author-banner
Bookie
Bookie
Author

Novelas de Bookie

Owned By The Playboy CEO(Sebastian Castillo)

Owned By The Playboy CEO(Sebastian Castillo)

Book 1 of The Playboy Series – Sebastian Castillo’s Story Althea Velasquez only wanted one thing—makalimot. Isang gabi sa bar kasama ang barkada para ibuhos ang sakit matapos siyang ipagpalit ng kanyang boyfriend. Pero hindi niya inasahan na doon niya makakasalubong ang lalaking magbabago ng lahat. Sebastian “Bash” Castillo. Gwapo. Mayaman. Playboy CEO na kinababaliwan ng mga babae—at kinaiinisan ng mga magulang. Isang gabi lang sana ang meron sila… isang sayaw, isang halik, at isang mainit na gabing hindi niya malilimutan. Pero paano kung paggising niya kinabukasan, ang lalaking iyon pala ang magiging boss niya sa internship na kailangan para makapasa? Now trapped between her career and her heart, Althea must face the ruthless playboy who suddenly wants more than just one night. At si Bash? Sanay siyang makuha ang gusto niya. At sa unang pagkakataon… ang gusto niya ay ang intern na pilit siyang tinatanggihan. Forbidden attraction Office tension. Family drama and scandals. Isang tanong na lang ang natitira: Kaya ba niyang mahalin ang isang lalaking pagmamay-ari na ng buong mundo—kung ang gusto naman nito ay siya lang?
Leer
Chapter: Chapter 13
Alas-siyete na ng gabi ngunit ang Archives Section ng CIU Central Library ay nananatili pa ring tahimik. Patay na ang karamihan sa mga naglalakihang ilaw sa unahan, at tanging ang maliit na desk lamp sa lamesa nina Seth at Avery ang nagbibigay ng madilaw na liwanag sa kanilang pinaliligirang mundo ng mga libro. Malamig ang aircon, at halos mapuno na ng mga tech jargon at medical statistics ang screen ng kanilang mga laptop. ​Si Avery ay bahagyang napasandal sa upuan, hinahaplos ang kanyang batok dahil sa matinding pagod. Ang kanyang puting Nursing uniform ay bahagyang may kaunting lukot na, ngunit ang kanyang focus ay nananatili pa ring matalas. ​Subalit ang katahimikan sa kanilang lamesa ay kanina pa nabubulabog ng isang bagay—ang cellphone ni Seth. ​Nakatobang paitaas ang screen ng mamahaling iPhone ni Seth sa tabi ng notebook nito. Kanina pa ito walang tigil sa pag-vibrate. Ang screen ay sunod-sunod na nagliliwanag dahil sa mga notifications mula sa kanilang exclusive Group Chat
Última actualización: 2026-06-29
Chapter: Chapter 12
Pagkatapos na pagkatapos ng seminar, halos gumuho ang sementadong daanan sa labas ng auditorium sa lakas ng tawanan ng anim na playboys habang nakasunod kay Seth. Si Seth naman ay naglalakad nang tuwid, bitbit ang kanyang bag sa isang balikat, ngunit may hindi matanggal-tanggal na pilyong ngisi sa kanyang mga labi. ​"Putsa, seryoso talaga, Seth Axel! Synthesis report mula kay Dr. Henson?" humahalakhak na asar ni Dwayne Alcantara habang hinahabol ang hakbang ng Senior Racer. "Fifty percent ng grade niyo sa seminar! At ang pinakamalupit, kayong dalawa lang ni Miss Phantom ang magkasama sa buong linggo!" ​"Hahaha! Kuya Seth, congratulations! Naka-score ka rin ng one-on-one time nang walang kahati!" sigaw ni Kian Kyler na panay ang sundot sa tagiliran ni Seth gamit ang kanyang siko. "Sabi sa inyo, effective ang kamandag ni Dr. Henson para sa love life nitong isa, eh!" ​"Anong love life?" seryosong sumingit si Ryker Blake Monteverde habang umiiling. "Ang tawag doon, academic death sente
Última actualización: 2026-06-29
Chapter: Chapter 11
