The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son
Limang taon nanilbihan si Sue Reyes sa pamilyang Rocco at sa loob ng mga panahong 'yon, naging sunod-sunuran siya sa kanyang amo na si Dr. Rogue Rocco, kilalang half-chinese surgeon doctor, matalino, malamig at ambisyosong doktor sa isa sa mga kilalang ospital sa Maynila, ang Monarco's Hospital.
Simpleng maid lang si Sue, clumsy pero s*xy, inosente na naka-ugaliang hindi nagsusuot ng p*nty, kaya naman nang balakin niyang akitin ang amo niya na lasing galing trabaho, may nangyari sa kanila.
Matagal na niyang gusto ang amo niya, ngunit nagbago ang lahat nang mapagkamalan siyang oportunistang babae, gold digger. Napilitan siyang umalis ng mansyon nang hindi nito nalalaman na buntis siya.
Pagkalipas ng maraming taon, hindi na siya 'yong dating Sue na sunod-sunuran at inosenteng maid. Sa tulong ng mga taong naniwala sa kanya, nakapagtapos siya ng pag-aaral, at isa ng medical social worker, kasama ang anak na bumalik sa Maynila, si Ron.
Sa pagkakaalam ng ilan, ordinaryong bata lang si Ron, ngunit sa edad na pitong taong gulang, marami na itong nagagawa kabilang na doon ang Lovelink application, dating app kung saan pinagmatch niya ang mga magulang pagkatapos malaman kung sino ang tunay nitong ama, si Dr. Rogue Rocco.
Sa unang apply ni Sue sa pampublikong ospital, nakapasok siya bilang medical social worker nang hindi alam na ang ospital na 'yon ay pagmamay-ari ng dati niyang amo na si Rogue.
Kung sa app, magaan ang kanilang usapan, sa personal naman halos hindi matapos ang bangayan nila. At habang lumalalim ang koneksyon nila sa online at sa totoong buhay, nagsisimula nang maghinala si Rogue, lalo na sa anak ni Sue.
Malaman kaya niya ang totoo tungkol sa anak nila ni Sue? Mauwi kaya sa totohanan ang umuusbong na pagtingin sa online dating app?