” Napa-kunot ang noo ko, na tumingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. 

“Bakit? Anong ginagawa niya rito?” 

“Inutusan ako ng mommy mo, na samahan ka.” Lalong napa-kunot ang noo ko, habang tiningnan siya, dahil sa kanyang sinabi. 

“Anong inutusan?” 

“Ang sabi niya, baka boring ka rito sa bahay, kaya pasamahan ka niya sa akin.” 

“Saan naman tayo pupunta?”

“Hindi ba balak mong magtayo ng isang beach resort?” tanong niya sa akin, habang mabilis akong tumango sa kanya. 

“Kaya tara na, balak kung ipasyal ka sa iba’t-ibang resort dito, para magkaroon ka ng idea.” Malawak akong napangiti, habang muli ko siyang tiningnan, dahil sa kanyang sinabi. 

“Ngayon na ba tayo aalis?” Tanong ko sa kanya, habang mabilis siyang tumango. Agad akong nakaramdam nang tuwa, dahil sa kanina pa nga ako nababagot dito. 

“Sige, hintayin mo nalang ako rito, magbibihis lang ako.” Wika ko sa kanya, habang mabilis ko siyang iniwan. Nang makapasok ako sa silid ko, ay mabilis akong naghanap ng damit. Gusto kong simple lang din ang isusuot ko, dahil sa mga resort naman kami pupunta. 

“Tara na.” Wika ko kay Daxton, habang napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo, habang tumingin sa akin. 

“’Yan ang suot mo?” Tanong niya sa akin, habang mabilis akong tumango.

“Oo, bakit?” 

“Hindi pwede ‘yang suot mo, kailangan mong mag-palit.” 

“Hindi na, gusto ko ‘yong ganito.” 

“Malapit nang makita ang panty mo, kaya hindi pwede na ‘yan ang suot mo.” 

“Ano naman?” 

“Kylie, ayokong may tumingin sa ‘yong ibang lalaki, at ayokong bastusin ka nila, dahil baka makapatay ako.” Napatingin ako sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, dahil bigla ko nalang nararamdaman na parang may paru-parong nagliliparan sa t’yan ko. 

“Bilisan mo na, magpalit kana ng damit.” Napa-irap ako sa kanya, habang mabilis ko siyang iniwan. Nang makapasok ako sa silid ko, ay agad akong napahawak sa dibdib ko, dahil sa lakas nang kaba na nararamdaman ko, lalo na at paulit-ulit kong narinig sa utak ko ang sinasabi niya sa akin. Sa buong buhay ko, ay ngayon ko lang naranasan na may lalaking nagsabi sa akin no’n, kadalasan ko kasing mga manliligaw noon, ay hindi sila gano’n, kaya hindi ko mapigilan na nakaramdam nang kilig. 

‘Sh!t! Anong kilig-kilig ang sinasabi ko? Hindi pwede ‘to! Hindi ko siya pwedeng magustuhan!’ Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman kong nag-init ito, kaya mabilis akong lumapit sa salamin. Nang makita ko ang itsura ko, ay para akong naglagay ng maraming blush on, sa pisngi ko. 

Pabalik-balik akong naglalakad, dahil nahihiya akong lumabas. Hindi niya ako pwedeng makita na ganito, dahil baka ano ang sasabihin niya nakakahiya ‘yon! Na-padapa ako sa kama ko, habang hinahampas-hampas ko ito. Nang ma-realize ko ma medyo matagal na ako, ay mabilis akong tumayo at nagpalit ng damit. Naisip kong dress nalang ang susuotin ko, para magustuhan niya. 

“Ang ganda mo sa suot mong damit..” Muli kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko, kaya mabilis akong nag-iwas nang tingin sa kanya. 

“Kahit naman ano ang isusuot ko, maganda pa rin ako,” sagot ko kay Daxton, habang malawak siyang napangiti sa akin. 

“Tara na, mahal na prinsesa..” Napatingin ako sa kamay niya, habang inabot niya ito sa akin, agad ko itong tinanggap at mabilis niyang akong inalalayan sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinilig habang kasama siya, dahil una pa lang ayaw ko naman sana sa kanya. Hindi ko lang din akalain na gentleman siya. 

Nang makarating kami sa kanyang kotse, ay todo alalay siya sa akin, at damang-dama ko ang pag-iingat niya. Ramdam ko rin na parang takot siyang nagkamali, kaya hindi ko mapigilan na mapangiti sa kanya. 

“Malayo ba ang pupuntahan natin?” Tanong ko sa kanya, habang nilingon niya ako. 

“Medyo, sabihin mo lang sa akin, kung magugutom ka, dahil bibilhan kita ng pagkain.” 

“Gusto mo bang tumaba ako?” 

“Hindi, ayoko lang na magutom ka,” ngumiti ako sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. 

“’Wag kang mag-alala, sasabihin ko naman sa ‘yo, kapag nagugutom ako. Gusto ko pa lang humingi nang tawad sa ‘yo.”

“Saan?”