Ang malawak na CIU Main Auditorium ay kasalukuyang napupuno ng daan-daang estudyante mula sa College of Business Management at College of Health Sciences. Ang malamig na aircon at ang mahinang bulungan ng mga estudyante ay nagbibigay ng pormal na atmospera para sa gaganaping Joint Seminar on Healthcare Entrepreneurship. ​Ngunit ang pormalidad na iyon ay agad na nayanig nang sabay-sabay na pumasok ang pitong playboys sa likurang bahagi ng auditorium. ​“Shh! Nandiyan na sila!” “Ang guwapo pa rin ni Asher kahit halatang inaantok!” “Swerte ng mga taga-Nursing ngayon, kasama natin sila sa seminar!” ​Binalewala ng pito ang mga bulungan habang pababa sila sa baitang ng stadium-style seating ng auditorium. Nangunguna si Duke Monteverde na seryosong nakikipag-usap sa isang student council staff, habang si Dwayne Alcantara naman ay panay ang ngiti sa mga Nursing students na nadadaanan nila. ​Ngunit si Seth Axel Castillo ay may ibang hinahanap. Ang kanyang kulay abong mga mata ay mabi
Última actualización: 2026-06-20
Chapter: Chapter 10
Kinaumagahan, tila ba nagkaroon ng sariling bawas sa enerhiya ang mukha ni Seth Axel Castillo habang naglalakad sa malawak na quadrangle ng Castillo International University. Kahit suot ang kanyang plantsado at mamahaling uniform ng unibersidad, halatang-halata ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata. Puyat mula sa paghihintay kay Avery sa studio, puyat sa biyahe, at mas lalong puyat dahil sa magkasunod na sermon nina Daddy Bash at Mommy Althea kagabi. ​Ngunit ang anim niyang kaibigan na kasabay niyang naglalakad ay walang pakialam kung mukha siyang binuhay na bangkay. Sa katunayan, ito ang pinakapaboritong oras ng squad—ang oras ng walang awang pang-aasar. ​"Oh, nasaan ang makapangyarihang King of the Road?" panimula ni Dwayne Alcantara, na may bitbit pang hawak na mamahaling kape habang pilyong nakatitig sa mukha ni Seth. "Mga pare, tingnan niyo ang mukha ng Senior natin. Mukhang hindi lang na-flat-an ng gulong, mukhang tinakbuhan pa ng kaluluwa." ​"Hahaha! Grabe ka, Kuya Dwayne,"
Última actualización: 2026-06-20
Chapter: Chapter 9
Nakalubog pa rin ang mukha ni Seth Axel sa malambot na unan ng sofa habang ang pilyong ngisi ay nananatili sa kanyang mga labi. Sa kabila ng mabigat na banta ng kanyang ama na itapon siya sa Mindanao, tila ba mas matimbang pa rin sa isip niya ang mukha at ang banayad na amoy ng baby powder ni Avery habang natutulog ito sa tabi niya kanina. Para sa kanya, ang bawat banta at hirap ay tila ba bahagi lang ng isang exciting na karera na kailangan niyang panalunan. ​"Nakangisi ka pa dinala ng kalokohan mo, Seth Axel. Akala mo ba ay hindi ko alam ang mga ginagawa mo?" ​Ang banayad ngunit puno ng awtoridad na boses na iyon mula sa dilim ng pasilyo ang naging dahilan upang biglang mapabalikwas ng upo si Seth. Ang kanyang kulay abong mga mata ay napatingin sa unahan, at doon ay nakita niya ang kanyang ina. ​Si Althea Castillo. Ang kaisa-isang babaeng nakapagpaamo sa mailap at mapanganib na si Sebastian "Bash" Castillo. Kahit madaling araw na at nakasuot lang ito ng isang simpleng silk robe
Última actualización: 2026-06-19
Chapter: Chapter 8
