Five years later…“Andy, thank you for today as well,” mahinang usal ni Tanaka-san, ang walumpung taong gulang na haponesang inaalagaan ni Andy sa isang liblib at tahimik na probinsya sa Chiba, Japan.Inayos ni Anya ang kumot ng matanda at ngumiti nang may pagmamahal. “No, don't mention it, Tanaka-san. Good night.”Nang sumara ang pinto ng kwarto ng matanda, naupo si Andy sa tabi ng beranda upang magpahinga. Malamig ang simoy ng hangin ng tagsibol, at ang mga talulot ng sakura ay dahan-dahang nalalaglag sa bakuran na nag-iiwan ng magandang tanawin. Tatlong taon. Tatlong taon na siyang narito. Walang nakakakilala sa kanya, walang nakakaalam ng nakaraan niya. Dito, malaya siya, at malaya na ang kanyang puso.Kinuha niya ang kanyang cellphone nang tumunog ito at sinagot ang tawag ng kanyang ina.“Nay, kamusta po kayo riyan? Natanggap niyo po ba ang padala ko noong nakaraang linggo?” tanong ni Andy, pinipilit na maging masigla ang boses.“Oo anak, salamat. Malaking tulong ito para sa mga
อ่านเพิ่มเติม