“Dahil sa kamalditahan na pinakita ko sa ‘yo.” 

“Kalimutan mo na ‘yon.” Wika niya, habang hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya. 

Matapos naming libutin ang ilang resort, ay hindi ko mapigilan na matuwa, at lalo ko pang gustong nagtayo ng sarili ko ring resort, para kasing ito ang gusto ko. 

“Gusto mo bang daanan muna natin ang mommy mo?” Tanong niya sa akin, habang tumango ako sa kanya. Puno kasi ang bibig ko, dahil may mga nakikita akong pagkain, sinasabi ko lang sa kanya na mukhang masarap, at agad niya naman itong binili, kaya para na naman akong baliw, ewan ko ba kung bakit parang kinikilig ako sa kanya, mukha naman siyang mas matanda sa akin. 

Nang makarating kami sa opisina ni Mommy ay pina-una ko muna si Daxton, dahil may kailangan pa akong bilhin. Gusto ko kasing bilhan si Mommy, ng paborito niya, at ayokong malaman ni Daxton, dahil baka sasabihin niya kay Mommy. 

“Sasamahan na kita.” 

“’Wag na, mauna kana, mamaya pa ako pupunta ro’n.” Wika ko kay Daxton, habang mabilis ko siyang tinalikuran.  

Mabilis ko lang nabili ang paborito ni Mommy, na pagkain, kaya agad akong sumunod kay Daxton. Hindi rin nawawala ang ngiti sa labi ko, dahil alam kong matutuwa si Mommy kapag nakita niya ‘to. 

Nang makarating ako sa opisina ni Mommy Leah, ay mas lalo pa akong napangiti, dahil naka-awang ito. Wala rin ang secretary niya, kaya tiyak na ma- surprise ko siya. 

Bubuksan ko na sana ang p***o, pero mabilis akong natigilan nang makita kong naghalikan si Mommy at Daxton, agad kong nabitawan ang hawak kong cake, kaya bakas sa mukha nila ang gulat habang naplingon sa akin.

“K-Kylie..” Utal na sambit ni Mommy, sa pangalan ko, habang nag-uunahan sa paglandas ang mga luha ko sa aking mga mata. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Stepdaughter's Obsession (SSPG)   CHAPTER 13

    THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 13KYLIE POVNagmulat ako sa mga mata ko, nang marinig ko ang katok sa pinto. Napatingin ako sa orasan at nakitang maaga pa. "Ano ba?!" Inis na sigaw ko, habang tinalukbong ko ang kumot sa buong katawan ko. Pero mabilis akong lumabas sa ilalim ng kumot, nang marinig ko ang pagbubukas ng pinto. "Ano ba?! Bakit bigla nalang kayong pumasok sa loob ng silid k-," agad akong natigilan nang makita ko kung sino ang nagbubukas ng pinto. "Tumayo kana at maligo, dahil kailangan mong sumama sa tito Daxton mo." Wika sa akin ni Leah, kaya muli akong humiga sa kama. "Kylie!""Bakit mo ba ako pasasamahin sa kanya? Hindi mo ba nakikitang inaantok pa ako?" "Ito ang unang araw mo sa trabaho, kaya bilisan mo na." Madiin na wika niya sa akin, kaya napapikit ako sa mga mata ko. "'Wag mong masamain ang sinabi ko sa 'yo Kylie, ang gusto ko lang ay maging maayos ang buhay mo." Wika niyang muli, kaya tumayo na ako, dahil naiingayan na ako sa kanya. "Oo na, gagaw

  • The Stepdaughter's Obsession (SSPG)   CHAPTER 12

    THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 12KYLIE POVHindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa labi ko, habang hinahaplos ko ito, hindi ko kasi akalain na matitikman ko ang labi ni Daxton. "Ma'am Kylie, pinapatawag po kayo ng mommy niyo," muli na naman akong nakaramdam nang inis, dahil sa narinig ko mula sa katulong. "Bakit? Ano na naman ang kailangan niya sa akin?" tanong ko rito, matapos kong buksan ang pinto. "Kakain na po raw kayo." Napailing ako, habang natawa, dahil sa narinig ko mula sa katulong. "Sumunod daw po kayo sa kanya, kung ayaw niyo raw pong siya pa ang pupunta rito." Agad na napa-kunot ang noo ko, dahil sa narinig ko at napa-kuyom ako sa kamao ko. "Sa tingin niya ba natatakot ako sa kany-." "Sumunod ka sa katulong Kylie, kung ayaw mong kunin ko sa 'yo ang lahat ng cash card mo." Mas lalo pang kumunot ang noo ko, habang na-patingin ako kay Leah, dahil sa sinabi niya sa akin. "Sa tingin mo natatakot ako? Alam mong pwede akong humingi kay Daddy!" sagot ko sa kanya,

