"Do you want to amend the contract? From being my cook to being my wife," aniya.I rolled my eyes and pushed him. Napaatras siya at umayos naman ako ng tayo bago binalingan ang pagkain."Patawa ka rin eh, no? Ayaw mo nga akong maging prostitute, asawa pa kaya? Mema ka," ani ko.Iminuwestra ko ang mga pagkaing nakalapag sa lamesa niya. "Kain ka na. Mukhang nalipasan ka na ng gutom."Walang imik siyang pumunta sa mesa at saka pinulot ang sandwich na hinanda ko. Napabuntong-hininga na lang ako nang kinain niya ang hindi naman naka-schedule. Sasabihan ko sana siya, kaso nauna pa siyang magtaas ng kilay.Itinuro niya ang upuan sa gilid ng mesa niya kaya umupo ako. Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita."How was your shopping? Binili mo ba lahat ng kailangan mo?" tanong niya.Napatango naman ako sa sinabi niya. "Yep. I already included the groceries as well. By the way, thank you, ha, sa palibre mo," nakangiting sabi ko.Tumaas naman ang kilay niya. "Anong libre? Kaltas 'yon," seryoso ni
Last Updated : 2026-06-26 Read more