“Welcome to Clarendon, Miss Monteverde.”Muli pang umalingawngaw sa isip ni Keila ang mga salitang iyon habang nakatayo siya sa harap ng napakalaking clubhouse. Alas-siete pa lamang ng umaga, ngunit abala na ang mga empleyado sa kani-kanilang gawain.Napatingin siya sa suot niyang bagong uniporme—isang eleganteng dark green blazer, puting long-sleeved blouse, itim na pencil skirt, at isang nameplate na may nakaukit na KEILA MONTEVERDE – Guest Relations Officer.Hindi niya maiwasang mapangiti.Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng ilang linggong paghahanap ng trabaho, narito na siya ngayon sa isa sa pinakamagarang golf club sa bansa.“Kaya mo ’to,” bulong niya sa sarili.Para kay Papa.Para kay Mama.Para sa pamilya.⸻“Good morning.”Napalingon siya nang marinig ang boses ni Victoria Reyes.“Follow me. Orientation first.”Tumango si Keila at agad na sumunod.
最後更新 : 2026-06-30 閱讀更多