INICIAR SESIÓNTATLONG taon na mula nang aksidenteng mabulag si Caden dahil sa car crash. At noon, ginamit ng lola ni Talia, si Lola Chandria ang koneksyon nito para ipakasal siya sa Montclair family. Agaw-buhay na noon ang matanda, at gusto nitong siguraduhin na may mag-aalaga kay Talia pag wala na ito.
Sa una, ayaw talaga ni Caden sa kan'ya. Halatang napipilitan lang. Pero dahil sa plano ni Don Ricardo Montclair, ang lolo nito, napilitan itong tanggapin ang sitwasyon. Eventually, naging "tunay" silang mag-asawa at doon laging sinasabi ni Caden na gusto nitong magkaroon ng anak kaya nagsimula ang tahimik na kasunduang dalawang beses silang magtatalik sa loob ng isang buwan. Naalala pa ni Talia na noong second year ng marriage nila, unti-unti nang bumabalik ang paningin ni Caden. Pero sa halip na pasasalamat, coldness at pandidiri ang nakikita niya sa mga mata nito. Akala niya, kapag gumaling ito ay siya pa rin smg pipiliin ni Caden. Pero hindi pala. Because that fire, that warmth she thought she had lit inside him, was never for her... --- MULING bumalik sa realidad si Talia nang muling tumunog ang cellphone niya. Dinampot niya iyon at sinagot ang tawag. “Miss Talia ,” sabi ng boses sa kabilang linya, pormal at maingat. “Pinapatawag po kayo ni Mrs. Montclair. Gusto raw kayong makausap sa lumang bahay. Urgent daw po.” “Okay, papunta na ako.” Pagkababa ng tawag, napahawak si Talia sa sentido at nakaramdam ng kaba. Sa tuwing ipinatatawag kasi siya ng ginang ay may hindi magandang mangyayari. May kutob na si Talia kung ano iyon, pero bago pa siya makapag-isip nang maayos, bumangon na siya agad mula sa kama. By five in the afternoon, nasa Montclair’s ancestral mansion na siya sa Forbes Park, ang bahay na tila kailanman ay hindi naging tahanan para sa kanya. Ang Montclair family ang isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa. Mayaman, konektado, at matindi ang impluwensiya sa politika at negosyo. Si Don Ricardo Montclair, ang patriarch, ay kilala bilang “The Empire King.” At bilang panganay na apo si Caden, natural lang na siya lagi ang nasa spotlight. Pagpasok ni Talia sa malawak na receiving hall, agad tumayo si Madam Evelyn Montclair, ang kanyang mother-in-law. Tinapunan siya nito ng malamig at matalim na tingin. “Ano na naman ang isinumbong mo kay Papa, Talia?” masama ang mukha na tanong nito. “Tahimik ka usually, pero ngayon may plano ka na naman, ano?” mapanuya pa nitong dagdag. Tahimik na tiningnan lang ni Talia ang ginang. “Madam Evelyn, I don’t know what you’re talking about. Wala po akong isinusumbong kay Lolo.” Tumaas ang kilay ng matanda. “Talaga lang, huh?” anang ginang saka umismid. “Nasa study room si Caden. Puntahan mo ang asawa mo!” Tumango lang si Talia, matapos ang binalingan ni Madam Evelyn ang kasambahay, at agad siyang inihatid paakyat. Habang papalapit siya sa study, naririnig na niya ang sigawan sa loob. Ang lalim ng boses ni Don Ricardo, puno ng galit. “Walang utang na loob! Marunong ka pang sumagot? Gusto mo ba akong atakihin sa puso?!” “Grandpa, didn’t we make a deal that if Talia doesn’t get pregnant within three years, only then will you allow our divorce?” “Tumahimik ka! Gusto mo pa ring makipag-divorce matapos ng mga ginawa ni Talia para sa'yo? I will not allow you to create any kind of scandal with Jessa! Do you understand? You’ll release a PR statement right away and make it clear to the media that those stories circulating online are completely false! I don’t care how you do it, just fix this mess before it destroys our family’s reputation!” “I