LOGIN"Sa tingin mo mamahalin kita? Hinding-hindi kita magawang mahalin Anna, kaya 'wag mo ng ituloy pa ang pagpapakasal saakin!!" "Alam kung matutunan mo rin akong mahalin Dylan, kaya pakiusap.. Pakasalan mo ako.." "Hinding-hindi kita mamahalin isinusumpa ko!" -Dylan "Nagustuhan mo ba?" Hindi ako pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko sa kanya, bakit bigla nalang siyang nag-iba? Bakit gumaganda siya sa paningin ko? At bakit.... Bakit Minahal ko siya? Siya ba talaga ang asawa ko?- DYLAN
View MoreC1
3RD POV “Dad! Ayoko pong magpakasal sa kanya!” Iyak na wika ni Anna sa kanyang ama. Hindi niya kasi inakala na basta nalang itong mag-desisyon na ipakasal siya sa anak ng kaibigan nito na si Dylan. Hindi naman maipagkakaila ng dalaga na may gusto siya sa binata, pero alam niya kasi na may girlfriend ito at mahal na mahal ito ni Dylan. “Ang pinaka-ayaw kung marinig Anna ay ang tanggihan mo ako sa lahat ng gusto ko! Alam mong si Dylan lang ang makaka-salba sa negosyo natin na palubog na!” “Pero Dad!” “Tumigil ka na Anna! Dapat kang sumunod sa iyong ama! Alam mo kung gaano siya nagsikap, para sa kumpanya natin, tapos hindi mo pa siya magawang pagbigyan?” “Paano ko siya pagbigyan Tita? Alam mo naman na masyado pa akong Bata. Isa ka, kaka-graduate ko lang.” “Wala kaming paki-alam! Basta ang gusto namin ang sundin mo.” Napa-upo si Anna, matapos niyang marinig ang sinabi ng stepmother niya. “Dad…” Mahina niyang sambit sa kanyang ama at hinawakan ang braso nito. “Kung gusto mo pang manatili rito, sumunod ka.” Wika ng kanyang ama, habang humagulgol ng iyak ang dalaga. Alam niyang kahit ano ang gagawin niya ay hindi pa rin makikinig ang kanyang ama sa kanya. Wala rin siyang choice kundi ang sundin ito, dahil ayawn niyang mapalayas. Bukod kasi sa kanyang ama, ay wala na siyang alam na kapamilya nila. Tuwang-tuwa na sinalubong ni Max at Fely si Sandro at Kim. Napatingin naman sa likod si Max, nang hindi niya makita si Dylan. “Tuloy kayo, Kumpadre.” Ngiting wika ni Max, habang giniya sa dining area ang mag-asawa. “Si Dylan?” Tanong ni Fely matapos maka-upo ng kanilang mga bisita. “Nasa labas, ‘wag kayong mag-alala, susunod din ‘yon.” Wika ni Sandro at tinungga ang baso ng wine na binigay sa kanya ng katulong. “Ito na ba si Anna?” Ngiting tanong ni Kim, habang napatingin sa dalaga. Dali-dali naman na lumapit si Fely kay Anna at hinahaplos ang mahaba at itim nitong buhok. “Oo, ‘di ba Kumare, ang ganda ng anak ko?” Matipid na ngumiti si Anna, habang malawak na ngumiti sa kanya si Kim. “Sorry I’m late.” Nakatuon ang atensyon nila sa pagpasok ni Dylan. Kahit si Anna, ay hindi nito napigilan ang kanyang sarili na mapatitig sa binata, dahil sa angking nitong kakisigan at kagwapuhan. “Umupo ka Hijo.” Wika ni Fely. Napakunot naman ang noon ni Anna, dahil sa ginawa ng Tita niya, pwede naman sana na ang katulong nila ang gumawa nito. “Kailan ang kanilang kasal?” Ngiting wika ni Fely, kaya napatingin sa kanya si Anna. Pero nilakihan lang nito ang kanyang mga mata, kaya mabilis na nagyuko ang dalaga. “Kung kailan niyo gusto, alam niyo naman na walang problema ‘yon sa amin. Isa pa, nakahanda na rin ang anak namin para sa kasal nila ni Anna.” Napatingin si Anna kay Dylan at alam niya na napilitan lang ito. “Kahit sa judge nalang kami magpakasal Dad, ayos na ‘yon sa amin, ‘di ba Anna?” Ngiting wika nito habang mabilis na tumango sa kanya si Anna. Gustuhin man sana ng dalaga na sa simbahan sila magpakasal, ay Wala itong magawa kundi ang maging sunod-sunuran lang sa binata. Matapos ang dinner nila ay niyaya ni Dylan si Anna sa labas. Ayaw sana ni Anna na makipag-usap kay Dylan, dahil alam niya na galit ito sa kanya, pero ang Tita Fely na niya mismo ang nagtulak sa kanya palabas. “Ito ba talaga ang gusto mo?” Mabilis na nagyuko si Anna sa kanyang ulo dahil ayaw nitong tingnan ang galit na mukha ni Dylan. “Alam mong hindi kita mahal!” Sigaw nito, kaya napapitlag ang dalaga. “W-wala akong magagawa… Kailangan