LOGINWalang tigil sa pag-iyak si Amary hanggang sa makatulog siya. Nakatulog siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Iyong pagdudahan siyang may ibang lalaki na kahit kailan ay hindi niya magagawa. Nanliit siya sa mga pinagsasabi nito, pakiramdam niya durog na durog na siya.
Nasasaktan siya dahil parte iyon ng pagmamahal, sabi nga ng iba hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Masasaktan at masasaktan ka dahil walang perpektong pag-ibig. Wala pa ring bago, gumising siya na minamahal niya pa rin ang kaniyang asawa. Kinusot niya ang kaniyang namamagang mata, umupo sa kama, sa bintana nakatuon ang kaniyang paningin, pinagmamasdaan niya ang pasikat na araw. Hinding-hindi siya magsasawang umasa na mamahalin siya ng asawa hangga't nakikita niya ang pagsikat ng araw na nagbibigay sa kaniya ng pag-asa. Nagtungo siya sa harapan ng salamin at pinagmasdan niya ang sarili. Nakita niyang namumula ang kaniyang mga pisngi, hindi rin nakaligtas sa kaniyang mata ang pasa sa kaniyang maputing balat sa may siko at braso. Her tears starting to leaky down to her cheek. She really can't imagine she will suffer like this. Her parents never hurt her even one string of her hair, they really love her so much. She grow up in a lovely family who treat her like a princess, why do she feel like a disgusting trash in her own husband? Why can't he treat her like his Queen? Alam niyang galit ito sa kaniya ngunit hindi niya alam kung ano ang pinagmulan ng matinding galit nito, maliban sa ayaw nitong mag-asawa. Mula ng maging mag-asawa sila hindi niya ito nakitang ngumiti o naging masaya na kasama siya. Ni hindi nito nagawang makitungo sa kaniya ng maganda, palaging nakataas ang boses nito at kung tingnan siya parang siya ang pinakamababang tao. Napatingin siya sa larawan na nakapatong sa kaniyang dresser. Kuha iyon ng kasal nilang dalawa. Ang lawak ng ngiti sa labi niya samantalang ang asawa ay pilit lang ang ngiti nito dahil sa Ina. Masasabi niyang ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya dahil hindi niya aakalain na maikakasal siya sa kaniyang minahal. She feel in love on her husband in the first meet. Hindi niya alam kung bakit ganu'n ka bilis na nahulog ang loob niya sa asawa. Ilang beses man nitong sabihin na parang: ‘hinain niya na ang kaniyang sarili sa isang mabangis na Leon.’ At ito nga ang pinaparanas nito sa kaniya, pinapahirapan siya nito at sinasaktan pero hindi pa rin siya susuko. Umaasa pa rin siyang mamahalin rin siya ng asawa tulad ng pagmamahal niya. Daga na siya kung daga pero patuloy pa rin ang pagmamahal niya sa isang Leon. Gaano man kabangis ang isang Leon darating ang panahon kusang luluhod ang mga paa nito para ipakita ang kahalagan ng isang daga. ‘Hangang kailan mo hihintayin ang panahon na iyon kung durog na durog ka na?’ Pinunasan niya ang luhang naglalandas sa kaniyang pisngi, habang ginagamot niya ang kaniyang mga pasa pagkatapos niyang maligo. Niligpit niya na rin ang mga ginamit niya bago bumaba. Pupunta na sana siya sa kusina ng makita niyang nasa loob ang asawa at pinaghahanda ng mayordoma ng almusal. “Alam kung hindi ikaw iyan.” Nagtago sa pader si Amary ng marinig niya ang sinambit ni Manang na para bang kanina pa ang dalawa nag-usap. Ipinagtimpla ni Manang Lita ng kape si Zarchx, tahimik itong kumakain sa mesa; luto ng mayordoma. Hindi