ZOREIGN’S POV:Kinabukasan ay mabilis na naligo ako at nagsuot ng usual get up ko kapag nag-aapply sa isang kumpanya.Puting long sleeve na naka-tuck in sa itim na palda kong hanggang tuhod at may slit sa gilid ng hita ko. Saka kulay krema na doll shoes para makumpleto ang outfit ko.Nag-apply lang ako ng pulbo, konting pink na blush on saka lip tint. Sinuklay ko ang itim, mahaba at straight kong buhok na hanggang sa baywang ko. Saka naglagay ng pulang fiona cologne.Napangiti ako sa salamin.“Ang ganda mo na, Zoreign. Kaya mo yan, ikaw pa ba?" saad ko sa sarili ko.Kinuha ko ang itim kong sling bag saka ang brown envelope na naglalaman ng resume ko.Mabilis na naglalakad ako palabas ng bahay. Alas siyete pa lang ng umaga kaya malamang ay tulog pa ang mga prinsesa at prinsipe.Sumakay ako ng tricycle dahil sa kabilang baranggay lang ang mansyon ni sir Caius Hawthorne."Saan ang lakad mo, miss beautiful?” tanong ni Darius ang binatang tricycle driver.Matagal nang nagpapalipad hangin i
Last Updated : 2026-07-27 Read more