Alas-tres na ng madaling araw nang dahan-dahang pumasok ang Matte Black McLaren 720S sa dambuhalang bakal na gate ng Castillo Mansion sa Forbes Park. Pinatay agad ni Seth Axel ang headlights ng kanyang sasakyan bago pa man ito tuluyang pumasok sa malawak na garahe, pilit na iniiwasan ang ingay upang hindi magising ang buong kabahayan. ​Matapos i-lock ang sasakyan, dahan-dahang siyang naglakad patungo sa side entrance ng mansyon. Bitbit ang kanyang black leather jacket sa isang balikat at ang susi na pilyong pinapaikot sa kanyang daliri, may kaunting ngiti pa rin sa kanyang mga labi. Hanggang ngayon, tila ba sariwa pa rin sa kanyang isip ang amoy ng baby powder at ang banayad na profile ni Avery habang natutulog sa kanyang tabi kanina sa BGC. ​Subalit ang lahat ng antok at pilyong ngiti ni Seth ay biglang naglaho nang buksan niya ang dambuhalang pintuan patungo sa main living room. ​Bukas ang naglalakihang chandelier sa kisame, nagbibigay ng gintong liwanag sa marangyang sala. At sa
Última actualización: 2026-06-19
The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

Pinilit ikasal si Alyssa Ramirez kay Liam Navarro - ang cold at walang pusong heir ng isang makapangyarihang pamilya. Para sa kanya, isa lang siyang kontrata. Para kay Liam, isa lang siyang sakripisyo. Pero nang mabasag ang puso niya at makita ang pagtataksil ng asawa, naglaho rin ang Alyssang mahina at sunud-sunuran. Umalis siya, dala ang pinakamatinding sikreto na kayang baguhin ang lahat: ang tatlong anak ni Liam - ang triplets na hindi nito alam. Pagbalik niya, hindi na siya ang babaeng minamaliit. Siya na ang reyna sa likod ng VÉRAISE - isang luxury empire na magpapabagsak sa mga taong sumira sa kanya. Handa siyang ipaglaban ang korona, ang mga anak niya, at ang dignidad na inagaw sa kanya noon. Ngunit sa muling pagtama ng mga mata nila ni Liam, isang mas mabigat na laban ang nakahanda: hindi lang para sa paghihiganti... kundi para sa pamilya at pag-ibig na pinilit nilang sirain pero itinadhana palang buuin muli
Leer
Chapter: Special Chapter: Our little Forever
Sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng kaguluhan, nakahanap ng katahimikan sina Alyssa at Liam. Nasa isang private villa sila malapit sa dagat — malayo sa mga flash ng camera, sa mga intriga, at sa anino ng nakaraan. Ang tanging naririnig ay ang hampas ng alon at huni ng mga kuliglig sa gabi. Nakaupo si Alyssa sa veranda, nakatanaw sa dagat. Suot niya ang simpleng puting dress na magaan at kumakapit sa hangin. May hawak siyang baso ng juice, pero ang atensyon niya ay nasa mga bituin na kumikislap sa kalangitan. Lumapit si Liam, bitbit ang tray na may dalawang plato. Tahimik siyang umupo sa tabi ni Alyssa at marahang inilapag ang pagkain sa mesa. “Dinner’s ready,” mahina niyang sabi, halos pabulong lang. Napatingin si Alyssa. May maliit na ngiti sa labi niya. “Ikaw nagluto?” Umiling si Liam, pero bahagyang natawa. “Kung ako, baka instant noodles lang ‘to. Pero gusto kong ako ang mag-serve. Tonight, no assistants, no maids, no board meetings. Just us.” Umupo silang magkatapat, p
Última actualización: 2025-09-15
Chapter: Epilogue
Tahimik ang gabi sa Navarro mansion, malamig ang simoy ng hangin habang naglalaro ang mga bata sa hardin. Nagtatakbuhan sina Sky, Snow, at Callum habang may hawak na maliliit na ilaw, para silang mga alitaptap na nagkalat sa dilim. Ang kanilang halakhak ay umaalingawngaw sa buong paligid, puno ng saya at walang bakas ng mga bagyong dinaanan. Sa veranda, magkatabing nakaupo sina Liam at Alyssa. Nakaupo si Alyssa, nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Liam, habang parehong pinagmamasdan ang tatlong munting nilalang na tila naging pinakamatibay nilang sandigan. Sa katahimikan ng gabing iyon, para bang unti-unting nabubura ang lahat ng sakit at takot na nagdaan. Hindi nagsasalita si Liam sa simula, tila ninanamnam ang bawat eksena sa harap niya. Pero maya-maya'y bumuntong-hininga siya, saka maingat na inilabas mula sa bulsa ng kanyang coat ang isang maliit na kahon. Naramdaman iyon ni Alyssa kaya napalingon siya. Nakita niya ang kahon sa mga daliri ni Liam, at saglit siyang natigilan. H