matiis ng mayordoma na hindi magsalita lalo't na nasaksihan niya ang ginawa ni Zarchx sa asawa nito. Hindi niya lubos maisip na magagawa ito ng kaniyang alaga, hindi niya ito pinalaki ng ganito, nakakasigurado siya na pinalaki niya ito ng tama. Isang mabait, magalang, at mataas ang respeto sa babae ang kilala niyang Zarchx dahil ito ang kinalakihan nito mula sa Lolo at Ama nito ay mababait pagdating sa babae na kahit gaano kabangis ay hindi pa rin kayang manakit ng walang kalaban-labang babae. Alam niya iyon dahil sa tumanda na siya sa paninilbihan sa mga ito. Kilalang-kilala niya na ang mga ito. Inilapag niya ang kape sa harapan ng kaniyang alaga. Tumayo siya sa harapan nito at pinagmasdan ito habang walang imik na kumain. “Nakita ko ang ginawa mo kagabi,” Mahinang panimula niya dahilan para matigilan sa pagkain si Zarchx. Sandali itong natigilan at uminom ng kape, hindi ito nakatingin sa mayordoma. Tumikhim si Manang at sandaling nilingon siya ni Zarchx at nagpatuloy muli sa pagkain. “Hindi mo gawaing manakit ng babae, walang kalaban-laban sa'yo ang asawa mo. Madadaan naman sa mahinahong usapan kung ano man ang pinagtatalonan niyo, hindi iyong dinadaan mo sa init ng ulo talagang magkakasakitan lang kayo.” Mahinahon pinagsabihan niya ito. Katulong lang siya reto kaya mahinahon niyang pinagsasabihan ito dahil kahit matanda pa siya dito bali-baliktarin man ang mundo, boss niya pa rin ang batang pinagsasabihan niya. “Hindi mo alam ang pinagsasabi mo, hindi mo kilala ang babaeng iyan.” Walang modong sagot nito sa kaniya. “Tama ka, wala akong alam tungkol sa kaniya pero alam ko na alam mo na ang tama sa mali. Babae siya alam mo iyan. Hindi mo siya dapat sinasaktan, papaano kung mangyari iyon sa Mama mo? Isipin mo na lang na may kapatid kang babae, pinsan at malapit na kaibigan na inaabuso, anong maramdaman mo?” Huminga ng malalim ang Manang. “Hindi kita pinalaki ng ganiyan at kahit kailan hindi mo nakita sa mga magulang mo na nagkakasakitan, oo. Nag-aaway pero na dadaan sa maayos na usapan. Makinig ka anak, malupit ang tao pero mas malupit ang ganti ng tadhana na gawa ng tao.” Pabagsak na binitawan ni Zarchx ang kutsara’t tinidor na hindi na bago sa mayordoma kapag pinagsasabihan niya ito. “Iyan ang hindi mangyayari, Manang. Mas malupit ako sa tadhana, gagawin ko ang lahat ng gusto kung gawain. Hindi na ako bata para pangaralan mo.” Walang buhay na sagot nito sa mayordoma na siya namang ikinailing nito. Sinalinan ng mayordoma ng tubig ang baso nito. “Wag anak, juskong bata ka! Asawa mo pa rin siya kahit na anong gawin mo hindi mo na iyon mababago. Alam kung ayaw mo sa kaniya pero sana naman igalang at irespeto mo siya bilang isang babae, natatakot ako para sa'yo na baka sa huli ikaw ang magsisi...” Paki-usap ng mayordoma. Natatakot siya na may mas malala pang gawin si Zarchx sa dalaga, kilala niya ito kapag ginusto nito gagawin nito. Naaawa rin siya sa dalaga hindi dahil sa nakikita niya itong mabait at mahinhing dalaga kundi dahil sa ayaw niyang nakakakita ng babaeng sinasaktan dahil isa siyang babae at ramdam niya kung gaano ito kasakit. “Alam kung hindi ikaw iyan.” Dagdag ng mayordoma. Naramdaman ni Zarchx na parang may nakamasid sa kanilang dalawa ng mayordoma kaya pa simple siyang tumingin sa gilid sa may pintuan at hindi nga siya nagkamali. Nakita niya doon ang asawa na nakasilip