author-banner
Yuyieh
Yuyieh
Author

Novels by Yuyieh

The Billionaire's Secret Heir

The Billionaire's Secret Heir

Spain – isang tahimik na parke. Isang araw na dapat ay tulad ng iba, ngunit isang pamilyar na presensya ang yumanig sa mundo ko. "Mommy!" Napalingon ako sa sigaw ni Selene, mabilis na tumatakbo palapit sa akin. Kasunod niya si Cassian, mahigpit na nakahawak sa kamay ng isang matangkad na lalaki. Isang lalaki na hindi ko kailanman inakalang muli kong makikita. Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi maaari. Dahan-dahan siyang lumuhod, bahagyang tinatapik ang ulo ni Cassian bago bumaling sa akin. "They got lost," malamig ngunit malalim ang tono niya. "I figured their mother would be worried." Napalunok ako, hindi makapagsalita. Alam kong nakita niya. Alam kong ramdam niya. "You…" bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko. Ngunit bago pa ako makakilos, isang mas mabigat na presensya ang lumunod sa paligid. "Seraphina!" Napapitlag ako nang marinig ang boses ng taong matagal ko nang tinakasan. Si Daddy kasama si Mommy… at si Victor Alaric Vasquez. Malamig ang titig ni Daddy nang mapadako ang tingin niya sa kambal. "Who are these children?" malamig niyang tanong. Bago pa ako makasagot, isang malakas na tinig ang pumuno sa hangin. "They're mine." Napalingon ako sa kanya sa lalaking minsan ko lang nakilala ngunit ngayo'y handang ipaglaban ako.
Read
Chapter: CHAPTER 13
Still Caelum’s POVHindi ako umuwi hindi ako natulog at lalong hindi ako nagpahinga. Simula nang iwan namin ang Montefiore estate, iisa lang ang laman ng utak ko paano ko siya ilalabas. Hindi kung kaya ko kundi paano.“Sir, nandito na tayo.” Naputol ang pag-iisip ko nang huminto ang sasakyan sa harap ng isa sa mga private safehouses ko sa outskirts ng siyudad. Tahimik ang lugar. Walang katao-tao. Walang makakapansin.Perfect bumaba ako nang walang imik, diretso sa loob habang sumusunod ang mga tauhan ko. Pagpasok pa lang, agad kong tinanggal ang coat ko at ibinagsak sa mesa. Ramdam ko pa rin ang sakit sa katawan ko mula sa nangyari kanina, pero hindi iyon mahalaga hindi ngayon.“Set everything up,” utos ko. “I want eyes on every Montefiore property within the next hour.”“Yes, sir.” Agad silang kumilos habang nagsisimula silang maglatag ng mga kagamitan laptops, trackers, monitors dumiretso ako sa isang sulok ng kwarto. Doon ko inilabas ang cellphone yung numero ni Raven. Hindi ko na
Last Updated: 2026-07-03
Chapter: CHAPTER 12
Caelum’s POVHindi ako agad nakagalaw para akong napako sa kinatatayuan ko habang unti-unting nawawala si Seraphina sa paningin ko. Parang bawat hakbang niya papalayo ay may kasamang pwersang dumudurog sa dibdib ko.“Seraphina…” Mahina kong bulong, pero hindi na niya ako narinig. O baka… pinili na lang niyang huwag lumingon. Mas masakit iyon, mas masakit isipin na sumuko na siya. Na tinanggap na niya ang kulungan na pilit ipinapasok sa kanya.“Move.”Marahas ang boses ng isang guwardiya habang tinutulak ako pababa. Napaluhod ako sa matigas na lupa, pero hindi ko na halos naramdaman ang sakit. Dahil ang totoo wala nang mas sasakit pa sa nakita ko.“Alisin niyo na ‘yan sa harap ko,” utos ni Eleanor para lang akong basura na kailangang itapon. Napangisi ako dugo ang tumulo mula sa labi ko habang dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko.“Akala mo tapos na?” paos kong sabi huminto siya. Lumingon at sa unang pagkakataon, may bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.“Hindi pa ako tapos,” d
Last Updated: 2026-07-03
Chapter: (CHAPTER 11) Pusong Pinilit Sumuko
THIRD PERSON POV Hindi na makahinga si Seraphina hindi dahil sa hawak na baril na nakatutok sa kanya. Kundi dahil sa katotohanang ang taong may hawak nito ay ang sarili niyang ina. Si Eleanor Montefiore ang babaeng dapat sana’y nagpoprotekta sa kanya. Ang babaeng dapat sana’y nagmamahal sa kanya. Pero ngayon, siya ang dahilan ng takot na bumabalot sa buong pagkatao niya. “Mom…” halos hindi marinig ang boses ni Seraphina. Nanlalabo ang kanyang paningin, hindi niya alam kung dahil sa luha o sa sakit na pilit niyang pinipigilan. Hindi gumalaw si Eleanor hindi rin siya nag-atubili. Ang mga mata nito ay malamig walang kahit anong bakas ng pag-aalinlangan. Parang hindi niya anak ang kaharap niya parang isa lamang siyang bagay isang piraso ng kasunduan. “Akala mo ba matatakasan mo kami?” malamig na tanong ni Eleanor. “Akala mo ba may karapatan kang pumili?” Tumulo ang luha ni Seraphina hindi na niya kayang pigilan. Sa buong buhay niya, sinunod niya ang lahat. Tahimik siyang nagtiis tahi
Last Updated: 2026-07-02
Chapter: (CHAPTER 10) Laban Para Sa'yo
CAELUM’S POV Hindi ko na narinig ang sigaw ng mga bantay hindi ko na naramdaman ang bigat ng mga baril na nakatutok sa akin. Isa lang ang malinaw sa isip ko si Seraphina. Habang papalapit ako sa gitna ng bakuran, tila bumagal ang mundo. Lahat ng mata ay nakatutok sa akin ang mga tauhan, ang mga magulang niya, si Alaric. Pero wala akong pakialam dahil sa bawat hakbang ko, mas lalong lumilinaw sa akin. Hindi na ito basta pakikialam, hindi na ito basta awa, hindi ko siya kayang iwan. “Tumigil ka diyan!” Sigaw ng isang guwardiya habang itinutok ang baril sa akin. Hindi ako tumigil kung kailangan kong masaktan para makarating sa kanya, gagawin ko. Kung kailangan kong kalabanin ang buong pamilyang ito gagawin ko. “Caelum, stop!” sigaw ni Seraphina napahinto ako. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa kanya humakbang siya palapit, pero agad siyang hinawakan ni Eleanor sa braso. Napangiwi siya sa higpit ng hawak ng kanyang ina napakuyom ang kamao ko. “Bitawan mo siya,” madiin kong
Last Updated: 2026-07-01
Chapter: CHAPTER 9 (Broken Chains)
Seraphina's POV Habang nakatayo ako sa harap ng mga mata ng aking mga magulang, ang lahat ng nararamdaman ko ay takot at kalungkutan. Gusto kong magalit, gusto kong sumigaw at magsabi ng lahat ng hinagpis ko, pero ang mga tanaw ng aking ina at ama ay nagbigay sa akin ng matinding pangarap—isang pangarap na hindi ko matamo, isang pangarap na pinagkait sa akin. Hindi ko na alam kung anong pakiramdam ng may pamilya. Hindi ko na alam kung anong pakiramdam ng may nagmamahal nang totoo, nang hindi batay sa kanilang mga ambisyon o kapakinabangan. "Seraphina, wala kang magagawa," matigas na wika ng aking ina, Eleanor. "Ang buhay mo ay hindi para sa sarili mo. Para ito sa pamilya. Para sa amin." Tinutok ni Alaric ang tingin kay Caelum na ngayon ay nakatayo sa gitna ng bakuran ng Montefiore estate, puno ng galit at pagkabigo. Kitang-kita ko ang pagtulak ng galit sa katawan ni Caelum, ngunit alam ko—hindi niya ako matutulungan. May mga hadlang na hindi kayang tawirin. "Seraphina, you do
Last Updated: 2025-04-01
Chapter: CHAPTER 8 (ANG PANGAKO)
Caelum’s POV Mabilis kong minaneho ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na property na pagmamay-ari ng pamilya Villamor. Alam kong hindi basta-basta makakalapit sa kanila, pero wala akong pakialam. May kailangang malaman, may kailangang sagutin—at higit sa lahat, may kailangang iligtas. Seraphina. Hindi ko maipaliwanag, pero mula nang umalis siya nang walang paalam, hindi siya nawala sa isip ko. Hindi lang dahil sa gabing pinagsaluhan namin, kundi dahil sa paraan ng kanyang pagtakas. May kung anong hinahabol siya. O mas tama sigurong sabihing, may hinahabol sa kanya. At ngayon, matapos ang sinabi ni Senator Villamor sa akin, sigurado akong nasa panganib siya. Pagdating ko sa tapat ng estate ng Villamor, pinara ako ng mga guwardiyang armado ng baril. "Mr. Velasco," malamig na sabi ng isa. "Hindi ka inaasahan dito." Ngumiti ako nang bahagya. "Wala akong pakialam." "May appointment ka ba?" "Sabihin mo sa amo mo," madiin kong sagot, "na gusto kong makausap si Seraphina."
Last Updated: 2025-03-26
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status