have no control over what spreads online. It’s not my fault if the press is just doing their job.” “Gusto mo ba talagang masaktan, anak ka ng—!” Pero naputol ang sana'y sasabihin ni Don Ricardo nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa labas mg study. “Don Ricardo, nandito po si Ma'am Talia,” anunsyo ng maid mula sa labas ng pinto. Pagbukas niyon, sandaling natigilan si Don Ricardo nang iluwa si Talia. “Talia, apo… nandito ka na pala.” Ngumiti nang marahan si Talia. “Lolo, huwag po kayong magalit masyado. Baka tumaas ulit ang BP n’yo.” Lumapit siya at inalalayan ang matanda para maupo. Pero bago ito tuluyang kumilos, muli itong sumigaw ito. “Caden! Humingi ka ng tawad sa asawa mo ngayon din!” Tahimik si Caden, malamig ang anyo at walang emosyon. He had only made the announcement because the three-year period had already passed, he thought the woman would at least have the decency to understand her place by now. “Lolo, gusto ko po sanang makausap si Caden ng kami lang,” maya-maya ay saad ni Talia sa matanda. Nang marinig iyon ni Don Ricardo ay matalim na sinulyapan nito ang apo saka bumaling kay Talia. “Sige, hija. Maiwan ko na kayo.” Pagkaalis ni Don Ricardo, naupo si Talia sa three-seater sofa sa tapat ng asawa. “Caden,” mahinahon niyang sabi. “Let’s get a divorce.” Bahagyang napakunot ang noo ni Caden, tila nabigla. Hindi niya inasahan na sa babae mismo ang manggagaling ang salitang iyon. Akala niya, magwawala ito o hihingi ng suporta sa lolo niya. But now, she was calm— almost detached. “You’re willing to give up being Mrs. Montclair that easily?” malamig niyang tanong. “Yes. I already prepared the documents.” Matapos niyon ay kinuha ni Talia mula sa bag ang divorce agreement na siya mismo ang gumawa. “We can start with the formalities, then you can talk to Grandpa after. No need to make a scene.” Tahimik lang si Caden sa loob ng ilang segundo bago sumagot. “What compensation are you asking for?” “Wala. Let’s part ways peacefully. This is the draft I made.” Ibinaba niya ang envelope sa ibabaw ng desk, walang pag-aalinlangan sa tinig. Tumikhim si Caden, malamig pa rin ang mga mata habang nakatingin sa asawa. “Since you know what’s good for you, the company’s legal team will review this by tomorrow. I’ll have them draft the official copy.” “Fine,” tugon ni Talia, diretso at walang pakiusap. Pagkatapos niyon ay tumayo ka si Talia, at lumabas sa study room nang hindi lumilingon. Para sa kanya, iyon na lang ang natitirang dignidad na pwede niyang ibigay sa sarili— ang lumayo nang may respeto, kahit siya lang ang nasasaktan. --- That evening, nanatili muna siya sa Montclair mansion para makasalo sa dinner ng pamilya. At nang magpapaalam na siya para umalis, mahigpit niyang niyakap si Don Ricardo na may ngiti sa mga labi. Walang kaalam-alam ang matanda na iyon na ang huli nilang pagkikita. “Thank you, Lolo. Ingatan niyo po sarili niyo,” paalam niya saka nilisan ang mansyon. Sakay ng kotse, tinahak niya ang daan palabas sa Forbes Park subalit habang binabagtas niya ang kalsada, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabigat at malalaki ang mga patak niyon na para bang tahimik na umiiyak ang kalangitan para sa kan'ya. Pero maya-maya lang ay bigla niyang naramdaman ang biglang pagguhit ng matinding kirot sa kanyang puson. Napahawak siya roon at nanlalambot ang tuhod. At ilang segundo lang, may mainit na likidong dumaloy pababa sa mga hita niya. Nang tingnan niya kung ano iyon, namutla siya nang makitang dugo iyon. “Oh God! Help me...”LUMIPAS ang ilang minuto