LOGINSpain – isang tahimik na parke. Isang araw na dapat ay tulad ng iba, ngunit isang pamilyar na presensya ang yumanig sa mundo ko. "Mommy!" Napalingon ako sa sigaw ni Selene, mabilis na tumatakbo palapit sa akin. Kasunod niya si Cassian, mahigpit na nakahawak sa kamay ng isang matangkad na lalaki. Isang lalaki na hindi ko kailanman inakalang muli kong makikita. Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi maaari. Dahan-dahan siyang lumuhod, bahagyang tinatapik ang ulo ni Cassian bago bumaling sa akin. "They got lost," malamig ngunit malalim ang tono niya. "I figured their mother would be worried." Napalunok ako, hindi makapagsalita. Alam kong nakita niya. Alam kong ramdam niya. "You…" bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko. Ngunit bago pa ako makakilos, isang mas mabigat na presensya ang lumunod sa paligid. "Seraphina!" Napapitlag ako nang marinig ang boses ng taong matagal ko nang tinakasan. Si Daddy kasama si Mommy… at si Victor Alaric Vasquez. Malamig ang titig ni Daddy nang mapadako ang tingin niya sa kambal. "Who are these children?" malamig niyang tanong. Bago pa ako makasagot, isang malakas na tinig ang pumuno sa hangin. "They're mine." Napalingon ako sa kanya sa lalaking minsan ko lang nakilala ngunit ngayo'y handang ipaglaban ako.
View MoreSERAPHINA POV
No! I can't! "Seraphina, lower your voice!" matigas na utos ng aking ama, si Don Alejandro Montefiore, habang mariing nakatitig sa akin. Katabi niya si Mommy—si Estella Montefiore—ang babaeng lumuluha ngunit walang ginagawa para ipagtanggol ako. At sa harapan ko, si Victor Alaric Vasquez, ang lalaking ipinipilit nilang ipakasal sa akin. "Lower my voice? Hindi ako papayag sa kasal na 'to! Wala akong pake kung anong mangyayari sa kumpanya ninyo! Hindi ako laruan na pwede niyong ipamigay!" Naramdaman kong nanginginig ang buo kong katawan sa galit, sa takot, sa sakit. "Hija, this is for your own good," sabad ni Alaric, ang kanyang malamig na boses ay para bang binabaon ako sa hukay. "You will have a stable future with me. You will be secured." "Secured?!" Halos matawa ako sa pang-aalipusta. "I’m twenty-four! I have dreams, I have a life I want to live! At hindi kasama doon ang ikasal sa isang matandang kagaya mo!" Biglang tumayo si Daddy, ang kanyang presensya ay bumalot sa buong silid. "Seraphina Evangeline Montefiore! You will do as you're told! Hindi mo alam ang mga pinasok namin para mapanatili ang kapangyarihan ng pamilya natin." Humalakhak ako nang mapait, pilit hinahadlangan ang namumuong luha. "Pamilya natin? Ang pamilya ba ay nagsasakripisyo ng anak para sa pera? Ano ako para sa inyo? Laruan para ibenta, Mommy, Daddy?!" Napatigil si Mommy. Hindi niya ako matignan ng diretso. Sa halip, marahan niyang hinaplos ang kamay ni Daddy, na para bang sinasabing siya na ang sumagot. "Hindi mo nauunawaan ang bigat ng responsibilidad," malamig na tugon ni Daddy. "Ang Montefiore Corporation ay nasa bingit ng pagbagsak. Ang kasal mo kay Alaric ang tanging paraan para mailigtas ito." "So ibinibenta niyo ako?!" Muling lumakas ang boses ko. "My whole life, ginamit niyo ako para sa image ng pamilya natin! Para akong isang magandang painting na dapat lang tingnan, pero hindi kailanman magkaroon ng sariling desisyon!" Tumayo si Alaric, at lumapit sa akin, ang kanyang presensya ay nakakasakal. "Seraphina, it's not like that. Once we’re married, I will give you everything you want." Gusto kong sumigaw. Gusto kong itapon sa mukha niya ang iniinom kong champagne. Pero higit sa lahat, gusto kong tumakbo. Gusto kong lumayo sa impyernong ito. "Hindi ako isang bagay na pag-aari mo, Alaric," madiin kong sabi, pilit pinapanatili ang katiting na dignidad na