Última actualización: 2025-09-15
Chapter: Chapter 130
Madaling araw. Sa corridor ng ospital, tahimik na naglalakad si Alyssa, suot ang simpleng coat at nakapusod ang buhok. Halos maputla ang kanyang mukha sa pagod at stress, ngunit bakas pa rin ang matatag na anyo na kinapitan niya nitong mga nagdaang linggo.Pagbukas ng pinto ng silid, bumungad sa kanya si Liam - nakahiga, nakapikit, ngunit gising. May benda sa dibdib, may sugat pa rin sa braso, pero buhay. Buhay, at nakatingin sa kanya."Liam..." mahina niyang tawag.Ngumiti ito, maputla ngunit totoo."You came back."Lumapit siya, marahang umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang kanyang kamay. Noon pa lang, doon bumigay ang matagal niyang pinipigil na luha."Do you have any idea..." boses ni Alyssa nanginginig, "how close I was to losing you? How close our children were to growing up without their father?"Pinikit ni Liam ang mga mata, nangingilid ang luha."I know... and I'm sorry, Alyssa. For everything. For failing you, for doubting you, for making you fight battles alone."Tumigil
Última actualización: 2025-09-15
Chapter: Chapter 129
Tumigil ang paligid nang pumasok si Markus sa dim-lit backstage. Ang yabag ng kanyang leather shoes ay umalingawngaw sa sementong sahig, bawat hakbang parang pasakalye ng isang halimaw na handang manghuli ng biktima. Si Alyssa, nakatayo sa gitna, hindi gumalaw. Walang takot na ipinakita. Nakatagilid ang mukha, diretso ang titig sa lalaking ilang beses nang sinubukang gibain ang buhay nila. "Alyssa Ramirez," malamig na sambit ni Markus, bahagyang nakangisi. "The queen herself... standing here alone. Hindi ko akalain you'd make it this easy." Humakbang siya palapit, mabagal, para bang inaantala ang oras para lalo itong maramdaman. Sa bulsa ng coat, naramdaman ni Alyssa ang bahagyang vibration ng comm device. Dahan-dahan niya itong pinisil, at mula roon dumaan ang mahinang boses ni Luca, halos pabulong. "Alyssa... buy us time. We're almost there." Bahagyang napapikit si Alyssa, huminga nang malalim, at sa pagbukas ng kanyang mga mata, wala na ang alinlangan. Markus, ngayo'y dalawan
Última actualización: 2025-09-15
Chapter: Chapter 128
Lumakas ang palitan ng putok, umuusok ang paligid mula sa mga granada ni Ethan. Nakayuko si Darren, pinoprotektahan ang gilid ni Luca habang mabilis silang sumusulong. “East side secured!” sigaw ni Ethan, pawis na pawis pero buo ang focus. “Keep pushing forward! Markus is inside that control room!” Si Luca naman, mahigpit ang hawak sa baril habang nagmamando. “Walang lalabas dito. Trap him. This ends tonight.” Biglang bumuhay ang speaker system, at isang pamilyar na tinig ang umalingawngaw. “You really came for me? How predictable. But that’s exactly what I wanted.” Nangibabaw ang tawa ni Markus, malalim at puno ng yabang. Samantala, hawak ni Alyssa ang earpiece habang pinapakinggan ang update. Narinig niya rin ang tinig ng kalaban sa background. Humigpit ang kapit niya sa lamesa. “If he wants me so badly… then I’ll give him every reason to come out.” Kalmado siyang huminga, saka ngumiti ng mapait. Markus thinks he’s leading the game. But tonight, I’m the bait that ends him.