at kaagad na nagtago ng mapansin nitong nakatingin siya dito. “Magiging ako sa kahit na anong gugustuhin ko. Hindi ba malinaw na ayaw ko sa kaniya at hindi ko siya nakikita bilang isang babae. Para sa akin isa lang siyang daga na pilit na inahain ang sarili sa Leon kahit na kinasusuklaman siya nito!” Padabog na ibinagsak ni Zarchx ang table napkin pagkatapos niyang punasan ang kaniyang labi at padabog itong tumayo at sinipa ang upuan para maibalik ito sa pagkakaayos. “Busog na ako, na busog ako sa sermon.” Dagdag pa nito bago naglakad papalabas ng dinning room. Nakita niyang nakatayo habang nakayuko ang kaniyang asawa sa tabi ng pader pero hindi niya ito tinapunan ng tingin, dire-diretso siya sa paglalakad palabas ng Mansion. Hindi mapigilang mapabuntong hiniga ang mayordoma sa inakto ng kaniyang alaga. Ngayon niya lang nakita itong umakto ng ganu'n sa harap ng hapag at talagang pasipa pa nitong ibinalik ang upuan na ginamit. Samantalang si Amary naman ay hindi maiwasang nagpatulo ng luha sa kaniyang narinig pero mas masakit pa rito. Dinaanan lang siya nito na parang hangin. Iniisip niya na lang na kaya ito na sabi ng binata dahil galit ito sa kaniya o ‘di kaya alam nito na nandoon siya nakikinig. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha ng napansin niyang may nakatayo sa harapan niya, babalik na sana siya sa kaniyang silid ng makita siya ng mayordoma at hindi siya nakatanggi ng sabihin nitong inihahanda na ang almusal niya. Abala sa paglilinis ng pinagkainan ni Zarchx si Rita at Ina habang si Lety naman ay inihahanda sa mesa ang kaniyang umagahan. “May kailangan ka pa ba, Hija? –Este Ma'am, pasensiya ka na.” Pagtatama nito sa tawag sa kaniya. Naka-upo siya sa harapan ng mesa habang nakatayo sa kaniyang gilid ang mayordoma, nginitian niya ito. “Ayos lang po. Wala na akong kailangan, salamat po.” Pagkatapos niyang kumain ay inayos niya ang sarili dahil may usapan sila ng kaibigang si Amber na magkikita ngayon at kakain sa labas. Naisip niyang tawagan si Zarchx para magpaalam dito pero nang maisip na masisigawan lang siya nito at hindi siya papayagan ay hindi niya na itinuloy ang balak. Naisip niyang uuwi na lang siya nang maaga para hindi malaman ng asawa na umalis siya ng bahay, magpapaalam na lang siya sa mayordoma upang hindi ito mag-alala kung saan siya pupunta. Nakasuot siya ng isang pink na long sleeve na naka tack-in sa kaniyang black high waisted ripped jeans pinarisan niya rin ng puting sapatos. May itim na sling bag din siya kung saan nakalagay ang kaniya cellphone, wallet at iba pa. Nagmamadali siyang bumaba ng makita niya na itenext na ng kaibigan kung saan sila magkikita. “Ma’am aalis po kayo?” Tumango siya kay Rita ng makita niya itong naglilinis ng display sa sala. “Siguro magd-date kayo ni Master Leon 'no?” Panunukso nito na ikinawala ng ngiti sa labi niya. Sana nga katulad ng iniisip nito ang pupuntahan niya pero hindi, ni minsan hindi siya nito niyayang kumain sa labas at kahit makasabay niya ito sa pagkain ay hindi niya nagagawa. “Pakisabi na lang kay Manang na aalis muna ako babalik rin ako kaagad.” Nginitian niya ito. Nakangiting tumango ito. “Yes Ma'am! Mag-enjoy po kayo!” Agad siyang bumaba. Ginamit niya ang sariling sasakyan papunta sa isang fine restaurant kung saan sila magkikita ng kaibigan.Hola! I hope you will love ZARCHX MONTENEGRO's story.