matapos ang masayang truth game.Unti-unti ring humupa ang tawanan sa gazebo. Tahimik na inubos ng bawat isa ang kanilang merienda. Tanging mahinang ihip ng hangin at kaluskos ng mga dahon ang maririnig sa paligid.Napansin ni Ashton na tila may iniisip na naman si Bea. Kanina lang ay malakas itong tumawa.Ngayon...Tahimik na naman itong nakatingin sa malayo."Anong iniisip mo?" mahina niyang tanong.Napakurap si Bea bago napangiti nang bahagya. "Wala."Bahagyang tinaas ni Ashton ang isang kilay. "Hindi ako naniniwala."Napatawa si Bea. "Hindi ka talaga madaling lokohin.""Practice.""Saan?""Sa'yo."Napailing si Bea. "Drama mo na naman."---MAYA-MAYA...Tumayo si Talia habang inaabot ang cellphone. "Mia, samahan mo nga ako sa loob."Napatingin si Bea. "Bakit?""Kukuha lang kami ng dessert."Nag-sign si Mia habang nakangisi. ["Five minutes. Promise."]Hindi na nakapagsalita si Bea. Magkatinginan silang dalawa ni Ashton habang papalayo ang dalawang babae.Tah
MAKALIPAS ang halos tatlumpung minuto... Huminto ang itim na sedan ni Ashton sa tapat ng Santiago residence. Hindi na siya nagulat nang makita niyang bahagyang nakabukas ang gate. Sanay na ang mga guwardiya sa pagdating niya. Sa mga nakalipas na linggo, halos naging bahagi na siya ng araw-araw na takbo ng bahay. Pagbaba niya ng sasakyan, agad niyang napansin ang katahimikan ng hardin. Sa gazebo, naroon si Bea. Nakahilig ang ulo nito sa sandalan ng upuan habang nakayakap sa isang pregnancy book. Hindi na yata nito namalayang nakatulog. Napangiti si Ashton nang marahan at at puno ng lambing. Tahimik siyang lumapit upang hindi ito magising. Nang makalapit siya, napansin niyang bahagyang gumagalaw ang mga hibla ng buhok ni Bea dahil sa malamig na hangin. Dahan-dahan niyang hinubad ang suit jacket. Marahan niya iyong ipinatong sa balikat ng dalaga. Subalit sa mismong sandaling iyon, bahagyang gumalaw si Bea. Unti-unti nitong iminulat ang mga mata. Napakurap ito nang ilang beses bago
HINDI nagtagal matapos ang board meeting ay muling tumahimik ang executive floor ng Salvatore Shipping Tower.Isa-isang nagsibalik ang mga direktor sa kani-kanilang opisina habang nanatiling nakatayo si Ashton sa harap ng floor-to-ceiling window.Mula roon ay tanaw niya ang walang tigil na daloy ng sasakyan sa EDSA. Libo-libong tao ang abala sa kani-kanilang buhay.Ngunit siya, pakiramdam niya ay matagal nang hindi umaandar ang sarili niyang mundo. Marahan niyang isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng slacks. Nakita niya ang repleksiyon niya sa salamin. Maayos ang suot, perpekto ang postura, kalmado ang mukha.Eksakto ang imahe ng isang CEO.Pero sa likod ng repleksiyong iyon, tatlong mukha ang nakikita niya.nSi Ashton Salvatore. Si Mr. Crest. At si Number Seventeen.Tahimik siyang napangiti. "Hanggang ngayon...hindi ko pa rin alam kung sino sa inyong tatlo ang totoong ako."Ilang sandali pa'y marahang bumukas ang pinto ng opisina."Sir."Napalingon siya. Si Marco.nMay hawak itong t
KINAGABIHAN...Hindi agad umuwi si Ashton.Matapos ang huling meeting sa Salvatore Shipping Tower, nanatili siyang mag-isa sa executive office.Tahimik ang buong ika-tatlumpu't walong palapag. Isa-isa nang nagsiuwian ang mga empleyado. Maging ang ilaw sa kabilang mga opisina ay unti-unti nang namatay.Tanging ang opisina ng CEO ang nanatiling maliwanag.Tahimik siyang nakaupo sa leather chair habang nakatanaw sa kumikislap na skyline ng Bonifacio Global City.Sa ibabaw ng mesa...Nakahilera ang tatlong bagay.Isang silver mask.Isang boxing glove keychain.At isang lumang wristband na eksaktong katulad ng ibinigay niya noon kay Bea.Marahan niyang hinawakan ang maskara.Kasabay niyon ang isang mapait na ngiti."Ang galing mo, Ashton."Mahina niyang bulong sa sarili."Ikaw lang yata ang taong kayang mabuhay bilang tatlong magkaibang lalaki..."Huminto siya."...at lahat sila ay umiibig sa iisang babae."---Dahan-dahan niyang isinandal ang ulo sa upuan.Ipinikit ang mga mata.At isa-is
