LalaMag-uumaga na nang makatulog ako. Kaya paggising ko’y halata ang pangingitim ng aking mga mata. Mabuti na lamang at natakpan ito ng concealer na ginagamit ko.Buong magdamag kasi inukupa ni Jerome ang isip ko. Bakit dito pa niyang naisipan na makipagkita sa akin? Ano ba ang pakay niya? Akala ko ba magpapakasal na siya?Maraming katanungan na si Jerome lang ang makakasagot. Kailangan na naming itigil ito.“Good morning baby, morning Hon,” pagbati ko sa aking anak at kay Ralph. Nasa labas sila ngayon nagba-basket ball.“Mommy, I thought you were sick?” tanong ng anak ko nang lapitan niya ako’t hinalikan.“Huh?! …” pinutol ko ang sasabihin at pasimpleng tiningnan si Ralph. Hindi alam ng anak ko ang totoong lagay namin ni Ralph.“Baby ano kasi—”“I took care of your Mom last night. Thank God at maayos ka na,” si Ralph ang sumagot. Bago ito lumapit sa akin upang hagkan ako. Napakalambing niya. Sana totoo na lang ang lahat ng ito.“Wow! magaling po pala mag-alaga si Dad.”“Super! anak,
Last Updated : 2026-07-24 Read more