Share

My Mysterious Wife
My Mysterious Wife
Author: Darkshin0415

Chapter 1

Author: Darkshin0415
last update publish date: 2024-09-15 11:51:03

C1

3RD POV

“Dad! Ayoko pong magpakasal sa kanya!” Iyak na wika ni Anna sa kanyang ama. Hindi niya kasi inakala na basta nalang itong mag-desisyon na ipakasal siya sa anak ng kaibigan nito na si Dylan. 

Hindi naman maipagkakaila ng dalaga na may gusto siya sa binata, pero alam niya kasi na may girlfriend ito at mahal na mahal ito ni Dylan. 

“Ang pinaka-ayaw kung marinig Anna ay ang tanggihan mo ako sa lahat ng gusto ko! Alam mong si Dylan lang ang makaka-salba sa negosyo natin na palubog na!” 

“Pero Dad!” 

“Tumigil ka na Anna! Dapat kang sumunod sa iyong ama! Alam mo kung gaano siya nagsikap, para sa kumpanya natin, tapos hindi mo pa siya magawang pagbigyan?” 

“Paano ko siya pagbigyan Tita? Alam mo naman na masyado pa akong Bata. Isa ka, kaka-graduate ko lang.”

“Wala kaming paki-alam! Basta ang gusto namin ang sundin mo.” Napa-upo si Anna, matapos niyang marinig ang sinabi ng stepmother niya. 

“Dad…” Mahina niyang sambit sa kanyang ama at hinawakan ang braso nito.

“Kung gusto mo pang manatili rito, sumunod ka.” Wika ng kanyang ama, habang humagulgol ng iyak ang dalaga. 

Alam niyang kahit ano ang gagawin niya ay hindi pa rin makikinig ang kanyang ama sa kanya. Wala rin siyang choice kundi ang sundin ito, dahil ayawn niyang mapalayas. Bukod kasi sa kanyang ama, ay wala na siyang alam na kapamilya nila. 

Tuwang-tuwa na sinalubong ni Max at Fely si Sandro at Kim. Napatingin naman sa likod si Max, nang hindi niya makita si Dylan. 

“Tuloy kayo, Kumpadre.” Ngiting wika ni Max, habang giniya sa dining area ang mag-asawa. 

“Si Dylan?” Tanong ni Fely matapos maka-upo ng kanilang mga bisita. 

“Nasa labas, ‘wag kayong mag-alala, susunod din ‘yon.” Wika ni Sandro at tinungga ang baso ng wine na binigay sa kanya ng katulong. 

“Ito na ba si Anna?” Ngiting tanong ni Kim, habang napatingin sa dalaga. Dali-dali naman na lumapit si Fely kay Anna at hinahaplos ang mahaba at itim nitong buhok. 

“Oo, ‘di ba Kumare, ang ganda ng anak ko?” Matipid na ngumiti si Anna, habang malawak na ngumiti sa kanya si Kim. 

“Sorry I’m late.” Nakatuon ang atensyon nila sa pagpasok ni Dylan. Kahit si Anna, ay hindi nito napigilan ang kanyang sarili na mapatitig sa binata, dahil sa angking nitong kakisigan at kagwapuhan. 

“Umupo ka Hijo.” Wika ni Fely. Napakunot naman ang noon ni Anna, dahil sa ginawa ng Tita niya, pwede naman sana na ang katulong nila ang gumawa nito. 

“Kailan ang kanilang kasal?” Ngiting wika ni Fely, kaya napatingin sa kanya si Anna. Pero nilakihan lang nito ang kanyang mga mata, kaya mabilis na nagyuko ang dalaga. 

“Kung kailan niyo gusto, alam niyo naman na walang problema ‘yon sa amin. Isa pa, nakahanda na rin ang anak namin para sa kasal nila ni Anna.” Napatingin si Anna kay Dylan at alam niya na napilitan lang ito. 

“Kahit sa judge nalang kami magpakasal Dad, ayos na ‘yon sa amin, ‘di ba Anna?” Ngiting wika nito habang mabilis na tumango sa kanya si Anna. Gustuhin man sana ng dalaga na sa simbahan sila magpakasal, ay Wala itong magawa kundi ang maging sunod-sunuran lang sa binata. 

Matapos ang dinner nila ay niyaya ni Dylan si Anna sa labas. Ayaw sana ni Anna na makipag-usap kay Dylan, dahil alam niya na galit ito sa kanya, pero ang Tita Fely na niya mismo ang nagtulak sa kanya palabas. 