HINDI naging maayos ang buong araw ni Bea.Kahit matapos umalis si Ashton, hindi pa rin siya makapag-focus sa kahit anong ginagawa niya. Ilang beses niyang sinubukang magbasa ng pregnancy journal na ibinigay ng doktor, ngunit paulit-ulit ding bumabalik ang isip niya sa nursery."Why do you look like him?"Hindi niya alam kung bakit niya iyon naitanong.Mas lalong hindi niya alam kung bakit tila natigilan si Ashton bago sumagot.Hindi iyon simpleng gulat.Parang... natakot ito.---BANDANG hapon...Nagpasya siyang ayusin ang mga gamit na nakatambak sa nursery.May ilang kahon ng baby essentials na bagong dating mula sa online orders ni Marissa. Isa-isa niyang inilabas ang maliliit na lampin, bibs, at mga laruan.Habang inaayos niya ang isang storage cabinet, napansin niyang may naiwan na coat sa likod ng rocking chair.Napakunot-noo siya."Kay Ashton..."Malamang ay naiwan nito iyon kanina nang nagmamadali itong umalis.Ngumiti siya nang bahagya."Makakalimutin din pala."Dinampot niya
INABUKASAN...Hindi mawala sa isip ni Bea ang naging hapunan nila noong nakaraang gabi.Paulit-ulit niyang naaalala ang bawat pagkakataong nahuhuli niyang nakatingin si Ashton sa kanya. At mas lalo niyang naaalala ang bawat pagkakataong siya mismo ang nakatitig rito.Nakakainis.Dahil habang mas pinipilit niyang hanapan ng paliwanag ang nararamdaman niya...Mas lalo lang siyang nalilito.---MAAGA siyang nagpunta sa nursery.Tahimik pa ang buong bahay. Ang mga karpintero ay hindi pa dumarating, kaya malinis at payapa ang silid.Marahan niyang inayos ang maliliit na stuffed toys na nakapatong sa crib.Napangiti siya nang bahagya."Baby..." mahina niyang bulong habang hinahaplos ang tiyan. "Ang gulo-gulo na ng mama mo."Napabuntong-hininga siya.Hindi niya alam kung bakit.Pero pakiramdam niya ay may isang malaking bagay na unti-unting lumalapit sa kanya.At hindi niya alam kung handa ba siyang harapin iyon.---Ilang minuto ang lumipas...May marahang kumatok sa bukas na pinto."Pwede
HINDI agad sumagot si Talia. Saglit lang siyang tumitig kay Lucas, saka marahang ngumiti ng pilit.“Pagod lang ako,” sabi niya. “Ayokong dumagdag pa sa gulo.”Mariing huminga si Lucas. Kita sa panga niya ang pagpigil ng galit. “Magpahinga ka,” mahinahon niyang sabi. “Babalikan kita mamaya.”Matapos
ILANG sandali pa'y may kumatok ng dalawang sunod, mariin at walang pag-aalinlangan. Bumukas ang pinto ng opisina. Pumasok si Liam, ang personal detective ni Caden tangan ang isang folder na kulay abo. Diretso ang lakad, seryoso ang mukha.“Sir,” maingat niyang sabi, “nakumpirma na namin. Dumating
SA TERRACE ng ikatlong palapag, patuloy pa ring sumasayaw sa hangin ang mga pink rose petals. Ang mga drone sa itaas ay bumubuo pa rin ng kumikislap na “starlight,” parang walang pakialam sa kaguluhang kakapasok lang sa eksena.Napakaganda, pero at the same time ay mayroon ding dalang sakit.Sa gil
HABANG binubuhat ni Caden si Talia pabalik ng manor, napansin niya ang biglang pagdikit nito sa dibdib niya, soft, warm, at medyo mabigat ang paghinga. The wine was clearly taking effect.Her eyes were closed, long lashes trembling lightly. Then she whispered, voice small, broken na parang mula sa