  • The Stepdaughter's Obsession (SSPG)   CHAPTER 11

    THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 11KYLIE POV"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Daxton, habang hawak niya ang kamay ko, at halos hilahin niya ako palabas nitong bar. Hindi ba kasal nila ni Leah? Paano siya nakarating dito. "Sumunod kana sa akin." Madiin na wika niya, habang pilit kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. "Gusto mo bang mapahamak ka?" Natigilan ako, habang na-patingin ako sa kanya."Ano bang pakialam mo?" Inis na wika ko, habang napasinghap ako nang bigla nalang niya akong buhatin. "Ano bang problema mo?! Bitawan mo ako!!" Galit na sigaw ko, habang pinagsusuntok ko ang dibdib ni Daxton. "Tumigil kana Kylie," madiin na wika niya sa akin, habang mas lalo pa akong nakaramdam ako nang inis sa kanya. Matapos kaming makarating sa labas, ay binuksan niya ang pinto ng kotse niya, at ipinasok niya ako sa loob. "Bakit kaba nandito ha? At paano mo nalaman na nandito ako?" galit na tanong ko sa kanya. Habang para siyang walang naririnig, at hindi ni

  • The Stepdaughter's Obsession (SSPG)   CHAPTER 10

    THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 10KYLIE POVMatapos lumapag ang eroplano ay napatingin ako sa paligid. Muli na naman akong nalungkot, dahil ibang-iba na ang pag-uwi ko, hindi na tulad noon na excited ako at puno ako nang saya, habang binabaybay ko ang daan palabas ng airport, dahil alam kong nasa labas si Mommy at Daddy na naghihintay sa akin. Pero ngayon.. Sh!t! Kylie, pwede bang 'wag kang umiyak, at 'wag na 'wag mo na silang iyakan! Nang makalabas ako ay nakita ko si Daddy, malawak siyang napangiti sa akin, kaya muli na naman akong nakaramdam nang awa sa kanya, hindi niya dapat maranasan ang ginawa sa kanya ni Mommy. "Dad.." Sambit ko habang mahigpit siyang niyakap. "Hija, mabuti at naisipan mong umuwi.." Masayang wika ni Daddy, habang bumitaw ako sa kanya. "Alam niyo po bang kasal niya?" Tanong ko kay Daddy, habang mabilis siyang nag-iwas nang tingin sa akin. "Alam ko.." mas lalo pa akong nakaramdam nang lungkot, habang naririnig ko ang malungkot na boses ni Daddy.

  • The Stepdaughter's Obsession (SSPG)   CHAPTER 9 WARNING: SPG

    THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 9WARNING MATURED CONTEXT!!!SPGLEAH POV "Bakit gising ka pa?" Tanong sa akin ni Daxton, habang niyakap niya ako mula sa likuran ko. "Hindi lang ako makatulog." Sagot ko sa kanya, habang niyakap ko ang kamay niya na yumakap sa akin. "Siguro excited ka lang sa kasal natin bukas." Napangiti ako, dahil sa kanyang sinabi. Habang hindi ko rin mapigilan na nakaramdam nang kiliti, dahil sa ginawa niyang pag-subsob ng kanyang mukha sa leeg ko. Ang kamay niya, ay hinahaplos ang aking puson, kaya hindi ko mapigilan na makaramdam nang kiliti at init, dahil sa kanyang ginawa. "Daxton.." mahina kong sambit sa kanyang pangalan. "Hmm..""Ang kamay mo.." ngiting wika ko sa kanya. "Alam mo bang hindi na ako makapaghintay pa sa honeymoon natin mahal.." mas lalo pa akong napangiti, dahil sa narinig ko mula sa kanya. "Ikaw talaga puro ka kalokohan.." Sagot ko, habang hindi ko na rin mapigilan na mapa-kagat sa labi ko, dahil sa ginawa niyang paghimas sa no

  • The Stepdaughter's Obsession (SSPG)   CHAPTER 8

    THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 8KYLIE POV Sa paglipas ng ilang buwan, ay halos laman ako ng bar, ilang lalaki na rin ang pinaglalaruan ko, dahil para sa akin ay katulad lang sila ni Daxton. Mga mapanira ng pamilya. "Apo.." Napatingin ako kay Lola, habang nilapitan niya ako. Nasa hapag kainan ako, at kumakain. "Pinapa-uwi ka ng mommy mo." Wika niya sa akin, habang umupo siya sa tapat ko. "Ayokong umuwi." "Apo, ikakasal na siya," mabilis akong natigilan, dahil sa sinabi sa akin ni Lola. "Nawalan na ng visa ang kasal nila ng daddy mo, kaya magpapakasal na sila ng nobyo niya." Muling wika sa akin ni Lola, kaya nai-kuyom ko ang kamao ko."Mabuti pala." Balewalang sagot ko, habang muli akong kumain. "Kung hindi ka uuwi, sila ang pupunta rito." Kunot-noo akong na-patingin kay Lola, dahil sa kanyang sinabi. "Anong pupunta?" taka na tanong ko. "Kung hindi ka raw uuwi sa kasal nila rito sila magpapakasal para sa 'yo." Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hampasin ang lamesa,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status