kung sumunod sa kanila..” Nanginginig ang boses nito at pinipigilan ang mapa-iyak. “Walang magawa? ‘Wag mo na ngang bilugin ang ulo ko! Alam ko na gusto mo rin na maikasal sa akin!” Sigaw muli ni Dylan habang naka-pamewang ito sa harapan ni Anna. “Bakit hindi nalang ika-.” Natigilan si Anna at muling napapitlag dahil sa muling pag-sigaw ni Dylan sa kanya. “Sa tingin mo ba kaya ko ‘yon?” “Bakit hindi mo kaya? Ikaw naman ang lalaki rito?” “Damn it!! Hindi ko ‘yon magagawa dahil mawawalan ako ng mana, kung hindi ako susunod sa kanila.” Napayuko si Anna, dahil kahit siya, ay walang magawa para pigilan ang kasal nila. “Ayos lang ba kayong dalawa r’yan?” Gulat na napatingin si Dylan ng makita si Fely na papalapit sa kanila. “A-ayos lang kami Tita, ‘wag po kayong mag-alala.” Ngiting wika ni Anna, habang mabilis silang iniwan ni Dylan. “Anong sinabi nun sa ‘yo?” Tanong ni Felya, habang napatingin si Anna kay Dylan na papalayo sa kanila. “W-wala naman Tita, tinatanong niya lang ako sa mga bagay na gusto ko.” Pagsisinungaling ni Anna sa kanya. Malawak naman na napangiti si Fely dahil sa kanyang narinig mula kay Anna. “Siguraduhin mong mapasa ‘yo ang kayamanan niya.” Gulat na napatingin si Anna kay Fely, habang inayos nito ang kanyang buhok. KINABUKASAN ay ikinasal si Anna at Dylan. Wala naman na ibang dumalo kundi pamilya lang nila, dahil ayaw ni Dylan na may ibang makaka-alam sa kasal nila ni Anna. Ayaw din ni Dylan na malaman ng girlfriend niya na kasal na siya. Matapos ang kanilang kasal ay sa condo na ni Dylan tumuloy si Anna. Ito rin kasi ang gusto ng mga magulang niya. “G-gusto mo bang kumain?” Tanong ni Anna kay Dylan ng makapasok sila sa loob. Masama naman na tiningnan ni Dylan si Anna habang napahawak ito sa kanyang noo. “Sa tingin mo, may gana pa akong kumain sa sitwasyon natin ‘to?” Asik nito sa kanya, kaya hindi na napigilan ni Anna ang mapaluha. Hindi niya kasi maiwasan na masaktan dahil sa pinapakita sa kanya ni Dylan. “Nakita mo ba ang pinto ng ‘yan?” Tiningnan ni Anna ang tinuro ni Dylan at tumango. “‘Yan ang magiging kwarto mo, at ito ang tandaan mo. ‘Wag na ‘wag kang pumasok sa kwarto ko. Naintindihan mo?” Mabilis na tumango si Anna at pinunasan ang kanyang pisngi. Hindi naman pinapansin ni Dylan ang pag-iyak ni Anna at basta nalang niya itong iniwan. Ayaw niya kasi itong makita dahil galit na galit Ito sa kanya. Makita niya lang ang mukha ni Anna, ay nasisira na nito ang araw niya, isa pa nitong inalala, kung paano niya sasabihin Kay Britney ang tungkol sa kanila ni Anna.MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXICHAPTER 143RD POV “Anong tinitingin-tingin mo?” Tanong niya kay Ella, kaya mabilis itong nag-iwas nang tingin, at nag-yuko ng mukha. “Wala po..” “’Wag mo na akong tingnan, dahil ayokong tinitingnan ako.” “Bakit po Sir? Gwapo naman kayo..” Mabilis na napa-ubo si Joseph, dahil sa narinig niya mula rito. “Hindi po ba kayo naniniwala?” “Alam ko na ‘yon, at kahit hindi mo na sabihin, alam ko nang gwapo ako.” “Ako po ba maganda?” agad na natigilan si Joseph, dahil sa tanong nito sa kanya. “Hindi.” Nag-angat ito ng mukha at tumingin sa kanya. “Bakit sinabi ng classmates ko maganda ako.” Kunot-noo na napatingin dito si Joseph, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Naniwala ka naman?” Tanong ni Joseph, habang mabilis itong nailing. Lihim naman siyang napangiti, dahil sa sagot nito. “Kaya kung may manligaw man sa ‘yo, ‘wag mong sagutin, dahil niloloko ka lang no’n.” Mabilis itong tumango habang mas lumawak pa ang pagngiti ni Joseph. Nang sumapit ang gabi, ay
