"Best ang ganda nito diba?" Agad akong lumapit kay Sopfia para makita ang pinapakita niya saakin. Si Sopfia naging kaibigan ko siya simula noong pumunta ako dito sa Mindanao, noong tumakas ako sa masakit na mundo, sa magulang buhay kasama si Lucien, at ng ewan ko ang nakaraan para mag bagong buhay, nagkakilala kami dito sa Mindanao dahil magkalapit ang bahay namin, napaka daldal niya at madali lang maka close."Pinost ko si Soleil, ang cute nya talaga dito" kinuha ko agad ang selpon niya ng marinig iyon at dali daling denelet ang post, sa dahilang hindi ko alam ay nakararamdam ako ng takot, sa kaloob looban ng puso ko parang may mali.Limang taon na akong umiiwas sa mundo, limang taong lumayo sa lahat, limang taon konang itinatago ang mga anak ko, hindi naman pweding dahil lang sa isang post ay masira ang lahat."Bakit mo naman denelet best?, sayang ang ganda ganda pa naman non" nanghihinayang niyang saad at napapanguso pa, subalit ako natahimik halos hindi kona magawang mag salita n
اقرأ المزيد