Última actualización: 2025-09-13
Chapter: Chapter 127
Sa loob ng HQ, nakalatag ang mapa ng Port Sagrado. Nakayuko si Luca, nakatitig sa mga red pins na naka-mark sa mga ruta. Si Darren at Ethan ay nasa tabi niya, parehong seryoso ang ekspresyon. “Markus won’t make this easy,” ani Darren, inilatag ang intel file. “The port is heavily guarded, and if our guess is right, he’s already preparing an exit strategy.” Nagtaas ng tingin si Luca, malamig ang boses. “Then we cut off every exit. No loose ends. This time, he doesn’t leave alive.” Tumango si Ethan, pero mahigpit ang pagkakahawak sa armas. “Pero kailangan nating maging maingat. If he slips through us… he’ll go after Liam. Or Alyssa.” Samantala, sa ospital, nakaupo si Alyssa sa gilid ng kama ni Liam. Nakapikit ito, mahina pa rin, ngunit mas malinaw na ang paghinga. Habang pinagmamasdan siya, mahigpit na hinawakan ni Alyssa ang kanyang tablet. Sa screen, nakabukas ang draft ng kanyang comeback collection: bold designs, strong silhouettes, parang manifesto ng isang babaeng hindi kail
Última actualización: 2025-09-12
Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)

Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)

Matapos ang balitang sumuko na sa pag-ibig ang kilalang playboy na si Sebastian Castillo, ang akala ng lahat ay wala nang makakatibag sa "malamig na pader" ni Dr. Jace Villareal. Si Jace ang pinakamatalino, pinaka-arogante, at ang tanging miyembro ng The Quad na walang puso. Para sa kanya, ang emosyon ay parang isang sakit na dapat i-opera para tuluyang mawala. ​Hanggang sa makilala niya si Zoe Mondragon. ​Si Zoe ay ang "Nation’s Sweetheart"—isang sikat na aktres na sanay sumunod sa script. Pero sa isang gabi ng mapusok at hindi inaasahang pagtatagpo, ang script ng buhay niya ay tuluyang nagbago. Isang gabi lang ang kailangan ni Jace para ituring si Zoe na isang "mistake" sa kanyang perpektong buhay. Kaya naman bago pa siya itaboy ng hambog na doktor, pinili ni Zoe na maglaho nang parang bula. ​Apat na buwan ang lumipas. Isang positibong pregnancy test ang magpipilit kay Zoe na bumalik sa mundong pilit niyang tinalikuran. ​Ngayon, kailangang harapin ni Zoe ang malamig at mapanghusgang mga mata ni Jace. Mapipilitan siyang manatili sa loob ng "golden cage" sa penthouse ng doktor—isang high-risk pregnancy sa ilalim ng pagbabantay ng lalaking ayaw siyang mahalin. ​Ito ay isang kwento ng mga nakatagong sugat, mga sikretong anak, at isang surgeon na malapit nang matuklasan na ang pinakamalaking "pagkakamali" niya ang tanging bagay na hindi niya kayang bitawan.