“May lagnat ka ba, King?” Hindi makapaniwalang nilapitan ni Scott si Klinton at inilapat sa noo nito ang palad upang alamin kung may lagnat. “Wala naman. . .” Umiling si Scott. “Nakakapanibago na kinampihan mo ako.” dagdag pa ni Scott. Inakbayan ni Klinton si Scott. “I will always be by your side, King, no matter what happened. Don't forget that I am your brother who you can lean on when the world is so cruel to you.” “Naks! Sabi ko na nga ba, mahal na mahal mo akong hayop ka!” Scott chuckles, “Kiss mo nga ako, dali! Dali na. . . Pang-iingit ko lang kay LV!” Ginulo ni Klinton ang buhok ni Scott na para bang isa itong munting bata. Bago kinabig ang ulo nito palapit sa kaniya at ginawaran ng halik sa gilid ng noo si Scott. Naisip ni Klinton na ang halik na hinihingi nito ang reward ni Scott dahil naging smooth ang trabaho nila ng magkasama. Scott might be the craziest among them but he’s the great companion you will ever had when it's come to any kind of work. Napangiti si Don
Tatlong truck pa lang ang napupuno ng mga tauhan ni Emilio kung kaya't silang lima ang nagpatuloy na magkarga sa natitirang dalawang truck. “Ito na ba ang lahat?” tanong ni LV nang ipasok sa truck ang huling kahon na pasan ni Cyrus. “Kinukulangan ka pa ba sa hersisyo?” Balik na tanong ni Lance na pinupunasan ang katawan gamit ang hinubad nitong long sleeve. Tumawa si LV. “Sakto lang!” Kinuha ni Cyrus ang hinubad na long sleeve sa sinampayan nitong alambre at pinunasan ang mukha. “What do we do next, King?” baling ni Cyrus kay Zarchx. “I want to give Emilio a surprise that he never expect to happen.” Isinampay ni Zarchx ang hoddy jacket sa kaniyang balikat. “I’ll handle this one and you know where to bring the another trucks.” Nagtawanan ang lima dahil hindi nila maisip kung ano ang magiging itsura ni Emilio kapag nakita sa balita ang kaniyang mga kargamento ay hawak ng mga pulis. Plano ni Zarchx na ibigay sa mga pulis ang isang truck na puno ng kargamento at ang apat na truck
Samantala, si Amary ay natigilan at kumunot ang noo nang madatnan na nakabukas ang pinto ng kwarto. Unang pumasok sa isipan ni Amary ay mayroong kasambahay na naglilinis ngunit hindi ‘yon ang oras ng mga kasambahay para umakyat sa palapag na ‘yon. Lumiwanag ang mukha ni Amary nang maisip na si Zarchx ang naroon. Nagmamadaling pumasok si Amary ngunit agad na natigilan sa kaniyang nadatnan. She was wrong when she taught it's Zarchx—It was Odisza. Palakad-lakad si Odisza sa malawak na kwarto kwarto ni Zarchx na si Amary ang gumagamit magmula ng mawala ito. Bawat sulok ay tinitingnan ni Odisza, she even slide her finger on the top of drawer—there's no dirt or a little dust in it. Very clean. Isa-isang tiningnan ni Odisza ang mga larawan na nakalagay sa frame na halos lahat ay larawan ni Zarchx Junior mula pagkasilang nito hanggang sa edad nito ngayon—kasama si Amary. Agad na nakuha ng atensyon ni Odisza ang frame sa gilid—kuha iyon sa isang beach resort, ang magandang palubog na ar
Natigilan ang mga nagsusugal nang marinig ang kalabog mula sa computer room. Lahat ito ay nagulat ng makita ang mga bubog na nagsitalsikan. Bago pa man makabawi ang mga ito, nawasak na ang mesa sa kanilang harapan gawa ng kanilang kasamahang inihulog ni Zarchx. Nawasak ang lamesa, nabasag ang mga bote, nagkalat ang mga pera, tumilapon ang mga baril at nagliparan ang mga baraha. “Kalaban!” sigaw ng isa sabay bunot ng baril. Agad na binaril ni Zarchx ang sumigaw at sinunod ang isa pa. Ang ibang kalaban ay bumunot ng baril, ang iba ay pumulot sa sahig ngunit bago pa man ito maitutok sa itaas ay nabaril na ito ng magkapatid na Lance at Zarchx. One bullet, one body on the ground. Zarchx and Lance are both headshotters. Samantala sa kabilang banda, prenteng nakasandal si Renzi sa likod ng pader habang nakatago naman sa likod ng mga drum si LV at si Cyrus sa likod ng mga kahon. “May sigarilyo ka ba diyan?” tanong ni LV. “Ulol. Dapat na itanong mo kung ano ang sign na ibibigay ni Zarch
