LOVE TRIANGLE OF UNMATCHED PLEASURES
Aurion Rivertio
Sobrang laki ng pinagbago nito buhat ng umuwi ito galing korea; kung dati ay diretso ito sa club para mag inom at magpakalasing hanggang madaling araw ay mas pinili nitong umuwi, tila naiwan sa malamig na winter season sa korea ang pagka hyper nito sa gabi at nabaon sa makapal na buhos ng nyebe, imbes kase na ibat ibang klase ng alak ang hanapin nito ay mas ninais pa nitong kumain ng wala sa diksyonaryong kumbinasyon ng pagkain; gusto nya ng kulay blue na gelatin na may talaba, dapat daw kulay blue, ngayon naman nakatitig na naman ito sa isusubo na nyang grapes na sinawsaw nya sa peanut butter na tila naririnig nya ang isang pirasong ubas na iyon na nagmamakaawang huwag nyang kainin ito.
"Hey, i think hindi ka okay," wika ni Mik
ael sa kanya habang hinawi ang kurtina para pumasok sa kwarto ang alas nwebeng sikat ng araw.
"Ohhhh i miss the sunlight," Tinanggal ni Alice ang suot nitong bath robe at muling tumambad sa harapan ng lalaki ang makinis nitong katawan na tanging ternong pulang bra at panty lang ang saplot, naabala nya nga pala itong naka sun bathing sa may bandang pool kanina. "ohh i miss this heat, wala ito sa Korea nang mag stay ko dun."