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXICHAPTER 133RD POV Hindi muna siya umalis at tiningnan niya muna si Ella, habang papasok ito sa loob ng campus. Agad na kumunot ang noo niya, nang makita niyang may kasabay itong lalaki. “Alamin mo kung sino ‘yong lalaking kasama niya.” Wika niya sa tauhan niya, habang mabilis itong tumango, at lumabas. “Umalis na tayo.” Sumandal si Joseph sa upuan ng kotse, habang hindi pa rin nawawala ang inis na nararamdaman niya. ‘Ang bilis niya namang nakahanap ng nobyo?’ Nang makarating siya sa opisina, ay mabilis niyang binuksan ang monitor niya, agad din niyang tiningnan isa-isa ang mga documents, para matapos na ang mga gawain niya. Nang tumunog ang phone ni Joseph, ay agad niya itong tiningnan. Nang makita niyang ang secretary niya ang tumawag, ay mabilis niya itong sinagot. “Bakit?” “Sir, papunta na po r’yan ang mga tauhan mo.” “’Wag mo na silang patuluyin,” balewala na sagot niya rito, dahil nagbago na ang isip niya. Ayaw na niyang magpadala ng mga tauh
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXICHAPTER 123RD POV Nang makaramdam nang antok si Joseph, ay mabilis niyang ginising si Ella, dahil gusto na niyang umuwi. “Wala kabang balak na umuwi?” tanong niya rito, nang makita niya itong nag-dilat ng mga mata. “Baka gusto mong dito ka nalang matulog.” Muling wika ni Joseph, habang mabilis na tumayo si Ella. “Bilisan mo na, at dalhin mo ang mga gamit ko.” Utos niya rito, habang iniwan ito. Habang naglalakad, ay naririnig niya ang patuloy na pagtunog ng t’yan nito, kaya nilingon niya ito. “Hindi ka pa kumain?” Tanong niya rito, habang mabilis itong umiling sa kanya. “Bilisan mo na, para kumain ka sa bahay.” Wika niya rito, habang muli itong iniwan. Wala rin kasi siyang pakialam kung magugutom ito. Nang makapasok siya sa kotse, ay napalingon siya rito, at hindi niya napigilan na mapa-kunot ang noo niya, nang makita niya ang mukha nito. Naalala niya kasi si Summer. “Bilisan mo nang pumasok.” Wika ni Joseph, habang dali-dali itong pumasok sa front
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXICHAPTER 113RD POV Halos sumakit ang ulo ni Joseph, dahil sa dami ng mga documents na kailangan niyang basahin. Hindi niya rin mapigilan ang nakaramdam nang inis sa secretary niya, dahil wala pa ang pinapadala niyang tao. Tinawag niya ang tauhan niya, dahil gusto niyang ipasundo na si Ella. Gusto niya kasing malinis ang buong opisina niya. “Bilisan n’yo na, sunduin niyo na siya.” Utos niya rito, at mabilis naman itong umalis. Nang pumasok ang isang department manager sa loob ng kanyang opisina, ay agad siyang napatingin dito. “Nagawa mo na ba ang inutos ko?” Tanong niya rito, habang mabilis itong umiling. “Hindi pa po Sir.” Mabilis na hinampas ni Joseph ang lamesa niya, dahil sa narinig niya mula rito. “Pwede bang ‘wag mo akong pa-hintayin ng matagal! Ibigay mo sa akin ang lahat ng files, sa nilabas niyong pera, rito da kumpanya, at ‘wag mo akong paghintayin pa ng matagal, dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kung gawin.” Wika niya rito, habang mab
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIV C43RD POV Nang hindi makita ni Alex, ang babaeng naikama niya ay hindi niya mapigilan na nakaramdam nang inis."Lola!!" Malakas na sigaw ni Alex, habang pinuntahan ang lola niya. "Bakit kaba sumisigaw Alex?" tanong nito sa galit na boses. "Bakit mo siya tinatago sa
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 73RD POV "Kaninong bahay 'to?" Tanong sa kanya ni Isla, matapos silang pumasok sa bahay na binili niya. "Nangungupahan ako para may matirhan tayo." Sagot niya habang pumasok sa loob. "Talaga? Ang galing naman, pati pala gamit pwede nating gamitin?" Tuwang t
BOOK22 C10 3RD POV "Bakit hindi maipinta 'yang mukha mo?" Natatawang wika sa kanya ni Greeg. "Nasa'n ang asawa mo?" Tanong niya rito, kaya mabilis itong tumingin sa likuran nito at tinawag si Asuka. "Bakit?" Tanong nito, matapos itong makalapit sa kanila. Inalalayan naman ito ni Greeg na umupo
BOOK22 C8 3RD POV "Nakita n'yo ba siya?" Tanong niya sa kanyang mga tauhan, matapos silang bumalik. Kanina pa niya inuutusan silang hanapin ang babaeng sumunod sa kanya kanina. "Hindi po namin siya naabutan Boss." Wika sa kanya ng kanyang tauhan, kaya galit niya itong tiningnan."Paano nakatakas


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore