“AALIS ka?” gulat na tanong ng mommy ni Seraphina sa kanya nang sabihin niya rito ang pagtatrabaho niya sa America.Pagkatapos niya makausap ang head doctor ay agad na nagtungo si Seraphina sa bahay ng mga magulang niya para magpaalam sa mga ito.Wala naman silang alitan ng mga magulang niya, naiipit lang ang mga ito dahil sa ginawa ni Camille sa kanya. Isa pa magulang pa rin niya ang mga ito kaya marapat lang na magpaalam siya kahit na papaano.“Oho, Mommy. Two weeks from now aalis na ako papuntang America," aniya.“Pero bakit? Maganda naman ang sinasahod mo sa hospital na pinagtatrabahuhan mo ah?”Nagbuntong hininga si Seraphina. “Sa dami ho ng mga nangyari gusto ko ho muna magpakalayo-layo.”“Aalis ka, Ate?” si Camille na kadarating lang.“Ate, kung aalis ka dahil sa amin ni Ethan, kami na lang ang lalayo,” sabi ni Camille.“Camille, ano ba 'yang pinagsasabi mo?!” galit na tanong ng mommy niya.“Dahil naman talaga sa amin kaya nasasaktan si Ate Sera. Kaya kung meron man dapat luma
最終更新日 : 2026-06-05 続きを読む