Leer
Chapter: Chapter 53
Tahimik na umuusad ang Rolls-Royce Phantom sa ilalim ng mga ilaw ng kalsada. Ang amoy ng mamahaling leather at ang banayad na aircon ay hindi sapat para pawiin ang matinding tensyon na namumuo sa loob ng sasakyan. ​Si Zoe ay nakasandal sa passenger seat, ang kanyang dalawang kamay ay nakahawak sa kanyang ulo, at ang kanyang dibdib ay mabilis na tumataas-baba dahil sa matinding shock. Hindi pa rin magproseso sa utak niya ang senaryo kanina. Sa harap ng direktor, ng mga crew, at higit sa lahat, sa harap ni Ethan—tinawag ni Jace ang leading man na asong ulol habang umaawra ng parang isang hari. ​"Nababaliw ka na ba talaga, Jace?!" sa wakas ay sumabog na si Zoe, lumarap siya sa doktor na kasalukuyang prenteng nagmamaneho gamit ang isang kamay. "Bakit mo ginawa 'yun sa harap ng lahat?! Walang bodyguard, walang tago-tago, at may pa-Rolls-Royce ka pang nalalaman!" ​Bahagyang sumulyap si Jace sa kanya, ang isang kilay ay nakataas bago ibinalik ang tingin sa kalsada. "Ginawa ko lang ang s
Última actualización: 2026-06-18
Chapter: Chapter 52
Eksaktong alas-siyete ng gabi nang ideklara ng direktor ang huling "Pack up!" para sa araw na iyon. Ang buong cast at crew ng Astrid-Luxe Productions ay nagsimula nang mag-ayos ng kanilang mga gamit sa main entrance ng studio. ​Kasabay ni Zoe si Ethan na naglalakad palabas, habang si Maya naman ay may kausap sa di-kalayuan. Bakas sa mukha ni Ethan ang labis na kuryosidad habang pasulyap-sulyap kay Zoe, na tila naghihintay pa rin ng sagot sa mga tanong niya kanina sa tent. ​Subalit ang lahat ng bulungan at ingay sa set ay biglang naputol nang isang malalim at marangyang ugong ng makina ang umalingawngaw sa labas ng main gate. ​Dahan-dahang pumasok at pumarada sa mismong tapat ng red carpet entrance ang isang nakasisilaw at naglalakihang Rolls-Royce Phantom. Ang makintab nitong charcoal-black na pintura ay sumalamin sa mga ilaw ng studio, nagbibigay ng isang awra ng karangyaan na tanging ang pinakamayayaman lang sa bansa ang kayang magmay-ari. ​"S-Sino 'yan?" mahinang bulong ng dire
Última actualización: 2026-06-18
Chapter: Chapter 51
Sa loob ng chief of surgery office, katatapos lang mag-round ni Jace sa kanyang mga huling pasyente. Nakaupo siya sa kanyang desk, nakasandal, at kasalukuyang binabasa ang text message na kadarating lang mula kay Zoe. ​“Jace, mag-ingat ka mamaya sa pagpunta rito. Halos alam na ng buong set ang tungkol sa sundo kagabi. Nagtatanong na rin si Ethan tungkol sa'yo. Huwag kang gagawa ng kahit anong eksena, kundi patay ka sa akin.” ​Napatitig si Jace sa pangalan ni Ethan sa mensahe. Ang pamilyar na kislap ng selos at ang pagiging control freak ay muling gumising sa kanyang sistema. Ngunit sa pagkakataong ito, walang bakas ng galit sa kanyang mukha. Sa halip, isang mababa, mapanganib, at napakagwapong ngisi ang dahan-dahang sumilay sa mga labi ng doktor. ​Dahan-dahan niyang inikot ang kanyang mamahaling panulat sa pagitan ng kanyang mga daliri. ​Nagtatanong na si Ethan? sa loob-loob ni Jace. Mas mabuti. ​Sa isip ni Jace, ang babala ni Zoe ay hindi isang pigil, kundi isang imbitasyon para
Última actualización: 2026-06-18
Chapter: Chapter 50