Gabi na nang makarating si Zarchx sa lokasyon na ipinadala ni Renzi. Nadatnan ni Zarchx sina Cyrus at Renzi na kasama sina na Lance at LV na nauna lang ng ilang minuto kay Zarchx. Ang ilaw ng sasakyan ni Cyrus ang nagsisilbing liwanag sa kanilang kinaroroonan—binalikan nina Cyrus at Renzi ang sasakyan sa kanilang kinaroroonan habang naghihintay sa mga kasamahan dahil naroon ang mga gamit. Mapanuring tiningnan ni Zarchx ang apat na pare-pareho pang nakasuot ng formal attire sa gitna ng kagubatan. Kapansin-pansin iyon lalo pa't maliwanag sa kanilang kinaroroonan hindi lamang dahil sa ilaw ng sasakyan kundi dahil na rin sa liwanag ng buwan. “What's with the stares man?” Tila nanghahamon na tanong ni Lance kay Zarchx. “We're on hurry, don't have time to change.” tugon ni LV habang inaayos ang suot na gray coat. Pagkatapos kasi ng pinapagawa ni Klinton ay agad na nagtungo sina LV at Lance sa lokasyon sakay ng kanilang big bike. Magsasalita na sana si Lance ngunit agad itong natigilan
Sa Paraiso De Pendilton. . . Marahas na binuksani Zarchx ang pinto ng kwarto na inuukopa nina Odisza. “Saan pupunta si Senior-Dad?” Kunot-noong humarap si Odisza kay Zarchx, “Bakit akong tinatanong mo? Mukha bang magpapalam sa akin ang lolo mo?” Nag-init ang ulo ni Zarchx sa pamimilosopo ni Odisza. Nilapitan ni Zarchx si Odisza at mahigpit na hinawakan sa panga. “Kung hindi lang kita nahuling nakikinig sa pinag-uusapan namin, hindi ko iisipin na may kinalaman ka sa pag-alis ni Senior-Dad!” Nanlaki ang mata ni Odisza. “Nagulat ka ba? Hindi tanga ang mga tao dito, Odisza! Kaya kung gusto mong makasama ng matagal ang anak mo, mag-isip-isip ka. Naiintindihan mo?” “Zarchx. . .” Hinawakan ni Odisza ang braso ni Zarchx. “N-Nasasaktan ako.” “Masasaktan at masasaktan ka talaga sa aking babae ka! Ngayon, sagutin mo ang tanong ko! Makikipagkita si Senior-Dad kay Emilio. . . Oo o hindi?” Bakas ang galit at awtoridad sa boses ni Zarchx. Sa lakas ng boses ni Zarchx, nagising si Zeus mula s
Sa hospital, Nadatnan ni Amary na nakahiga si Amber sa hospital bed, tulala ito, walang ingay na masaganang umaagos sa pisngi nito ang mga luha. Natigilan si Amary nang makita ang ganu'ng kalagayan ng kaibigan at pakiramdam niya'y pinipiga ang puso niya sa sakit. Lumabas si Kayatana mula sa b
Sa Paraiso De Pendilton, Nakatipon ang mga tauhan ni Don Leon sa malawak na bungad ng Paraiso. Nakikinig kay Jorah na sinasalaysay ang mahigpit na utos mula sa Don. Ang mga tauhan ay mahahati sa apat na grupo at binibigyan ng kaniya-kaniyang destino na hahalughugin upang mahanap ang mga little mas
Sinulyapan ni Amary si Zarchx. “I'm too pretty to be your driver, move next to me.” Isinandal ni Zarchx ang likod backseat. “Yeah, no doubt.” “Excuse me? Did you just agreed I'm your driver?” Ginawing ni Amary ang manibela upang igilid ang sasakyan. “I agreed, you are beautiful. And I no doubt a
Nagmamadaling nilapitan ni Amary ang mga ito sapagkat ayaw niyang magkaroon ng problema sa kaniyang restaurant. “What's going on here?” Pabalik na si Nelson sa table ni Don Leon nang marinig ang boses ni Amary sa labas. Nagmamadaling lumabas si Nelson nang makita ang nangyayari sa bungad ng restau