“Ito ba talaga ang gusto mo?” Mabilis na nagyuko si Anna sa kanyang ulo dahil ayaw nitong tingnan ang galit na mukha ni Dylan. 

“Alam mong hindi kita mahal!” Sigaw nito, kaya napapitlag ang dalaga. 

“W-wala akong magagawa… Kailangan kung sumunod sa kanila..” Nanginginig ang boses nito at pinipigilan ang mapa-iyak. 

“Walang magawa? ‘Wag mo na ngang bilugin ang ulo ko! Alam ko na gusto mo rin na maikasal sa akin!” Sigaw muli ni Dylan habang naka-pamewang ito sa harapan ni Anna.

“Bakit hindi nalang ika-.” Natigilan si Anna at muling napapitlag dahil sa muling pag-sigaw ni Dylan sa kanya.

“Sa tingin mo ba kaya ko ‘yon?” 

“Bakit hindi mo kaya? Ikaw naman ang lalaki rito?”

“Damn it!! Hindi ko ‘yon magagawa dahil mawawalan ako ng mana, kung hindi ako susunod sa kanila.” Napayuko si Anna, dahil kahit siya, ay walang magawa para pigilan ang kasal nila. 

“Ayos lang ba kayong dalawa r’yan?” Gulat na napatingin si Dylan ng makita si Fely na papalapit sa kanila. 

“A-ayos lang kami Tita, ‘wag po kayong mag-alala.” Ngiting wika ni Anna, habang mabilis silang iniwan ni Dylan. 

“Anong sinabi nun sa ‘yo?” Tanong ni Felya, habang napatingin si Anna kay Dylan na papalayo sa kanila. 

“W-wala naman Tita, tinatanong niya lang ako sa mga bagay na gusto ko.” Pagsisinungaling ni Anna sa kanya. Malawak naman na napangiti si Fely dahil sa kanyang narinig mula kay Anna. 

“Siguraduhin mong mapasa ‘yo ang kayamanan niya.” Gulat na napatingin si Anna kay Fely, habang inayos nito ang kanyang buhok. 

KINABUKASAN ay ikinasal si Anna at Dylan. Wala naman na ibang dumalo kundi pamilya lang nila, dahil ayaw ni Dylan na may ibang makaka-alam sa kasal nila ni Anna. Ayaw din ni Dylan na malaman ng girlfriend niya na kasal na siya. 

Matapos ang kanilang kasal ay sa condo na ni Dylan tumuloy si Anna. Ito rin kasi ang gusto ng mga magulang niya. 

“G-gusto mo bang kumain?” Tanong ni Anna kay Dylan ng makapasok sila sa loob. 

Masama naman na tiningnan ni Dylan si Anna habang napahawak ito sa kanyang noo.

“Sa tingin mo, may gana pa akong kumain sa sitwasyon natin ‘to?” Asik nito sa kanya, kaya hindi na napigilan ni Anna ang mapaluha. Hindi niya kasi maiwasan na masaktan dahil sa pinapakita sa kanya ni Dylan. 

“Nakita mo ba ang pinto ng ‘yan?” Tiningnan ni Anna ang tinuro ni Dylan at tumango.

“‘Yan ang magiging kwarto mo, at ito ang tandaan mo. ‘Wag na ‘wag kang pumasok sa kwarto ko. Naintindihan mo?” Mabilis na tumango si Anna at pinunasan ang kanyang pisngi. 

Hindi naman pinapansin ni Dylan ang pag-iyak ni Anna at basta nalang niya itong iniwan. 

Ayaw niya kasi itong makita dahil galit na galit Ito sa kanya. Makita niya lang ang mukha ni Anna, ay nasisira na nito ang araw niya, isa pa nitong inalala, kung paano niya sasabihin Kay Britney ang tungkol sa kanila ni Anna. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (52)
goodnovel comment avatar
Lena
Beautiful story
goodnovel comment avatar
Estrellita
Nice atory
goodnovel comment avatar
Areola P Eileen
Next chapter pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Mysterious Wife   MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXI CHAPTER 1

    MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXI CHAPTER 1 “Jacob!” Tawag sa kaya ni Summer, kaya malawak siyang ngumiti rito, habang nilapitan siya nito. “Ito pala ang towel mo, galingan mo sa laro.” Wika nito sa kanya, habang inabot nito ang hawak nitong towel, pati na rin ang tubig.“Ako pa, alam mo naman kung gaano ako kagaling ‘diba?” Mayabang na wika ni Jacob dito, habang hinaplos niya ang buhok ng dalaga. Nang tawagin siya sa kanyang teammates, ay agad siyang nagpaalam kay Summer.“Mukhang seryoso ka sa isang ‘yon..” Natatawang wika sa kanya ng kaibigan niyang si Carson. “G*go, alam mo naman na kailangan kung manalo sa pustahan,” ngiting wika niya rito. “Pero malapit na rin mag-isang buwan, ‘wag mong sabihin na wala ka pang balak na hiwalayan siya?” “Wag kang mag-alala, darating din kami d’yan, pero sa ngayon, kailangan ko muna siyang paibigin nang husto sa akin. ‘Yong tipong mababaliw siya sa oras na hiwalayan ko siya.” Ngiting wika niya sa kaibigan niya, habang nailing ito sa kanya. Nang

  • My Mysterious Wife   BOOK XXX CHAPTER 31 WAKAS

    MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXCHAPTER 313RD POV “Mabuhay ang bagong kasal!!” Malakas na sigaw ng mga taong nasa loob ng simbahan, malawak naman na ngumiti si Gideon at Kate, habang buhat nila ang mga anak nila.“Hindi mo lang aam kung gaano ako kasaya ngayon Kate..” bulong na wika ni Gideon, habang ngumiti ito sa kanya. “Sobrang saya ko rin Gideon, dahil buo na ang pamilya natin, at hindi na mararanasan pa ng mga anak natin ang ma-bully,” mabilis na kumunot ang noo niya, dahil sa narinig niya mula rito. “Anong bull-.” Agad na natigilan si Gideon, nang makita niya ang mga magulang niya, pati na rin ang magulang ni Kate na lumapit sa kanila. “Congrats mga Anak..” Ngiting wika sa kanila ni Keyla.“Salamat Mommy..” Mahigpit na yumakap si Kate sa kanyang ina, pati na rin sa kanyang ama. “Patawad K-Kate..” Mahinang sambit sa kanya ni Ramona, kaya napatingin si Kate rito. “Kalimutan niyo na po ang nangyari.” Sagot nito, habang niyakap si Ramona. “Hindi ko akalain na sobrang bait mo Hij

  • My Mysterious Wife   BOOK XXX CHAPTER 31

    MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXCHAPTER 313RD POV “Alam mo bang hindi na kailangan pa ang DNA test sa mga Apo namin Gideon.” Iling na wika ng kanyang ama sa kanya.“Itsura at kilos pa lang nila, ay kuhang-kuha na nila sa ‘yo.” Napatingin siya sa kanyang ama, habang hindi niya mapigilan na mapangiti, dahil tama ito. Naalala niya rin ang mga kalokohang ginagawa niya noon at nakuha ito ni Kyrie. Si Kenzo naman ay hindi niya alam kung saan minana nito ang pagiging mukhang pera, hindi kasi siya mukhang pera noon. “Nasa’n ang kanilang ina Gideon? Bakit sila lang ang kasama mo? At totoo ba ang sinabi nilang, si Kate ang kanilang ina?” tanong sa kanya ng kanyang ina.“Oo Mommy..”“Kung gano’n, napabilang kana sa mga Wang, Anak?” Malungkot siyang tumingin sa kanyang ina, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Oo Mommy, pero gusto kung makilala nila ako at ang mga negosyo ko sa pangalan natin, ayokong isipin nilang mas yumaman tayo, dahil sa mga Wang, dahil gusto kung may ipagmamalaki ako sa pamilya n

  • My Mysterious Wife   BOOK XXX CHAPTER 30

    MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXCHAPTER 303RD POV “Baba!” Napatingin siya kay Kate, habang kita niya pa rin ang galit sa mukha nito. “Mommy!!” Napatingin siya sa tatlong bata na lumapit kay Kate.“T-tatlo sila?” Tanong ni Gideon, habang gulat siyang napatingin sa apat na lalaking lumapit sa kanila. Iisa lang kasi ang mukha nila ni Kate. “Nakita mo na pala ang lokong ‘to?” Wika ng isa, habang mabilis siyang nagtago sa likod ni Kate. “Bakit iisa lang ang mga mukha ninyo?” Tanong niya kay Kate, habang nilingon siya nito. “Dahil kambal kaming lima,” sagot nito sa kanya, habang napalunok siya sa kanyang laway.“G*go ka, ngayon ka lang nagpakita sa kapatid namin, kung kailan malaki na ang mga bata!” galit na wika sa kanya ng isang lalaki. “Hindi ko kasi alam, hindi sinabi sa akin ni Kate na na-buntis ko siya.” “Kung gano’n anong plano mo ngayon?” “Ano kaba naman Alex, hindi na kailangan ng mga pamangkin natin ng daddy, kaya mas mabuti pang-ibaon nalang natin siya sa lupa ng buhay.” Nap