natitira sa akin. "And I will never marry you. Kahit kailan." Biglang lumapit si Daddy sa akin at hinawakan ang braso ko nang mahigpit. Napapikit ako sa sakit. "You are my daughter! At gagawin mo ang dapat mong gawin bilang isang Montefiore!" "A daughter? Or a pawn?" Mapait akong tumawa habang tumutulo ang luha ko. "Sa buong buhay ko, hindi ko naramdaman na anak ako sa inyo. Ngayon lang kayo nagpakita ng interes sa akin—dahil kailangan ninyo akong ipamigay para sa kumpanya?" Isang matalim na sampal ang dumapo sa aking pisngi mula kay Mommy. Hindi ko alam kung anong mas masakit—ang hapdi sa balat ko o ang katotohanang nagawa niya iyon sa akin. "Huwag kang bastos, Seraphina!" nanginginig ang kanyang boses. "Hindi mo alam ang pinagdadaanan namin para lang mapanatili kang ligtas." "Ligtas? O nakakulong?" Napahagulgol na ako. Hindi ko na kayang panindigan ang tapang na pilit kong ipinapakita. Pakiramdam ko, unti-unting pinupunit ang kaluluwa ko sa bawat segundo na nandito ako. Wala silang ibang pakialam kundi ang pera, ang imahe, ang kumpanya. Hindi ang nararamdaman ko. Hindi ako. Humakbang ako paatras, umaasang may makikita akong daan palabas. Ngunit nakita ko ang mga bodyguards na nakabantay sa bawat sulok ng silid. Pinapaligiran na nila ako. Diyos ko. Ano ‘to? Kulungan? Napakapit ako sa dibdib ko, habol ang hininga. Hindi pwede ‘to. "You can’t do this to me," mahina kong bulong, ngunit ramdam ko ang desperasyon sa bawat salita. "I have a life. I have the right to choose." Ngunit tila wala silang narinig. Si Alaric ay kalmado pa rin, pero may bahid ng inis sa kanyang mga mata. "You will learn to love me, Seraphina. In time." Halos maduwal ako sa sinabi niya. "Kailanman, Alaric. Never." Wala nang ibang paraan. Kailangan kong tumakas. Mabilis akong tumalikod at kumaripas ng takbo palabas ng silid, lumulusot sa pagitan ng mga bodyguards. Narinig kong sumisigaw si Daddy, si Mommy, si Alaric—lahat sila, pilit akong pinipigilan. "Seraphina! Bumalik ka rito!" Pero hindi na ako lumingon. Hindi na ako nagdalawang-isip. Tatakbo ako. Tatakas. Sa kahit anong paraan, hindi ako magpapakulong sa buhay na hindi akin.THIRD PERSON POV Hindi na makahinga si Seraphina hindi dahil sa hawak na baril na nakatutok sa kanya. Kundi dahil sa katotohanang ang taong may hawak nito ay ang sarili niyang ina. Si Eleanor Montefiore ang babaeng dapat sana’y nagpoprotekta sa kanya. Ang babaeng dapat sana’y nagmamahal sa kanya. Pero ngayon, siya ang dahilan ng takot na bumabalot sa buong pagkatao niya. “Mom…” halos hindi marinig ang boses ni Seraphina. Nanlalabo ang kanyang paningin, hindi niya alam kung dahil sa luha o sa sakit na pilit niyang pinipigilan. Hindi gumalaw si Eleanor hindi rin siya nag-atubili. Ang mga mata nito ay malamig walang kahit anong bakas ng pag-aalinlangan. Parang hindi niya anak ang kaharap niya parang isa lamang siyang bagay isang piraso ng kasunduan. “Akala mo ba matatakasan mo kami?” malamig na tanong ni Eleanor. “Akala mo ba may karapatan kang pumili?” Tumulo ang luha ni Seraphina hindi na niya kayang pigilan. Sa buong buhay niya, sinunod niya ang lahat. Tahimik siyang nagtiis tahi
CAELUM’S POV Hindi ko na narinig ang sigaw ng mga bantay hindi ko na naramdaman ang bigat ng mga baril na nakatutok sa akin. Isa lang ang malinaw sa isip ko si Seraphina. Habang papalapit ako sa gitna ng bakuran, tila bumagal ang mundo. Lahat ng mata ay nakatutok sa akin ang mga tauhan, ang mga magulang niya, si Alaric. Pero wala akong pakialam dahil sa bawat hakbang ko, mas lalong lumilinaw sa akin. Hindi na ito basta pakikialam, hindi na ito basta awa, hindi ko siya kayang iwan. “Tumigil ka diyan!” Sigaw ng isang guwardiya habang itinutok ang baril sa akin. Hindi ako tumigil kung kailangan kong masaktan para makarating sa kanya, gagawin ko. Kung kailangan kong kalabanin ang buong pamilyang ito gagawin ko. “Caelum, stop!” sigaw ni Seraphina napahinto ako. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa kanya humakbang siya palapit, pero agad siyang hinawakan ni Eleanor sa braso. Napangiwi siya sa higpit ng hawak ng kanyang ina napakuyom ang kamao ko. “Bitawan mo siya,” madiin kong