Sa loob ng tent na nagsisilbing standby area ni Zoe sa set ng Astrid-Luxe Productions, hawak niya ang kanyang phone habang hinihintay na matapos ang pag-aayos ng susunod na set-up para sa gabi. Nang mabasa niya ang text message ni Jace, hindi niya napigilan ang marahang pagpapakawala ng isang tipid ngunit napakatamis na ngiti. ​“Sinasabi nilang may misteryosong bilyonaryo na nagnakaw sa'yo kagabi. Handa ka na bang magpanakaw ulit sa akin mamayang gabi, o kailangan ko pang magdala ng 500 rosas naman?” ​Napailing si Zoe. Sial, napakayabang talaga ng doktor na 'to, sa loob-loob niya. Pero kaagad ding nagwawala ang kanyang puso sa kilig. Ang imahe ni Jace kagabi na nakasandal sa SUV, suot ang black turtleneck, at hirap na hirap bitbitin ang tatlong daang rosas ay tila permanenteng nakatatak na sa utak niya. ​Mabilis na nag-type ng reply si Zoe. ​[To: Monster Doctor] "Sobrang yabang mo, Dr. Villareal. Isang gabi ka pa lang nanliligaw, akala mo naman sinagot na kita. At huwag ka ng
Última actualización: 2026-06-13
Chapter: Chapter 49
Alas-tres na ng hapon. Katatapos lang ni Jace sa isang mahabang craniotomy surgery sa ospital. Habang naglalakad siya pabalik sa kanyang pribadong opisina habang tinatanggal ang kanyang surgical mask at guwantes, sunod-sunod na panginginig ng kanyang phone ang bumasag sa katahimikan ng pasilyo. ​Bzzzz. Bzzzz. Bzzzz. ​Kunot-noong kinuha ni Jace ang kanyang phone mula sa bulsa ng kanyang puting doctor's coat. Pagkabukas niya, bumalandra ang mahigit limampung unread messages mula sa kanilang eksklusibong GC ng The Monsters. ​[GROUP CHAT: THE MONSTERS] ​Dylan Alcantara: "HUUUY!!! @everyone GISING MGA GAGO!!! MAY MALAKING BALITA!!!" ​Dylan Alcantara: [Sent a Link: PEP.ph - Blind Item: Sikat na Aktres ng Astrid-Luxe Productions, palihim na sinundo ng isang misteryosong bilyonaryo sa madilim na loading dock ng studio gamit ang isang black luxury SUV!] ​Dylan Alcantara: "Gago, si Zoe Mondragon ito! Sigurado ako! Kilala ko ang layout ng studio na 'yan! Sino ang lalaking 'to?! May umagaw
Última actualización: 2026-06-13
Chapter: Chapter 48
Ang sikat ng araw na sumisilip sa pagitan ng mga mamahaling kurtina ng master bedroom ay nagbigay ng banayad na liwanag sa natutulog na mukha ni Zoe. Mahimbing pa rin ang kanyang tulog, dala na rin ng pagod mula sa mahabang shooting kahapon at sa matinding emosyon ng gabi kung saan pormal na humingi ng pahintulot si Jace na ligawan siya. ​Dahan-dahang nagmulat ng mata si Zoe nang makaramdam siya ng bahagyang paggalaw sa gilid ng kanyang kama. ​Ngunit bago pa man lubusang luminaw ang kanyang paningin, isang pamilyar at napakabonggang amoy ng bagong lutong waffles, bacon, at sariwang prutas ang agad na sumalubong sa kanyang pang-amoy. May nakalagay na isang engrandeng breakfast-in-bed tray sa gilid ng kanyang kama—punong-puno ng paborito niyang almusal na may kasamang isang baso ng sariwang orange juice at isang pirasong pulang rosas. ​Ngunit ang mas nakakuha ng kanyang buong atensyon ay ang lalaking nakaupo sa gilid ng kama. ​Si Jace. Suot ang kanyang pambahay na kulay grey na silk
Última actualización: 2026-06-13
También te puede gustar
THE BEST MISTAKE
THE BEST MISTAKE
Romance · Yeiron Jee
1.7M vistas
Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman
Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman
Romance · Sixteenth Child
1.7M vistas
Contract and Marriage
Contract and Marriage
Romance · MysterRyght
1.7M vistas
His Secret Child (Tagalog)
His Secret Child (Tagalog)
Romance · Seera Mei
1.5M vistas
My Mysterious Wife
My Mysterious Wife
Romance · Darkshin0415
1.4M vistas
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status