  • My Mysterious Wife   BOOK XXX CHAPTER 29

    MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXCHAPTER 293RD POV Nailing si Gideon, dahil sa sinabi sa kanya ni Kate. “Bakit ako?” tanong niya sa naiinis na boses.“Dahil ikaw lang naman ang kanilang ama, kaya sila nagmamana sa ‘yo.” Gulat na na-patingin si Gideon kay Kate, dahil sa sinabi nito sa kanya. “’Wag mo akong biruin ng ganyan Kate.” Galit na wika ni Gideon, habang nilapitan siya ni Kate, at piningot ang tainga niya. “Sa tingin mo nagloloko pa ako?” Galit na tanong nito sa kanya, habang mas hinigpitan nito ang paghawak ng tainga niya. “D*mn it! Kate! Bitawan mo ako!” Mahina na wika ni Gideon, habang hinawakan niya ang kamay ni Kate. “Bitawan mo ako, nakakahiya ‘tong ginawa mo.” Nailing sa kanya si Kate, dahil sa sinabi niya rito. “Nahihiya kana pala ngayon? Isakay niyo siya sa kotse, at hanapin niyo si Kenzo!” Utos ni Kate, habang pinasok siya ng mga tauhan nito sa loob ng kotse nito.“Mommy sigurado ba kayo sa sinabi n’yong siya ang daddy namin?” Narinig niyang wika ng bata kaya napati

  • My Mysterious Wife   BOOK XXX CHAPTER 28

    MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXCHAPTER 283RD POV Habang nasa ibang bansa si Gideon, ay pinagbutihan niya ang kanyang pag-aaral, gusto niyang makapagtapos agad at maka-graduate, para muling makabalik sa Pilipinas. Naisipan niyang pumunta muna sa isang mall, para bilhin ang ibang kailangan niya sa bahay niya. Pero agad na natigilan si Gideon, nang makita niya sa unahan si Kate. "B-buntis siya?" Utal na wika niya, habang napatingin sa malaking t'yan ni Kate. Malawang siyang napangiti, dahil iniisip niya na siya ang ama, ng pinagbubuntis nito. Pero mabilis siyang natigilan nang bigla nalang may umakbay na lalaki kay Kate. Napa-kuyom ang kamao ni Gideon, habang mabilis siyang umalis. Halos ibangga niya ang kotse niya, dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya rito. Kahit anong pigil niya rin sa sarili niya na 'wag umiyak, ay kusa na nag-lalandas ang mga luha niya sa kanyang mga mata. "Fvck! Walang kwenta 'tong lahat ng ginagawa kung 'to!!" Malakas na sigaw ni Gideon, habang mabilis niyang itin

  • My Mysterious Wife   Chapter 273

    273 WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “Aaron, saan ba tayo pupunta? Bakit tayo umalis do’n? Baka magalit si Mommy Aira, kapag nalaman niya na umalis tayo at hindi man lang nagpaalam sa kanya.” Wika ni Hanma, matapos silang sumakay sa kotse ni Aaron. “Pupuntahan tayo sa lugar na tayo lang. ‘

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • My Mysterious Wife   Chapter 235

    2353RD POV “Kumain kana.” Wika ni Judith, habang nakatingin kay Reymart. Busy kasi ito sa phone niya, dahil kagabi pa niya inutusan ang mga tauhan niya na hanapin si Diana, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita rito. Isa pang kinaiinisan niya, ay hindi man lang tumawag sa kanya ang ka

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • My Mysterious Wife   Chapter 245

    2453RD POV “Mommy!” Napatingin si Aira sa anak niyang si Dell, habang papalapit ito sa kanya. “Anong ginawa mo rito?” Tanong ni Aira. “Mom, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na ikakasal na pala si Kuya?” “Nakalimutan ko.” “Mom, pwede bang ‘wag mo nalang siyang pilitin na magpakasa-.” “K

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • My Mysterious Wife   Chapter 270

    270 3RD POV “Sino ka? At bakit ka naka-upo riyan?” Kunot-noo na tanong niya rito. Mabilis na tumayo at tumingin ito sa kanya. “Inutusan po ako.” Yukong wika nito. “Kung ganun, bakit ka naka-upo sa upuan niya? Alam mo bang ayaw na ayaw niyang may ibang tao na umupo r’yan?” Taas kilay na wika ni

    last updateLast Updated : 2026-03-22
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status