Seraphina's POV Habang nakatayo ako sa harap ng mga mata ng aking mga magulang, ang lahat ng nararamdaman ko ay takot at kalungkutan. Gusto kong magalit, gusto kong sumigaw at magsabi ng lahat ng hinagpis ko, pero ang mga tanaw ng aking ina at ama ay nagbigay sa akin ng matinding pangarap—isang pangarap na hindi ko matamo, isang pangarap na pinagkait sa akin. Hindi ko na alam kung anong pakiramdam ng may pamilya. Hindi ko na alam kung anong pakiramdam ng may nagmamahal nang totoo, nang hindi batay sa kanilang mga ambisyon o kapakinabangan. "Seraphina, wala kang magagawa," matigas na wika ng aking ina, Eleanor. "Ang buhay mo ay hindi para sa sarili mo. Para ito sa pamilya. Para sa amin." Tinutok ni Alaric ang tingin kay Caelum na ngayon ay nakatayo sa gitna ng bakuran ng Montefiore estate, puno ng galit at pagkabigo. Kitang-kita ko ang pagtulak ng galit sa katawan ni Caelum, ngunit alam ko—hindi niya ako matutulungan. May mga hadlang na hindi kayang tawirin. "Seraphina, you do
Caelum’s POV Mabilis kong minaneho ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na property na pagmamay-ari ng pamilya Villamor. Alam kong hindi basta-basta makakalapit sa kanila, pero wala akong pakialam. May kailangang malaman, may kailangang sagutin—at higit sa lahat, may kailangang iligtas. Seraphina. Hindi ko maipaliwanag, pero mula nang umalis siya nang walang paalam, hindi siya nawala sa isip ko. Hindi lang dahil sa gabing pinagsaluhan namin, kundi dahil sa paraan ng kanyang pagtakas. May kung anong hinahabol siya. O mas tama sigurong sabihing, may hinahabol sa kanya. At ngayon, matapos ang sinabi ni Senator Villamor sa akin, sigurado akong nasa panganib siya. Pagdating ko sa tapat ng estate ng Villamor, pinara ako ng mga guwardiyang armado ng baril. "Mr. Velasco," malamig na sabi ng isa. "Hindi ka inaasahan dito." Ngumiti ako nang bahagya. "Wala akong pakialam." "May appointment ka ba?" "Sabihin mo sa amo mo," madiin kong sagot, "na gusto kong makausap si Seraphina."
Seraphina’s POV Matapos akong ikulong sa silid, nanatili akong nakatulala sa kawalan. Namamanhid pa rin ang pisngi ko mula sa malakas na sampal ni Mommy, pero mas matindi ang hapdi sa loob ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sinaktan—pisikal, emosyonal—pero hindi ako kailanman nasanay.
Caelum’s POV Naalimpungatan ako nang maramdaman kong wala na ang babae sa tabi ko. Mabilis kong nilibot ng tingin ang kwarto, ngunit ang tanging naiwan lamang niya ay ang bakas ng presensya niya—at ang dugo sa comforter na bahagyang nahawi ko habang bumabangon. Napangiti ako. Ako ang una niyang
Seraphina's POVNaalimpungatan ako sa sinag ng araw na dumadampi sa aking balat. Masakit ang buong katawan ko, dulot ng gabi ng matinding pagnanasa at pagkalimot sa mundo. Bumaling ako sa tabi at nakita siyang mahimbing pa ring natutulog—si Caelum Darius Velasco. Ang lalaking sumagip sa akin mula s
Third Person POV Hatinggabi na, pero hindi pa rin humuhupa ang init sa loob ng hotel room. Sa pagitan ng malalim na paghinga at mahihinang ungol, muling bumalot ang kanilang katawan sa isa’t isa—wala nang distansyang namamagitan, wala nang hadlang sa pagitan ng kanilang mga balat. Nakahawak si Ca

![Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore